You are on page 1of 7

School: SAN NICOLAS ELEMENTARY SCHOOL Quarter: ONE

WEEKLY HOME LEARNING PLAN Teacher: MARJORIE G. DELA PROVIDENCIA Week: ONE
Subject: ESP 6 (ODL) 160 mins. Date: OCTOBER 12-16, 2020

DAY AND LESSON LEARNING LEARNING TASKS MODE OF DELIVERY


TIME COMPETENCY
TUESDAY • Mahirap man • Nakasasang- Panimula Basahing Mabuti ang Panimulang nilalaman modyul
3:05 – ang Gawain, ayon sa pasya ng Pagkatapos basahin at maintindihan maari nang
3:45PM Kakayanin Ko! nakararami kung magtungo sa susunod na Gawain.
nakabubuti ito.

Gawain 1: Self-Assessment (Optional) Gawain 1: Self-Assessment (Optional)


Sa gawaing ito ay hihingin ang iyong personal na opinyon
tungkol sa ilang sitwasyon na may kinalaman sa
katatagan ng loob at pagkamatiyaga sa paggawa ng
desisyon. Ang gawaing ito ay opsyunal lamang at hindi
bibigyan ng kaukulang marka. Nilalayon lamang nito na
masuri ang iyong mga saloobin sa bawat sitwasyon.
I-click lamang ang icon sa ibaba upang madownload ang
Self-Assessment Checklist at pagkatapos itong masagutan
ay ipasa sa pamamagitan ng submission bin.

1. Iclick ang link sa ibaba upang madownload ang Self-


Assessment Checklist.
2. Lagyan ng tsek (/) ang hanay na nagpapakita ng iyong
tunay na saloobin at gawi sa bawat sitwasyon.
3. Pag natapos mo na ito ay i-save at isubmit sa
submission bin. I-save ang file bilang
Modyul2_SAC_ApelyidoMo Halimbawa:
Modyul2_SAC_Reyes

Gawain 2: Panonood ng Video clip Gawain 2: Panonood ng Video clip


Halina't manood tayo! Panoorin mo ang video clip na
nagpapakita ng katatagan ng loob at pagiging matiyaga
upang makamit ang mga ninanais sa kabila ng mga
pagsubok. Pagkatapos nito ay sagutin mo ang mga
tanong na nasa discussion board na may kinalaman sa
video clip na iyong napanood.
I-clik ang link na makikita sa ibaba.

Panoorin mo ang video clip at sagutin ang mga tanong na


nasa discussion board tungkol dito. Ang video clip na ito
ay nagpapakita ng katatagan ng loob at pagiging
matiyagang makamit ang nais sa kabila ng mga
pagsubok.

I-click ang link na ito kung sakaling hindi mag-play ang


video.
https://www.youtube.com/watch?time_continue=148&v=
SkVqJ1SGeL0&feature=emb_logo

Sagutin ang mga katanungang naka-post sa discussion


board.
I-clik ang link na makikita sa ibaba.

Sagutin ang mga katanungang at ipost ang iyong sagot sa


discussion board. I-click ang post new discussion.
1. Anu-ano ang mga pagsubok na kinaharap ni Llama?
2. Nagpakita ba si Llama ng katatagan ng loob at
pagiging matiyaga para makamit ang kanyang nais?
Paano nya ito ipinakita?
3. Anu-ano sa iyong palagay ang mga damdaming
naramdaman ni Llama habang hinahabol nya ang prutas?
4. Kagaya ni Llama, anu-anong mga bagay ang maaari
mong sabihin sa iyong sarili upang mapanatili ang iyong
katatagan ng loob at pagttiyagang makamit ang iyong
nais?

Paano mo ipopost ang iyong mga kasagutan?


1. I-click ang "Add a new discussion topic".
2. Ilagay sa "Subject" ang iyong buong pangalan.
3. Ilagay naman sa "Message" ang iyong sagot sa bawat
katanungan.
4. Pagkatapos ay maaari mo nang i-click ang "post to
forum"
5. Pagkatapos ay tignan at basahin ang sagot ng iyong
mga kamag-aral at magbigay ng makabuluhang komento
sa kanilang mga kasagutan sa pamamagitan ng pag-click
sa "reply".

Tandaan:

Maging magalang sa mga pananalitang iyong gagamitin.


Iwasang gumamit ng mga salitang hindi akma sa
talakayan.
WEDNESDAY Pagpapaunlad Pagpapaunlad Video Clip
3:05 – Ang katatagan ng loob at pagiging matiyaga, kagaya ng
3:45PM pagiging mapanuri, ay importanteng pagpapahalaga sa
paggawa ng pagpapasiya.

Halina at ating palalimin pa ang iyong kaalaman sa


pamamagitan ng panonood ng video clip. I-click lamang
ang play button o ang link na nasa ibaba nito. Unawaing
mabuti ang sinasabi sa bawat slide. Kung may
katanungan ay maaari mong i-post ito sa ating discussion
forum para mapag-usapan ng buong klase.

Mga Gawain sa Pagkatuto


Gawain 3: Ano ang Gagawin Mo? Gawain 3: Ano ang Gagawin Mo?
Sa bahaging ito ay pagyayamanin natin ang mga
kaisipang ibinahagi at ang iyong mga natutunan sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng learning task. Muli, ito
ay may kaugnayan sa katatagan ng loob at
pagkamatiyaga sa pagsang-ayon sa pagpapasiya ng
nakararami para sa ikabubuti ng lahat. I-click lamang ang
mga icon sa ibaba upang masagutan ang mga Learning
Task sa araling ito. Kayang-kaya mo yan!

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at


ibahagi kung ano ang nararapat mong gawin sitwasyong
ito. I-post ang iyong mga sagot sa discussion board at
magkomento sa kasagutang ng ibang kamag-aral.
Sikaping makapagbigay ng makabuluhang komento.
1. Magkakaroon ng lakbay-aral sa inyong paaralan at
gustong gusto mong sumama ngunit ito’y nataon na
mayroon ding lakad ang inyong pamilya.
2. Nakita mong nabasag ng iyong kamag-aral ang
salamin sa inyong silid. Walang umaamin kung sino ang
nakabasag nito kaya’t nagalit ang inyong guro.
3. Magkakaroon ng eleksyon ng Supreme Pupil
Government o SPG sa inyong paaralan. Nagkataong
magkalaban sa pagka-pangulo ang iyong matalik na
kaibigan at pinsan.

Paano mo ipopost ang iyong mga kasagutan?

1. I-click ang "Add a new discussion topic".


2. Ilagay sa "Subject" ang iyong buong pangalan.
3. Ilagay naman sa "Message" ang iyong sagot sa bawat
katanungan.
4. Pagkatapos ay maaari mo nang i-click ang "post to
forum"
5. Pagkatapos ay tignan at basahin ang sagot ng iyong
mga kamag-aral at magbigay ng makabuluhang komento
sa kanilang mga kasagutan sa pamamagitan ng pag-click
sa "reply".

Tandaan:

Maging magalang sa mga pananalitang iyong gagamitin.


Iwasang gumamit ng mga salitang hindi akma sa
talakayan.

Maaari mong idownload ang word document file para


mapag-isipan at masagutan mo ito offline. I-click lamang
ang link na ito:
https://drive.google.com/file/d/1fcFLAGhn24XNAUXY
bf4ck6pDjtJPLgbU/view?usp=sharing
THURSDAY Pagpapalihan Gawain 4: Ano ang Gagawin mo?
3:05 – Sa bahaging ito ay palalalimin natin ang mga konsepto at
3:45PM kasanayang iyong natutunan sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng gawain sa ibaba. I-click lamang ang link
na Modyul 2 Gawaing Pagpapalihan upang makita ang
gawain.
Ngayong alam mo na kung ano ang kahalaahan ng
katatagan ng loob at paiing matiyaga sa paggawa ng
papapasiya, higit pa nating pagyamanin ito sa
pamamagitan ng sumusunod na gawain. Umisip ng isang
pangyayari sa iyong buhay kung saan ay nahirapan kang
gumawa ng pagpapasiya para sa iyong sarili at mga
kaibigan o pamilya. Punan ang sumusunod na mga datos:

a. Anu-ano ang mga pagsubok na iyong hinarap upang


Narito ang rubriks sa paggawa ng vlog:
makagawa ng pagpapasiya ng makabubuti para sa lahat?
b. Anu-ano ang mga hakbang na iyong ginawa upang
masolusyunan ang mga pagsubok na naitala?

Gamit ang mga datos na iyong naitala:

1. Gumawa ng isang 1 to 2-minute vlog na nagkkwento


ng iyong naging karanasan sa paggawa ng isang mabuti
at masusing desisyon.
2. I-save ang video file bilang Modyul2_Vlog_ApelyidoMo
Halimbawa: Modyul2_Vlog_Reyes
5. Isubmit ito sa DepEd E-mail address ng iyong guro.
FRIDAY Paglalapat Sa bahaging ito ay ating bubuuin at bibigyang diin ang
10:30 – iyong mga natutunan sa mga gawaing iyong isinagawa.
11:00 AM
1. Gumawa ng isang journal entry na nagsasaad ng
tatlong mahahalagang bagay na iyong natutunan sa
aralin na ito.
2. Isulat kung ano ang mga pagbabagong iyong gagawin
na may kinalaman sa pagpapasiya mula sa iyong mga
natutunan.
3. I-post ang iyong output sa discussion forum at ikaw ay
hinihikayat na magbigay rin ng opinyon sa output ng
iyong mga kamag-aral.
Tandaan na anumang isusulat mo sa iyong komento ay
mababasa hindi lamang ng iyong kamag-aral kundi
maging ng iyong guro.
I-click ang link sa ibaba:

Gumawa ng isang journal entry na nagsasaad ng tatlong


bagay na iyong natutunan sa aralin na ito at kung ano
ang mga pagbabagong iyong gagawin tungkol na may
kinalaman sa pagpapasiya mula sa iyong mga natutunan.
I-post ang iyong journal entry bilang new discussion post,
Magbigay ng opinyon sa output ng mga kamag-aral.
Tandaan na ang anumang komento na iyong ibibigay ay
mababasa hindi lamang ng iyong kamag-aral kundi
maginng ng iyong guro kaya't maging mapanuri o mabuti
sa iyong komento.

Paano mo ipopost ang iyong mga kasagutan?

1. I-click ang "Add a new discussion topic".


2. Ilagay sa "Subject" ang iyong buong pangalan.
3. Ilagay naman sa "Message" ang iyong sagot sa bawat
katanungan.
4. Pagkatapos ay maaari mo nang i-click ang "post to
forum"
5. Pagkatapos ay tignan at basahin ang sagot ng iyong
mga kamag-aral at magbigay ng makabuluhang komento
sa kanilang mga kasagutan sa pamamagitan ng pag-click
sa "reply".

“Binabati kita natapos mo ang iyong Modyul para sa


linggong ito!”

You might also like