You are on page 1of 1

Alyssa Jane Q.

Narvas
BEED II-B
MGA NAUUSONG SALITA
1. BAE- Ayon sa isang urban dictionary, acronym daw ito ng pariralang “Before Anyone Else.” Pero
nanggaling daw talaga ito sa pet name ng mga magkasintahan na baby o babe at naging popular ito lalo
dahil ito ang naging tawag kay Pambansang Bae Alden Richards. Madalas din itong itawag sa mga lalaking
may itsura at masasabi nating gwapo.
2. PABEBE- Ang ibig sabihin nito ay umarteng parang baby o magpa-cute. Tulad din ng salitang Bae,
naging popular ang pabebe dahil sa pabebe wave ng nauusong tambalan ngayon ang Aldub. Ang pabebe
wave naman ay ang pa-cute o mahinhing pagkaway. May ibang kahulugan din ito para sa iba, kumbaga ay
maarte o nag iinarte.
3.GALAWANG BREEZY o Hokage- Ito na nga raw ang bagong termino para sa mga kalalakihan na
pasimpleng dumidiskarte sa napupusuang babae. Maaaring nakuha ito sa salitang 'breezy' na ang ibig
sabihin ay mahangin, at ngayo’y nabigyan ng kakaibang kahulugan bilang pagpapalipad-hangin.
6. Tara G! - Kapag tinatanong ka ng iyong kaklase ng "Ano Tara?" kadalasan ang isasagot mo ay Tara,G!
pero aminin ang alam mong ibig sabihin nito ay " Tara,let's Go!" Pwes, ang tunay na ibig sabihin nun ay
"Tara, GAME!"
7.BEAST MODE- Ang salitang ito ay ginagamit ng mga millennials ngayon upang ipahiwatig na sila ay galit
na o naiinis. Posible raw nagmula ang mga katagang ito sa video game na Altered Beast ng Sega, kung
saan nagpapalit-anyo ang karakter dito at nagiging halimaw.
8.NINJA MOVES - Nagmula raw ito sa mga “ninja” o mga warrior na mayroong kakaibang galing, bilis
kumilos, at diskarte na maisakatuparan ang kanilang misyon nang hindi masyadong napapansin. Kay kung
nakakantyawan ka ng iyong mga kaibigan na nag ninija moves, ibig nilang sabihin ay ikaw ay pasimpleng
dumidiskarte ng di napapansin.
9. WALWALAN - Kadalasan nababanggit ang salitang ito sa mga inuman. Nagmula ito sa mga salitang
“walang pakialam,” “walang pangarap” at “walang kinabukasan.”
10. Eme-eme- Ito raw ay salitang beki na pamalit sa mga terms na hindi masabi o maalala. Noong dekada
‘80, ibig sabihin nito ay “any-any” o kung ano-ano lang. At nung dekada ’90 naman, naging “anik-anik” at
ngayon, eme-eme na!
11. Edi Wow! - ekspresyon na parang sinasabi sayo ng kausap mo na "edi ikaw na!" kaya manahimik kana.
Ganern.
12.Petmalu – Mula sa binaligtad na salitang ‘malupit’ na nangangahulugan na ‘cool’ o ‘amazing’.
13. Lodi – “Ang galing mo talaga lodi!” Galing ito sa binaligtad na ‘idol’ na tawag na natin sa mga petmalu o
kaya hinahangaang tao.
14. Charot/Char – Madalas itong ginagamit sa dulo ng pangungusap na intensyong mong maging ‘joke’.
Halimbawa: “Gumaganda ka ngayon..charot!”

You might also like