You are on page 1of 7

GENERAL EMILIO AGUINALDO-BAILEN INTEGRATED SCHOOL

District: Gen. E. Aguinaldo, Cavite


Address: Lirio St. Castaños Cerca, Gen. E. Aguinaldo, Cavite 4124
Telephone No: 0917-1404950

WEEKLY HOME LEARNING PLAN (Template)


SY 2020-2021

Learning Area FILIPINO Week 2


Grade 7 Date OCTOBER 12-16, 2020
Section SAMPAGUITA Quarter UNANG MARKAHAN
Class Adviser GNG. REGINE C. LUHOT Subject Teacher LUISA M. BENCITO

LEARNING
DAY & TIME LEARNING TASKS OUTPUT MODE OF DELIVERY
COMPETENCY
F7PN-Ic-d-2 Gawain sa Pagkatuto Blg.1: 1. Gawain sa Pagkatuto 1 Paalala:
MARTES Nahihinuha ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Sagutin ang tanong. Isulat 2. Gawain sa Pagkatuto 2 1. Ang modyul ay
12:30-1:30 kalalabasan ng mga ang iyong sagot sagraphic organizer gamit ang iyong long 3. Gawain sa Pagkatuto 4 ipamamahagi sa
(ON SCREEN) pangyayari batay sa pad o bondpaer. 4. Gawain sa Pagkatuto 5 pamamagitan ng google
akdang napakinggan. Gawain sa Pagkatuto Blg.2: Ipabasa sa magulang, 5. Pagpapayamang Gawain 1 classroom.
1:30-4:30 kapatid o taga-alaga ang sumusunod na epiko ng mga 6. Pagpapayamang Gawain 2 2. Ingatan ang CLMD
(OFF SCREEN) Bagobo na pinamagatang “Si Tuwaang at ang 7. Pagpapayamang Gawain 3 Modyul. Huwag gusutin o
Dalaga ng Buhong na Langit.” Sagutin ang mga tanong sa punitin alinman sa bahagi
iyong sagutang papel.matapos mapakinggan ang epiko.. nito. Ito ay isasauli
Gawain sa Pagkatuto Blg.3: Sagutin ang mga tanong pagkatapos ng unang
ayon sa epikong napakinggan. Isulat ang letra ng tamang Kwarter.
sagot sa iyong sagutang papel.. 3. Maglaan ng lecture
notebook para sa
Gawain sa Pagkatuto Blg.4: Tukuyin kung ano ang asignatura para maisulat
maaring sanhi at bunga nga mga sumusunod na ang mga importanteng
sitwasyon. Gamitin ang graphic organizer sa iyong impormasyon at detalye..
pagsasagot sa iyong sagutang papel.. 4. Gumamit ng bondpaper
. o long pad para sa mga
Gawain sa Pagkatuto Blg.5: Tukuyin ang sanhi at bunga gawain o output.
ng mga sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang papel 5. Ibibigay ng magulang o
ang letra ng tamang sagot. guardian sa mga nakalaan
Sanggunian: Printed Self Learning Module – Pahina 10- na drop off points ang mga
12 gawain o output sa Ika-9 ng
Oktubre 2020 mula 3:00-
5:00 ng hapon
Pagpapayamang Gawain Blg. 1:
Layunin:
1. Nahihinuha ang kalalabasan ng pangyayari
Panuto: Sa isang buong papel, sumulat ng isang sanaysay
na may paksang: “Sanhi at Bunga ng Corona Virus.” Ang
sanaysay ay kinakailangang binubuo ng hindi kukulang sa
limang pangungusap bawat talata, hindi kukulang sa
tatlong talata, at ginamitan ng mga pang-ugnay na
ginagamit sa sanhi at bunga. Salungguhitan ang mga
pang-ugnay na ginamit sa mga talata..Isulat ang sagot sa
Activity Sheet.
Sanggunian: (Tingnan ang Nakalakip na Activity Sheet)
Pagpapayamang Gawain Blg. 2:
Layunin: Nakabubuo ng sariling paghihinuha sa
kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang
napakinggan.
Panuto:Lumikha o Bumuo ng paghihinuha sa maaaring
mangyari kung muling magkita at magkrus ang landas ni
Uwak at ni Asong Gubat. Pumili ng isang paraan sa ibaba
kung paano mo nais na gawin at buuin ang iyong hinuha.
Layunin: Nakasusulat ng patunay na ang kuwentong-bayan
ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng isang lugar.
Sanggunian: (Tingnan ang Nakalakip na Activity Sheet)
Pagpapayamang Gawain Blg. 3:
Layunin:Nakasusuri ng isang Akdang Pampanitikan
Panuto: Suriin ang akdang “ ANG PILOSOPO”
Biyernes
Pasahan ng Output
3:00 – 5:00
Inihanda ni:

G. RUSSEL P. BITCHAYDA
Guro sa Filipino

Iniwasto ni:

GNG. MAYETH P. MALIMBAN


Dalubguro I
Pagpapayamang Gawain Blg. 1

Pangalan: ______________________________________ Taon at Pangkat: ___________________


Asignatura: ________________________________ Petsa: ____________________________

Panuto: Sa activity sheet na ito, sumulat ng isang sanaysay na may paksang: “Sanhi at
Bunga ng COVID 19).” Ang sanaysay ay kinakailangang binubuo ng hindi kukulang sa
limang pangungusap bawat talata, hindi kukulang sa tatlong talata, at ginamitan ng mga
pang-ugnay na ginagamit sa sanhi at bunga. Salungguhitan ang mga pang-ugnay na
ginamit sa mga talata.

ANG SANHI AT BUNGA NG COVID 19


Pagpapayamang Gawain Blg. 2

Pangalan: ______________________________________ Taon at Pangkat: ___________________


Asignatura: ________________________________ Petsa: ____________________________
Panuto: Lumikha o Bumuo ng paghihinuha sa maaaring mangyari kung muling magkita at magkrus
ang landas ni Uwak at ni Asong Gubat. Pumili ng isang paraan sa ibaba kung paano mo nais na
gawin at buuin ang iyong hinuha. GUMAMIT NG ISANG PIRASONG BOND PAPER PARA SA
OUTPUT.
Sumulat ng maikling salaysay (binubuo ng 10 o higit pang
pangungusap)
Lumikha ng isang komiks
Sumulat ng liham
Sumulat ng isang iskrip
Sumulat ng tula (naglalaman ng tatlong saknong o higit pa)

Ang Aso at ang Uwak

Ang ibong si Uwak at lipad nang lipad


Nang biglang makita tapang nakabilad
Agad na tinangay at muling lumipad
Sa dulo ng sanga ng malagong duhat.

Habang kumakain si Uwak na masaya


Nagkubli-kubli nang huwag makita
Ng iba pang hayop na kasama niya
At nang masarili, kinakaing tapa.

Walang anu-ano narinig ni Uwak


Malakas na boses nitong Asong Gubat
Sa lahat ng ibon ika'y naiiba
Ang kulay mong itim ay walang kapara.

Sa mga papuri nabigla si Uwak


At sa pagkatuwa siya'y humalakhak;
Ang kagat na karne sa lupa'y nalaglag
Kaagad nilundag nitong Asong Gubat.

At ang tusong aso'y tumakbong matulin


Naiwan si Uwak na nagsisi man din
Isang aral ito na dapat isipin
Ang labis na papuri'y panloloko na rin.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Pagpapayamang Gawain Blg. 3

Panuto: Basahin ang akda at itala sa Activity Sheet ang hinihinging


mahahalagang detalye.

Ang Pilosopo

Noong unang panahon, may isang bayan na ang naninirahan ay mga taong
sunudsunuran na lamang dahil sa takot na masuway ang batas na umiiral sa
nasabing bayan.

Isang araw, namamasyal ang kanilang pinunong si Abed sa mga kabahayan


ng kanyang mga tauhan upang tiyakin kung sino sa kanyang mga tauhan ang
mga naghihirap upang mabigyan ng pagkain. Nang mapansin ni Subekat na
lumilibot araw-araw si Abed upang mamigay ng pagkain sa mga naghihirap ay
kaagad kumuha ng bato at isinalang sa kalan para mabigyan ng pagkain.

Nang marating ni Abed ang kubo, binati siya ni Subekat. Luminga-linga si


Abed at nakita niya ang kaldero na may nilagang bato. Nung mapansin niya,
sinabi ni Subekat na kunin kinaumagahan ang kanyang parte dahil may inilaan
sa kanya.
Isang araw nagtipon ang mga tao upang magdasal ng dhubor (pantanghaling
pagdarasal). Nang makatapos sila ay nagtanong si Abed kung sino ang wala sa
kanyang mga tauhan. May nakapagsabi na si Subekat ang wala. Samantala,
ipinaalam ni Abed sa mga tao na aalis sila para magsuri ng lupa dahil kakaunti
na lamang ang lupa para sa susunod na henerasyon. Nang papaalis na sila,
saka pa lamang dumating si Subekat na hindi sumali sa pagdarasal at sinabing
sasama siya. Sinabi ni Abed na maaaring sumama si Subekat kahit na hindi
niya siya nakita sa pagdarasal ngunit sa pag-alis nilang ito ay matatanto niya
kung tunay ba na kasama si Subekat o hindi. Bago umalis ang pangkat,
hinabilin ni Abed sa bawat isa na magdala ng bato na tamang-tama lang ang
bigat sa kanila. Nagdala si Subekat ng batong sinlaki lang ng kanyang
hinlalaking daliri.

Nang mapagod na sila sa walang humpay na paglalakbay, nagpahinga sila at


naghugas upang magdasal. Hindi pa rin sumali si Subekat. Nang matapos ang
pagdarasal, ipinag-utos ni Abed na buksan ang kanilang baon. Nang mabuksan
na nila, naging tinapay ang lahat ng dala nilang bato. Si Subekat na ang dala ay
sinlaki lamang ng hinlalaki ay nagutom dahil sa liit ng kanyang tinapay.

Nang paalis na naman sila, sinabi uli ni Abed sa bawat isa na magdala ng
maliit lamang na bato. Sumunod lahat ang mga tao maliban kay Subekat na ang
dinalang bato ay ang pinakamalaki dahil magiging tinapay raw ito. Nang
dumating na sila sa pupuntahan nila, sinabi ni Abed na bawat isa sa kanila ay
ihagis sa abot ng kanilang makakaya ang kanilang bato dahil ito na rin ang
lawak ng lupang matatamo ng bawat isa. Samantalang, si Subekat na may
pinakamalaking bato ay sinlaki lamang ng bilao ang nakuhang lupa dahil sa
hindi niya kayang ihagis ang kanyang dalang bato. Doon lamang sa nahulugan
ng bato ang kanyang makukuhang lupa.
Pangalan:______________________Taon at Pangkat.:________________Date: _____________

SURING BASA
I. Pamagat ng kwento :
II. Pagkilala sa may akda:
III. Uri ng panitikan :
IV. Layunin ng may akda :
V. Tema o Paksa ng Akda :

VI. Mga Tauhan/Karakter sa akda :

VII. Tagpuan/Panahon:

VIII. Nilalaman/Balangkas :
IX. Mga kaisipan/Ideyang taglay ng akda :

X. Istilo ng pagkakasulat ng may akda :

XI. Buod :

You might also like