Professional Documents
Culture Documents
Babaylán: Detalye Mula Sa Progress of Medicine Ni Carlos V. Francisco (1953)
Babaylán: Detalye Mula Sa Progress of Medicine Ni Carlos V. Francisco (1953)
Ang Visayan warty pig ay maliit at ngayon lámang kinilala bilang isang
hiwalay na species. Tulad ng ibang baboy-damo, malaki ang bulugan
kaysa inahin at may matitigas at mahahabang balahibo sa ulo at likod na
lumilitaw kapag panahon ng pambubulog. May tatlong pares lámang ng
súso ang inahin. Kamakailan din kinilála ang Mindoro warty pig bilang
hiwalay na species, lalo na sa tulong ng mga bungo nitó na iniingatan
ngayon sa Field Museum sa Chicago. Ang Palawan bearded pig ay may
pahabâng bungo at makapal na magaspang na putîng buhok na nakapaligid
sa pisngi at nguso. Mas mahabà ang mga binti nitó at malaki ang katawang
may madálang na balahibong kulay mamula-mulang kayumanggi.
Dinalaw ni Papa John Paul II ang simbahan noong 1981. Napabalita rin
ang dambana noong 1985 at gawin itong santuwaryo ng mga inhinyero at
teknisyan ng Comelec na saksi diumano sa dayaang panghalalan noong
panahon ng Batas Militar. Bantog namang tagapagtaguyod ng simbahan si
Gng. Imelda Romualdez na dinadalá pa ang mga anak doon kapag visita
iglesia sa panahon ng Kuwaresma. (VSA)
Badjáo
Idinirihe ni Pambansang Alagad ng Sining para sa Teatro at Pelikula
Lamberto Avellana ang pelikulang Badjáo (1957). Muling nagtambal dito
sina Tony Santos Sr. at Rosa Rosal. Inilalahad sa pelikula ang pamumuhay
ng mga katutubong magdaragat ng Mindanao at ang paghihirap ng
magsing-irog na naiipit sa tunggalian ng dalawang tribu, ang mga Badjaw
at mga Tausug.
Hindi matiyak kung tunay nga ba itong pangalan ng isang binyagang katu-
tubong Filipino o isang sagisag-panulat ng naturang pari na ang totoo diu-
manong pangalan ay Francisco Blancas de San Jose—at makikitang pare-
hong F.B. ang initial ng dalawa. Ang pari ang unang kumilalang romance
ang isinulat ni Bagongbanta na binubuo ng 112 taludtod sa salítang Tagalog
at Espanyol. Siya rin ang nagbansag na “ladino” ang may-akda—ibig sabi-
hin, isang katutubong natuto ng wikang Espanyol. Ayon sa mga kritiko,
ang kaniyang tula pati na rin ang mismong pangalan/sagisag-panulat ay
itinuturing na tagpuan ng dalawang kultura—ng katutubo at ng kanluranin
noong panahon ng kolonyalismong Espanyol. (KLL) ed VSA
bagoóng
Ang bagoóng ay binurong maliliit na hipon, sugpo, o isda na malimit
gawing sawsawan ng mga Filipino sa kanilang pagkain. Ang búro ay
tumutukoy sa paraan ng pag-iimbak ng pagkain sa pamamagitan ng
pagbulok sa asin.
Sa Ingles, cattle (ká·tel) ang pormal na tawag sa báka at cow (kaw) ang
kolokyal. Ang cattle ay sinasabing mula sa matandang Pranses na catel
at may orihinal na kahulugang naikikilos na ari-arian, gaya nga ng mga
alagang hayop, at upang maiba ito sa mga di-maikikilos na ari-ariang gaya
ng lupa o bukirin. Ang cow ay mauugat sa ous ng wikang Indo-Europeo at
ipinantutukoy sa mga hayop na bovid (gaya ng báka, bison, buffalo, oxen,
atbp). Ang modernong gamit ng cattle ay tumutukoy sa inaalagaang báka o
ganado (livestock sa Ingles). Tinatawag na oxen ang lahing putî ang balát
at higit na ginagamit sa gawaing pambukid.
Ang terminong bakawan ay may isa pang kahulugan. Maaari itong tumukoy
sa pook na maraming punongkahoy na bakaw o bakawan, isang lugar na
pumapagitna sa lupa at karagatan na tinitirahan ng mga isda.
Kalimitang hugis pana ang isang baklad. Maaaring umabot ng ilang daang
metro ang habà ng bawat isang tangkay sa gilid nitó. Ang kulungan ng
baklad na pansamantalang itinayô ay may panghatak na pukot at dalawang
dulo na nakaangkla sa baybay. Nananatili ang súpot ng pukot sa mababaw
na bahagi ng tubig at nagsisilbi itong lalagyan ng mga isdang nahuhúli.
May isang uri naman na gawa sa kawayan, lambat at alambre, o hibla ng
kawayan na ginagamit panali.
Ayon sa mga mito, ang laho ang may sala kung bakit nag-iisa na lang ngayon
ang buwan sa langit. Pitó raw talaga ang nilikhang buwan ni Bathala upang
maging tanglaw sa mundo pagsapit ng gabi. Ngunit nilamon ng bakunawa
ang anim dahil sa labis na pagkahumaling sa liwanag ng mga ito. Upang
pigilan ang laho sa tuluyang paglulon sa natitiráng buwan, itinataboy ito
ng mga sinaunang Filipino sa pamamagitan ng paglikha ng ingay. Ito ang
dahilan kung bakit laho ang tawag ng mga sinaunang Tagalog sa eklipse.
Ngunit hindi ito tumutukoy sa simpleng paglaho o pagkawala ng buwan.
Bagkus, inilalarawan nitó ang mismong pagkain ng laho o bakunawa sa
buwan gaya ng matatagpuan sa mga talâ ni Francisco de San Antonio sa
Vocabulario Tagalo (1620): “cqinain nang Laho ang bouan,” “masaquit
ang paglamon ng Laho sa buwan,”,“inaloua nang Laho ang bouan,” at
“linamon pala nang Laho ang bouan caya nangamarillim.” Ganito rin
ang paglalarawan ng mga sinaunang Bisaya sa eklipse gamit naman ang
bakunawa. Matatagpuan halimbawa sa mga talâ ni Alonso de Mentrida
hinggil sa bokabularyo ng mga Bisaya ang “binacunauahan ang bulan.”
Patani sa balag
balagtásan
Ang balagtásan ay isang debate o labanan ng katwiran sa paraang patula.
Karaniwang tinatampukan ito ng tatlong makata: dalawang mambabalagtas
na nagtatalo sa isang paksa at isang lakandiwa na nagpapadaloy ng palitan
ng katwiran.
Matutukoy kung ang bálang ay lalaki o babae kapag tiningnan ang dulo
ng tiyan nitó. Ang lalaking bálang ay mayroong dulo na hugis bangka
habang ang babaeng bálang naman ay mayroong dalawang magkahiwalay
o magkadikit na hugis ngiping balbula. Ginagamit ito ng babae sa
paghuhukay ng butas na magsisilbing sisidlan ng itlog nitó.
Nang sakupin ng mga Espanyol ang Filipinas, ang mga nayon at ili ay
tinawag na báryo mula sa Espanyol na barrio. Sa panahon ni Pangulong
Ferdinand E. Marcos, ipinahayag niya ang isang “lipunang barangay” upang
bigyang halaga ang tungkulin ng pinakamaliit na yunit ng pamahalaan sa
gawaing pambansa. Sinimulan niyang tawagin ang mga baryo na barangay
sa bisà ng dekretong nilagdaan noong 21 Setyembre 1974. (VSA)
Ginagamit din ng ibang kultura bilang gamot ang balanggót sa mga sakit
sa balát na dulot ng sugat, pasò, o pigsa. (ECS) ed VSA
balarilà
Inimbentong salitâ ang balarilà katumbas ng gramatica sa Espanyol at
grammar sa Ingles, o ang pag-aaral ng estruktura ng wika. Tinatalakay
nitó ang mga tuntunin ng isang wika ukol sa mga uri, pagbuo at wastong
paggamit ng mga salita, at pagsulat. Si Mamerto Paglinawan ang iniulat
na unang gumamit ng salitâng balarilà sa kaniyang aklat ng gramatika sa
wikang Tagalog. Gayunman, naging popular ito dahil ginamit sa aklat ni
Lope K. Santos at siyáng unang naging teksbuk sa pagtuturo ng Wikang
Pambansa.
Ang karne ng balintong ay ginagawang putahe sa Asia, partikular sa ban- Inakala noong katulad ito ng species na Manis javanica. Nagsimulang pag-
sang Tsina. Habang ang kaliskis naman nito ay ginagamit na sangkap sa usapan ang posibilidad ng pagiging bukod na species nitó noong 1998 at
mga medisinang tradisyonal sa Timog Silangang Asia at ginagamit na opisyal na kinilalang bagong species, sa tulong ng pag-aaral nina Gaubert
gamot sa hika. Dahil sa patuloy na pangangaso para sa karne at kaliskis, et. al., noong 2005. Tinatawag din itong halintong, baléke, at tánggilíng.
inilista ito sa ilalim ng kategoryang Near Threatened. (KLL) ed VSA
balisóng
Ang balisóng ay isang uri ng patalim na maaaring itiklop ang hawakan
upang takpan ang talim. Hindi tiyak ang pinaggalingan ng salitang
balisong ngunit sinasabing hango ang pangalan nitó mula sa mga salitang
baling sungay dahil sa ang unang materyales na ginamit sa paggawa nitó
ay sungay ng kalabaw o usa. Madalî itong ilabas sapagkat maaaring isang
kamay lamang ang gamitin. Kilala rin ito sa tawag na Batangas knife dahil
ang ganitong kutsilyo ay kadalasang sa lalawigan ng Batangas nagmumula.
Tinawag naman itong butterfly knife sa Ingles dahil nagmumukhang pakpak
ng paruparo ang mga hawakan nitó kapag ibinuka. Fan knife naman ang
isa pang tawag sa Ingles dahil parang nagbubukas ng pamaypay ang
gumagamit nitó.
Noong 1835, umibig siyá kay Maria Asuncion Rivera, anak ng mayamang
angkan sa Pandacan. Si Rivera ang pinag-alayan ni Balagtas ng tulang
“Kay Celia,” ang pambungad na tula ng Florante at Laura. Gayunman,
hindi sila nagkatuluyan ng dalaga. Sa Pandacan, nakulong siyá sa isang di-
malinaw na dahilan. Lumaya siyá noong 1838, taón na sinasabing unang
inilathala ang Florante at Laura. Lumipat si Baltazar sa Udyong (ngayo’y
Orion), Bataan, at doon pinakasalan si Juana Tiambeng, anak ng isang sa Balanga, Bataan, at nang sumunod, sa Tundo, Maynila. Hábang nása
mayamang pamilya. Nagkaroon sila ng 11 supling. Muli na naman siyáng Tundo, mula 1857 hanggang 1860, nagsulat siyá ng maraming komedya
nakulong noong 1856 kaugnay ng reklamo ng isang katulong na diumano’y para sa Teatro de Tundo. Nang makalaya, bumalik siyá sa Udyong at dito
ginupitan niya ng buhok sa di-malamang dahilan. Naghirap ang pamilya ni niya naisulat ang marami pang tula at komedya hanggang sa mamatay siyá
Balagtas dahil sa kasong ito. Pinagdusahan niya ang kaniyang sentensiya noong 20 Pebrero 1862. (GSZ)
Baltog
Si Baltóg ang isa sa mga tauhan sa akdang Ibalon, isang tulang pasalaysay
na may bersiyong nakasulat sa wikang Espanyol ngunit ipinalalagay na
hango sa isang sinaunang alamat ng Bikol.. Bahagi ito ng mga dokumentong
iniwan ni Padre Jose Castaño at ayon sa tula ay isinalaysay ni Cadugnung.
May palagay na ang Ibalon (may sumusulat ding “Ibalong”) ay sinaunang
tawag sa Bikol.
Naging magulo ang Ibalon nang nagdalá ng lagim at pinsala ang mga
pating na may pakpak, lumilipad na kalabaw, at higanteng buwaya. Dahil
sa katandaan, hindi na káyang ipagtanggol ni Baltog ang Ibalon. Sinagip ni
Handiong, isang kabataang mandirigma, ang pamayanan. Dahil sa naging
tagumpay sa paglipol sa mga dambuhalang sumalakay sa Ibalon, hinikayat
ni Baltog si Handiong na bumuo ng isang pangkat na maaaring magtanggol
sa kanilang bayan. Sa puntong ito, si Handyong na ang humaliling bayani
ng alamat. (CID) ed VSA
balud
Ang bálud o imperial pigeon ay isang uri ng ilahas na kalapati mula sa
family na Columbidae at genus na Ducula. Mayroon itong nagsasalungatang
kulay sa ulo, batok, at tiyan hábang mas maitim ang mga pakpak at
likuran. Mayroong kulay putî na may itim na pakpak at buntot; mayroon
ding nag-aagaw ang kulay abo at rosas o abo at bughaw na mayroong
berde; mayroong bughaw o kayumanggi ang likod at pakpak. Ang ilan
ay may marka sa paligid ng mga matá. Ang karaniwang laki nitó ay nása
205-245 mm ang pakpak, 121-174 mm ang buntot, 17-25 mm ang tuka,
at 26-34 mm ang tarsus. Naninirahan ang mga ito sa mga punongkahoy at
kumakain ng prutas.
Ngunit hindi ito basta nilagàng itlog ng itik. Sa bayan ng Pateros, na bantog
sa industriya ng balút, maingat na pinipilì ang mga itlog ng itik na kinukulob
sa isang pook halimhiman sa loob ng 17-19 araw para magkaroon ng kitî o
sisiw. Ngunit hindi hinahayaang mapisâ ang itlog. Pagkatapos ng naturang
paghalimhim, kinukuha ang itlog na may sisiw, hinuhugasan, at inilalaga.
May mahilig sa balút sa putî, itlog na kinulob sa loob ng 16-17 lámang
kayâ maliit pa ang sisiw. Karaniwang bahagyang binubuksan ang balát
ng isang dulo ng itlog, binubudburan ng asin, at hinihigop ang sabaw at
lamán.
Ang iba’t ibang parte nitó ay may kani-kaniyang gamit bilang alternatibong
gamot. Ang ugat nitó ay ginagamit para sa mga karamdaman sa tiyan at
ang mga dahon naman nitó ay ginagamit sa diyabetis at bilang diyuretiko
o kayâ ay pampurga. Mahusay na tabla ang punò ng banaba.
Marami mang gamit ngayon ang banga at tapayan. Noong araw, ang isang
mahalagang silbi ng tapayan ay bilang pangalawang sisidlan ng mga butó
ng katawan ng mga yumaong sinaunang Filipino. Natagpuan sa Palawan
ang tinatawag natin ngayong Tapáyang Manunggul. Natagpuan naman
sa Saranggani ang mga sinaunang Tapáyang Maitum. (GAC) (ed GSZ)
banggéra
Ang banggéra, o kilala ring banggerahan o pingganan, ay isang nakasudlong
na bahagi ng bahay, karaniwang nakakabit sa bintana ng kusina, at
nilalagyan ng mga kagamitan sa kusina, mga pagkain at mga sangkap sa
pagluluto, at mga nakaimbak na prutas at gulay. Tradisyonal na gawa ito sa
kawayan o kahoy, may mga silat ang sahig para paghanayan ng pinggan at
para hindi pamahayan ng tubig, may nakabakod na hilera ng tulos upang
pagsabitan ng mga baso, at nakabukás sa init at hangin na kailangan sa
mabilis na pagpapatuyo ng hinugasang pinggan.
Noong dekada 60, nabuo ang ilang grupo ng mga Muslim na laban sa
gobyerno ng Filipinas at para sa isang malaya at nakapagsasariling
bangsamoro. Pangunahin ang Moro National Liberation Front (MNLF) sa
pangunguna ni Nur Misuari, isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas.
Noong 1976, napagkasunduan ng MNLF at ng pamahalaan ang pagkilala
sa lupain ng mga Muslim bilang isang rehiyong awtonomo sa ilalim ng
MNLF-GRPH Tripoli Agreement. Lumikha ito ng hidwaan sa hanay ng
mga sang-ayon at hindi sang-ayon sa kasunduan. Sa bisà ng Konstitusyong
1987, nalikha ang isang awtonomong rehiyon para sa mga Muslim na
tinawag na Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM). Noong
1977, tumiwalag sa MNLF ang grupo ni Hashim Salamat at iba pang
lider na Muslim at pagdating ng 1984 ay opisyal na itinatag ang Moro
Islamic Liberation Front (MILF). Noong Oktubre 2012 napirmahan ang
GPH-MILF framework agreement na isang pagkilala ng pamahalaan ng
Filipinas sa teritoryo at kapangyarihan ng bagong rehiyong awtonomo ng
mga Muslim na tatawaging Bangsamoro. (KLL) ed VSA
bangúngot
Tinatawag na bangúngot ang pagkamatay ng sinuman hábang natutúlog.
Ang salitâ ay nagmula diumano sa “bangon” at “ungol” samantalang
may ilan na nagsasabing ang bangungot ay tawag sa isang masamang
panaginip. Sa wikang Ingles, tinatawag itong sudden unusual nocturnal
death (SUND). Hanggang sa nakalipas na mga taon, naging isang hiwaga
sa larang ng medisina kung paanong nangyayari ang bangungot at ano ang
sanhi nitó. Sa mga pag-aaral na medikal ay natagpuan na ang bangungot
ay sanhi ng pumutok na lapay ng tao.
Sa mga táong nakaranas ng bangungot, alam niláng gising silá ngunit hindi
silá makakilos kahit anong nais niláng gawin. May ilan na nananaginip na
nahuhulog silá sa bútas na walang katapusan. Sinasabi naman ng ilang
nakasaksi sa mga nabangungot ang pag-ungol ng binabangungot. Upang
hindi tuluyang mabungungot ang tao, kinakailangan siyáng gisingin sa
pamamagitan ng pagkurot ng mga daliri niya sa paa. Hindi dapat painumin
ng tubig ang binangungot. (SJ)
bangús
Ang bangús o Chanos chanos ay isda na nag-iisang miyembro ng
pamilyang Chanidae. Tinatawag itong sábaló kapag husto na sa gulang para
makapagparami na karaniwan ay nása edad na limang taón at may habàng
50-150 sentimetro. Dinalá ang bangus sa Filipinas mula sa Indonesia o
Tsina mahigit-kumulang sa 300 taón na ang nakalilipas. Matatagpuan
ito sa mga baybaying-dagat na mainit (higit sa 20 sentigrado) ang tubig,
malinaw at mababaw. Inaalagaan din ang bangus sa mga palaisdaan at
iba pang uri ng kural pang-isda. Bihirang mahúli ang sabalo sa malalim
na tubig dahil sa bilis at lakas nitóng lumangoy. Nahuhúli lang ito kapag
dumadayo sa mga baybayin sa panahon ng pangingitlog. Kilaláng lugar
ang isla ng Panay na dinadayo ng sabalo para mangitlog. Karaniwang
matatagpuan ang mga itlog sa parteng malapit sa baybayin na may lalim
na 10-20 metro.
Nilalála din nang masinsin ang bule at pandan bilang sisidlan. Pangunahin
dito ang bayóng, isang malalim na sisidlan na may tambal na hawakan sa
bibig. Wala itong takip. Nilalagyan ito ng gulay, prutas, at ibang binili sa
pamamalengke. Lalagyan ito ng bigas ng mga Tagbanwa. Naglalála din
ngayon ng ibang kasangkapan at dekorasyon. May laruang hugis isda o
ibon, nakakatulad ng origami sa papel ng mga Hapones, na gawa sa bule
o pandan. Nilála ding himaymay ang popular na “sombrerong Baliuag” at
ang karaniwang balanggót ng mga magsasaka. (YA)(ed VSA)
bánjo
Ang bánjo ay isang uri ng de-kuwerdas na instrumentong pangmusika.
Bilóg ang katawannitó at karaniwang may limang kuwerdas. Ang apat na
kuwerdas ay maaaring iayos para makuha ang nais na tono. Ang pinakaitaas
na kuwerdas ay mas mailsi kaysa iba at ginagamit upang makagawa ng
tuloy-tuloy na tunog na mababà. May mga banjo rin na may apat at anim
na kuwerdas. Ilan naman sa mga bantog na estilo ng pagtugtog nitó ay ang
clawhammer at Scruggs-style bluegrass.
Tatlo ang bayani sa salaysay: sina Baltog, Handiong, at Bantong. Silá ang
nagtatag ngunang pamayanan sa Ibalon at naging tagapagtanggol laban
sa mga dambuhalang hayopat nilaláng. Unang tinalakay ang kabayanihan
ni Baltog na nang tumanda ay pinalitan ni Handiong. Higit na maraming
pakikipagsapalaran si Handiong kayâ itinuturing siyáng pangunahing
bayani ng Ibalon. Kaibigan ni Handiong si Bantong at si Bantong ang
pumatay sa halimaw na si Rabut.
Noong 1937, sinulat niya ang Studies on Coconut Oil: Pyrolysis at Studies
on Coconut Oil: Conversion into Solids. Sa pakikipagtulungan kay Dr. Jose
Velasco, sinulat niya noong 1982 ang librong The Coconut: Production
and Utilization. Ang mga akdang nabanggit ang pinakaunang pag-aaral
sa paggamit ng niyog upang pagkunan ng murang pagkain, kemikal, at
langis. Ginamit niya ang mga prinsipyo ng kemistri upang mapaunlad at
mapabilis ang proseso ng paglikha ng langis.
Noong 1766, lumabas ang mga barilyang kalahati ang laki ng mga nauna
at gawa sa tumbaga. Nang nagsimulang mamunò ni Reyna Isabela II,
nagsimula ring magkaroon ng pagawaan ng barya sa Maynila. Sinasabi
namang nagmula sa barilla ang katawagang barya dahil na rin sa binibigkas
ng mga Filipino ang doble ele bilang Y. Ilan sa mga kilaláng halimbawa ng
mga barilya ay ang Sampaloc Barilla, na inihulma mula sa tingga at may
kakaibang hugis. Natagpuan ang mga ito malapit sa isang ilog sa Laguna.
Ang 1766 Barilla naman ay may maayos na pagkakamarka ng tore ng
kastilyo at merlion sa barya. (MJCT) Ed VSA
bárit
Ang bárit (Leersiahexandra) ay isang klase na pangmatagalang damo. Ito
ay may kulay berdeng dahon na magaspang at hindi kasiya-siyang hawa-
kan dahil sa matalim na gilid nitó na maaaring makasugat. Ang dahon nitó
ay may sukat na 5 hanggang 13 milimetro. Ang barit ay tumataas ng 40-60
sentimetro. Ang mga tinik nitó ay parang kanin ngunit mas maliit pa rito.
May mga barkílyos na may dagdag lasa, tulad ng ube at pandan. Kapag
sinisidlan ng pulbos ng pulburon, ang tawag na dito ay barkirón (mula sa
barquiron/barqueron). Puwedeng kainin ang barkilyos nang walang kasabay
na ibang pagkain, at masarap din itong ipareha sa ice cream o sawsawang
matamis na tulad ng tsokolate. Kadalasang nakikita ang barkilyos sa
mga palengke at bilihan ng pasalubong. Kalat ito sa buong bansa, ngunit
kilalá ang Iloilo bilang mahusay na pagawaan nitó. Pinakamainam kainin
ang barkilyos kapag kakabili, dahil nagiging makunat ito sa pagtagal ng
panahon. (PKJ)
Barláan at Jósaphát
Isang panulukang bato sa larangan ng panitikan at wikang Filipino ang
Barláan at Jósaphát na unang nalathala noong 1708. Ang buong pamagat
ng aklat ay Aral na tunay na totoong pag aacay sa tauo, nang manga ca-
banalang gaua nang manga maloualhating santos na si Barlaan ni Josa-
fat na ipinalaman sa sulat ni S. Juan Damaceno na salin sa Tagalog ni
Fray Antonio de Borja at inilathala ng La compania de Jesus. Mayroon
itong 553 na pahina. Noong 2003 muli itong nailathala kasáma ng mod-
ernisadong bersiyon ang orihinal na Tagalog na inedit ni Virgilio Almario
sa layuning maipaunawa ito sa kasalukuyang henerasyon.
Ang baro at saya ay may apat na bahagi: ang kamísa o maikling blusang
may manggas na halos kawangis ng isang bestido; ang alampáy o balabal
na ipinapatong sa kamisa; ang saya o paldang mahabà na kalimita’y
hanggang sakong; at ang tápis o kapirasong telang ipinapatong sa saya.
Pangkaraniwang kasuotan ito noon ng mga Indio. Manipis ang tela, dahil
mas presko ito kung mainit ang panahon. Ngunit sinasabi ring ganito
ang nais ng mga kolonyalista upang hindi makapagkubli ng patalim o
sandata ang Indio sa ilalim ng damit. Hindi nakaparagan ang pagsusuot
dahil praktikal ito para sa maginhawang pagtatrabaho. Ngunit sinasabi
ring ganito ang nais ng mga kolonyalista upang magmukhang imperyor
ang Indio at madalîng maibukod sa mga Espanyol na nakaparagan ang
kamisadentro. Wala ring bulsa ang bárong tagálog upang hindi makapang-
umit sa bahay o tindahan.
Kakabiyak na dayap
Sa gubat pa hinanap.
Alin daw tainga ang hindi makarinig? Naging mahalagang gamit noon
kahit sa karaniwang tahanang Filipino ang baúl. Parang status symbol
kung may nakatanghal na baúl sa isang sulok ng tahanan, lalo na’t ang
bahay ay walang partisyon, sapagkat nangangahulugang may nakatago
doong hiyas, salapi, o kung anong importanteng ari-arian. (Lalo na noong
wala pang bángko sa kanayunan.) Ito ang paboritong taguan ng damit at
ibang mahalagang gamit ng mga lola. Kung minsan, nagsisilbing patungan
ng mga unan at nakatiklop na mga kumot at kulambo. Binibili ito ngayon
ng mariwasa sa tindahan ng antik (antique) para gawing dekorasyon sa
sálas—pinapatungan ng flower vase, o diyaryo’t coffeetable book. (YA)
(ed VSA)
Ariston Bautista
(22 Pebrero 1863-3 Marso 1928)
Isang iginagálang na doktor sa medisina, pilantropo, at pambihirang ling-
kod ng bayan, isinilang si Ariston Bautista (A·ris·tón Baw·tís·ta) noong
22 Pebrero.1863 sa Sta. Cruz, Maynila kina Mariano A.Bautista at Teresa
Limpingco. Dahil mariwasa, matapos maging lisensiyado sa medisina ay
nag-aral siyá sa Espanya. Natanggap niya ang doctor en medicina mula
sa Universidad Central de Madrid. Naglibot muna siyá sa Europa bago
bumalik sa Filipinas.
Naging miyembro siyá ng Lohiya Nilad, na tumulong sa Kilusang Propa-
ganda. Pagsiklab ng Himagsikang 1896, naaresto siyá ngunit pinawalan.
Sa Republikang Malolos, naging miyembro siyá ng kongreso at nagturo sa
Universidad Cientifico-Literaria de Filipinas. Noong 1907, naging prope-
sor siya ng clinical medicine at therapeutics sa College of Medicine and
Surgery. Nagpunta siyá sa Estados Unidos, sakâ nag-aral sa Paris ng mga
sakit sa bagà, isa sa una at iilang espesyalistang Filipino sa larangang ito.
Namatay siyá noong 3 Marso 1928. Ang kaniyang bahay sa Kalye Barbosa,
Quiapo ay mistulang museo ng mga antik at mga pinturang Filipino. May
marker ngayon ng pag-alaala ang National Historical Institute sa kaniyang
tahanang sinilangan. (GVS)
Hermogenes Bautista
(19 Abril 1866-17 Oktubre 1917)
Heneral ng mga Katipunero sa Marikina, si Hermogenes Bautista
(Er·mo·hé·nes Baw·tís·ta) ay isinilang sa Bayanbayanan, Marikina noong
19 Abril 1866 at ikalima sa 12 anak nina Isidro Bautista at Ines de los
Santos. Kasáma sa asyenda Tuazon ang kaniyang ama at may tindahang-
bayan ang ina. Nag-aral siyá sa paaralang bayan ng Marikina ngunit
naghinto at nagkutsero sa rutang Marikina, San Mateo, at Pasig.
Sa edad 18, nakuha siyá sa impanteriyang Espanyol at tatlong taóng
naglingkod sa kampanya laban sa mga Muslim. Pagbalik sa Maynila,
naging veterana siyá, nabilanggo nang ipagtanggol ang ilang babaeng
Filipina sa Balintawak, naging guwardiya sibil at nadestino sa iba’t ibang
bayan. Noong Marso 1896, natapos niya ang serbisyo sa guwardiya sibil
sa Kingwa (Plaridel ngayon), Bulacan.
Isang bayabas
Pitó ang butas.
Dagdag pa, ang báyok ay isa ring uri ng tulang tagisan ng karunungan o
joustic poetry ng mga Mëranaw. Hawig ito sa mga anyo at estilo sa duplo
at balagtasan ng mga Tagalog, balak ng mga Cebuano at bikal ng mga
Waray. Paawit ang debate ng lalaki at ng babae at nakabatay ang paksa sa
pista o pagdiriwang bagaman hango ang pinag-uusapan sa mga salaysay
sa Darangën. Ang mga onor o mga mang-aawit na nagsanay sa tradisyonal
na anyo ng pag-awit ang nagtatanghal ng bayok. Kambayoka ang tawag sa
pagtatanghal na ito.
Ngunit, noon pang 1913, napanalunan na niya ang tatlong parangal mula
sa tatlong magkakaibang organisasyon dahil sa mga akda niyang Himno
al Sagrado Corazon de Jesus, El Zapote, at España en Filipinas. Noong
1924, napanalunan niya ang parangal na Premio Zobel nang isalin niya
ang akdang La Pugna. Nagwaging muli ni Bernabe sa nasabing timpalak
noong 1926 dahil sa salin niya ng Rubaiyat. Pinarangalan siyáng “Hari
ng Balagtasan sa wikang Espanyol” noong 1927 at nakalaban si Jesus
Balmori. Tinipon niya ang mga sariling tula sa Cantos del Tropico (1929).
Nakamit ni Bernabe ang dalawang karangalan mula sa Espanya. Dahil sa
kaniyang pagpupunyaging gamitin ang wikang Espanyol bílang midyum
ng pagsulat, iginawad sa kaniya ang parangal na El Yugo y las Flecha
s (1940) at sinundan ito ng parangal na Orden de Isabela la Catolica
(1953). Nang maitalagang pinunò ng Pambansang Aklatan noong dekada
50, isinalin ni Bernabe ang mga sinulat ni Marcelo H. Del Pilar sa wikang
Tagalog. Namatay si Bernabe noong 29 Nobyembre 1960. (SJ) (ed VSA)
Ishmael Bernal
(30 Setyembre 1940-2 Hunyo 1996)
Si Ishmaél Bernál ay hinirang na Pambansang Alagad ng Sining para
sa Pelikula noong 2001. Isa siyáng direktor sa pelikula at itinuturing
na pangunahing haligi ng tinaguriang Ikawalang Gintong Panahon ng
pelikulang Filipino. Isa siyá sa nagpaunlad at nagtaas ng kalidad ng pelikula
sa pamamagitan ng paglihis sa nakagawiang pamamaraan at nilalaman sa
paglikha ng pelikula.
Mga mohon sa larang ng paglikha ng pelikula sa bansa ang mga obra
niyang Pagdating sa Dulo (1971), Nunal sa Tubig (1976), Manila By Night
(inilabas na City After Dark, 1980), Himala (1981) at Hinugot sa Langit
(1985). Ilan pang mahahalagang hiyas sa mahigit sa 50 pelikulang nagawa
ni Bernal ay ang sumusunod: mga tumatalakay sa kasaysayan na El Vibora
(1972) at Lahing Filipino (1976); mga may temang nagpapalawig sa iba’t
ibang uri ng karakter ng indibiwal at pakikipagrelasyon; Pabling (1981),
Ligaw na Bulaklak (1976), Working Girls I (1984), Till Death Do Us Part
(1972), Walang Katapusang Tag-Araw (1977); Galawgaw (1982), Ito Ba
ang Ating Mga Anak (1982); eksperimental na pelikula, ang Scotch on
the Rocks to Remember, Black Coffee to Forget (1975). Ang pelikulang
Wating (1994) ang pinakahuling obra ni Bernal.
Bukod sa paggawa ng pelikula ay nasangkot din siyá sa dulaan. Gumanap
siyá sa mga dulang Kamatayan sa Anyo ng Isang Rosas (1991) at Bacchae
(1992). Nagbigay rin siyá ng mga palihang panteatro at nagdirihe ng mga
dula para sa Sining, isang pederasyon ng mga grupong panteatro ng mga
kabataan sa komunidad.
Kinilala siyá ng Urian bilang Pinakamahusay na Direktor sa mga pelikulang
Dalawang Pugad, Isang Ibon (1977); Broken Marriage (1983); Hinugot
sa Langit (1985); at Pahiram ng Isang Umaga (1989). Kinilala rin siyá
bilang manunulat nang igawad sa kaniya ang Pinakamahusay na Iskrip
para sa City After Dark (1980). Ginawaran din siyá ng FAMAS, Catholic
Mass Media Awards (CMMA), at Metro Manila Film Festival.
Sina Elena Bernal at Pacifico Ledesma ang kaniyang mga magulang. Nag-
aral siyá sa Mababang Paaralan ng Jose Burgos, Mataas na Paaralang V.
Mapa, at Unibersidad ng Pilipinas. Nang makapagtapos sa UP ng A.B.
English, medyor sa Literatura, nagpatuloy siyá ng pag-aral ng panitikan
at pilosopiyang Pranses sa University of Aix-en-Provence sa France.
Nagtungo rin siyá sa India para mag-aral sa Film Institute of Poona. (RVR)
(ed GSZ)
Salvadór F. Bernál
(7 Enero 1945-26 Oktubre 2011)
Si Salvadór F. Bernál ay isang katangi-tanging tagadisenyo sa teatro bukod
sa iginagalang na makata at guro. Ang kaniyang halos apat na dekada sa
pagsasagawa ng disenyo para sa teatro at pelikula ay nag-ambag ng mga
obrang nanguna, orihinal, at nagtaas ng antas ng sining ng paglikha ng mga
kasuotan, set sa entablado, at mga disenyong pamproduksiyon. Iginawad
sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Disenyong Panteatro
noong 2003.
Nakagawa siyá ng mahigit sa 300 orihinal na disenyong pamproduksiyon,
set, at kasuotan para sa entablado—teatro, sayaw,at musical—at sa pelikula
mula pa noong 1969. Ang kaniyang mga obra ay nagpahusay sa mga
pagtatanghal ng Dulaang UP, Tanghalang Ateneo, Tanghalang Pilipino,
Philippine Ballet Theater, Ballet Philippines, Musical Theater Philippines,
Opera Guild of the Philippines, at sa mga pelikulang (para sa mga kasuotan
ng panahon) Aguila; Oro, Plata, Mata; Gumising Ka Maruja.
Nagtampok , nakatuklas, at nagpamalay siyá ng gamit para sa disenyo at
produksiyon ng mga lokal na materyales, gaya kawayan, abaka (hibla at
lubid), burlap, ratan, at katsa. Nag-eksperimento rin siyá sa mga materyales,
gaya ng klarong plastik na bolpen para gawing chandelier. Natunghayan
ang talinong Bernal sa mga set, kasuotan, at disenyong pamproduksiyon
ng mga hindi malilimutang mga pagtatanghal, gaya sa Francisco Maniago
(1987, Tanghalang Pilipino), Lysistrata (1988, Tanghalang Pilipino),
Walang Sugat (1991, Tanghalang Pilipino), Noli Me Tangere (1995,
Tanghalang Pilipino); Tales of the Manuvu (1974, Ballet Philippines),
Engkantada (1991, Ballet Philippines); sa musikal: Oliver (1978), Ang
Palabas ay Bukas (1979); sa drama: Larawan (1978), Cat on a Hot Tin
Roof (1980), at marami pang iba.
Si Bernal ay ipinanganak noong 7 Enero 1945 at ikalima sa sampung
supling nina Santiago Bernal at Ubalda Floro. Nagtapos siyá ng hay-
iskul sa Dagupan City High School at nagkolehiyo sa Ateneo de Manila grantee. Si Bernal ay naging residenteng tagadisenyo ng mga produksiyon
(1962-1966). Nalimbag sa Heights, magasin pampanitikan ng Ateneo, ng Ballet Philippines (1975-1990) at ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
at nagkamit ng mga gawad ang kaniyang mga tula. Nagtapos siyá ng (1987-1989); at direktor para sa Sentro ng Disenyong Pamproduksiyon
pilosopiya noong 1966 ng may mga gawad at nagkamit ng Mulry Award ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (1990-1994). Sa pamamagitan ng
para sa malikhaing pagsulat. Mula 1966 hanggang 1970 ay nagturo siyá ng kaniyang mga programa sa Sentro ng Disenyo at sa mga klase na tinuturuan
Ingles sa Ateneo. Naging direktor siyá ng ilang mga dula para sa Ateneo sa Unibersidad ng Pilipinas at sa Ateneo, nabahagihan niya ng kaniyang
Drama Group. Nagtapos si Bernal noong 1973 ng Masters sa Fine Arts talento ang ang mga bagong henerasyon ng tagadisenyo sa teatro. (RVR)
sa Northwestern University sa Chicago, Illinois, bilang Fullbright-Hays (ed VSA)
Bernardo Carpio
Ang Bernardo Carpio (Ber·nár·do Kar·pi·yó) o Historia Famosa ni
Bernardo Carpio sa Reinong Espana, na Anak ni D. Sancho Diaz at Dona
Jimena ay isang awit o mahabang tulang pasalaysay na isinulat noong
siglo 19. Ipinapalagay na sinulat ang Bernardo Carpio ni Jose dela Cruz
o Huseng Sisiw. May limang edisyong Tagalog ito, ang pinakamatanda
ay ang edisyong 1860. Isinalin din ito sa mga wikang Bikol, Ilonggo, at
Iluko.
Ang katawan ay fusiform, pabilog, at medyo siksik. Malaki ang mga matá
at bahagyang binabalutan ng taba ng pilikmata. Ang bibig ay nása dulo,
ang itaas na panga ay umaabot hanggang sa matá, at ang ibabâng panga ay
kitang-kita. May 95-20 kaliskis ang linya sa gilid ng katawan.
Kilalá ang Filipinas sa buong mundo bilang isang sentro ng larong bilyar.
Dito ginaganap ang ilan sa pinakapremyadong torneo sa buong mundo,
at daan-daang manlalaro, lalaki at babae, mula sa iba’t ibang bansa ang
dumadayo sa bansa upang makipagtagisan ng galíng sa mga Filipino.
Maituturing na mainam na paraan ng ”sports tourism” ang pagsusúlong
ng mga ganitong paligsahan.
Maaaring may matinik sa likod o wala; kapag mayroon, ito ay may 2-8
nababaluktot na tinik na hindi karugtong sa malambot na bahagi ng likod.
Ang palikpik sa katawan ay magkarugtong at ginagamit na panghawak ng
bato at iba pang bagay na nása paligid. Ang gamit na ito ay kahalintulad sa
mga aparatong panghigop na tinataglay din ng ibang isdang tulad ng remora.
Ang mala-bigoteng organo sa ulo ay makikita sa mangilan-ngilang uri.
Ang karaniwang habà ay kulang sa 10 sentimetro at ang pinakamahabàng
naitalâ ay 100 sentimetro.
Gawa sa iba’t ibang uri ng kahoy ang katawan ng biyolin, tulad ng drupe at
maple. Mula naman sa pinagsasáma-sámang pinatuyong bituka ng hayop
ang mga bagting, na madalas ay may halòng pilak o aluminyo, bakal, o
perlon. Ang arko naman ay gawa sa pakurbang kahoy na may nakatali sa
magkabilang dulo na mga buhok mula sa kabayo.
Noong 1958, ang ABS ay nabili nina Eugenio Lopez, Sr. at ang noo’y
pangalawang pangulo na si Fernando Lopez na siyáng may-ari ng
Chronicle Broadcasting Network (CBN), isang radio network). Paglipas
ng ilang taon, pormal na pinagsanib ang dalawang korporasyon at tinawag
na ABS-CBN Broadcasting Corporation. Sa kasalukuyan, ang ABS-CBN
ang isa sa mga kilalá at nangungunang kompanya sa larangan ng midya sa
bansa. (MJ) ed VSA
bólo
Nakalagay ang bólo sa mga diksiyonaryong Espanyol at Ingles bilang
tawag diumano ng mga Filipino sa mahabà at mabigat na patalim na may
isahang talim na ginagamit bilang pantabas ng dawag at bilang sandata.
Gayuman, wala ito sa lumang bokabularyo ng wikang Filipino. Sa halip,
nakalagay naman ang mga singkahulugang gúlok, iták, at sundáng.
Marami pang ibang uri at tawag sa patalim na ito sa ibang katutubong
pangkatin ng Filipinas.
Andres Bonifacio
Standing on the bato
Holding a bolo
Cutting the ulo.
Noong mga taóng 1960-1970, nauso sa Filipinas ang mga pelikulang ang
pang-akit ay mga artistang nagpapakita ng hubo-t hubad na katawan o
nagtatanghal ng mga tagpo ng pagtatalik. Tinawag ang pelikulang ganito
na bómba. Marahil, isang pagtutulad ng sex sa gawain ng pósong de-
bomba. Ipinagbawal ito ng pamahalaan, at nang lumaon ay pinagsawaan
din ng manonood, bagaman nakapag-iwan ito ng mga tulad ng Manila by
Night at Scorpio Nights na itinuturing na may uri ng mga kritiko. (MJCT)
ed VSA
Andres Bonifacio
(30 Nobyembre 1863-10 Mayo 1897)
Si Andres Bonifacio (An·drés Bo·ni·fás·yo) ang tagapagtatag ng Katipu-
nan at itinuturing na “Ama ng Himagsikang Filipino.” Tinatawag siyáng
“Supremo ng Katipunan” at “Haring Tagalog” dahil naging pangulo ng
kapisanang mapanghimagsik.
Isinilang siyá noong 30 Nobyembre 1863 sa Tundo, Maynila at panganay
sa anim na anak nina Santiago Bonifacio, isang sastre, at Catalina de
Castro. Mga kapatid niyang lalaki sina Ciriaco, Procopio, at Troadio at
mga kapatid na babae sina Espiridiona at Maxima. Naulila siláng lubos
noong 14 taón si Andres kayâ binúhay niya ang mga kapatid sa pagtitinda
ng bastong kawayan at papel na abaniko at pagtatrabaho bilang mensahero
at bodegero. Una niyang malaking trabaho ang klerk-mensahero sa
kompanyang Ingles na Fleming and Company. Lumipat siyá pagkuwan sa
Alemang Fresell and Company.
Isa siyáng alagad ng sining. Bukod sa pagguhit ng poster ay mahilig din
siyáng mag-artista at naging kasapi ng samahang pandulaan sa Palomar,
Tundo. Noong 1887, kasáma ang ibang kaibigan ay itinayô nilá ang El
Teatro Porvenir. Isa siyáng mahusay na makata at manunulat. Isinalin niya
sa tula ang sanaysay na El Amor Patrio ni Rizal at siyá ang unang nagsalin
sa Tagalog ng tulang Ultimo Adios ni Rizal. Ang sanaysay niyang “Ang
Dapat Mabatid ng mga Tagalog” ay isang napakaikli ngunit matalim na
kasaysayan ng Filipinas at tigib sa nag-aalab na damdaming makabayan.
Ang hilig niyang mag-aral ng wika ay natumbasan ng hilig niyang
magbása.
Una niyang asawa si Monica na namatay sa ketong. Sa isang pakikipamista
sa Kalookan ay nakilála niya at niligawan si Gregoria de Jesus. Ikinasal
silá noong 1893 at muling ikinasal sa loob ng Katipunan. Itinatag niya
ang mapanghimagsik na Kataas-taasang Kagalang-galang na Katipunan noong 22 Marso 1897. Nahalal ditong pangulo si Heneral Emilio Aguinaldo
ng mga Anak ng Bayan o KKK noong 7 Hulyo 1892. Bunga ito ng at ministrong panloob si Andres. Hindi minabuti ni Andres ang pagmaliit
kabiguan ng mapayapang kampanya para sa reporma ng La Solidaridad at sa kaniyang kakayahan ng isang Magdalo kayâ pinawalang-bisa niya
ng naganap na pagdakip at pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan. Ang lihim ang halalan sa isang dokumento noong Marso 24. Kasáma ang dalawang
na kapisanan ay lumago na sa Kamaynilaan at ibang mga lalawigan bago kapatid, asawa, at ilang tauhan ay sinikap niyang bumalik ng Maynila.
natuklasan at sumiklab ang Himagsikang Filipino noong Agosto 1896. Sinundan ng mga Magdalo ang pangkat niya at dinakip. Sa labanan ay
namatay si Ciriaco at nasugatan si Andres. Dinala silá sa Maragondon,
Dahil sa hidwaan ng dalawang pangkat ng Katipunero, ang Magdiwang at Cavite at nilitis. Nahatulan siyáng nagkasala ng sedisyon at pinarusahan
ang Magdalo, sa Cavite ay inanyayahan siyá doon upang mamagitan. Nauwi ng kamatayan. Noong 10 Mayo 1897, dinalá siyá at kapatid na Procopio
ang lahat sa pagtatayô ng isang bagong pamahalaan ng manghihimagsik sa Bundok Buntis at pinatay. (VSA)
Procopio Bonifacio
(1873-10 Mayo 1897)
Isang masugid na lider ng Katipunan, si Procopio Bonifacio (Pro·kóp·yo
Bo·ni·fás·yo) ay pangalawa sa mga nakababatàng kapatid ni Andres
Bonifacio at isinilang noong 1873 sa Tundo, Maynila. Sumunod siyá kay
Ciriaco at sinundan nina Espiridiona, Troadio, at Maxima. Kasáma siyá ng
Supremo hanggang sa paslangin silá noong 10 Mayo 1897.
Bago naging isang sikat na bakasyunan ang Boracay, ang komunidad nitó
ay payak lamang. Pangingisda at pagtatanim ng niyog ang pangunahing
hanapbuhay. Ang orihinal na naninirahan dito ay ang mga Ati ngunit
nahaluan ng mga tao mula sa iba’t ibang panig ng bansa dulot ng
pandarayuhan. Sa pagitan ng 1960 at 1970, naging puntahan ito ng mga
taga-Panay. Ngunit noong 1978, nang mabanggit at mailarawan ng isang
manunulat na Aleman ang Boracay sa kaniyang aklat hinggil sa Filipinas,
naging interesado sa isla ang buong mundo at nagsimula nang puntahan ng
mga turista. (AMP) (ed VSA)
boras
Bantog ang boras na ginagawa sa ilang barangay sa Simunul. Karaniwang
ilarawan itong banig na pampalamuti sa dingding at gawa sa nilálang
yantok. May lapad itong 4-5 talampakan at habàng 8-20 talampakan.
Tradisyonal na ginagamit itong tabing sa bintana o sapin sa sahig kapag
may importanteng okasyon. Ang maliliit ang súkat ay ginagamit ding sapin
sa pananalangin sa masjid.
Mabigat ang mga bornay dahil siksik na siksik ito at wala talagang
napapasukan ang hangin. Bukod sa luad, hinahaluan din ng graba, pínong
buhangin at abó ang ginagamit sa paggawa ng bornay kaya napakatibay
nitó. Madilim o medyo maitim naman ang kulay ng mga bornay dahil
pinapausukan na ang luad bago pa man ito hulmahin.
Ang unang nagmay-ari ng codex ay si Lord Ilchester. Isa ito sa mga natira
sa kaniyang koleksiyon sa Holland House sa London matapos itong masira
noong 1942 dahil sa giyera. Nang magkaroon ng auction noong 1947,
napunta ito sa pagmamay-ari ng historyador na si Propesor Charles Ralph
Boxer. Hawak ito ngayon ng Lilly Library sa Indiana University. (KLL)
ed VSA
Lino O. Brocka
(7 Abril 1939-21 Mayo 1991)
Postumong ginawaran ng pagkilalang Pambansang Alagad ng Sining sa
Pelikula si Lino O. Brocka noong 1997. Isa siyáng direktor, manunulat
at prodyuser ng pelikula. Ang kaniyang mga obra ay kinilala sa Filipinas
at sa buong daigdig. Maituturing na mapangahas ang kaniyang paglikha
dahil sa paglihis niya sa nakagawiang motibo at pormula ng paggawa ng
pelikula.
Ipinanganak sa Pilar, Sorsogon kina Regino Brocka at Pilar Ortiz si
Catalino Brocka. Nagtapos siyá nang may maraming karangalan sa Nueva
Ecija North High School at kasunod nitó’y nakatanggap ng iskolarsyip
sa Unibersidad ng Pilipinas. Kumuha siyá ng Bachelor of Arts in English
Literature sa UP at patuloy na nag-aral sa Estados Unidos. Namatay siyá
sa isang aksidente noong 22 Mayo 1991 sa Lungsod Quezon.
Ang una niyang pelikula ay ang Wanted: Perfect Mother ng Lea Productions.
Tumabo ito sa takilya kayâ sinundan pa ng Santiago (1970); Tubog sa
Ginto (1970); Stardoom (1971); at iba pa. Nagtayo rin siyá ng sariling
produksiyon, ang Cine Manila na lumikha ng mga pelikulang pinuri
ng mga kritiko gaya ng Tinimbang Ka, Ngunit Kulang (1974) at Tatlo,
Dalawa, Isa (1974).
Ang pagsangkot ni Brocka sa pagsusulong ng isang lipunang malaya
ay hindi lamang sumentro sa paggawa niya ng pelikula. Itinatag niya at
pinamunuan ang Free the Artist Movement, na kalaunan ay mas nakilala
bilang Concerned Artist of the Philippines (CAP). Nanguna ang CAP sa
paglaban sa pagpataw ng sensura ng gobyerno sa pelikula at sa paggigiit ng
malayang pagpapahayag. Produkto ng kaniyang makalipunang pananaw
ang Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag (1975), Insiang (1977), Ang
Bayan Ko: Kapit sa Patalim (1984), at Orapronobis (1989).
Kinilala si Brocka bilang pinakamahusay na direktor ng maraming
institusyon sa larangan ng pelikula gaya ng FAMAS, Manunuri ng
Pelikulang Pilipino, Film Academy of the Philippines (FAP), Philippine
Movie Press Club, Catholic Mass Media at ng taunang Metro Manila Film sa Nantes Film Festival. Kinilala rin si Brocka bilang isa sa sampung
Festival. Ipinalabas din ang mga obra niya sa internasyonal na eksibisiyon: pinakamahuhusay na direktor ng dekada 1980 sa ginanap na Toronto Film
Insiang (1977), Jaguar (1980), Bona (1981), Bayan Ko: Kapit sa Patalim Festival noong 1986. Tinanggap din niya ang Ramon Magsaysay Award
na pawang ipinalabas sa Cannes Film Festival sa Pransiya. Ang Bayan Ko for Journalism, Literature, and Creative Communication Arts (1985), at
ay tinanghal na pinakamahusay na pelikula ng British Film Institute. Ang ang FAP Lifetime Achievement Award (1992), isang taón pagkatapos
Angela Markado naman ay nagwagi bilang pinakamahusay na pelikula niyang pumanaw. (RVR) (ed GSZ)
Pédro Bucanég
(sirka 1591-1626)
Kinikilála si Pédro Bucanég (Péd·ro Bu·ka·nég) bilang “Ama ng panitikang
Iluko” dahil sa kaniyang ambag sa pagsasalin ng mga akdang Espanyol at
Latin patungong wikang Iluko. Higit sa lahat, dahil sa pagsasatitik niya
ng epikong-bayang Iluko na Bíag ni Lam-áng (Búhay ni Lam-ang), ang
unang bersiyon ng naturang epikong-bayan na binubuo ng 294 na saknong
at mga 1,500 na taludtod.
Tinulungan ni Bucaneg si Padre Francisco Lopez na isalin sa wikang Iloko
ang Doctrina Christiana noong 1621, gayundin sa paghahanda ng Arte de
la Lengua Yloca (Sining ng Wikang Iluko) noong 1627. Nagsalin siyá ng
mga sermon mula sa wikang Latin at Espanyol patungong wikang Iluko
at ng mga katutubong awitin at tulang Iluko patungo sa wikang Espanyol.
Bilang pagkilála, ang bucanégan—isang debateng patula sa Iluko at
itinulad sa balagtásan sa Tagalog—ay ipinangalan sa kaniya noong 1930.
Noong 1936, naging bahagi ng Dallang ti Amianan , isang antolohiya ng
tulang Iluko ni Leon Pichay, ang kaniyang tulang “Pampanunot ken Patay”
(Pag-iisip ng Kamatayan).
Isinilang siyá noong 4 Mayo 1904 sa Baliuag, Bulacan kina Leocandia sa UP at biniyayaan ng apat na anak. Natamo niya ang teacher’s diploma
Ramirez at Lucino Buenaventura, punòng musikero ng bantog na Spanish (major in science and composition) noong 1932 sa Unibersidad ng Pilipinas
Artillery Band ng Intramuros. Sa murang edad, naging mahusay siyáng Conservatory of Music at post-graduate diploma sa Composition sa ilalim
tumugtog ng klarinete, naging konduktor ng Banda Buenaventura at ng Alemang Propesor na si Jeno von Tackacs. Namatay siyá noong 25
lumikha ng mga musika. Ikinasal siyá kay Rizalina Esconde, guro ng violin Enero 1996. (LJS) (ed VSA)
Jose Torres Bugallon
(28Agosto 1873-5 Pebrero 1899)
Si Jose Torres Bugallon (Ho·sé Tó·res Bu·gal·yón) ) ay magiting na
pinunò sa hukbo ng Himagsikang Filipino at kilalá bilang “Bayani ng
Labanan sa La Loma” laban sa mga Amerikano noong 1899.
Isinilang siyá noong 28 Agosto 1873 sa Salasa, Pangasinan kay Jose Asas
Bugallon at sa inang mula sa angkan ng mga Gonzales na kilalá noon sa
lalawigan. Nag-aral siyá ng elementarya sa Salasa at unang bahagi ng hay-
iskul sa San Isidro, Nueva Ecija. Nagtapos siyá ng hay-iskul at nagkamit
ng Batsilyer sa Arte noong 1888 sa Colegio de San Juan de Letran. Nag-
aral siyá sa Seminaryo ng San Carlos upang maging isang pari, ngunit
naudlot ang hangaring ito nang nakapasá siyá sa isang pagsusulit at naging
pensiyonado ng pamahalaang Espanyol sa Academia Militar de Toledo sa
Espanya noong 1892. Ginugol niya ang susunod na tatlong taón sa pag-
aaral ng estratehiya at organisasyong militar.
Pagbalik sa Filipinas, binigyan si Bugallon ng ranggong tenyente sa
sandatahang Espanyol. Noong 1897, pagkatapos magpakita ng gilas sa
isang labanan sa Talisay, Batangas, itinaas ang kaniyang ranggo bilang
kapitan at ginawaran ng mga medalya. Naging ordinaryong mamamayan
si Bugallon pagkatapos ng Himagsikan, ngunit pagsiklab ng Digmaang
Filipino-Amerikano, sumanib siyá sa hukbo ni Heneral Antonio Luna,
na noon ay nangangailangan ng mga tagapagsanay sa kaniyang mga
sundalo.
Noong 5 Pebrero 1899, ipinagtanggol ni Bugallon at iba pang mga
sundalong Filipino ang La Loma sa Maynila laban sa mga lumulusob
na Amerikano sa pamumunò ni Heneral Arthur MacArthur Jr. Tinamaan
siyá ng bála sa hita. Nang ipinaalam ang sinapit ni Bugallon kay Heneral
Luna, sinikap nitó na mailigtas siyá, diumano dahil ”ang kaniyang buhay
ay katumbas ng 500 sundalong Filipino.” Inilíkas si Bugallon patungong
Kalookan upang mabigyan ng paunang lunas at isinakay sa tren patungong
ospital sa Malolos, Bulacan. Bilang parangal sa kaniyang ipinakitang
tapang at kabayanihan, itinaas ni Heneral Luna ang kaniyang ranggo sa
Tenyente Koronel. Sa kalagitnaan ng paglalakbay ay binawian siyá ng
buhay habang nasa bisig ng heneral. Inilagak ang kaniyang mga labí sa
Simbahan ng Sampalok sa Maynila. Noong 1921, ipinangalan sa kaniya
ang kinalakhang bayan ng Salasa, Pangasinan. (PKJ)
Búgan
Si Búgan ay isang mahalagang babaeng tauhan sa iba’t ibang kuwentong
bayan ng mga Ifugaw. Sa Hudhod hi Aliguyon, isang bahagi ng epikong-
bayan ng mga Ifugaw, si Bugan ay anak ni Pangaiwan ng Daligdigan, at
kaaway ng ama ni Aliguyon. Nang magbinata si Aliguyon, hinarap niya sa
digmaan ang anak ni Pangaiwan, si Pumbakhayon. Tumagal nang tatlong
taón ang digmaan, na nagwakas sa kasunduang pangkapayapaan ng
dalawang pangkat na kapuwa humanga sa tapang at kakayahan ng isa’t isa.
Nang makita ni Aliguyon si Bugan, na batà pa lámang noon, pinakasalan
niya ito at iniuwi sa kaniyang bayan. Nang ganap nang dalaga si Bugan,
at idaos ang pormal na kasal ng dalawa, dumalo si Pumbakhayon at noon
nakilála ang nakababatàng kapatid ni Aliguyon at pinakasalan naman ito.
Sa isa pa ring mito ng mga Ifugaw tungkol sa malaking bahâ na naging sanhi
ng pagkalunod ng lahat ng tao, si Bugan ay kapatid ni Wigan. Silá lámang
dalawa ang natirang buháy matapos ang malaking bahâ. Humingi silá ng
pahintulot sa mga bathala na maging mag-asawa. Mula sa magkapatid,
nagkaroong muli ng tao sa mundo.
Sa isa pa ring kuwentong bayan, si Bugan ay anak nina Hinumbian at
Dakaue, ang pinakamataas na diyos ng kalangitan. Bumabâ ng kalupaan
si Bugan at nagkaibigan silá ni Kinggauan, na isang ordinaryong tao.
Nagkaroon silá ng anak na lalaki, si Balituk. Maligaya ang dalawa at
masagana ang pamumuhay dahil na rin sa kapangyarihan ni Bugan. Ngunit
maraming nainggit kay Bugan hanggang sa mapilitan itong bumalik sa
dating tahanan sa kalangitan. Hinati niya ang kanilang anak. Ang kalahati
ay isináma sa kalangitan at ginawang isang buong tao. Ang kalahating
naiwan kay Kinggauan ay nabulok at hanggang sa kalangitan ay lumaganap
ang masangsang na amoy. Muling bumabâ si Bugan at ang nabubulok na
mga bahagi ng anak ay ginawang iba-ibang bagay na naghatid ng sakit sa
mga tao. Ang ulo ay ginawang kuwago, at sinasabing dito nagsimula ang
paggamit ng kuwago para mahulaan ang hinaharap, gayon din ang pag-
aalay ng manok kay Bugan. Ang tainga ay ipinukol sa gubat at tumubò
sa mga punò at naging isang uri ng funggus. Ang ilong ay naging isang
uri ng kabibe. Mula sa dila, gumawa si Bugan ng isang uri ng sakit na
pamamagâ ng dila, na malulunasan sa pamamagitan ng pag-aalay ng itlog
o manok kay Bugan. Mula sa mga buto sa dibdib, gumawa si Bugan ng
makamandag na ahas. Ang puso ay ginawa niyang bahaghari. Ang dugo
ay naging maliliit na paniki. Ang buhok ay naging bulate at ang bituka ay
naging malalaking hayop. (AEB) guhit ni Angeli Marie Narvaez
bugaóng
Ang bugaóng ay kabilang sa pamilya Teraponidae. Ito ay kilalá rin sa tawag
na gagaóng o babansí. Matatagpuan ito sa baybayin, tubig tabang at alat
sa kanlurang Indo-Pasipiko. Karamihan sa mga espesye ay matatagpuan
lang sa tubig tabang.
May anim na uri ng bugaong ang naitalâ sa Filipinas. Ito ay ang Terapon
jarbua, Terapon theraps, Leiopotherapon plumbeus, Pelates quadrilineatus,
Terapon puta, at Helotes sexlineatus. Ang Terapon jarbua ay matatagpuan
sa mababaw at mabuhanging parte ng bukana ng ilog. Ang karaniwang
laki ay 25 sentimetro at ang pinakamahabàng naitalâ ay 36 sentimetro.
Ang itaas ng katawan ay kulay kayumangi at dilaw samantalang ang ibabâ
ay kulay krema. Ang batok ay maitim. Ang ulo, katawan, at palikpik ay
may iba’t ibang makikintab na kulay. May 3-4 na kurbadong linya na kulay
matingkad na kayumanggi mula batok hanggang sa dulo ng katawan. Ang
pinakaibabâ ng kurbadong linya ay umaabot hanggang sa kalagitnaan ng
palikpik sa buntot. Lumalangoy ito nang magkakasáma. Nangingitlog sa
dagat at ang maliliit na bugaong ay naglalakbay patungong tubig tabang.
Ang mga itlog ay binabantayan ng lalaki. (MA) ed VSA
bugtóng
Ang bugtóng ay isa sa pinamaikling tula sa Filipinas. Karaniwang binubuo
ito ng dalawang maikling taludtod at may tugma. Gayunman, may bugtong
na mahigit dalawang taludtod at kung minsan ay walang tugma. Ang paksa
nitóng pinahuhulaan ay dapat na pambalana, kayâ ang nasusubok dito ang
husay humanap ng hambingan para magtila hindi alam ang isang bagay na
alam ng lahat. Ordinaryong paksa ng bugtong ang katawan ng tao, gaya sa
sumusunod na bugtong tungkol sa mga bahagi ng mukha: “Isang bayabas/
Pito ang bútas.” O kayâ ang kalikasan at kaligiran, gaya ng bugtong na ito
sa Bikol tungkol sa niyog: “Si tubig kan langit/ Si langit kan unit.” (Tubig
na binálot ng langit/ langit na binálot ng balát.) O ng bugtong na itong
Waray tungkol sa mga bituin: “Halu-ag nga kapatagan/ Ginpugasan hin
bulawan. (Malawak na kapatagan/ tinamnan ng mga ginto.)
Búhay-alamáng:
Paglukso, patay.
Ang ginto ay ginamit bilang salapi ng ating mga ninuno sa porma ng mga
gintong butil na tinawag na pilonsitos. Ito ay nanggaling sa salitang pilon,
isang lokal na sisidlan na kawangis ng sinsilyong ito. Ang Casa de Moneda
de Manila ang unang nagbubo noong 1861ng gintong sensilyo na tinawag
na Isabelinas at Alfonsinos. Ang mga sensilyong ito ay may nakalimbag
na salitâng “Filipinas.”
Dahil na rin sa mga bulkang ito, hitik ang Camiguin sa maiinit na bukal (hot
springs), tulad ng sa Tangub, Ardent, at Sto. Niño. Ang Sunken Cemetery
na popular sa mga turista ay dinulot ng paglubog ng isang bayan sanhi ng
pag-usbong ng Bundok Vulcan mula 1871 hanggang 1875. (PKJ)
Ang Bulkang Kanlaon ay 25 beses nang sumabog mula 1866. Ang unang
naitalâng pagputok nitó ay noong 1866 at sinundan ng iba pang mga
pagsabog ng mga sumunod na taón. Pinakamalakas ang pagputok noong
1893 nang umulan ng abo at umagos ang kumukulong putik sa kinalalagyan
ngayon ng Lungsod San Carlos. Ang pinakahuling pagputok nitó ay noong
1985. Subalit noong 1996, bigla itong nagbuga ng mga bato at abó na
ikinamatay ng tatlong mountain hikers na naipit sa tuktok ng bulkan.
Noong 1936, idineklara ang Mt. Apo National Park na may 80,864
ektarya sa paligid ng bundok, upang mapangalagaan ang maraming di-
pangkaraniwang hayop at halamang matatagpuan dito. Makikita rin
dito ang pinakamalaking agila sa mundo—bánoy o Philippine Eagle,
ang pambansang ibon ng Filipinas. Mayroong 270 uri ng mga ibon na
naninirahan sa kagubatan ng bundok at 100 sa mga ito ay tanging sa bansa
lamang matatagpuan. Dahil dito, isa ang Bundok Apò sa UNESCO World
Heritage Site. (AMP) (ed VSA)
Bundók Aráyat
Nag-iisang bundok sa kapatagan ng Gitnang Luzon at matatagpuan sa
lalawigan ng Pampanga ang Bundók Aráyat. Ang kanlurang bahagi nitó
ay nasasakupan ng bayan ng Arayat hábang ang hilagang bahagi ay nása
bayan ng Magalang. Walang naitalâng pagsabog nitó at ngayon ay isa na
itong patay na bulkan na may taas na 1,030 metro. Nalilibot ang bundok
ng malawak na bukirin ng tubó at palay. Sa ibabaw nitó ay makikita ang
pabilog na bunganga ng bulkan na may mahigit dalawang kilometrong
lawak. Ito ay may dalawang taluktok, ang North Peak at ang Pinnacle
Peak. Sa kanlurang tuktok nitó ay mamamalas ang magandang tanawin
ng Gitnang Luzon, lalo na ang Ilog Pampanga at ang mga kabundukan ng
Zambales at Bataan hábang sa bahaging silangan nitó ay matatanaw ang
mga hanay ng kabundukang Sierra Madre. May tatlo hanggang apat na
oras ang lalakarin upang makarating sa pinakatuktok ng bundok.
Ilang dantaon nang tahanan ng mga Mangyan ang mga dalisdis at kaligiran
ng bundok, na tinatawag niláng ”Lagpas-Ulap.” Sa maaliwalas na panahon,
maaaring matanaw ang mga bundok ng Banahaw, Maculot, at Mayon mula
sa tuktok ng Halcon. Matatagpuan sa bundok ang ilang eksotikong halaman
at hayop, tulad ng nanganganib na uri ng ibon na Mindoro bleeding-heart
(kulo-kulo). (PKJ)
Bundók Makíling
Ang pinakamalaking pambansang parke ng Filipinas at maalamat na
tahanan ng diwatang si Mariang Makiling, matatagpuan ang Bundók
Makíling sa lalawigan ng Laguna. Kilala rin ito sa pangalang Bundok
Maquiling. Ito ay isang di-aktibong bulkan na may taas na 1,143 metro mula
sa ibabaw ng dagat at may kabuuang sukat na 4,250 ektarya. Maraming
maalamat na kuwento ang bumabalot sa bundok na ito, lalo na ang
kuwento tungkol kay Mariang Makiling na pinapaniwalaang diwatang
nagbabantay sa bundok. Ang hugis ng bundok na ito ay sinasabing ang
nakahigang posisyon ng diwata.
Dalawang klase ang walís. Una, ang walís tingtíng na tinaliang kumpol
ng mga tingting o tadyang ng dahon ng niyog. Mainam itong pangkutkot
ng dumi, pang-alis ng agiw, at karaniwang panlinis sa bakuran. Ikalawa,
ang walis tambô na tila pamaypay na kumpol ng mga dahon ng tambó o
talahib at nilagyan ng tagdan. Mainam itong panlinis ng alikabok at maliliit
na dumi sa sahig.
Ang butikî ang may tainga at apat na paa. Ito ang kapansin-pansing kaibhan
ng butiki sa ahas. Maraming butiki ang may kakayahang tanggalin ang
buntot para makatakas sa kaaway o tinatawag na autotomy. May ilan
namang butiki ang may kakayahang magbago ng kulay ng balát upang
makapagtago sa mga kaaway. Mahalaga sa mga butiki ang paningin
dahil ito ang ginagamit para makita ang mga kaaway at magkaroon ng
komunikasyon sa iba.