You are on page 1of 4

Posisyong Papel ng Ika-limang pangkat ng Grade XII HUMSS A sa Filipino sa Piling

Larangan- Akademik.

IPAGPATULOY ANG WAR ON DRUGS: SUGPUIN ANG DROGA AT PAUNLARIN


ANG BANSA

Ang kampanya laban sa ilegal na droga sa Pilipinas na kilala din ng kararamihan bilang
ay panukalang ipinatutupad ng ating Pangulong Duterte buhat noong ika -1 ng Hulyo,
2016, upang mawala na ng tuluyan ang ilegal na droga sa bansa. Mahigit dalawang
taon nang kanya itong ipinatupad at mariin pa rin niya itong ipagpapatuloy ayon sa
kaniyang SONA noong 2018.
Ayon sa tala ng Philippine National Police (PNP), bumaba ang Crime rate ng Pilipinas
buhat nang ipatupad ng Pangulo ang ganitong kampaniya. Mahigit 79,193 ang inilunsad
na Anti-drug Operation, habang 118,287 ang naaresto at 1,308,078 na katao ang
sumuko sa awtoridad. ₱18.92 bilyon na iligal na droga ang nakulimbat tulad na lamang
ng paraphernalia, habang tinatayang 4,747 na barangay naman ang nagdeklara na sila
ay drug free. Lahat ng ito ay nangyari lamang ng mahigit isang taon.
Sang-ayon ang Ika-limang pangkat ng Grade XII HUMSS A sa Filipino sa Piling
Larangan-Akadmik dahil nababatid namin na nararapat lamang ang desisyon ng ating
pangulo sa kaniyang adhikaing sugpuin ang ilegal na droga sapagkat sa paglipas ng
panahon, lalong tumataas ang kaso ng gumagamit ng ilegal na droga at kriminalidad na
kasangkot ang droga. Noong taong 2012, sinabi ng United Nations na ang Pilipinas ay
ang bansang may pinakamataas na pagkonsumo ng shabu sa buong South East Asia.
Noong 2011 ayon sa UN Drug report na ang Pilipinas ang may pinaka-mataas na kaso
ng paggamit ng ilegal na droga sa buong South East Asia. Alam nating lahat na noong
hindi pa naipapatupad ang war on drugs ay marami ang hindi takot na pagbenta at
gumamit ng ilegal ma droga sa bansa. Marami ang nagiging biktima ng karahasan at
krimen. Lubhang delikado ang bansa dahil sa sobrang daming kaso ng gumamagit ng
ilegal na droga sa bansa noong wala pa ang war on drugs. Marami ang hindi sang-ayon
dito dahil hindi ito makatarungan sa mata nila. Pero hindi ba’t makakatulong ito upang
mabawasan ang kaso ng gumamit ng droga sa bansa?. Kung ilalagay sa tama ang
pagpapatupad ng war on drugs na ito ay tiyak na makakatulong ito sa pagpapa-unlad
ng ating bansa. Nararapat lamang na pinatupad ito sapagkat isa na itong malaking
hakbang upang magkaroon tayo ng pagbabago sa ating bansa. Isa itong malaking
oportunidad na ipinagkaloob sa atin at kailangan ng maigihang aksyon.Kailan ulit tayo
magkakaroon ng pangulong may tapang na aksyonan ang isyung ito kahit na marami
sa kanyang paligid ang hindi sumasangayon? Kung hindi ngayon kalian? Isa ito sa
tingin ko ay epektibong pamaraan na kahit paano ay masusugpo ang problema sa ilegal
na droga lalo na sa mga kabataan natin. Kasi nga sa kanilang pagsuko at boluntaryong
pag-amin na gumagamit nga sila ng ilegal na droga ay nagkaroon ngayon ng sapat na
impormasyon ang locality o ang barangay sa kung sinu-sino ang mga gumagamit nito
sa area nila.

Kaya ngayon ay hindi na mangangapa ang local officials sa pag-identify kung sinu-sino
yong may mga problema sa ilegal na droga.

At kung anumang intervention ang gagawin ng lokalidad o ng pamahalaan ay madaling


maisakatuparan dahil nga kilala na kung sinu-sino sila. Ibig sabihin din nito na hindi
gaya ng dati na panay haka-haka lang at akusasyon na kesyo si ganito o si ganun ay
gumagamit o nagtutulak, ngayon ay hindi na makatatanggi ang sinumang masangkot uli
sa anong gulo kaugnay sa ilegal drugs dahil nga may pinirmahan na silang pag-amin at
pangako na lalayo na sila sa ganung bisyo.

Totoo napakalaking problema ang ilegal na droga ngunit mabuti na ‘yung kahit paano
nagsimula tayo kahit man lang sa maliit na hakbang gaya ng pagsuko at pag-amin ng
mga gumagamit at nagtutulak ng ilegal na droga.

Ayon Kay Cayetano, “60 porsyento ng problema ng bansa laban sa krimen ay may
kinalaman sa ilegal na droga.”(2017). Noon paman ay talamak na ang patagong
paggamit ng mga ilegal na druga sa ating bansa na naglaon ay mas lumawak pa ang
pa ang epekto nito sa lipunan at tao. Dahil masamang epekto nito sa kaugalian at daloy
ng sistema sa lipunan ay mahigpit itong ipinagbabawal ng Batas Republika Blg. 6425.
Sinasaad nitong matugunan ang “problema ng bansa sa ilegal na droga kabilang na
ang paggamit, pagbenta at adiksyon dito.” Ang giyera laban sa ilegal na droga ay hindi
giyera laban sa buhay ng tao, kundi giyera para sa buhay ng bawat Pilipino. Hindi rin ito
giyera laban sa karapatang pantao, kundi giyera para protektahan ang karapatang
pantao para masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino. Araw-
araw laman ng mga balita ang mga pagpatay, pagsuko o paghuli sa adik ng ilegal na
droga kaya naman hindi nakapagatataka na popular na popular ang kampanyang
kontra-droga ito ni Duterte. Bagaman alam na alam ng mga tao ang mga panganib,
patuloy pa rin sila sa pag-abuso nito, at gayong pag-abuso ay patuloy na sumisira ng
buhay. Oo, karamihan sa atin ay alam na ang paggamit ng droga ay isang paraan
upang makaahon sa kahirapan, nakababawas ng suliranin o di kaya’y panghanapbuhay
ng iba. Pero alam din natin na ang paggamit nito ay makatutong magnakaw,
magsinungaling, maging agresibo o walang takot na gumawa ng masama hanggang sa
mawalan ng katinuan o mabaliw ang tao. May sapat na kaalaman ang mga adik, pusher
o sino mang sangkut sa pinagbabawal na gamut, may kaalaman sila na kung saan
hahantong ang buhay nila kapag hindi sila tumigil sa paggagamit ng druga, binibigyan
panga ng pangalawang pagkakataon para magbago ngunit patuloy at walang takot
parin itong linalabag.Ayon kay Bonquin,“bangkay sa kalsada, mga arestado, sumukong
drug user at pusher, itoy mga eksenang naging karaniwan na mula ng magsimula ang
kompanya kontra droga”.(2016). Ayon sa datos ng PNP ng naging president si Duterte
umaabot sa 20,118 ang mga na aresto, 1,280 ang napatay sa operasyon laban droga,
1,362,792 bahay ang nabisita ng oplan tokhang (toktok-hangyo), 7,619,122 ang
sumukong gumagamit ng droga at 53,879 ang mga sumukong nagtutulak ng droga ito
ay tala mula Hulyo 1 hanggang Setyembre 30, 2016.(2016). Ayon sa sanaysay ni Supt.
Dionardo, mas bumaba ang bilang ng mga ginahasa, ninakawan, at insidente ng krimen
sa lansangan. (2016). Nakikita mula sa mga datos na malaki ang naging pagbabago sa
lipunan, kaya walang nakikitang dahilan para almahan ang masigasig na
pakikipaglaban ng administrasyong Duterte sa implementasyon ng giyera kontra droga
dahil sa malaking pakinabang na hatid nito sa buhay ng bawat mamamayang Filipino.
Sapagkat kapag ipinatuluy ang giyera kontra druga malaking pagbabago ang
magingiging epekto nito a ating bansa. Tulad na lamang mababawasan ang mga
numero ng karumaldumal na krimen na nangyayari sa ating bansa, nang sa ganun
makakamit ng ating bansa ang munting kalayaan na kapag saang dako ng bansa ay
ligtas tayong mga Pilipino at walang mangyayaring karumaldumal sa atin sa kalagitnaan
man ng araw o dilim. Ayon kay Cayetano, “noong suspendihin ang giyera sa droga,
nagbalikan na naman umano sa lansangan ang mga durugista. Kapag bumalik ang
mga pusher, kasunod na niyan ang patayan ng inosente”. Ito ay isang patunay na ang
giyera kontra droga ay nakakatulong sa pagsugpo ng mga mandurugas at matigilan ang
kalakal ng mga ilegal na droga sa loob at labas ng bansa. Kahit sa ilang buwan pa
lamang ay marami na itong naambag sa lipunan, marami man ang nagluksa dahil sa
patayan na nangyari, ngunit hindi naman mahahantong sa patayan ang labanan kapag
kusang sumuko ang naakusahan at kapag hindi sila manglaban sa mga autoridad.
Suma sang ayun kami sa giyera kuntra druga sapagkat ang paraan man na ito ay hindi
makatarungan sa mata ng iilan, ngunit paano naman makakamit ng hustisya ang mga
biktima na binaboy at pinutulan ng buhay ng mga taong walang awing gumawa ng
krimen. Ang pagsusugpo at pagpapatuloy nalang ng giyera kontra droga ang tanging
nating solusyon. Lumabag man ito sa karapatang pantao,ngunit masisigurado naman
natin ang kapakanan, seguridad at isang matiwasay na lipunan. Hindi ba’t nakakalabag
na din sa batas pantao ang mga mandurugas dahil sa mga kinasasangkutan nilang
krimen? Gayunpaman, kun hindi nila gustu mapaslang pwes kumusang-loob silang
sumuku at magbagong buhay.Huwag nalang manglaban kung akusado, daanin nalang
sa mataimtim na komunikasyon at masinsinang operasyon upang hindi humantong sa
magulo at madugong aksyon.
Ang paraan man na ito ay hindi makatarungan sa mata ng iilan, ngunit kung hangad
man ay ang panandaliang aksyon walang ng iba pang maiisip kundi ang ipagpatuloy
ang giyera kontra droga. Lumabag man sa karapatang pantao, kapakanan, seguridad at
isang matiwasay na lipunan ang hangad ng sambayanan ang magiging resulta ng
kampanya laban ilegal na droga. Hindi ba’t nakakalabag na din sa batas pantao ang
mga mandurugas dahil sa mga kinasasangkutan nilang krimen? Gayunpaman, upang
maiwasan ang madugong labanan sa dalawang partido, ang kusang-loob na pagsuko
ang hangad ng administrasyon upang magkaroon ng kapayaan ang giyera kontra
droga. Hindi dapat manglaban ang mga akusado, daanin sa matiwasay na
komunikasyon at masinsinang operasyon upang hindi humantong sa magulo at
madugong aksyon. Sana ay humupa at matigil na nito ang paggamit ng mga
ipinagbabawal na gamot sa bansa upang magkaroon tayo ng mapayapang lipunan.

http://mynewblogaddress1200.blogspot.com/2018/11/posisyong-papel-hinggil-sa-
oplan.html?m=1

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2016/07/31/1608413/kabutihang-
dulot

https://eamancioblog-wordpress-
com.cdn.ampproject.org/v/s/eamancioblog.wordpress.com/2017/09/18/posisyong-
papel-giyera-kontra-droga/amp/?
amp_js_v=a6&amp_gsa=1&usqp=mq331AQFUAKwASA%3D#referrer=https%3A%2F
%2Fwww.google.com&amp_tf=From%20%251%24s&ampshare=https%3A%2F
%2Feamancioblog.wordpress.com%2F2017%2F09%2F18%2Fposisyong-papel-giyera-
kontra-droga%2F

Altermidya.net. Paki-Explain: The ‘War on Drugs’. Hulyo 15, 2016. Web. Setyembre
16,2017
http://altermidya.net/

You might also like