You are on page 1of 1

Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Macros na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si

Don Teong. Si Son Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit
namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni
Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay Don
Teong. Kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay
Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi
pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao.

Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito’y kanilang
minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggal ang kanilang karapatan,
napilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari iyang ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang
ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama ngloob kay Don Teong na matagal
nilang pinagsisilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang
dahilan ng pagkamamatay ng kaniyang kasintahan na si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si
Anita na siyang kinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi
katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hindi pa naman
humuhupa ang galit niya, siya naming pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis
na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa
maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang
kanilang tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng
mapangsamantalang si Don Teong.

Dahil sag alit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano
siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni
Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong
iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong.
Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga
gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang
malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad niyang ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas
inisip pa niya ang kanyang matapang na kalabaw.

You might also like