You are on page 1of 5

Department of Education

MIMAROPA Region
Schools Division of oriental Mindoro
Naujan East District
BACUNGAN HIGH SCHOOL
Bacungan, Naujan

FILIPINO 9

Petsa: Enero 5, 2021

Taon at Pangkat: Grade 9 - Blue

Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang tinalakay ng


Silangang Asya.

Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa


pagiging Asyano.

I. Batayang Kompetensi

1. Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento na may katutubong kulay. F9PB-IIe-f-
48
2. Nabibigyang-kahulugan ang mga imahe o simbolo sa binasang kwento. F9PT-IIe-f-48

3. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng


napakinggang salaysay F9PN-IIe-f-48

II. Paksang Aralin

Panitikan: Niyebeng Itim ni Liu Heng

Maikling kwento - China

Salin ni Galileo S. Zafra

Retorika: Pagpapalawak ng pangungusap gamit ang Panuring (Pang-uri at Pang-abay)

Uri ng Teksto: Naglalarawan

III. Pamamaraan

A. Pang-araw-araw na gawain

1. Panalangin

2. Pagbati

3. Pagsasaayos ng silid-aralan

4. Pagtiyak ng liban

B. Pagbabalik-aral

Patungkol saan ang paksang ating tinalakay noong nakaraang talakayan?


Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division of oriental Mindoro
Naujan East District
BACUNGAN HIGH SCHOOL
Bacungan, Naujan

C. Pagganyak

Gawain I. Kwento ay Suriin

Tukuyin ang nais bigyang-pansin na bahagi ng kwento gamit ang mga simbolo.

TAUHAN

LUGAR

PANGYAYARI

Mga Susing Sagot:

1. 2. 3. 4. 5.

D. Pagtalakay
Pagtalakay

 Pagbasa ng isang maikling kwentong makabanghay na Niyebeng Itim ni Liu Heng Maikling kwento –
China na isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra.
 Dugtungang pagbubuod ng kwento.

Pagpapalawak ng Kaisipan

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na kaisipang hango sa akdang binasa.

Kaisipan Paliwanag
1. Kailangang palakasin ang kanyang loob; kung ididlat
lamang niya ang kanyang mata, paaandarin ang utak, at di
matatakot magtrabaho, maaayos ang lahat.
2. Saanman siya magpunta, laging may nagsasabi sa kaniya
kung ano ang dapat at di dapat gawin; sa pagtingin sa kanya
nang mababa, umaangat ang kanilang sarili.
3. Gusto niyang lumaban, pero wala siyang lakas. Kaya
magpapanggap siyang tanga, umiiwas sa mga nagmamasid at
nagmamatyag.
4. Isa syang basurahan o isang pirasong basahan na nais
magtago sa isang butas.
5. Mas mabuting maghintay kaysa umayaw, dahil walang
nakaaalam kung kailan kakatok ang oportunidad.

 Makilala Mo Kaya?
Anong kulturang Tsino ang masasalamin sa maikling kwentong tinalakay? Paano mo
ito maiuugnay sa kulturang Pilipino? Ipaliwanag.

E. Paglalapat
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division of oriental Mindoro
Naujan East District
BACUNGAN HIGH SCHOOL
Bacungan, Naujan

 Pangkatang Gawain

Panuto: Pag – aralan ang mga ilustrasyon. Ilarawan ang kilos/gawi at paniniwala ng
pangunahing tauhan sa pamamagitan ng awit, tula, at dula.

B
*Pangkat C
I. Sagot mo, Awitin mo

Panuto: Ilarawan ang kilos/gawi at paniniwala ng pangunahing tauhan sa larawan A sa pamamagitan


ng awit.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Nilalaman - 5

Tono - 3

Partisipasyon - 2

Kabuuan 10

*Pangkat II. Tulain Mo Nga!

Panuto: Ilarawan ang kilos/gawi at paniniwala ng pangunahing tauhan sa larawan B sa


pamamagitan ng tula.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Nilalaman - 5

Wastong gamit ng mga Salita - 3

Partisipasyon - 2

Kabuuan 10

*Pangkat III. Sine Mo ‘to

Panuto: Ilarawan ang kilos/gawi at paniniwala ng pangunahing tauhan sa larawan C sa


pamamagitan ng maikling dula - dulaan.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Nilalaman - 5
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division of oriental Mindoro
Naujan East District
BACUNGAN HIGH SCHOOL
Bacungan, Naujan

Kaangkupan ng emosyon - 3

Partisipasyon - 2

Kabuuan 10

F. Paglalahat

 Pagbabahagi sa klase ng natapos na gawain.


 Pagkuha ng feedback sa mga kapwa mag-aaral patungkol sa isinagawang
pangkatang gawain.
 Pagmamarka batay sa inilahad na mga pamantayan.
 Pagbuo ng mahalagang konsepto patungkol sa paksa.

IV. Ebalwasyon

Gawain. I Feel Ya!

Panuto: Gamit ang iba’t ibang emoticon, tukuyin ang damdaming lumutang sa mga
pangyayari sa akda.

_____________1. Halos hindi siya napansin ng mama – tila ito isang lalaking tumitingin ng
kung anong paninda.

_____________2. Labas sa kanyang pantasya, wala syang makitang babae na karapat –


dapat sa kanyang pagmamahal.

_____________3. Nakabilanggo pa rin ang kaniyang isip at damdamin kahit pinalaya na siya
sa kampo.

_____________4. Sa ikaapat na araw, wala pang kalahating oras pagbukas niya ng tindahan,
nakapagbenta siya ng kasuotang pang – army.

_____________5. Sa kabuuan, mas maayos ang kinalabasan kaysa kaniyang inaasahan.

Mga Susing Sagot:

1. 3. 5.

2. 4.

Gawain. Nauunawaan Ko

Panuto: Ilahad nang sunod – sunod ang mga pangyayari sa akdang binasa gamit
ang bilang 1 – 5.

_______ 1. Nagpakuha ng 15 litrato si Huiquan na gagamitin para sa aplikasyon ng lisensya


sa sisimulan niyang negosyo.
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division of oriental Mindoro
Naujan East District
BACUNGAN HIGH SCHOOL
Bacungan, Naujan

_______ 2. Sa ikaapat na araw, wala pang kalahating oras pagbukas niya ng tindahan,
nakapagbenta siya ng kasuotang pang – army.

_______ 3. Sa kanyang pagmumuni – muni, naalala niya si Lou Xiaofen, ang kanyang unang
pag – ibig, dahil sa balitang ikakasal na ito.

_______ 4. Nilibot niya ang buong bayan upang maghanap ng kakailanganin niyang lalagyan
ng mga ibebenta niyang mga kasuotan.

_______ 5. Ibinigay kay Huiquan ang pwesto sa may daanan sa timog ng Silangang tulay.
Hindi magandang puwesto.

* Mga Susing Sagot: 1 – 4 – 3 – 5 – 2

V. Kasunduan

Ilarawan ang buhay ng mga tao sa siyudad, partikular sa Maynila, batay sa akdang
“Nagmamadali ang Maynila”. (Panitikang Asyano 9, pahina 145.

Inihanda ni:

MILK ANN M. GENTEROY

Ipinabatid kay:

JUNE B. MARANAN
Ulongguro III

You might also like