You are on page 1of 7

ARALING PANLIPUNAN 9: QUARTER 3: MODULE 2

Banghay Aralin ng Araling Panlipunan 9, Kwarter 3


Module 2: Pambansang Kita

I. Pamantayang Pangnilalaman:Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga


pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa
pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang
kaunlaran.

II. Pamantayang Pagganap:Ang mga mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga


pamamaraan kung paano ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang
ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.

III. Integrasyon ng mga kasanayan sa Ika-21 siglo:


/ Communication / Collaboration
/ Critical Thinking / Computing
/ Creative Thinking Career & Life Skills
Cross-Cultural Understanding

IV. Integrasyon ng mga Layunin ng SMS


C – Christ-centeredness / I – Innovativeness and Confidence
H – Honor and Leadership S – Service and Joy
/ R – Responsibility and Excellence T – Temperance and Obedience

V. Integrasyon ng mga Pagpapahalaga sa pamamagitan ng:


/

“Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos; hustong takal, siksik, liglig at


Scriptural umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang takalang ginagamit
Message ninyo sa iba ay siyang gagamitin ng Diyos sa iyo.’’ (Lucas 6:38)

‘’Ang pinakamahalagang element ng isang mabuti at banal na


pangungumpisal ay ang matibay na layunin ng pagbabago at ang matibay
na paghahangad na hindi na muli pang magkasala. Ito ang tunay na
palatandaan ng totoong pagsisisi. Kamuhian ang kasamaang iyong
nagawa, itakwil at kamuhian ito. Kamuhian ang pagsisinungaling,
Fr. Al’s pagnanakaw, kasakiman, kahalayan, kasuwailan, katamaran,
Message katakawan, lahat ng kasamaang nakakasakit sa Panginoon. Kamuhian,
kasuklaman, tanggihan at itakwil ang mga ito. Higit sa lahat, maging
matatag sa lahat ng kasamaang hindi na muli pang magkakasala. Ang
matibay nakapasyahang hindi na maulit ang mga nagawang kasalanan
ang pinakamahalagang elemento ng Sakrameento ng Panungumpisal.’’
(Homily, Hulyo 21, 1991)

Ikalawa/IkatlongLinggo
Unang Araw
Lunes (Hulyo 01, 2019)
Paksa:Pambansang Kita
Mga Kasanayang Pagkatuto:
1. Napag-iiba ang GDP at GNP;
2. Nasusuri ang pambansang produkto (Gross National Product-Gross Domestic
Product) bilang panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya.

Mga Kagamitan:
Tradisyunal none
Digital Laptop, TV, PowerPoint Presentation

Presentasyon
SISTERS OF MARY SCHOOL-GIRLSTOWN, INC. 1
ARALING PANLIPUNAN 9: QUARTER 3: MODULE 2

I. Panimulang Gawain(15 minutes)


A. Araw-araw na Gawain(3 minutes)
1. Panalangin
2. Pagwawasto ng bilang ng mga mag-aaral at kanilang mga uniporme
3. Pagmamasid ng kalinisan sa silid-aralan

B. Pagganyak: Checklist (Indibidwal na Gawain - 12 minutes) – Critical Thinking/ and


Confidence

Note: Itanong sa mga ma-aaral ang mga sumusunod:

Paano mo malalaman malalaman kung ang isang tao ay mayaman? Lagyan ng tsek ang mga
indikasyong sa tingin mo ay katangian ng isang mayaman.

_____ 1. Siya ay malusog.


______2. Marami siyang pera.
______3. Magara ang kaniyang kasuotan.
______4. Mamahalin ang kaniyang gamit.
______5. Siya ay nakabibili ng anumang naisin niya.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong naging batayan upang matukoy kung ang isang tao ay mayaman?
2. Paano naman natin malalaman kung ang isang bansa ay mayaman?
3. Bakit mahalagang masukat ang pambansang kita?

II. Panlinang na Gawain(30 minutes)


C. Malayang Talakayan ( Venn Diagram)-Pangkatang Gawain – 30 minutes

1. INSTRUCTION/INDEPENDENT: Gamit ang Venn Diagramay magkakaroon ng


malayang talakayan ang klase (mga nilalaman ay makikita sa Araling Panlipunan
9_Modyul 2_ Ikalawa hanggang IkatlongLinggo _ pahina 5-12(Small Group Activity)
– 30 minutes-Collaboration /Responsibility and Excellence

Note:Paghambingin ng mga mag-aaral ang Gross National Product (GNP) at Gross


Domestic Product (GDP) gamit ang Venn Diagram. Pagkatapos ay itatanong ng
guro ang mga pamprosesong tanong para sa talakayan.

GNP/GNI INDICATORS
GDP

Pamprosesong Tanong:

1. Paano nagkakaiba ang GNP at GDP?


2. Paano nagkakapareho ang GNP at GDP ?
3. Ano-ano ang mga produkto na hindi isinasama sa pagkompyut ng GNP at GDP?
4. Ano ang pakakaiba ng nominal at real GNP?
5. Ano ang GDP per capita?
6. Paano kinukuha ang GDP o GNI Growth Rate?

III. Pangwakas na Gawain (15 minutes)

SISTERS OF MARY SCHOOL-GIRLSTOWN, INC. 2


ARALING PANLIPUNAN 9: QUARTER 3: MODULE 2

D. Binagong Tama o Mali – 10 minutes


Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang pangungusap. Kung tama isulat ang salitang
TAMA at kung mali palitan ang salitang may salungguhit ng tamang sagot at isulat sa
patlang.
Hal. _______1. Ang produksiyon ng mga Pilipino sa loob ng bansa ay parehong
isinasama sa pgkwenta ng GDP at GNP. (Tama)
_______2.Isinasamasa pagkompyut ng pambansang kita ang produksiyon
mula sa underground economy. (Hindi isinasama)
_______3. Ang kita ng Amerikanong negosyante dito sa Pilipinas ay kasama sa
pagkwenta ng ating GNP at hindi sa GDP. (GDP at hindi sa GNP)
_______4. Ang kinikita ng OFW ay kasama sa pagkompyut ng GNP. (Tama)
_______5. Ang market value ng produkto at serbisyo sa pamilihan ang batayan
ng pagkukwenta ng GNP at GDP.(Tama)

E. Araw-araw na Pangwakas(5 minutes)


1. Paalala:

a. Para sa lahat:Sabihin sa mga mag-aaral na pag-aralan ang mga paksang


natalakay.
2. Instruction/Independent:Gamit ang Venn Diagramay magkakaroon ng malayang
talakayan ang klase (mga nilalaman ay makikita sa Araling Panlipunan 9_Modyul
2_ Ikalawa hanggang Ikatlong Linggo _ pahina 5-12 (Small Group Activity) – 30
minutes-Collaboration /Responsibility and Excellence

Note: Paghambingin ng mga mag-aaral ang Gross National Product (GNP) at Gross
Domestic Product (GDP) gamit ang Venn Diagram. Pagkatapos ay itatanong ng
guro ang mga pamprosesong tanong para sa talakayan.

GNP/GNI INDICATORS
GDP

Pamprosesong Tanong:

1. Paano nagkakaiba ang GNP at GDP?


2. Paano nagkakapareho ang GNP at GDP ?
3. Ano-ano ang mga produkto na hindi isinasama sa pagkompyut ng GNP at GDP?
4. Ano ang pakakaiba ng nominal at real GNP?
5. Ano ang GDP per capita?
6. Paano kinukuha ang GDP o GNI Growth Rate?

3. Pangwakas na Panalangin para sa panghuling asignatura sa umaga at hapon


(Luwalhati sa Ama…. Virgin of the Poor – ipanalangin mo kami…. Venerable
Aloysius Schwartz – ipanalangin mo kami).

IKalawa at Ikatlong Araw


Huwebes-Biyernes (Hulyo 2-5, 2019)

Paksa: Iba’t Ibang Paraan ng Pagkwenta ng Gross National Product

Kasanayang Pagkatuto:
F. Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansa produkto.
G. Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita sa ekonomiya;
H. Natataya ang kahalagahan ng pambansang kita sa ekonomiya.

Mga Kagamitan:
Tradisyunal Papel, pen

SISTERS OF MARY SCHOOL-GIRLSTOWN, INC. 3


ARALING PANLIPUNAN 9: QUARTER 3: MODULE 2

Digital Laptop, TV, PowerPoint Presentation

Presentasyon
I. Panimulang Gawain (15 minutes)
A. Pang-araw-araw na Gawain (5 minutes)
1. Panalangin
2. Pagwawasto ng bilang ng mga mag-aaral at kanilang mga uniporme
3. Pagmamasid ng kalinisan sa silid-aralan

B. Pagbabalik-aral: Ano ang pagkakaiba ng GNP sa GDP?(Indibidwal-


communication/Confidence)-5 minutes

II. Panlinang na Gawain (50 minutes)


C. Malayang Talakayan
a. INDEPENDENT/INSTRUCTION: (Pangkatang Gawain –50
minutes)Computing / Responsibility and Excellence
Pamprosesong Tanong para sa Malayang Talakayan
1. Ano- ano ang iba’t ibang paraan sa pagkwenta ng Gross National Product?
2. Paano kinokompyut ang Gross Domestic Product?
3. Ano-ano ang mga kahinaan ng GDP at GNI/GDP bilang panukat ng pag-unlad ng
ekonomiya?

Note: Ibigay ang iba’t ibang paraan ng pagkwenta ng Gross National Product
A. Industrial Origon Approach o Value Added Approach

B. Factor Income Approach

C. Final Expenditure approach

III. Pangwakas na Gawain (35 minutes)


D. Pagsasanay (Indibidwal na Gawain)-30 minutes

a. INDEPENDENT and INSTRUCTION: (Indibidwal na Gawain)-30


minutes -Computing/ Responsibility and Excellence
Panuto: Narito ang ilang datos ng National Income Account ng bansa. Suriin at
sagutin ang mga tanong na kaakibat nito.

Unang Bahagi:
GROSS NATIONALINCOME AND GROSS DOMESTIC PRODUCT, In Million Pesos

At Current Prices
ITEM 1st -3rd Quarter
2017 2018
Agriculture, Hunting, Forestry and 497, 481 520,187
Fishing
Industry Sector 1,998,728 2,140,332
Services Sector 3,430,870 3,660,996
Gross Domestic Product 5,927,080 6,321,516
Net Primary Income 1,205,425 1,278,094
Gross National Income 7,132,505 7,599,610
Note: Nasa Million pesos ang unit ng mga ibinigay na datos. Ibig sabihin, kailangang
magdagdag ng tatlong zero sa dulo ng mga datona ibinigay upang makuha ang eksaktong
halaga nito.

Mga katanungn:
1. Anong pamamaraan ang ginamit sa pagkwenta ng GDP at GNI?
2. Aling sektor ng ekonomiya ang may pinakamalaking ambag sa pambansang kita?
3. Aling sektor ng ekonomiya ang may pinakamaliit na ambag sa pambansang kita?
4. Gaano kalaki ang itinaas ng ambag ng agrikultura, pangisdaan, at paggugubat

SISTERS OF MARY SCHOOL-GIRLSTOWN, INC. 4


ARALING PANLIPUNAN 9: QUARTER 3: MODULE 2

mula sa Q1 –Q3 ng 2016 hanggang Q1 –Q3 ng 2017?


5. Kompyutin ang GDP growth rate mula sa Q1 – Q3 ng 2016 hanggang Q1-Q3 ng
2017?

Ikalawang Bahagi:

GROSS NATIONAL INCOME AND GROSS DOMESTIC PRODUCT , In Million pesos

Note: Nasa modyul makikita ang mga nakasaad na datos sa iba pang gawain

E. Araw-araw na Pangwakas (5 minutes)


1. Paalala:
a. Para sa lahat: Sabihin sa mga mag-aaral na pag-aaralan ang mga
paksang natalakay para sa Ikalawang Lagumang Pagsusulit.

2. Pangwakas na Panalangin para sa panghuling asignatura sa umaga at


hapon (Luwalhati sa Ama…. Virgin of the Poor – ipanalangin mo kami….
Venerable Aloysius Schwartz – ipanalangin mo kami).

Evaluation:
A.Analytic Rubric (for evaluation of performance tasks)
B.Table of Specifications (for tests as form for the evaluation)
C.Test Questions in Test format (for tests as form for the evaluation)

Inihanda nina: ELSIE M. CEJAS Petsa ng Pagpasa:Hunyo 20, 2019

LOUSILINE T. SILAWAN
Guro ng Araling Panlipunan

Ipinasa kay:CRISLEE V. NEGRIDOPetsa ng Pagwasto:


Koordineytor ng Asignatura

Iwinasto ni:MARIA DOMNENA I. ANOG Petsa ng Pagwasto:


Pangalawang Punong Guro

Pinagtibay ni:SISTER LARESA N. MORASA, SMPetsa ng Pagtanggap:


Punong Guro

SISTERS OF MARY SCHOOL-GIRLSTOWN, INC. 5


ARALING PANLIPUNAN 9: QUARTER 3: MODULE 2

SISTERS OF MARY SCHOOL-GIRLSTOWN, INC. 6


ARALING PANLIPUNAN 9: QUARTER 3: MODULE 2

SISTERS OF MARY SCHOOL-GIRLSTOWN, INC. 7

You might also like