You are on page 1of 1

Pagsubok sa pag-unawa

1. Ano ang pagsulat?(15pts.)


Ang pagsulat ay isang komunikasyon na naglalaman ng titik at simbolo upang maipahayag ang
ating positibo at negatibong damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang pag-iisip at mga
kailanmang hindi maglalaho sa isipan ng mga bumabasa at babasa. Ang pagsulat ay bahagi ng
makro na kasanayan na kailangan malinang ng wasto sa kaakibat nitong pagsasalita, pakikinig,
pagbabasa at panonood sa pamamagitan ng pisikal at mental, upang maipamalas lalo ng manunulat
ang kanyang saloobin sa iba;t-ibang pagkamalikhaing himahinasyon at karanasan sa buhay . Sa
pagbuo ng sulatin inihahayag natin ang kaisipan, paniniwala, at layunin sa tulong ng iba’t-ibang ayos
ng mga pangungusap sa bawat talata. Mahalaga matutunan ang pagsulat upang linganin ang
ating kakayahan upang maipalawak pa lalo natin ang ating dinamikong pag-uunawa sa
pagpapahayag .

2. Ang pagsulat ba ay isang sistema ng komunikasyong interpersonal? Paliwanag(15pts)


Ang pagsulat ay isa ring sistema ng komunikasyong interpersonal dahil dito lbinabahagi natin
ang ating mga puna sa pamamagitan ng pagpapalitan ng nigatibo at positibong kaisipan at
damdamin sa pagsulat .Halimbawa; pagsusulat ng liham, nagsusulat tayo ng ating kagustuhang
ipabatid nating mensahe para sa kanya at ito ay nakuha ng tagatanggap at nagbigay ng puna ang
tagatanggap ukol sa mensahing kanyang nabasa at ipinadala ng tagatanggap ang kanyang
mensahe na layuning ipabatid ang kagusuhang puna ukol sa mensahe . Samakatuwid. nagkaroon
ng interpersonal ang tagasulat at taga tanggap ukol sa pagpapalitan ng kanilang mensahe .Sa
pamamagitan ng ating narinig, nabasa o ano mang uri ng ating ginagawa ay inilalahad natin ang
ating kagustuhang mensahe sa iba’t-ibang aspeto ng pagsulat.

You might also like