You are on page 1of 3

Division of Sarangani Province

COLON NATIONAL HIGH SCHOOL


Maasim, Sarangani Province
BANGHAY ARALIN SA KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Date: June 29, 2017

Nilalaman: Mga Konseptong Pangwika

Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang
Pilipino.
Pamantayan sa Pagganap:
Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan ng Wikang Pambansa ng
Pilipinas.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan.

I. LAYUNIN

Matapos talakayin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a) Natutukoy ang kahulugan ng unang wika at nauuignay sa lipunang ginagalawan .


b) Nakapagsasagawa ng dula tungkol sa unang wika at pangalawang wika
(F11PS-Ib-86)

II. Paksang Aralin

Paksa: Unang Wika at Pangalawang wika


Sanggunian: Bloomfield, Leonard, Language,ISBN 81-208-1196-8, Internet
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Alma M. Dayag at Mary Grace G. Del Rosario pp. 25-40
Kagamitan: Laptop, Video clips, biswal na kagamitan, manila paper
III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

 Panalangin

 Pagbati sa mga mag-aaral

 Pag tsek sa atendans

 Pagbasa sa layunin

 Balik-aral

 Magtatanong ang guro kung sino ang makapagbigay ng recap sa pinag-


aralan noong nakaraang sesyon.
B. Pangganyak
(Video clip tungkol sa pag-uusap ng pamilya)

C. . Paglalahad/Pagtatalakay

Unang Wika -ay tinatawag na katutubong wika o arterial na wika.

-wika na natutunan ng isang tao mula sa kanyang kapanganakan. Batayan para


sa pagkakakilanlan ng sosyolinggwistika ang unang wika ng isang tao.

Pangalawang wika- ito ay ang wikang natutunan sa eskwelahan.

-ang wikang banyaga o wikang ingles.

D. Aplikasyon (Role Play)

 Hahatiin sa 4 na grupo ang buong klase at isasadula ang una at pangalawang


wika.
 Sitwasyon : Sa loob ng Bahay, Silid-aralan, palengke, parke at iba pa.

E. Paglalahat/pagpapahalaga

1. Ano ang unang wika?


2. Ano ang pangalawang wika?
3. bakit mahalaga ang unang wika?
4. Ano-ano ang kahalagahan ng unang wika?
5. Paano natutunan ang pangalawang wika?

IV. Pagtataya(1/2)

Paggawa ng maikling talata tungkol sa kahalagahang dulot ng una at


pangalawang wika gamit ang una at iba pang wikang natutunan.

PAMANTAYAN:

Orihinalidad ----------------------10 puntos

Pagkamalikhain-------------------------10 puntos

Kaangkupan sa nilalaman------------10 puntos

Kabuuan----------------------------------30 puntos

V. Kasunduan/ Takdang Aralin

Alamin at isulat sa papel ang una at pangalawang wika ng mga tao sa inyong
purok na kinabibilangan.

Inihanda ni:

Leda Angelie T. Alonzo

You might also like