You are on page 1of 6

MODYUL I

KABANATA I:
WIKA: PAHAYAG NG BUDHI, SALAMIN NG LAHI

ARALIN 1: Ang Wika


1.1 Ang Katuturan ng Wika sa Iba’t ibang Manunulat

1.2 Mga Katangian ng Wika

1.3 Kahalagahan ng Wika

PANGKALAHATANG LAYUNIN:
Sa Kabanatang ito, inaasahang matatamo ng mag-aaral ang mga sumusunod:

Maipaliwanag nang maayos at malinaw ang sariling opinion sa talakayan;

Matutukoy ang kahalagahan ng wika; at

Mabigyan ng sariling kahulugan ang mga katangian ng wika.

SANGGUNIAN:
Villena, Jeffrey B. 2016. Panitikan sa Pilipinas. Manila: MINDSHARE CO.,INC.

Badayos, P. (1999). Metodolohiya sa pagtuturo ng wika (Mga teorya, simulain, at istratehiya).Grandwater Publications
and research Corporation, J.P. Rizal St., Makati City.

Belvez, P. (2000). Ang sining at agham (aklat sa pamamaraan ng pagtuturo ng Filipino at sa Filipino). Rex Printing
Company, Inc., Quezon City.

Elektronikong Sanggunian

TALAKAYAN

Walang sinuman ang makatututol sa katotohanang imposibleng mabuhay ang alinmang nilalang kung wala
ang mga pangunahing elemento ng buhay: tubig, apoy, hangin at lupa. Ang lahat ng ito ay lubhang kailangan
para sa patuloy na pag-iral ng bawat may buhay sa mundong ito. Gayunman, para sa mga tao, ang mismong
pag-iral lamang ay hindi sapat upang makapamuhay nang maayos at kapaki-pakinabang. Totoo ngang
makapagluluto tayo dahil sa apoy, mapapawi ang ating uhaw dahil sa tubig, makahihinga tayo dahil sa hangin
at patuloy tayong mabibiyayaan ng pagkain kapag may lupang tinatamnan. Ngunit bilang mga nilalang na
rasyonal o nag-iisip at nakadarama, anongpsaysay ng mabuhay kung wala namang kakayahang makisalamuha
sa isa't isa. Kaysaklap na isiping ang isang tao'y hindi maipahayag ang kanyang mga saloobin at naiisip, sa
pasalita man o pakiilat! Dito pumapasok ang tunay na kahalagahan ng isang wika. Ang unang kabanata ng aklat
na ito ay tahasan at tiyakang tumatalakay sa ka ikasan ng wika sa kabuuan. Mula sa puntong ito, ililimita ang
talakayan sa mismong wikang pambansa, tungo sa masalimuot na pagsusuring pangwika. Ang bawat
kaalamang matatamo sa kabanatang ito ay kinakailangan upang maunawaan nang husto kung bakit wika ang
pangunahing sangkap sa isang semestre ng makabuluhang pag-aaral ng Sining ng Komunikasyon.

Filipino 3: Barayti at Baryasyon ng Wika


A. Ano ba ang Wika?

Hindi miminsang nagaganap sa isang klasrum pangwika ang pagbibigay ng guro ng isang "simpleng
tanong." Maaaring simple nga ngunit sa pagiging simple, naroon ang katotohanang hindi ito natatalakay nang
husto at wasto. Hindi nga ba't ganyan ang maraming bagay sa ating paligid na sa pagiging simple o payak ay
hindi na napapansin?

Kapag bigla mong matanong ang isang estudyante, "Ano ba ang wika?" Madalas kaysa hindi na ang
isasagot sa iyo ay ang kahulugan ng salita. Ang wika ba ay salita? Ang salita ba ay wika? Walang sinumang tunay
na nag-aral ng wika ang aayon sa aking mga Rabanggit, pagkat ang salita ay isa lamang sa mga sangkap o
komponent ng wika. Upang higit nating maunawaan, pansinin ang mga kahulugang mababasa sa iba't ibang
librong pangwika:

"Ang wika ay. isang sistematik na balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitrari upang magamit ng mga taong may iisang kultura." -- Henry Gleason

"Ang wika ang pangunahin at pinakamabusising anyo ng gawaing pansagisag ng tao." -- Archibald Hill

"Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang
wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kaisipan." – Thomas Carlyle

"Ang wika ay kaugnay ng buhay at instrumento ng tao upang matalino at efisyenteng makilahok
sa lipunang kinabibilangan.” – Vilma Resuma at Teresita Semorlan

"Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito
para magkaunawaan o makapagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao,"
– Pamela Constantino at Galileo Zafra

Sa mga nailahad na depinisyon ng wika sa itaas, mapapansin nating halos iisa ang
pinatutunguhan ng mga pagsasaliksik ng mga dalubwika o linggwist hinggil sa wika. Sa pananaw man
ng mga lokal o banyagang iskolar, mahahango natin ang mga sumusunod na katangian.

KATANGIAN NG WIKA (Garcia, et.al.2008)

May sistematik na balangkas.

 Pangunahing katangian ng isang tunay na agham ang pagiging sistematik.


 Dahil may katangiang makaagham ang isang wika, naging batayan ito upang umiral ang
larangan ng Linggwistiks, ang pag-aaral ng wika. Sa pag-iral nito, hindi lamang nakabatay sa
ngayon sa Balarila o Gramar ang pagtuturo ng wika. Malaliman ngayong tinatalakay ang isang
wika mula sa fonoloji o palatunugan, morfoloji o palabuuan hanggang sa sintaks o
palaugnayan.

Binibigkas na tunog.

 Hindi lahat ng tunog ay binibigkas at hindi rin naman lahat ng tunog ay makabuluhan. Dapat
na maging malinaw ito sa sinumang mag-aaral ng wika
 Ang pagiging makabuluhan ng tunog ay yaong nakapagpapaiba ng kahulugan ng isang salita.
Kung ang isang tunog, kahit palitan ng ibang tunog ay walang kakayahang makapagpaiba ng
kahulugan, itinuturing lamang itong ponetik.
 Ang ganitong penomenon ng wika ang siyang dahilan kung bakit sa kabila ng pagkakaroon ng
28 letra ng ating bagong alfabeto, 21 lamang ang fonim o ponema at 1 sa 21 ito ay walang
katumbas na grafim o letra ang glotal na pasara sa lumang balarila ay tinawag na impit na
tunog. Mapapansin ito sa mga salitang malumi at maragsa.

Filipino 3: Barayti at Baryasyon ng Wika


Pinipili at isinasaayos.

 Bukod sa Linggwistiks, kabilang sa mga larangang mahalaga sa pag-aaral ng wika ang


Retorika. Sa katunayan, kasama ang retorika sa mga batayang kurso sa kolehiyo.
 Layon nito ang makapagpahayag nang mabisa sa pamamagitan ng wastong pagpili at
pagsasagyos ng wika. Hindi lamang kasi basta binibigkas at inaalam ang kahulugan ng mga
mga salita.
 Halimbawa, alam mo ang kahulugan ng salitang BUNGANGA. Walang dudang kaya mo itong
basahin at alam mong katumbas ito ng mouth sa Ingles. Dapat mo bang sabihin ang ganito:
Miss, alam mo bang kay pula ng iyong bunganga? o kaya ay Punasan nang mabuti mga bata ang
mga bunganga ninyo! Maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi tama ang iyong pagkakapili ng
salita!

Arbitrari.

 Ang wika ng isang pamayanan ay nabuo ayon sa mga napagkasunduang termino ng mga
taong gumagamit nito. Isipin na lamang natin na ito marahil ang unang naging sakit ng ulo ng
mga sinaunang tao — ang magbigay ng mga katawagan sa mga bagay-bagay sa kanilang
kapaligiran!
 Dahil dito, nagkaroon ng sariling identidad ang bawat wika na sadyang ikinaiba ng bawat isa.

Kapantay ng kultura.

 Kaugnay ng pagiging arbitrari mg pagiging kapantay ng kultura ang wika. Walang wikang
umunlad pa kaysa sa kanyang kultura, gayundin, walang kulturang yumabong nang di kasabay
ang wika. Kalimitan nang ipinagkakamali ng marami na itulad ang Ingles sa Filipino.
 Dahil dito, masakit palagi ang konklusyon na superyor ang Ingles kaysa sarili nating wika
pagkat kulang daw sa mga terminong pang-agham at teknolohiya. Ang sagot, natural! Para
mong itinulad ang isda at kalabaw.
 Tama bang sabihin mong mas mahusay ang isda pagkat nakalalangoy nang matagal sa ilalim
ng tubig? Nakakaangat ang Ingles sa agham at teknolohiya pagkat ito ang kultura ng wikang
ito.

Patuloy na ginagamit.

 Walang saysay ang anumang bagay kung hindi naman ito ginagamit. Kapag hindi ginagamit,
nangangahulugan lamang na wala itong silbi.
 Ito ang dahilan kung bakit mahalagang katangian ng wika ang pagiging gamitin nito.
Mababasa sa ating Konstitusyon na iisa lamang ang ating pambansang wika.
 Gayunman, dapat ding bigyang-diin na pagdating sa wikang ofisyal, 2 ang wikang isinasaad;
Filipino at Ingles. Ofisyal ang isang wika kung magagamit ito bilang wika sa mga legal na
usapin, mga kontratang nilalagdaan at mangyari pa, wikang magagamit sa pagsasatitik ng
mga batas ng bansa.

Daynamik o nagbabago.

 Dito pumapasok ang usapin sa buhay at kamatayan ng isang wika. Itinuturing na "patay" ang
isang wika kung wala na itong tinatanggap na pagbabago.
 Hindi totoo na ang patay na wika ay wala nang gumagamit at dahil doon, ay wala nang silbi.
Mahusay na halimbawa nito ang wikang Latin.

Filipino 3: Barayti at Baryasyon ng Wika


 Ang wikang ito ang ofisyal na wika ng Katolisismo. Kung wala nang silbi, bakit ofisyal na wika
pa ng Simbahan? Ito ay sa dahilang kung ang Latin ay di na nagbabago, magkakaroon ng
preservasyon ng katotohanan at doktrina.

Mahalaga ba ang Wika?

Ang ganitong tanong ay dapat lamang na ituring na retorikal. Bakit? Pagkat kung ang ganitong
tanong ay ituturing na karaniwan, maliwanag na ang nagtanong ay dapat na kaawaan! Para kasing
itinanong ang kahalagahan ng hangin o tubig sa katawang buhay. Alisin ang hangin o tubig at tiyak
ang kamatayan; ganyan din ang masasabi kapag inalis ang wika. Ni hindi mo maipapahayag ang
gayong tanong kung walang wikang magiging lunsaran ng kaisipan at damdamin. Samakatuwid,
retorikal nga ito pagkat ang layon ay limiing mabuti ang halaga ng wika.

Sa librong ito, pinaninindigan ng mga awtor na mahahati sa tatlong pangkalahatan uri ang
kahalagahan ng wika. Mula sa tatlong ito, uusbong na ang mga etalyadong kahalagahan nito.
Pagtuunan nating ang tatlong kahalagayang ito:

KAHALAGAHAN NG WIKA (Garcia, et.al. 2008)

Kahalagahang Pansarili.

 Napapaloob dito ang individwal na kapakinabangan. Sa oras na matutuhan ng isang


individwal ang kakayahang magsalita, kailangan na niyang magamit nang wasto ang
wikang kanyang kinagisnan (vernakular).
 Halos lahat ng teorya ng pinagmulan ng wika (na tatalakayin nang puspusan sa mga
susunod na pahina) ay nag-uugat sa sariling kapakinabangan: pagpapahayag ng damdamin,
iniisip at maging ng mismong pagkatao.
 Isipin na lamang kung walang wikang matutuhan ang isang tao! Hindi nga ba't gaano man
kaganda ang isang bata, kung patuloy ang kanyang pag-iyak at hindi masabi ang kanyang
nais, ay walang salang kaiinisan sa dakong huli ng kanyang tagapag-alaga.

Kahalagahang Panlipunan.
ang ipinahayag ni San Buenaventura (makikita sa Resuma at Semorlan, 2002)
1. Walang alinlangang ang tao ay hindi namumuhay nang mag-isa. Kailangan niya ang kanyang
mga kapwa upang bumuo ng isang lipunang sasagisag sa kanilang iisang mithiin, sa
kanilang natatanging kultura.
2. Ito ang dahilan kung bakit may iba't ibang lipunan. At sa pagbanggit sa kultura, naroon ang
katotohanan ng pag-iral ng wika.
3. wika ang dahilan kung bakit minamahal ng sinumang nilalang ang kanyang sariling kultura,
at mula sa pagmamahal na ito, uusbong ang kanyang pagkakakilanlan.
“Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat: isang hulugan, taguan, imbakan o
deposito ng kaalaman ng isang bansa, isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak dito.
Sa madaling salita, ang wika ang kaisipan ng isang bansa kaya't kailanman, ito'y tapat sa
pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito ang mga haka-haka at katiyakan ng
isang bansa.”
Kahalagahang Global/Internasyonal
4. Naging mainit ang isyung ito nang magkaroon ng 2001 Revisyon ng Alfabeto.
5. Maraming nagtaas ng kilay sa paggamit ng mga letrang F, J, V at Z bilang mga letrang
maaari nang gamitin sa pagbaybay ng mga karaniwang salitang hiram.

Filipino 3: Barayti at Baryasyon ng Wika


6. Sa katunayan, malinaw na nakasaan sa Konstitusyon ng 1987 (Art.XIV, Sek.7) na “Ukol sa
mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at
hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles ang gagamitin”
7. Ang nabanggit ang patunay na sa Pilipinas, itinatagubiling matutuhan ng mga Pilipino ang
dalawang wikang opisyal na ito upang ,aging kasangkapan sa komunikasyon: ang Filipino
sa loob ng bansa at ang Ingles sa pandaigdig.
8. Ngunit dahil ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago, napansin ng mga dalubwika ng
bansa na sa pamamagitan ng paglalapat ng linggwistiks, masasabing mailalapit na ang
Filipino sa ispeling ng Ingles.

Sa paggamit ng apat na letrang nabanggit sa dakong unahan, maraming salita ang


papasok sa leksikong Filipino na hindi na kailangan pang baguhin ang ispeling.

Pansinin ang ilang salitang nasa ibaba:

9. focus mula sa focus at mas malapit kaysa sa dating pokus


10. futbol sa Mexico ay gamit na ito at mas praktikal kaysa putbol
11. jornal tanging U lamang sa gitna ang nawala
12. jaket tanging C lamang ang nawala
13. varayti mas praktikal ito kaysa nakagawiang barayti
14. valyu mas mauunawaan kaysa sa nakagawiang balyu
15. magazine tanging ang E lamang sa dakong huli ang nawala
16. bazar Filipino pa rin pagkat nawala ang isang A sa pagitan ng Z at R
Malinaw sa puntong ito ng talakayan na ang wikang Filipino ay nagkakaroon ng ng
kahalagahang global/international pagkat kapag nagsalita man o sumulat sa ngayon
sa Filipino (hindi Tagalog) ang isang mamamayang Pilipino ay madaling
mauunawaan ng global na komunidad.

PAGSASANAY
Panuto: Ilagay ang kasagutan sa long coupon band lamang.

Isulat ang iyong pangalan at kurso, at ang petsa ng pagsumite.

[Ang pagsusumite ng kasagutan ay sa Marso 22, 2021.]

Gawain Bilang 1
Katanungan:
1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng wika.

2. Batay sa iyong sariling pagkakauwana. Ipaliwanag ang pahayag ni Dr. Jose Protacio
Rizal tungkol sa wika na:
“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda”

3. Batay sa tinalakay, bakit humahantong sa pagkamatay ang ilan sa mga wika/salita sa


bansa? Ipaliwanag

Filipino 3: Barayti at Baryasyon ng Wika


Filipino 3: Barayti at Baryasyon ng Wika

You might also like