You are on page 1of 4

Learning Area MAPEH - Music Grade Level 4

W1
Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Pagtukoy ng introduction at coda ng isang awitin.


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Natutukoy sa pamamagitan ng pakikinig at pagtingin ang introduction at coda
COMPETENCIES (MELCs) ng isang awit.
III. CONTENT/CORE CONTENT Ang Introduction at Coda ng Isang Awit

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 5 minuto Mahilig ka bang umawit? O may kakilala ka bang kasama sa bahay na
Panimula hindi kumpleto ang maghapon kung hindi nakaririnig ng musika?
Sa musika, may mga bagay o simbolo na inilalagay ang isang kompositor
upang mas magpaganda ang isang awitin.
Sa katapusan ng araling ito, inaasahan na matukoy mo sa pamamagitan
ng pakikinig at pagtingin ang introduction at coda ng isang awitin.
Sa alinmang awitin, mas mainam na may bahaging naghahanda o
introduction na maaaring maikling himig o tugtuging instrumental na
tinutugtog bago magsimula ang awitin. Bukod sa napagaganda nito ang
awitin, nagbibigay ito ng tamang tono o pitch sa isang mang-aawit.
Sa katapusan naman ng awitin o tugtugin, may mga karagdagang
gawain o ideya ang kompositor upang magkaroon ng magandang
pagtatapos ang isang awitin o tugtugin at tinatawag itong coda.

B. Development 10 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Suriin at pakinggan ang awiting


Pagpapaunlad “Ohoy Ali-bangbang”. Pagkatapos sagutin ang mga tanong. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.
https://www.youtube.com/watch?v=PEy2mix0FC8

Salin:
Ohoy paruparo kung ikaw ay lilipad
Alagaan mo nang mabuti ang mga bulaklak
Baka kung sakaling malimutan mo
Sayang si Gumamela na malaglag sa lupa.

Tukuyin sa musical score ang panimulang himig o introduction ng awiting


“Ohoy Ali-bangbang”.
Alin ang panapos na himig o coda ng ating lunsarang awit?
Ano ang masasabi mo tungkol dito?
Ano ang simbolo na makikita sa bahaging ito ng awitin?
Narito ang introduction ng awit na ‘Ohoy Alibangbang’:

Narito naman ang Coda ng awit:

Kapareho ba ito ng sagot mo?


C. Engagement 10 minuto Upang mas maunawaan mo ang introduction at coda ng awit, narito ang
Pakikipagpalihan isa pang halimbawa ng awitin.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tingnan ang tsart at pakinggang mabuti ang


awiting ‘Hey Jude’ ng Beatles. Pagkatapos sagutin ang tanong sa ibaba.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
https://www.youtube.com/watch?v=7qMls5yxP1w

Hey Jude

Tanong:
1. Aling bahagi ang intro ng awit?
2. Anong simbolo ang ginagamit dito?
3. Alin naman ang coda ng awit?
4. Ano ang masasabi mo sa coda ng awit matapos mo itong
mapakinggan?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pakinggang mabuti ang awit sa ibaba, sa
tulong ng iyong kasama sa bahay, tukuyin kung alin ang introduction at coda
ng awit. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

You Are My Sunshine

https://www.youtube.com/watch?v=SOM6VMkOcqc

D. Assimilation 5 minuto Matapos mong marinig ang mga awitin na may intoduction at coda,
Paglalapat subukin mo ngayon na maglagay ng sariling introduction at coda sa isang
awitin.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sa tulong ng iyong kasama sa bahay, gawaan


ng sariling introduction at coda ang awitin sa ibaba. Pagsanayang awitin at
ipakita sa harap ng iyong kasama sa bahay. Maaaring ivideo at ipadala sa
messenger ng guro.

https://www.youtube.com/watch?v=mPxpYZ_SVSo

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Gumuhit ng bituin ( ) sa angkop na kahon ng


naaayon sa iyong pagkasagawa ng gawain sa Gawain sa Pagkatuto Bilang
2. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain Napakahusay Mahusay Di-gaanong
Mahusay
1. Nakapaglapat
ng introduction
at coda sa
awitin.
2. Natukoy ang
Introduction at
Coda ng isang
awit.
3. Naipapakita
ang kawilihan sa
mga gawain.

V. ASSESSMENT 5 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Awitin ang “Paruparong Bukid.” Tukuyin ang
(Learning Activity Sheets introduction sa pamamagitan ng pagbilog ( ) dito at pagkahon ( ) sa
for Enrichment, coda ng awit. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Remediation or
Assessment to be given on
Weeks 3 and 6)

https://www.youtube.com/watch?v=_12-fZvdPHg

VI. REFLECTION 5 minuto Sa iyong kuwaderno, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang
mga sumusunod na prompt:

Nauunawaan ko na _____________________________________________________.
Nababatid ko na ________________________________________________________.
Kaillangan kong higit pang matutuhan ang tungkol sa ____________________.

Prepared by: Norina M. Maderazo Checked by: Reginal Grafil / Arthur M. Julian

Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa
pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong
pagpili.
-Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko
ang aralin.
-Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan
ko ang aralin.
-Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan
ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8

You might also like