You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region iv-a calabarzon
CITY SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑAS
FRANCISCO E. BARZAGA INTEGRATED HIGH SCHOOL
BRGY. SAN JOSE, CITY OF DASMARIÑAS, CAVITE

Ikatlong Mahabang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 7

Pangalan: __________________________________ Petsa: __________________

Lebel at Seksyon:____________________________ Iskor: __________________

PANUTO: Basahin at unawain ang nilalaman ng bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot, isulat
ang sagot bago ang bilang.

1. Ito ay batas o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihang mga bansa ang
naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o
paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga
bansa.
A. Imperyalismo
B. Kolonyalismo
C. Neokolonyalismo
D. Neo-Imperyalismo

2. Ito ay mga layunin ang mga bansang Europeo sa pananakop sa mga bansang Asyano, alin sa mga
sumusunod ang kanilang tatlong pangunahing layunin?
A. God, Gem, at Glory
B.God, Gold, at Glorious
C.God, Gold at Glory
D. Grace,Gold at Glory

3. Ang mga sumusunod ay ang tatlong mahahalagang ruta ng mga mangangalakal ng mga Kanluranin at
mga Asyano, maliban sa _______________.
A. Gitnang Ruta
B. Hilagang Ruta
C. Kanlurang Ruta
D. Timog Ruta

4. Ang kaunaunahang layunin nito ay ang mabawi ang Jerusalem at ng "Banal na Lupain" mula sa
kapangyarihang Muslim.
A. Condensada
B. Krusada
C. Merkantilismo
D. Renaissance

5. Dito ay umiiral ang prinsipyong pang-ekonomiya na kung may maraming ginto at pilak, may
pagkakataon na maging mayaman at makapangyarihan ang isang bansa.
A. Krusada
B. Merkantilismo
C. Organisasyon
D. Renaissance

6. Ito ay nangangahulugang "muling pagsilang" (Ingles: Rebirth) noong dekada 1830.


A. Krusada C. Organisasyon
B. Merkantilismo D. Renaissance
7. Ang mga sumusunod ay mga dahilan na nagbunsod sa mga kanluranin na magtungo sa Asya, maliban
sa ______________.
A. Kalakalan
B. Krusada
C. Merkantilismo
D. Pagbagsak ng Constantinople

8. Ang kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka.Alin sa
mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag sa patakarang ito?
A. Ang pagkakaroon ng maraming ginto at pilak ay pagkakataon na maging mayaman at
makapangyarihan ang isang bansa.
B. Isang patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop upang magamit ang likas na yaman
ng mga sinakop para sa sariling interes
C. Nangangahulugan ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong
pulitikal, pangkabuhuyan, at kultura ng isang mahinang nasyon-estado.
D. Pamumuhunan ng salapi ng mga bansang Kanluranin sa mga pataniman at minahan sa Asya
upang magkaroon ng tubo o interes.

9. Ang imperyalismo ay nagmula sa salitang Latin na ‘’imperium’’ na ang ibig sabihin ay command. Alin sa
mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag sa patakarang ito?
A. Ang pagkakaroon ng maraming ginto at pilak ay pagkakataon na maging mayaman at
makapangyarihan ang isang bansa.
B. Direktang pananakop nang isang bansa upang makagamit ng likas na yaman at makontrol ang iba
pang aspeto nito para sa sariling interes.
C. Nangangahulugan ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong
pampolitikal, pangkabuhayan at kultura ng isang mahinang nasyon-estado.
D. Pamumuhunan ng salapi ng mga bansang Kanluranin sa mga pataniman at minahan sa Asya
upang magkaroon ng tubo o interes.

10. Isa sa mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na magtungo sa Asya ay ang mga naganap na
Krusada. Hindi man ito nagtagumpay, maraming mabuting naidulot o positibong epekto ang
pangyayaring ito. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay nito?
A. Ang muling pagsilang at pagsulong ng makabagong panahon tungo sa rebolusyong komersyal/
industriyal.
B. Maraming adbenturerong Europeo ang nangamba at natakot na makarating at makipagsapalaran
sa Asya.
C. Naging masigla ang palitan ng kalakalan kaya maraming Europeo ang nagkainteres na makarating
sa Asya.
D. Nagkaroon ng monopolyong pangkalakalan sa pagitan ng Italy at Turkey na kumokontrol sa mga
daungan at pamilihan

11. Ang NEGATIBONG epekto ng Krusada ay nagkaroon ng interes na ___________ng mga Europeo ang
mga bansa sa Asya.
A. Mahalin
B. Sakupin
C. Tanggapin
D. Tularan

12. Ang aklat na ‘’The Travels of Marco Polo’’ ay isa sa mga instrumentong naging dahilan kung bakit
nakilala ng mga Kanluranin ang Asya. Ang nilalaman ng aklat na ito ay ______________.
A. Ang kanyang mga karanasan bilang tagapayo ni Kublai Khan noong Dinastiyang Yuan sa China.
B. Ang kanyang paghahalintulad sa mga lugar sa Asya, malayo sa pinagmulan niyang lugar, ang
Venice Italy.
C. .Ang mga paglalarawan niya sa karangyaan at kayamanan ng Asya lalo na sa China.
D. Buhay ni Marco Polo bilang isang adbenturerong Italyano.

13. Ang binigyang pansin sa panahon ng Renaissance kaya hindi nakapagtataka na maraming pagbabago
na naganap sa buhay ng tao ay ang ______________________.
A. Indibidwalismo B. Komunismo C. Sosyalismo D. Totalitaryanismo
14. Bakit kinailangan ng mga Europeo na makahanap ng mga lugar na mapagkukunan ng likas na yaman
at hilaw na sangkap?
A. Dahil gusto nila ng katanyagan
B. Dahil gusto nilang ipakita na ang mga Europeo ay mahusay na manlalayag.
C. Dahil gusto nilang maglakbay at mamasyal sa Asya.
D. Dahil sa Europa umiiral ang prinsipyo na pag mas maraming ginto at pilak mas mayaman at
makapangyarihan ang isang bansa.

15. Bilang isang Asyano, sa tingin mo ba may positibong epekto ang mga dahilan na ito sa
kasalukuyang panahon?
A. Hindi, dahil hindi nagkaroon nga masiglang kalakalan ang mga Europeo at ang mga Asyano.
B. Hindi, dahil hindi napasigla ang digmaan ng mga Europeo at ng mga Asyano.
C. Opo, dahil dito may magandang pakinibang ang mga Asyano sa mga Europeo lalo na sa armas
pandirigma.
D. Opo, dahil dito nagkaroon ng ugnayan ang mga Asyano at Europeo lalo na sa kalakalan na
naganap na mas lalong nagpakilala sa mga produkto ng mga Asyano.

16. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo sa India?


A. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko
B. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi
C. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga India
D. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles

17. Alin sa mga sumusunod na kilos ang pagpapakita ng NASYONALISMO?


A. Pagsali sa mga proyektong pambansa at pagtulong sa pagsusulong ng maayos na pamumuhaY
B. Pagsali sa mga rally tungkol sa mga isyung pambansa
C. Pagtakbo sa posisyong pamahalaan sa darating na halalan.
D. Pagtatapon ng basura sa tamang lugar

18. Alin sa mga sumusunod ang pinakalayuning mabuo ang nasyonalismo sa mga tao?
A. Paghikayat sa tao na lisanin at manatili sa bayang sinilangan
B. Pagpapakita ng pagkakaisa ng bawat isa upang mailunsad ang damdaming makabayan
C. Pagtuturo ng pagmamahal sa mga kanluraning bansa.
D. Pakikipag-isa sa mga kagustuhan ng mga Europeo

19. Ano ang naging epekto ng kolonyalisasyon sa mga rehiyon ng Asya?


A. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga asyano upang ibangon ang
kanilang kaunlaran ng bansa.
B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang bansa.
C. Natutong magtiis ang mag Asyano alang-alang sa kapayapaan.
D. Natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.

20.Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?
A. Pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
B. Pagkamulat sa Kanluraninig panimula
C. Paggalugad at pakinabang ng mga kanluranin sa mga yamang likas
D. Pag-unlad ng kalakalan

21.Ano ang ginampanan ni Mohandas Gandhi sa pamumuhay ng mga taga India?


A.Pinagbatikos ang pamamalakad ng mga taga Italya at France habang sila ay sakop at pinilit
magkaroon ng kalayaan.
B.Pinagdiinan na hindi kailangang ang marahas na pamaraan at itinuro ang civil disobedience upang
lumaya sa mga mananakop.
C.Pinamunuan ang mga Muslim, at itinatag ang League of Muslims para sa paglaya sa mg mananakop.
D.Sumulat ng akda na gumising sa damdamingmakabayan at unti-unting kumilos sa pagabot sa
kalayaan.
22. Ito ang tawag sa pag-aalsa ng mga sepoy o sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa
pagtatangi ng lahi o racial discrimination.
A. Suttee B. Female Infanticide C. Footbinding D. Rebelyong Sepoy

23.Naging inspirasyon dahil sa katangi-tanging tahimik n pamamaraan ng pagtutol upang matamo ng


India ang kalayaan.
A. Ibn Saud
B. Mohamed Ali Jinah
C. Mohandas Ghandi
D. Mustafa Kemal Ataturk

24. Ito ang tawag sa boluntaryong pagsunog sa katawan ng asawang babae sa ibabaw ng
bangkay ng kaniyang asawa
A. Female Infanticide B. Footbinding C. Sepoy D. Suttee

25. Ayon sa mga Kanluranin, sila ay may katungkulan na turuan at paunlarin ang kanilang mga sakop na
bansa. Ito ang nagbigay-katuwiran sa kanila sa pananakop sa Asya.
A. Colony
B. Manifest Destiny
C. Nasyonalismo
D. White Man’s Burden

26.Kailan sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig?


A. Agosto 1918
B. Agosto 1919
C. Agosto 1914
D. Agosto 1915

27.Ano ang naging agarang dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?


A. Ang pagdakip kay Mohandas Gandhi.
B. Ang pagpapasabog sa Pearl Harbor sa Hawaii.
C. Ang pagpatay sa tagapagmana ng trono sa Austria-Hungary.
D.Ang pag-aaway ng mga Muslim at Hindu sa India na nauwi sa pagpatay kay Gandhi.

28.Anong alyansa ng mga bansa ang naglaban sa Unang Digmaang Pandaigdig?


A. Axis at Allied
B. Axis at Allies
C. Central Power at Allied
D. Central Powers at Alies

29.Aling mga bansa ang kabilang sa Allies noong Unang Digmaang Pandaigdig?
A. England, Austria, at Russia
A. France, Russia at Germany
B. Germany, Russia, at US
C. Russia, France, at England

30.Saan nakasentro ang Unang Digmaang Pandaigdig?


A. Africa
B. Asya
C. Europa
D. North America

You might also like