You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Aralin 5:
Tibay ng Iyong kalooban Aking Susubukin

I. MGA LAYUNIN
1) Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang
Pangnilalaman hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat
2) Pamantayan sa Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa
Pagganap ikabubuti ng lahat
3) Pamantayan sa Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang
Pagkatututo desisyon na makabubuti sa pamilya
1.1. pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa pangyayari
1.2. pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito
1.3. paggamit ng impormasyon (Code: EsP6PKP-Ia-i-37)

II. NILALAMAN Paksa : Katatagan ng loob sa responsableng pagdedesisyon


Kaugnay na Katatagan ng Loob (Fortitude)
Pagpapahalaga:
Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum, Edukasyon sa
Pagpapakatao May 2016, pahina 81
https://www.youtube.com/watch?
v=AJ1LHw8dt84 (video clip ng awit Pagsubok
by Orient Pearl (Bangon Tacloban)
https://www.youtube.com/watch?
v=ZdMOqT3qjoY (video clip na hango sa
palatuntunan ng GMA Public Affairs: Kapuso
Mo, Jessica Soho: 9 year-old crippled girl uses
improvised stroller to go to school)
https://prezi.com/kz1kbhdevo3l/katatagan-ng-
kaloobannasusubok-sapagharap-sa-hamon/
Iba pang laptop, projector, video clips ng mga awit na
Kagamitan: “Pagsubok” ng Orient Pearl, video clip na hango sa
palatuntunang “Kapuso Mo, Jessica Soho”,
powerpoint presentation na nagpapakita ng mga
sitwasyon, manila paper, gunting, permanent
marker, masking tape, graphic organizers

III. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL


1. Panimulang  Panalangin
Gawain  Setting of Standards
2. Pagganyak Gawain A:
1. Ano ang karaniwan ninyong
ginagawa kapag may mga suliraning
dumarating sa inyong pamilya?
2. Paano ninyo nabigyang solusyon
ang mga suliraning ito?

Gawain B:
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga
sitwasyon ng OO o HINDI na susubok
sa kanilang pagpapasya gamit ang
katatagan ng kalooban. Ipapakita ng
guro ang mga sitwasyon gamit ang
powerpoint presentation.

Mga Sitwasyon:
____1. Pinaninidigan ko ang aking
mga ginawang desisyon ng buong
husay at tapang.
____2. Sa oras na may suliraning
kinakaharap, buo ang loob ko at
taimtim na nanalig sa Diyos.
____3. Pinanghihinaan ako ng loob sa
mga pagkakataong nakapagbigay ako
ng maling desisyon.
____4. Pinag-aaralan kong mabuti ang
bawat bagay at sitwasyon na
nangangailangan ng isang matibay at
matatag na pagpapasya.
____5. Itinutuwid ko ang aking mga
nagawang maling desisyon sapagkat
ako ay naniniwala na ang bawat
pagkakamali ay nagbibigay ng
mahalagang aral.

1. Alin sa mga nabanggit ang palagi


mong naisasagawa? hindi
naisasagawa?

3. Paglalahad Ngayong araw na ito ay inyong


pakikinggan ang isang awitin na may
pamagat na “Pagsubok”.

4. Pagtatalakay 1. Ano ang mensahe ng awiting inyong


napakinggan?
2. Ano ang inyong naramdaman
habang nakikinig sa awitin?
3. Anong linya ng awitin ang pumukaw
sa inyong damdamin? Bakit?
4. Ano-ano ang dapat ninyong taglayin
kung may mga pagsubok man kayong
nararanasan?
5. Paano ninyo dapat tingnan ang mga
pagsubok na inyong nararanasan sa
buhay?

Ipapanood sa mga mag-aaral ang video


clip na hango sa palatuntunang
“Kapuso Mo, Jessica Soho”, na
tumatalakay sa katatagan ng loob ng
isang batang pumapasok sa paaralan
gamit ang sariling likhang stroller
upang makatapos ng kaniyang pag-
aaral at matamo ang adhikain sa
kaniyang buhay.

1. Tungkol saan ang video clip na


inyong napanood?
2. Ano ang inyong naramdaman
habang pinapanood ang video clip?
3. Kung kayo ang batang nasa video
clip, ano ang inyong gagawin sa
sitwasyong kaniyang kinaharap?
Bakit?
4. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa
pagpapasya sa mga sitwasyong katulad
nito?
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo
maipamamalas ang pagkakaroon ng
katatagan ng kalooban sa mga
hinaharap na sitwasyon sa buhay? sa
tahanan? sa paaralan?

5. Paglalahat 1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng


matatag na kalooban?
2. Paano nakatutulong ang
pagkakaroon ng matatag na kalooban
sa pagbuo ng pasya o desisyon para sa
inyong sarili at pamilya?
3. Ano-ano ang mga bagay na dapat
ninyong tandaan sa pagbuo at
pagbibigay ng isang pasya o desisyon
sa kabila ng mga suliranin ninyo sa
buhay?

TANDAAN NATIN:
Ang katatagan ng kalooban ang isa sa
magagandang ugali na dapat taglayin
ng isang tao. Ang halimbawa nito ay
masasalik sa mga kabataang patuloy na
nagsisikap at bumabangon sa kabila ng
mga pagsubok at hirap sa buhay.

Kaakibat nito ang pagkakaroon ng


malakas na paniniwala, pagkakaroon
ng prinsipyo at tiwala sa sarili na ating
nakukuha sa bawat desisyon na ating
ginagawa.

Nalilinang ang katatagan ng loob sa


mga tagumpay sa pagharap sa
pagsubok ng buhay. Subalit ang Diyos
pa rin ang pinakamalakas na sandigan
upang maging matatag ang kalooban sa
paglutas ng anumang uri ng suliranin.

6. Paglalapat Sa pamamagitan ng iba’t ibang paksa Paksa Gawain


na may kaugnayan sa katatagan ng 1 Katatagan ng dula-dulaan
kalooban sa pagbibigay ng pasya sa loob sa o iskit
sarili at pamilya, bigyang laya ang mga pamilya
mag-aaral na maipahayag ang kanilang 2 Katatagan ng islogan
sarili gamit ang mga gawaing loob sa sarili
nakatalaga sa bawat pangkat. 3 Katatagan ng tula
loob sa pag-
Pamantayan sa Pagmamarka aaral
4 Katatagan ng sabayang-
Husay sa Pagganap loob sa bigkas
 3- Lahat ng kasapi sa pangkat ay pamayanan
nagpakita nang mataas na
kahusayan sa pagganap.
 2-1-2 na kasapi ng pangkat ay
nagpakita ng katamtamang husay
sa pagganap.
 3-4 na kasapi ng pangkat ay hindi
nagpakita ng kahusayan sa
pagganap.

Angkop/Tamang Saloobin sa
Sitwasyon
 3- Naipakita nang maayos at may
tiwala ang tamang saloobin sa
sitwasyon.
 2- Naipakita nang maayos ngunit
may pag-aalinlangan ang tamang
saloobin sa sitwasyon.
 1- Hindi naipakita ang tamang
saloobin sa sitwasyon.

Partisipasyon ng mga Kasapi sa


Pangkat
 3- Lahat ng miyembro ng pangkat
ay nakiisa sa pangkatang gawain.
 2- 2-3 na miyembro ng pangkat ay
hindi nakiisa sa pangkatang
gawain.
 1- 4-5 na miyembro ng pangkat ay
hindi nakiisa sa pangkatang
gawain.

IV. PAGTATAYA Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matatag na kalooban


sa pagbuo ng desisyon?
a. Tumigil muna si Lloyd sa pag-aaral sa kadahilanang nawalan ng trabaho
ang kaniyang ama na nagtatrabaho sa Gitnang Silangan.
b. Nagmukmok sa kaniyang silid si Marlon dahil hindi niya nagawang ipasa
ang pagsusulit nila sa pagkaabogasya.
c. Nagpadala sa suhol ang karamihan ng pamilyang naninirahan sa ilalim ng
tulay dala ng kanilang pangangailangan.
d. Patuloy na nananalig si Arthur sa kapangyarihan ng Diyos na gagaling ang
kaniyang ina sa pakikipaglaban sa sakit na cancer.

2. Ang inyong lugar ay nakaranas ng isang malakas na lindol. Marami ang


naapektuhan ng pangyayari kasama na ang inyong pamilya. Alin sa
sumusunod ang dapat mong gawin?
a. Lumapit sa mga kamag-anak at kausaping pansamantala muna silang
kupkupin.
b. Unti-unting isaayos ang tahanan sa pamamagitan ng pagkukumpuni sa
nasirang bahagi nito.
c. Lumapit sa mga pulitiko upang mabigyan ng agarang tulong kagaya ng
pansamantalang tirahan at pagkain.
d. Maghanap ng bagong tirahan na hindi nakararanas nang madalas na lindol
at pabayaran sa mga kamag-anak na nakaaangat sa buhay.

3. Nagkaroon kayo ng pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakato. Sinabihan


ka ng matalik mong kaibigan na kailangan mo siyang pakopyahin dahil kung
hindi ay hindi ka niya kikilalaning kaibigan. Alin sa sumusunod na
sitwasyon ang gagawin mo?
a. Kakausapin ko siya ng mahinahon at sasabihin ko na sumabay siya sa akin
sa pagsuri ng mga nakaraang aralin.
b. Isusumbong ko siya sa aking nanay upang kausapin nito ang aming guro
hinggil sa pangyayari upang maparusahan siya.
c. Hahayaan ko siyang kumopya sa aking sagutang papel lalo na kung hindi
naman ito makikita ng mga mga kama-aral at guro ko.
d. Hahanap na lamang ako ng mga bagong kaibigan na sasamahan at
sasabihin ko ang ugaling ipinakita niya sa akin.

4. Nagsara ang pabrikang pinapasukan ng iyong ama. Hindi naman


makapagtrabaho ang iyong ina dahil kapapanganak lamang niya. Kinausap
ka ng iyong mga magulang na pansamantalang tumigil sa pagaaral upang
patapusin muna ang iyong kuya sa kolehiyo na magtatapos na sa taong
kasalukuyan. Ano ang gagawin mo?
a. Susundin ko ang kagustuhan ng aking nanay at tatay dahil sila naman ang
bumuo ng pagpapasyang huminto muna ako sa aking pag-aaral.
b. Mangungutang muna ako sa aking mga kamag-aral at mangangako na
babayaran ko sila kapag nakaluwag na ang aming pamilya.
c. Kakausapin ko ang aking nanay at tatay na mag-aaral pa rin ako at
hahanap na lamang ako ng mapapasukang trabaho sa araw ng Sabado at
Linggo.
d. Mamamasukan muna ako sa karendiryang malapit sa amin at gagamitin ko
ang aking sweldo na pambili ng mga bagay na gusto ko upang hindi na
humngi sa nanay at tatay ko.

5. Ulila na kayong apat na magkakapatid sa magulang at tanging tiyo at tiya


ninyo na lamang ang nangangalaga sa inyo. Napansin mong hindi mabuti
ang pakikitungo nila sa inyo. Wala na kayong ibang mapupuntahan dahil
mas malayo ang lugar ng iba ninyong kamag-anak. Ano ang gagawin mo?
a. Kakausapin ko ang aking mga kapatid na doon na muna sila sa iba naming
kamag-anak habang ako ay nag-aaral pa.
b. Ipagbibigay alam ko sa kinauukulan ang ginagawa ng aking tiyo at tiya
upang mabigyan sila ng tamang pansin sa kanilang ginagawa.
c. Kakausapin ko ang aking mga kapatid na magtiis na lang muna kami sa
ginagawa ng aming tiyo at tiya dahil wala kaming ibang pupuntahan.
d. Titigil na lang muna ako sa pag-aaral upang magtrabaho at
mangungupahan ng sariling bahay upang makaiwas sa pagmamaltratong
ginagawa sa amin ng aming tiyo at tiya.

V. TAKDANG- Ipakita ang pagkakaroon ng matatag na kalooban sa paggawa ng isang


ARALIN sitwasyon gamit ang responsableng desisyon. Pumili lamang ng isa sa mga
nakalistang paraan ng paggawa. Gawin it osa kwaderno.

a. paggawa ng poster
b. paggawa ng islogan
c. paglikha ng isang awitin
d. pagsulat ng maikling tula

Inihanda ni:

JOHN KALI LUCKY T. FABRIGA


Bachelor of Elementary Education

Iniwasto ni :

Gng. ANNELYN L. ABEJERO


Tagapayo, Grade Six-A

You might also like