You are on page 1of 27

9

EKONOMIKS
Unang Markahan – Modyul 1
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS
Asignatura – Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rodelia S. Tupaz, Celestie D. Roldan
Editors: Michael A. Adam, Merjorie Q. Ablay, Maria Fe N. Arca
Tagasuri: Michael A. Adam, Merjorie Q. Ablay, Maria Fe N. Arca
Tagaguhit: Jazer John B. Arsenal
Tagalapat: Emily E. Baculi
Tagadisenyo ng Pabalat: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Romelito G. Flores - Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez- Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny A. Sumugat – REPS, Araling Panlipunan
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A. Palomo – Division EPS In-Charge of LRMS
Gregorio O. Ruales - Division ADM Coordinator
Lito S. Adanza- Divison EPS Araling Panlipunan

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
9

EKONOMIKS
Unang Markahan – Modyul 1:
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG
EKONOMIKS
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kahulugan at Kahalagahan ng
Ekonomiks.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o

iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa na naayon sa iyong kakayahan. Ito ay makakatulong


na maisagawa ang mga pagsasanay at matutunan ang mga konsepto tungkol sa
Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks. Ang mga gawaing ibinigay sa sitwasyon
at halimbawa ay naayon sa iyong mga karanasan, nang sa ganoon ay madali mong
maintindihan ang aralin. Ang bawat gawain ay nailapat sa paraang naaayon at
nararapat sa daloy ng pagkatoto

Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa:

Aralin 1- KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS

Pagkatapos ng mga pagsasanay sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Most Essential Learning Competency:


Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya sa lipunan APMKE-Ia-
1
Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw sa bawat
pamilya at ng lipunan. APMKE-Ia-2

Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:


1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng ekonomiks.
2. Natatalakay ang mga mahahalagang konsepto ng ekonomiks.
3. Natataya ang kahalagahan ng kaalaman sa ekonomiks sa paggawa ng
mga matalinong desisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay

1
Subukin

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak
ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga
tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang aralin
sa modyul na ito.

Gawain 1: PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang titik
wastong sagot sa bawat bilang.

1. Ang salitang ekonomiks ay mula sa mga salitang Griyego na oikos na ang ibig
sabihin ay bahay, ano naman ang ibig sabihin ng nomos?
a. negosyo
b. kabuhayan
c. karunungan
d. pamamahala

2. Paano inilalarawan sa ekonomiks ang mga pangangailangan at kagustuhan ng


mga tao?
a. limitado
b. dumadami
c. walang saysay
d. walang katapusan

3. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin upang matugunan ang


pangangailangan ng mga tao?
a. suliraning pampulitika
b. suliraning pangkapaligiran
c. limitadong pinagkukunang-yaman
d. walang kaubusang pinagkukunang- yaman

4. Sinong ekonomista ang nagsabi na ang ekonomiya at sambahayan ay may


maraming pagkakatulad?
a. Karl Marx
b. Adam Smith
c. John Maynard
d. Nicholas Gregory Mankiw

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI napabilang sa apat na pangunahing


katanungang pang-ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat?

2
a. Ano ang gagawing produkto o serbisyo?
b. Paano gagawin ang mga produkto at serbisyo?
c. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
d. Magkano ang inaasahang tubo sa gagawing produkto at serbisyo?

6. Alin sa sumusunod na suliranin ang kaakibat ng buhay dahil sa pagkakaroon


ng limitadong kakayahan ng tao, likas na yaman at yamang kapital?
a. katamaran
b. kahirapan
c. kakapusan
d. kamangmangan

7. May mga isinaalang-alang tayo sa bawat paggawa natin ng desisyon. Sa


ekonomiks, ano ang tawag sa halaga ng isang bagay na handang ipagpalit sa
bawat paggawa ng desisyon?
a. trade-off
b. incentives
c. opportunity cost
d. marginal thinking

8. Ano ang tawag sa pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng isa pang
bagay?
a. incentives
b. trade-off
c. opportunity cost
d. marginal thinking

9. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng marginal thinking sa


paggawa ng desisyon?
a. Inaayos ang mga suliraning maaring idulot ng napiling desisyon
b. Inaalam kung anong produkto o serbisyo ang sikat o naaayon sa uso
c. Sinusuring mabuti ang pakinabang, at maging ang gastos sa gagawing
pagpili
d. Inaalam kung anong dagdag na pakinabang ang makukuha sa bawat
paggawa ng pagpili

10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyong ang HINDI nagpapakita ng pagsasaalang-


alang ng isang tao sa incentive na makuha niya sa paggawa ng desisyon?
a. Nagsisikap na makatipid sa lahat ng panahon
b. Sinusuri kung magkano ang matipid sa pagbili ng produkto
c. Mas ginagalingan ang pag-aaral para sa magandang kinabukasan
d. Inaalam kung anong dagdag na benepisyo ang makuha sa paggawa ng
desisyon

11. Bakit kailangang isalang-alang ang trade off, opportunity cost, incentives at
marginal thinking sa paggawa ng mga desisyon?
a. dahil mahalagang pag-isipan ang maraming bagay

3
b. dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao
c. dahil maraming mga pagpipilian kaya kailangan may susunding
batayan
d. dahil maraming gustong makamtan ang mga mamimili na dapat
matugunan

12. Paano makatulong sa mga mamamayan ang kaalaman tungkol sa mga


konsepto ng ekonomiks?
a. Makakagawa ng matalinong desisyon sa pang-araw araw na
pamumuhay.
b. Makapagpatunay na mas lamang ang mga taong may maraming alam
sa buhay
c. Makahikayat ng iba na maging masinop sa buhay
d. Maging maingat sa pagharap sa hamon ng buhay

13. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kung mas uunahin ng tao ang
kanyang mga kagustuhan kaysa mga kailangan?
a. Makakaranas ng masaganang pamumuhay
b. Matutugunan ang lahat ng mga pangangailangan
c. Makakamtan ang lahat ng mga ninanais sa buhay
d. Mahirapang tugunan ang mga mga pang-araw-araw na
pangangailangan

14-15. Alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin ng mga mamamayan sa


panahon ng sakuna, kalamidad, o pandemic? Pumili ng DALAWA mula sa mga
nakasulat na sitwasyon.

a. Pagsunod sa mga patakaran na ipinatupad ng pamahalaan upang


mapadali ang sitwasyon at mapigil ang karagdagang problema, hindi
lamang para sa sarili kundi para sa kabutihang panlahat.
b. Mas pahalagahan ang sariling kaligtasan at kagustuhan bago isaalang
alang ang kapakanan ng karamihan
c. Paniniwala at pagpalaganap ng mga di kumpimadong balita ( fake news)
tungkol sa mga nangyayari sa paligid
d. Pagsisikap na mapaunlad ang sariling kakayahanat maging produktibo
sa kabila ng mga kinakaharap na suliranin.
e. Pagwawalang bahala sa mga patakaran dahil nababagot na sa
sitwasyon

4
Aralin
Kahulugan at Kahalagahan ng
1 Ekonomiks
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa mga
pangunahing konsepto at kahalagahan ng ekonomiks at kung paano ito magagamit
bilang batayan ng matalinong pagpapasya sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Balikan

Matapos mong sagutan ang mga paunang pagtataya, sagutin mo muna ang susunod
na gawain upang lubusang maiugnay ang dating kaalaman sa ating bagong aralin
na tatalakayin.

Gawain 2: QUARANTOUR
Kumusta? Gusto nyo bang mamasyal? Halina at pasyalan natin ang ibang mga
lugar sa daigdig sa guhit na ito. Hanapin sa collage ang mga simbolo o larawan na
nagpapaalala sa iyo sa mga lugar sa daigdig.

Panuto: Suriin ang mga larawan na nasa ibaba.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong mga simbolo o larawan ang nakikita mo?
2. Saang mga lugar ito matatagpuan?
3. Gusto mo bang mapuntahan ang mga lugar na ito?
4. Sa kasalukuyang estado ng buhay mo ngayon, kaya mo na bang puntahan
ang mga lugar na gusto mo? Bakit?

5
Tuklasin

Bago natin talakayin ang bagong aralin, tunghayan muna ang gawain at sagutin
ang pamprosesong tanong.

Gawain 3. PHOTOSURI

Panuto: Suriin ang larawan at sagutan ang pamprosesong tanong. Kung ikaw ay
isang mag-aaral naiisip mo rin ba ang mga bagay at lugar na ito?

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang ipinapahiwatig ng larawan?


2. Naranasan mo na ba ang ganito?
3. Paano mo pinamahalaan ang ganitong sitwasyon?

6
Gawain 4: CODE DECODE
Panuto: I-decode ang mga nakatagong konsepto sa bawat bilang. Gamiting gabay
ang mga numerong nakatalaga sa titik ng English Alphabet sa pagdecode , gaya ng
1, para sa A, 2, para sa B, 3, para sa C….. Z para sa 26. Isulat sa patlang ang na
decode na konsepto.

CODE DECODED

9-14-3-5-14-20-9-22-5-19 __________________________

5-11-15-14-15-13-9-11-19 __________________________

20-18-1-4-5 15-6-6 __________________________

15-16-16-15-18-20-21-14-9-20-25 3-15-19-20 __________________________

13-1-18-7-9-14-1-12 20-8-9-14-11-9-14-7 __________________________

Pamprosesong Tanong:
1. Anong mga konsepto ang nakatago sa mga code?
2. Ano ang kahulugan ng mga konseptong ito?
3. Gamit ang konseptong nasa itaas, ibigay ang iyong sariling
pagpapakahulugan sa ekonomiks.

Suriin

Kumusta? Handa ka na ba sa bagong aralin? Tunghayan at basahin ang mga


impormasyon tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks.

Gawain 5: BASA PARA SA KAALAMAN

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na teksto at pagkatapos ay sagutan ang mga
sumsusunod na gawain.

Kahulugan ng Ekonomiks

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano


tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit
ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na

7
oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos na pamamahala
(Viloria, 2000).

Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad (Mankiw, 1997). Ang


sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga
desisyon. Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya
kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at
kagustuhan. Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung
magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga
bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya.

Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng iba’t


ibang desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong
produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang
gagawin. Lumalabas ang mga batayang katanungang nabanggit dahilan sa suliranin
sa kakapusan. May kakapusan dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang-
yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa
kakapusan, kailangan ng mekanismo ng pamamahagi ng limitadong
pinagkukunang-yaman.

Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan ng


tao at may limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang
likas at kapital. Ang yamang likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa
paglipas ng panahon. Samantala, ang yamang kapital (capital goods) tulad ng
makinarya, gusali,at kagamitan sa paglikha ng produkto ay may limitasyon din ang
dami ng maaaring malikha. Sa gayon, kailangang magdesisyon ang pamayanan
batay sa apat napangunahing katanungang pang-ekonomiya na kapaki-pakinabang
sa lahat.

Ang kakapusan na pinagtutuunan ng pag-aaral ng ekonomiks ay pang-araw-araw


na suliraning kinakaharap hindi lamang ng pamayanan at sambahayan, kundi ng
bawat indibidwal pati ang mga mag-aaral na katulad mo.

Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks

Bahagi na ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng mga choice. Sa pagproseso ng


pagpili, hindi maiiwasan ang trade-off. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo
ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Mahalaga ang trade-off, sapagkat sa
pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng
pinakamainam na pasya. Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro?

Sa ginagawang pagsasakriprisyo ay may opportunity cost. Ang opportunity cost ay


tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon (Case, Fair at Oster, 2012). Ang opportunity cost ng paglalaro
sa naunang halimbawa ay ang halaga ng pag-aral na ipinagpalibang gawin.

Mahalagang makabuo ng matalinong desisyon sa bawat produkto o serbisyong


pagpipilian, subalit minsan kahit nakabuo na ng desisyon ay hindi pa rin

8
maiiwasang magbago ng isip sa bandang huli. Ito ay dahilan sa mga insentibo na
iniaalok ng mga lumilikha ng produkto at serbisyo. Tulad ng pag-aalok ng mas mura
at magandang serbisyo at pagbibigay ng mas maraming pakinabang sa bawat
pagkonsumo ng produkto o serbisyo. Maaari ding mailarawan ang incentives sa
kung magbibigay ng karagdagang allowance ang mga magulang kapalit ng mas
mataas na marka na pagsisikapang makamit ng mag-aaral.

May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin.” Ang ibig
sabihin nito ay sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito
man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon. Sa gagawing
desisyon sa pagitan ng pag-aaral at paglalaro, karagdagang allowance at mataas na
grado, ay masasabing maaaring maging matalino sa paggawa ng desisyon ang isang
tao.

Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at


marginal thinking ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon upang maging
rasyonal ang bawat isa sa pagbuo ng desisyon.

Kahalagahan ng Ekonomiks

Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting


pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon. Malaki ang maitutulong nito sa iyo
bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.

Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang


maunawaan ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang
usaping ekonomiko ng bansa. Maaari mo ding maunawaan ang mga batas at
programang ipinatutupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng
ekonomiya.

Maaari mo ding magamit ang kaalaman sa ekonomiks sa pag-unawa sa mga


desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan.
Sa mga isyu tungkol sa pag-aaral, pagkita, paglilibang, paggasta, at pagtugon sa
pangangailangan at kagustuhan ay maaari mong magamit ang kaalaman sa
alokasyon at pamamahala. Ang iyong kaalaman ay makatutulong upang
makapagbigay ka ng makatuwirang opinyon tungkol sa mahahalagang
pagdedesisyon ng iyong pamilya.

Bilang isang mag-aaral ay maaaring maging higit na matalino, mapanuri, at


mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Maaari din itong humubog sa
iyong pag-unawa, ugali, at gawi sa pamaraang makatutulong sa iyong pagdedesisyon
para sa kinabukasan at paghahanapbuhay
(Learners Module p. 15-18)Halaw mula sa Modyul Para sa Mga Mag-aaral, Ekonomiks, Yunit 1, Department of
Education, 2015

9
Pagyamanin

Binabati kita dahil sa natapos mo nang basahin at intindihin ang mga


mahahalagang impormasyong patungkol sa ating aralin. Ngayon naman ay gawin at
sagutan mo ang mga sumusunod na pagsasanay para iyong lubos na pagkaunawa.

Gawain 6: HALINA’T MAGDESISYON!

Panuto: Punan ng tamang sagot ang sumusunod nagraphic organizer tungkol sa


kung ano ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng desisyon.Isulat sa loob ng
arrow ang sagot na konsepto at ang kahulugan nito.

Matalinong
Desisyon

Pamprosesong Tanong :
1. Ano ang natutunan mo mula sa mga konseptong ito?
2. Paano makatulongang kaalaman sa mga konseptong ito sa iyong
pamumuhay bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan?

Gawain 7: SURI-SITWASIYON

10
Si Nena ay isang 14 taong gulang na mag-aaral na nakatira sa isang komunidad sa
SOCCSKSARGEN. Nang lumaganap ang pandemic na Covid -19, napabilang ang
kanilang pamayanan sa mga lugar na isinailalim sa Enhanced Community
Quarantine (ECQ) dahil sa may iilang kaso ng nagkasakit sa kanilang rehiyon.
Naging mahigpit ang patakaran sa paglabas ng mga tao at pinagbawalan ang mga
21 taong gulang pababa,mga senior citizen, mga immune-compromised individual
at mga non- essential workers na lumabas ng kanilang mga bahay upang maiwasan
ang paglaganap ng virus. Namigay naman ng rasyon o ayuda ang gobyerno para sa
mga mamamayan.

Nakababagot ang manatili sa bahay, paulit-ulit lng ang mga ginagawa sa araw-araw.
Nais ni Nena na lumabas at makipag bonding sa kanyang mga kaibigan, maligo sa
malapit na ilog o kaya ay umistambay sa plasa . Nababagot na rin ang kanyang
mga magulang at nag-aalala sa kanilang kalagayan. Nagnanais silang lumabas
para makapaghanapbuhay dahil kulang ang ayudang natanggap para sa pang-araw-
araw na pangangailangan.

Ngunit, mapanganib ang lumabas at makihalubilo sa maraming tao lalo pa may mga
suspected covid cases at mga nagpositibo sa rehiyon.Kaya minabuti ng kanilang
pamilya na manatili sa kanilang bahay at sumunod sa mga patakarang ipinatupad
ng pamahalaan upang maging ligtas ang sarili, pamilya, at ang kanilang komunidad
sa paglaganap ng virus.

Para malibang at mabawasan ang kanilang pag-alala sa pang-araw-araw na


kailangan ,naisip nilang magtanim ng mga gulay sa kanilang bakuran at sa mga
bakanteng paso.Pinagtulungan nilang linangin ang espasyo sa kanilang bakuran.
Pagkatapos ng isang buwan,nagsimula na silang makapag -ani ng mga dahong
gulay. Ang ibang tanim naman ay hinintay pang mamunga at malapit nang aanihin.
Naging bahagi ng pang-araw-araw na pagkain nila ang masustansya at masarap na
gulay. Ang sobrang gulay ay kanilang ibenibenta sa kanilang mga kapitbahay at
nagkakaroon pa ng kita, pambili ng iba pang pangangailangan.

Dahil dito, naging mas kapaki-pakinabang ang mga araw nila kahit nasa community
quarantine ang kanilang lugar. Sariwa, malinis at masustansya ang kanilang
pagkain at hindi na kailangang iasa lahat sa rasyon ng gobyerno ang pagtugon sa
kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan.

Panuto: Mula sa mga natalakay na konsepto ng ekonomiks , isulat sa katapat na


kahon kung anong desisyon ang ginawa ng pamilya ni Nena na nagpapakita ng
konseptong ito.

11
Trade-off

Opportunity Cost

Marginal Thinking

Incentives

Isaisip

Hindi maipagkakaila na ang kakapusan ay nararanasan ng mga tao sa sanlibutan.


Ito ay dahil sa walang katapusan ang ating mga pangangailangan at kagustuhan,
ngunit limitado naman ang ating mga pinagkukunang-yaman. Ang nararanasan
nating kakapusan ay naka depende sa mga desisyon na ating ginagawa sa pang-
araw-araw na pamumuhay.

Sa halos lahat ng pagkakataon, mula paggising hanggang bago matulog tayo ay


gumagawa ng desisyon o pagpili. Maliit man o malaki, ang mga desisyong ito ay may
epekto sa ating pamumuhay. Ang kaalaman tungkol sa mga konsepto ng ekonomiks
at ang paggamit nito ay makatulong upang tayo ay makagawa ng mga matalinong
desisyon, walang masayang na pinagkukunang-yaman at mapamahalaan ang
suliranin sa nararanasang kakapusan.

Isagawa

Tunghayan naman ang bahaging ito ng ating aralin. Sagutin ang gawaing ito na
makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

12
Gawain 8: PLANO MO, ILAHAD MO!
Sa muling pagbukas ng klase at pagbalik sa mga trabaho, hindi nangangahulugang
tapos na ang pandemya Dapat isaisip mo, nasa ibayong pag-iingat pa rin ang buong
daigdig dahil sa Covid 19 kaya kailangan mong maging maingat sa lahat ng
pagkakataon. Nagkakaroon na din ng kakapusan sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig
dahil sa pansamantalang pagtigil at pagbagal ng mga gawaing pang-ekonomiya.

Gamit ang iyong kaalaman tungkol sa kahulugan, konsepto at kahalagahan ng


ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay, ilahad ang iyong mga planong gawin
upang masiguro ang iyong kaligtasan habang nag-aaral .

Ang mga sumusunod ay maaari mong isaalang-alang sa iyong pagplano:

a. Paghahanda sa pagpasok
b. Pagpunta sa paaralan
c. Pagkain para sa recess/tanghalian
d. Pakikihalubilo sa guro, mga kamag-aaral, at ibang taong makasalamuha
e. Paggawa ng mga itinalagang gawain sa bawat asignatura
f. Iba pang gawainsa bahay kasama ang pamilya.

Rubriks

Kategorya 10 8 5 2
Kompletong May konting Maraming Walang
nailahad ang kulang sa kulang sa nabanggit na
ang mga mga ideya at mga ideya at konsepto
Nilalaman konsepto at konseptong konseptong Na may
ideya sa inilahad inilahad kinalaman sa
paksa paksa
Lohikal at Lohikal ang Lohikal ang Hindi lohikal
mahusay ang pagkaayos ng pagkakaayos ang
pagkasunod- mga ideya ng mga ideya pagkaayos ng
Organisasyon sunod ng ngunit di- ngunit di mga ideya
ng ideya mga ideya gaanong gaanong
makinis ang nalinang
pagkalahad
Kabuuan

Tayahin

Binabati kitang muli sa iyong matagumpay na pagsagot sa pagsasanay. Nasa dulo


na tayo ng iyong pag aaral tungkol sa kahulugan at mga kahalagan ng ekonomiks.
Sukatin natin ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng pagsagot sa pagtataya.

Gawain 9: PAGTATAYA

13
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ang
tamang sagot.

1. Ang salitang ekonomiks ay mula sa mga salitang Griyego na oikos na ang ibig
sabihin ay bahay, ano naman ang ibig sabihin ng nomos?
a. negosyo
b. kabuhayan
c. karunungan
d. pamamahala

2. Paano inilalarawan sa ekonomiks ang mga pangangailangan at kagustuhan ng


mga tao?
a. limitado
b. dumadami
c. walang saysay
d. walang katapusan

3. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin upang matugunan ang


pangangailangan ng mga tao?
a. suliraning pampulitika
b. suliraning pangkapaligiran
c. limitadong pinagkukunang-yaman
d. walang kaubusang pinagkukunang- yaman

4. Sinong ekonomista ang nagsabi na ang ekonomiya at sambahayan ay may


maraming pagkakatulad?
a. Karl Marx
b. Adam Smith
c. John Maynard
d. Nicholas Gregory Mankiw

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI napabilang sa apat na pangunahing


katanungang pang-ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat?
a. Ano ang gagawing produkto o serbisyo?
b. Paano gagawin ang mga produkto at serbisyo?
c. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
d. Magkano ang inaasahang tubo sa gagawing produkto at serbisyo?

6. Alin sa sumusunod na suliranin ang kaakibat ng buhay dahil sa pagkakaroon


ng limitadong kakayahan ng tao, likas na yaman at yamang kapital?
a. katamaran
b. kahirapan
c. kakapusan
d. kamangmangan

14
7. May mga isinaalang-alang tayo sa bawat paggawa natin ng desisyon. Sa
ekonomiks, ano ang tawag sa halaga ng isang bagay na handang ipagpalit sa
bawat paggawa ng desisyon?
a. trade-off
b. incentives
c. opportunity cost
d. marginal thinking

8. Ano ang tawag sa pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng isa pang
bagay?
a. incentives
b. trade-off
c. opportunity cost
d. marginal thinking

9. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng marginal thinking sa


paggawa ng desisyon?
a. Inaayos ang mga suliraning maaring idulot ng napiling desisyon
b. Inaalam kung anong produkto o serbisyo ang sikat o naaayon sa uso
c. Sinusuring mabuti ang pakinabang, at maging ang gastos sa gagawing
pagpili
d. Inaalam kung anong dagdag na pakinabang ang makukuha sa bawat
paggawa ng pagpili

10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyong ang HINDI nagpapakita ng


pagsasaalang-alang ng isang tao sa incentive na makuha niya sa paggawa ng
desisyon?
a. Nagsisikap na makatipid sa lahat ng panahon
b. Sinusuri kung magkano ang matipid sa pagbili ng produkto
c. Mas ginagalingan ang pag-aaral para sa magandang kinabukasan
d. Inaalam kung anong dagdag na benepisyo ang makuha sa paggawa ng
desisyon

11. Bakit kailangang isalang-alang ang trade off, opportunity cost, incentives at
marginal thinking sa paggawa ng mga desisyon?
a. dahil mahalagang pag-isipan ang maraming bagay
b. dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao
c. dahil maraming mga pagpipilian kaya kailangan may susunding
batayan
d. dahil maraming gustong makamtan ang mga mamimili na dapat
matugunan

12. Paano makatulong sa mga mamamayan ang kaalaman tungkol sa mga


konsepto ng ekonomiks?
a. Makakagawa ng matalinong desisyon sa pang-araw araw na
pamumuhay.

15
b. Makapagpatunay na mas lamang ang mga taong may maraming alam
sa buhay
c. Makahikayat ng iba na maging masinop sa buhay
d. Maging maingat sa pagharap sa hamon ng buhay

13. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kung mas uunahin ng tao ang
kanyang mga kagustuhan kaysa mga kailangan?
a. Makakaranas ng masaganang pamumuhay
b. Matutugunan ang lahat ng mga pangangailangan
c. Makakamtan ang lahat ng mga ninanais sa buhay
d. Mahirapang tugunan ang mga mga pang-araw-araw na
pangangailangan

14-15. Alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin ng mga mamamayan sa


panahon ng sakuna, kalamidad, o pandemic? Pumili ng DALAWA mula sa mga
nakasulat na sitwasyon.

a. Pagsunod sa mga patakaran na ipinatupad ng pamahalaan upang


mapadali ang sitwasyon at mapigil ang karagdagang problema, hindi
lamang para sa sarili kundi para sa kabutihang panlahat.
b. Mas pahalagahan ang sariling kaligtasan at kagustuhan bago isaalang
alang ang kapakanan ng karamihan
c. Paniniwala at pagpalaganap ng mga di kumpimadong balita (fake news)
tungkol sa mga nangyayari sa paligid
d. Pagsisikap na mapaunlad ang sariling kakayahanat maging produktibo
sa kabila ng mga kinakaharap na suliranin.
e. Pagwawalang bahala sa mga patakaran dahil nababagot na sa
sitwasyon

Karagdagang Gawain

Magaling at iyong nasagutan ang pagtataya, ngayon naman ay pagyamanin ang


iyong kaalaman o kasanayan sa natutunang aralin sa pamamagitan ng pag sagot
sa mga gawain na sumusunod.

Gawain 10: ISLOGAN, GABAY KO

Panuto:Gumawa ng slogan na naglalaman ng iyong kaalaman tungkol sa ekonomiks


at kahalagahan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.

Isulat ang slogan sa isang long bond paper at dapat ito ay may orientation na
landscape.

RUBRIKS PARA SA ISLOGAN

16
Kategorya 10 8 5 2
Mabisang Di-gaanong Medyo Walang
Nilalaman nailahad ang nailahad ang magulo ang nailahad na
mensahe mensahe mensahe mensahe
Napakaganda Maganda at Maganda Di- maganda
at malinaw ang ngunit di- at di-
napakalinaw pagkasulat ng gaanong malinaw ang
Pagkamalikhain
ng pagkasulat mga titik malinaw ang pagkasulat ng
ng mga titik pagkasulat ng mga titik
mga titik

Malinis na Malinis ang Di-gaanong Marumi ang


Kalinisan
malinis ang pagkagawa malinis ang pagkagawa
pagkagawa pagkagawa
Kabuuan

Susi sa Pagwawasto

17
18
A. Aklat
LE-and-SIM-Format E REYES.pptx
Sanggunian
Suriin Pagyamanin Tayahin
1. b Gawain 5: Halina’t, 1. b
2. d Magdesisyon! 2. d
3. c 3. c
4. d Trade-off - ang pagpili o 4. d
5. d pagsasakripisyo ng isang 5. d
6. c bagay kapalit ng ibang 6. c
7. a bagay 7. a
8. c 8. c
9. c Opportunity Cost - 9. c
10.d tumutukoy sa halaga ng 10.d
11.b bagay o nang best 11.b
12.a alternative na handang 12.a
13.d ipagpalit sa bawat paggawa 13.d
14.a ng desisyon . 14.a
15.d 15.d
Incentives- mga iniaalok
ng mga lumilikha ng
produkto at serbisyo na
maaring makahikayat sa
mamimili na baguhin ang
naunang desisyon.
Marginal Thinking-
sinusuri ng isang
indibidwal ang
karagdagang halaga,
maging ito man ay gastos o
pakinabang na makukuha
mula sa gagawing desisyon
maaring makahikayat sa
mamimili na baguhin ang
naunang desisyon.
Balitao, Bernard R. et., al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon,
Bagong Edisyon 2012, Vibal Publishing House , Inc.

Balitao, Bernard R. et., al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Manwal ng


Guro sa Araling Panlipunan) Ikaapat na Taon, Vibal Publishing House , Inc.

Balitao, et.al, Modyul para sa mga Mag-aaral, Ekonomiks, 2015.

B. Website

http://www.google.com/search?g=mountain+climbers&tbm=isch&chips=g:mountai
n+climbers.g_1:clip+art
https://www.pexels.com

PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin

19
ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag
ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok ang
anumang puna, komento at rekomendasyon

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like