May Akda: Gema Minda Iso Mga Layunin: Maunawaan ang epekto ng pangingibang bansa ng mga magulang sa kanilang anak. Hinkayatin ang magulang na pag-isipang mabuti ang kanilang nagawa o gagawing pasya kung ito ba ay makabubuti sa kanilang anak. Mga Resulta: Ayon sa mga nahayag na impormasyon, ang pangingibang bansa ng mga magulang ay tunay na may malaking epekto sa paglaki ng kanilang mga anak. Marami sa mga magulang ang iniisip kung paano matutgunan ng mabuti ang kanilang gampanin sa kanilang mga anak, at sa pananaw ng ilan sa mga kabababayan nating OFW ay mas makabubuti ang lumisan upang mangibang bansa at matustusan ang pangangailangan at kagustuhan ng kanilang mga anak ngunit hindi parin ito isang sapat na dahilan upang iwanan at pabayaang lumaking walang magulang sa kanilang piling ang mga bata. Konklusyon: Ang tamang pagpapalaki sa mga anak ay may malaking epekto sa kung magiging ano sila sa hinaharap kaya naman ang mga magulang ay nararapat na mamalagi sa piling ng kanilang mga anak upang masubaybayan ito ng maayos at mapangalagaan. Ang salapi ay isa sa mga mahahalagang pangangailangan upang mabuhay ngunit hindi ito sapat na rason upang iwan at pabayaan ang mga anak ng nag-iisa.