You are on page 1of 15

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LUNGSOD NG MABALACAT CITY

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: ____________

Paaralan: _______________________________ Petsa: __________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
IKATLONG MARKAHAN-UNANG LINGGO
ANG PAGMAMAHAL SA DIYOS

I. Panimula
Paano ka ba magmahal? Naitanong mo na ba ito sa iyong sarili? Paano
mo minamahal ang Diyos at ang iyong kapwa? Pamilyar ka ba sa dalawang
pinakamahalagang utos? Ito ay ang: ibigin mo ang Diyos nang buong isip,
puso at kaluluwa at ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng iyong sarili. Ang
pagmamahal ang pinakamahalagang utos.

Sa gawaing pampagkatutong ito pag-uusapan natin ang pagmamahal

sa Diyos.

II. Kasanayang Pampagkatuto

1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos.
EsP10PB-IIIa-9.1
2. Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa
Diyos sa kongretong pangyayari sa Buhay. EsP10PB-IIIa-9.2

III. Mga Layunin

Pagkatapos ng Gawaing Pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
a. makikilala ang kahalagahan ng Pagmamahal sa Diyos
b. makapagbibigay ng mga pangyayari sa buhay na kung saan
nakatutulong ang pagmamahal sa Diyos
c. maisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng
pagmamahal sa Diyos.
IV. Pagtalakay
Ang Pagmamahal sa Diyos
Naranasan mo na bang magmahal? Kung naranasan mo na ito, ano
ang iyong naging pakiramdam? Naging masaya ka ba o kakaiba ang iyong
pakiramdam? Tila hindi mo napapansin ang paglipas ng oras sapagkat doon
umiikot ang iyong mundo. Sa pagmamahal, binubuo ang isang maganda at
malalim na ugnayan sa taong iyong minamahal. Sa ugnayang ito,
nagkakaroon ng pagkakataon ang dalawang tao na magkausap, magkita, at
magkakilala. Ito ay nagsisimula sa simpleng palitan ng usapan at maaaring
lumalim kung patuloy ang kanilang ugnayan. Mas nagiging maganda at
makabuluhan ang ugnayan kung may kasama itong pagmamahal.

Ang tao ay likas na maka-Diyos. Mula sa kanyang kapanganakan,

hinahanap na niya ang kaniyang pinagmulan. Marahil ay tatanungin mo ang
iyong sarili saan nagmula ang ating buhay.

Ang Diyos ang pinagmulan ng tao at ang patutunguhan nito. Nilikha

tayo ng Diyos. Marapat na Siya ay mahalin. Higit pa dito, siya ang pinagmulan
ng pag-ibig kaya sinasabing ang Diyos ay pag-ibig.

Juan 3:16
Dahil mahal na-mahal ng Diyos ang sanlibutan kaya ang anak niyang
kaisa-isa’y kanyang ipinagkaloob at nang sinuman ang maniwala sa
kanya’y di mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggang.

Ipinapahiwatig ng berso na minamahal ng Diyos ang kaniyang anak.

Ang tao na mananalig sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang
hanggan. Bilang pagmamahal ng Diyos, binigyan tayo ng talino at lakas.
Gamit ito, makakamit natin ang ibibigay niyang buhay na walang
hanggan. Ngunit papaano natin gagamitin ang mga ibinibigay niyang talino
at lakas sa atin upang makamit ang buhay na walang hanggan?

Ang tao ay nilikha ng Diyos na may misyon na dapat na gawin. Sinasabi

sa Bibliya na ang tao’y kamanggagawa ng Diyos upang maisagawa ang
kaniyang plano para sa sangkatauhan. Pinagkalooban niya tayo ng talino at
lakas upang makagawa hindi lamang para sa pansariling pag-unlad kundi
pati na din sa pagkakamit ng kabutihang panlahat. Upang maisagawa ang
misyong ito gagamitin natin ang pinagkaloob niyang talino at lakas sa atin
upang maisabuhay ang paggawa. Upang mas higit na maunawaan, ang
pagmamahal ay isa sa mga pagpapahalagang maaaring taglayin ng isang tao.

2
Dahil ang pagmamahal ay ispiritwal, mahirap itong ipakita kung hindi
lalapatan ng gawa. Importante ang paggawa dahil hindi lamang upang
matugunan ang ating mga pangangailangang material kundi upang
maisakatuparan natin ang ating misyon dito sa lupa. Ang misyong
maghahatid sa atin sa pagiging makamanggagawa ng Diyos sa kanyang mga
plano sa sangkatauhan.

Sa konklusyon mahalaga ang pagmamamahal ng Diyos dahil inililigtas

niya tayo. Makabuluhan na mahalin natin siya dahil sa ibinigay niyang buhay
na walang hanggan. Masasabi natin na dapat pa din nating tandaan na
manalig at sundin ang kanyang mga kagustuhan dahil kung sinuman ang
maniniwala sa kaniya ay pagkakalooban niya.

Naririto ang ilan sa mga dapat gawin upang mapangalagaan ang

ugnayan ng tao sa Diyos.

1. Panalangin – Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos. Sa

pananalangin, ang tao ay nakapagbibigay ng papuri, pasasalamat,
paghingi ng tawad, at paghiling sa Kaniya. Kung hindi natutupad ang
hinihiling sa panalangin, huwag agad panghinaan ng pananampalataya
dahil may dahilan ang Diyos kung bakit hindi Niya ibinibigay ito sa tao.
Maaaring hindi pa ito dapat mangyari, o di kaya’y maaaring makasama
ito sa taong humihiling.

2. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay – Sa buhay ng tao,

napakahalaga ang pananahimik. Ito ay makatutulong upang ang tao ay
makapagisip at makapagnilay. Mula rito mauunawaan ng tao ang tunay
na mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay. Makatutulong ito upang
malaman ng tao kung ano ang ginagawa niya sa kaniyang paglalakbay,
kung saan siya patutungo.

3. Pagsisimba o Pagsamba – Anuman ang pinaniniwalaan ng tao,

mahalaga ang pagsisimba o pagsamba saan man siya kaanib na
relihiyon. Ito ang makatutulong sa tao upang lalo pang lumawak ang
kaniyang kaalaman sa Salita ng Diyos at maibahagi ito sa pamamagitan
ng pagsasabuhay ng kaalaman na napulot sa pagsisimba/pagsamba.

4. Pag-aaral ng salita ng Diyos – Upang lubos na makilala ng tao ang

Diyos, nararapat na malaman ang Kaniyang mga turo o aral. Tulad ng
isang tao na nais makilala nang lubos ang taong kaniyang minamahal,
inaalam niya ang lahat ng impormasyon ukol dito. Hindi lubusang
makikilala ng tao ang Diyos kung hindi siya mag-aaral o magbabasa ng
Banal na Kasulatan o Koran.

3
5. Pagmamahal sa Kapuwa – Hindi maaaring ihiwalay sa tao ang kaniyang
ugnayan sa kapuwa. Ito ang isang dahilan ng pag-iral ng tao, ang
mamuhay kasama ang kapuwa. Hindi masasabi na maganda ang
ugnayan ng tao sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa
kaniyang kapuwa. Mahalagang maipakita ng tao ang paglilingkod sa
kaniyang kapuwa.

6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad – Malaki ang

naitutulong ng pagbabasa ng mga babasahin na may kinalaman sa
espiritwalidad. Ito ay nakatutulong sa paglago at pagpapalalim ng
pananampalataya ng isang tao.

Mula sa iba’t ibang paraan, napalalalim ng tao ang kaniyang ugnayan sa

Diyos. Kaya’t dito ay makikita ng tao na hindi maaaring ihiwalay ang
espiritwalidad sa pananampalataya. Ang espiritwalidad ng tao ang
pinaghuhugutan ng pananampalataya at ang pananampalataya naman ang
siyang nagpapataas ng espiritwalidad ng tao. Dito ay nagkakaroon nang
malalim na ugnayan ang Diyos at ang tao.

Tumatanda ka na, marami ka pang mararanasan sa buhay, mahalagang

sa edad mong iyan ay simulan mo ng paunlarin ang iyong pananampalataya
sapagkat ito ang iyong magiging kalasag sa pag-unlad.

V. Mga Gawain
Gawain #1
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa bawat bilang. Bilugan ang
letra ng pinaka angkop na sagot.

1. Mapalad ang tao dahil bukod sa binigyan siya ng buhay ay ginawa siyang
A. kawangis ng Diyos
B. kamukha ng Diyos
C. kamanlilikha ng Diyos
D. katuwang ng Diyos

2. Huwag mo nang hangaring tumulad pa sa iba o hangaring mapasaiyo ang

katangian na nasa ibang tao. Ang ibig sabihin ay:
A. higit na mabuti ang magpakatotoo ka.
B. ang bawat tao ay mayroong mga katangiang natatangi lamang para
sa kanya.
C. ang tao ay magiging maligaya kung susundin niya ang kanyang gusto.
D. marami ang katangian ng tao kaya huwag kang mainggit sa iba.

4
3. Ang tao ay biniyayaan ng talino at kalayaan. Likas sa kanya ang
a. A. kasipagan.
B. katalinuhan.
C. kabutihan.
D. kagandahan.

4. Ano ang diwa nag pahayag na ito ni Leo Buscaglia?

“Ang iyong buhay ay biyayang galing sa Diyos. Kung paano mo isasabuhay
ang biyayang iyan ay iyong ihahandog sa Kanya.”
A. Ang paraan ng pagsasabuhay ng tao ang ibabalik sa lumikha ng buhay.
B. Higit na matutuwa ang nagbigay ng buhay kung magpapasalamat tayo
sa Kanya.
C. Mabuti lamang ang buhay na ihahandog natin sa Diyos.
D. Kailangang ibalik natin ang buhay sa lumikha nito.

5. Ano ang kahulugan ng pahayag?

Ang mga biyayang bigay ng Diyos
ay isang paraan ng pasasalamat sa Kanya.
A. Ialay ang mga biyayang mula sa Diyos sa tuwing nagsisimba.
B. Kailangang mag-aral tayo habang buhay para ialay sa Diyos.
C. Kailangang paunlarin natin ang ating sarili habang buhay.
D. Mahalagang gamitin natin ang mga biyayang kaloob ng Diyos sa pag-
unlad ng sarili at pagtulong sa kapwa.

Gawain #2: Word Hunt

Panuto: Hanapin ang 15 salitang may kaugnayan sa pananalig at
pagmamahal sa Diyos. Ilan sa mga ito ay pahalang, pababa at pahilis
(diagonal). Isulat ang iyong mga makikita.

P A G D A R A S A L S R L H
A P A G M A M A H A L L Y E
M L G A K A P W A X Y S R S
A A S G S Q P C B M D A A U
M N S I M B A S F H D B M S
A G P A G P A P A T A W A D
H I K A P A Y A P A A N M P
I T T I W A L A S L N C A A
N J B I B L I Y A C D B M S
G P A G I B I G G L P Z H K
A P P A G A A Y U N O Y R O
Z P A G N I N I L A Y Q L T
M E D I T A S Y O N R G S Y
S A K R I P I S Y O M K D P

5
Sagutin Mo.

1. Nahirapan ka ba sa gawain? Ilang salita ang nahanap mo?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Mahalaga ba sa iyo ang mga ito? Bakit?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Paano nakatulong sa iyong pagharap sa mga suliranin ang mga ito?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain #3
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod magbalik-gunita ka sa mga nagdaang
karanasan mo sa buhay.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN NAKUHANG

PUNTOS
Pamantayan PUNTOS
Sapat at akma ang nilalaman ng mga kasagutan. 15
Maayos ang organisasyon ng mga ideya at kalinisan sa 10
pagkakasulat.
Wasto ang pagbaybay at gramatika. 5
Kabuuang Puntos 30

a. Anong suliranin o pagsubok ang iyong dinaanan? Paano mo ito

nalampasan?
b. Ano-anong pagpapahalaga ang nakatulong sa iyo?
Sundin ang pormat sa ibaba sa iyong pagsagot.

SULIRANIN O PAGSUBOK NA PINAGDAANAN SA BUHAY AT PAANO

MO ITO NALAMPASAN
______________________________________________________________________

6
MGA PAGPAPAHALAGANG NAKATULONG

__

Gawain #4
Panuto: Basahin mong mabuti ang kwento at sagutin ang mga tanong.

PAGPAPALA
Lumubog ang bangkang sinasakyan ng isang lalaki;
mabuti na lamang at nakahawak siya sa isang life jacket
kaya’t nakuha niyang makalutang sa tubig nang buong
araw. Hinampas siya ng alon at ipinadpad sa isang islang
walang naninirahan.

Matapos siyang makabawi ng lakas ay nagtayo siya

ng maliit na bahay na yari sa mga dahon at sanga ng
punong nasa isla. Inilagay niya sa kanyang munting tirahan
ang lahat na gamit na kanyang nailigtas. Sa araw-araw
ay nananalangin siyang iligtas ng Diyos. Araw-araw din
siyang tumatanaw sa malayo upang mag-abang ng mga
barkong daraan.
Minsan, mula sa kanyang paghahanap ng makakain
ay nagulat na lamang siya nang makitang ang kanyang
munting tahanan ay nasusunog. Huli na upang iligtas ang
mga kagamitang nasa loob nito. Wala nang habol… Ano pa
ang maaaring gawin? Wala na, ito na ang pinakamasamang
nangyari.
Hindi niya alam naging pagpapala pa para sa kanya
ang sunog na ito sapagkat namataan ng kapitan ng isang
barkong dumaraan ang usok na likha ng sunog kaya
kinabukasan ay bumalik ang barkong dala ang
kinakailangang gamit at siya ay tinulungan.

7
Sagutin Mo.

1. Sa paanong paraan ipinakita ng lalaki ang kanyang pananampalataya

sa Diyos?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Paano siya natulungan ng kanyang pananampalataya?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Paano mo ito maiuugnay sa iyong sariling karanasan.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain #5
A. Panuto: Punan ang hindi tapos na pangungusap sa ibaba batay sa iyong
sariling pananaw.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN NAKUHANG

PUNTOS
Pamantayan PUNTOS
Sapat at akma ang nilalaman ng mga kasagutan. 15
Maayos ang organisasyon ng mga ideya at kalinisan sa 10
pagkakasulat.
Wasto ang pagbaybay at gramatika. 5
Kabuuang Puntos 30

Sa kabila ng aking angking talino at lakas, kailangan ko ang

pananampalataya sa Diyos sapagkat
_________________________________________________________________________

____ ___________________________________________________________

8
Sa tulong ng Diyos makakaya kong _____________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_____________
B. Panuto: Lagyan ng tsek ang iyong sagot sa bawat kolum at bigyan ng
paliwanag ang sagot sa huling hanay ng kolum. Sagutin ito nang may
katapatan.

Palaging Paminsan Hindi

ginagawa minsang ginagawa Paliwanag
ginagawa
1. Pagdarasal bago at
pagkatapos
kumain.
2. Pagdarasal bago
matulog at
pagkagising sa
umaga.
3. Pagbabasa ng
Bibliya/ Pag-aaral
ng Salita ng Diyos.
4. Pagsisimba /
Pagsamba.
5. Pagtulong sa
kapuwa na
nangangailangan.
6. Pananahimik o
personal na
pagninilay.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili matapos mong magawa ang
gawain?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

9
2. Naging masaya ka ba sa nakita mo mula sa iyong mga sagot? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ano ang masasabi mo sa iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

VI. Pagsusulit
Panuto: Subukin mong sukatin ang iyong kaalaman sa paksang tinalakay.
Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi.

_______1. Walang dapat asahan ang tao kung hindi ang kanyang sarili upang
umunlad sa buhay.
_______2. Ang guhit ng tadhana ang dapat maging pamantayan ng tao sa
pagharap sa buhay.
_______3. Pananalig sa Diyos ang kalasag ng tao sa mga hamon ng pang-araw-
araw ng pamumuhay.
_______4. Katangi-tanging pagpapahalaga ng mga Pilipino ang pananalig
sa Diyos.
_______5. Kapag may pananampalataya sa Diyos, hindi na kailangan ng taong
kumilos at magtrabaho pa.
_______6. Nakikipag-usap ang Diyos sa tao sa pamamagitan ng pagtulong sa
mga nangangailangan.
_______7. Ang pagbabasa ng Banal na Aklat o Koran ng relihiyong
kinabibilangan ay nagsisilbing gabay sa buhay.
_______8. Puno ng pag-asa ang mga taong may mahinang pananampalataya.
_______9. Ang ispiritwalidad ay tumutukoy sa mga bagay na nakikita at
nahahawakan.
_______10. Walang pinipiling kalagayan sa buhay ang pagkakaroon ng
matatag ng buhay ispiritwal.

10
VII. Repleksyon/Pangwakas
Panuto:
1. Gumawa ng Personal Daily Log (Pansariling pang-araw-araw na
talahanayan) na nagpapakita ng pagsasabuhay ng pagmamahal sa Diyos
para sa susunod na dalawang linggo.

a. Itala rito kung nagpapakita ng mabuting ugnayan sa Diyos.

b. Maglakip ng patunay sa iyong ginawa.

c. Ipakita at ipabasa ito sa iyong mga magulang. Bigyan sila ng

pagkakataon na makapagbigay ng payo o komento sa iyong ginawa.
Anyayahan sila na ito ay lagdaan.

MGA PAMANTAYAN SA PAGGAWA

Nilalaman 10 puntos
Organisasyon 5 puntos
Presentasyon 5 puntos
Kabuuan 20 puntos

MY PERSONAL DAILY LOG

Komento at
Mga Araw Ugnayan sa Diyos Patunay Lagda ng
Magulang
Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Linggo

11
Panuto: Sagutin ang bawat tanong.

2. Bakit mahalagang magkaroon ng pagmamahal sa Diyos ang tao?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ano-anong mga hakbang ang maaari mong isagawa upang mapaunlad

ang iyong pagmamahal sa Diyos? Isulat mo ang iyong sagot sa mga baitang
ng hagdanan sa ibaba.

Diyos

Mga paraan ng
pag papaunlad
ng
Pagmamahal
sa Diyos.

Ako

Kraytirya:

a. Nilalaman - 50%

b. Kaugnayan sa Paksa - 30%

c. Paggamit ng Angkop na Salita - 20%

12
VIII. Mga Sangunian

Aberion, E. et al. 2004. Kaganapan ng Buhay. Manila: Pamantasan ng Centro Escolar.

Brizuela, Mary Jean B., et al. 2015. “Espiritwalidad at Pananampalataya”. Edukasyon sa

Pagpapakatao 10. Modyul para sa Mag-aaral. Unang Edisyon. Kagawaran ng Edukasyon
at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc.: 184-206

Department of Education Curriculum and Standard. 2020. Most Essential Learning

Competencies with Corresponding CG Codes/Suggested LR. Pasig City.

Gonzales, E., et al. l998. Valuing Myself. Manila: Vibal Publishing.

Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports -IMC. 1994. Edukasyon sa Pagpapahalaga IV

Sangguniang Aklat. Maynila: Rex Bookstore.

Mihalik, Frank. 1997. The Millenium Stories. Manila: Logos Publications, Inc.: 124

Sala, Harold J. 1997. Pagtatagumpay sa Pakikibaka sa Buhay. Manila: OMF Literature, Inc.:
171-172.

Warren, R. 2002. The Purpose Driven Life. Manila: OFM Literature, Inc.

Trending Nowadays. 2019. GRADE 7-10 Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) DLP/DLL, CG,
TG, LM.
https://www.depedk12.com/2019/07/grade-7-10-edukasyon-sa-pagpapakatao.html

Project Ease: “Eduakasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 1”. Accessed on December 10, 2020
http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MOD_1__ISANG_BUHAY_ISANG_DIYOS.
PDF

Marinsol, Marian. Module 1 Manalg Ka at Matagumpay 2. Accessed on December 10, 2020.

https://www.scribd.com/doc/44675481/MODULE-18-Manalig-Ka-at-Magtagumpay-2

Amoin, Allen. 2017. Ang Kahalagahan ng Pagmamahal ng Diyos. Accessed on December

10, 2020. https://www.youtube.com/watch?v=y-4l4ERjfig

13
14
Maaaring Maaaring Maaaring
magkakaiba-iba magkakaiba-iba magkakaiba-iba
ang kasagutan ang kasagutan ang kasagutan
Isinasalang-alang Isinasalang-alang Isinasalang-alang
ang rubriks sa ang rubriks sa ang rubriks sa
pagbibigay ng pagbibigay ng pagbibigay ng
marka marka marka
GAWAIN 5 GAWAIN 4 GAWAIN 3
1. MALI
2. MALI
3. TAMA
LANGIT 4. TAMA
PAMAMAHINGA 5. MALI
6. MALI
PAGDARASAL 7. TAMA
PAGMAMAHAL 8. MALI
9. MALI
KAPWA 10. TAMA
HESUS
PASKO
MAMA MARY
SIMBA PAGSUSULIT
PAGPAPATAWAD
KAPAYAPAAN
TIWALA Gawain 1
BIBLIYA 1. A
2. B
MEDITASYON
3. C
SAKRIPISYO 4. A
PAGAAYUNO 5. D
PAGNINILAY
GAWAIN 2 GAWAIN 1
IX. Susi sa Pagwawasto
X. Grupo ng Tagapaglinang

Grupo ng Tagapaglinang ng Gawaing Pagkatuto

Manunulat: Manuel A. Manalo
Patnugot: Myrna M. Valencia, EdD
Tagasuri ng Nilalaman: Mercidita Saldero
Jacqueline C. Tuazon
Lorna V. Guintu
Patnugot ng Wika: Jennifer Bungque-Ilagan, EdD
Tagalapat: Jenaro C. Casas, Juliane Nicole Paguyo
Tagaguhit:
Grupo ng Tagapaglinang: May B. Eclar, PhD, CESO III
Rhoda T. Razon, PhD
Elizabeth M. Perfecto, EdD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Rosalinda S. Ibarra, PhD
Ericson S. Sabacan, EdD, CESO VI
Leandro C. Canlas, PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla, PhD
Sonny N. De Guzman, EdD
Myrna M. Valencia, EdD

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

15

You might also like