You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Oriental Mindoro

BANGHAY ARALIN
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Baitang: 11
Kwarter: 1
Oras: G11 Immanuel Kant, Wednesday-7:30-9:30, G11 Michael Faraday, Wednesday (1:00 – 2:00)

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika
sa lipunang Pilipino
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong
kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad
C. Mga Pamantayan sa Pagkatuto
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggan/napanood na
sitwasyong pang komunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon
(Halimbawa: Tonight with Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie,Word of
the Lourd (http://lourddeveyra.blogspot.com) (F11PN – Ia – 86)
D. Kasanayang Pampagkatuto
1. Nagagamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay-halimbawa
sa mga gamit ng wika sa lipunan (F11WG-le-85)
2. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyong nagpapakita ng gamit ng wika
sa lipunan (F11EP-Ie-31)
II. Paksang Aralin
Aralin 5: Iba’t ibang Gamit ng Wika sa Lipunan
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
 CO_Q1_KPWKP SHS Module 5
B. Iba pang Kagamitang Panturo
1. PowerPoint Presentation
2. Activity sheet
3. Laptop, TV
4. Bidyo
IV. Proseso ng Pagkatuto
A. Preperasyon
a. Nakagawiang Gawain
b. Motibasyon/ Balik Tanaw
Balik tanawin ang mga aralin na tinalakay sa nakalipas na talakayan.
B. Presentasyon
a. Pagganyak
Magpapatugtog ng awit ang guro habang lumilibot ang isang laruan. Kung sino ang may hawak
oras na tumigil ang tugtog ay siya ang sasagot ng katanungang inihanda ng guro.
C. Paglinang
Quiz Bee
Ipapangkat ng guro sa lima ang mga mag-aaral. Sasagutan ng mga ito ang mga katanungang
inihanda ng guro.Kinakailangang ang lahat ay tumulong sa pagpapasya kung ano ang kanilang
isasagot. Kinakailangan ng cardboard upang magsilbing sagutan.

Doroteo S. Mendoza Sr. Memorial National High School


Pagkakaisa, Naujan, Oriental Mindoro, 5204
Celphone No.: 09199943940 / Email Address: dsmsmnhs031532@gmail.com
D. Pagninilay
Malaki ang ginagampanang papel ng wika sa ating buhay. Hindi maitatangging sa
lahat ng aspekto ay may wikang kailangan upang maisagawa o maganap ang isang kilos o
pangyayari. Sa katunayan, mayroong iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan. Pasalita man o
pasulat ay may kanya-kanyang gamit ang wika. Tunay na mahalaga ang mga tungkuling ito
sa pakikipag-ugnayan. Ang mga gamit ng wika ay pang-instrumental, pang-interaksyunal,
pampersonal, pangheuristiko, pangrepresentatibo, pang-imahinasyon at panregulatori. Ang
bawat gamit ng wikang ito ay esensyal sa lahat ng uri ng pakikipagtalastasan.

E. Aplikasyon
1. Ipapangkat ng guro ang mga mag-aaral. Bubunot ng isa sa mga gamit ng wika sa lipunan na sila
nilang gagawan ng maikling dula-dulaan. Pito-sampung minutong preparasyon at dalawa hanggang
tatlong minutong presentasyon.
Pamantayan
Kaugnayan ng gamit ng wika na napili 10 puntos
Pagkamalikhain 7 puntos
Partisipasyon 3 puntos
Kabuoan 20 puntos
F. Pagtataya
Sasagutan ng mga mag-aaral ang Gawain IV sa sagutang papel.
G. REPLEKSYON
A. Bilang ng mga mag-aaral na na nakakuha ng 80 bahagdan (80%) sa
isinagawang ebalwasyon
B. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng mababa sa 80 bahagdan
(80%) na kinakailangang magsagawa ng mga aktibiti bilang remedyal
C. Naging mainam ba ang remedyal na aralin? Bilang ng mga mag-aaral na
nakasunod sa aralin.
D. Bilang mga mag-aaral na kinakailangan parin ng remedyal
E. Alin sa aking mga estratehiya ang nagustuhan ng mga mag-aaral? Bakit
kaya ito ang kanilang nagustuhan?
F. Alin sa bahagi ng aking pagtuturo ako nagkaroon ng problema na
maaaring may maitulong sa akin ang aming punungguro o superbisor?
G. Anong inobasyon o gawang lokal na materyal ang aking ginamit na
maaari kong maibahagi sa aking mga kasama?
H. REMARK

Inihanda:

ABEGAIL M. HIDALGO
Guro II

Nabatid:

FELICITO R. DOLOR JR.


Dalubguro I

Pinagtibay:

BEDILLA B. NAVELGAS
Punungguro III

Doroteo S. Mendoza Sr. Memorial National High School


Pagkakaisa, Naujan, Oriental Mindoro, 5204
Celphone No.: 09199943940 / Email Address: dsmsmnhs031532@gmail.com

You might also like