You are on page 1of 1

. 21. – isang uri ng dulang panrelihiyon na namalasak noong panahon ng Kastila.

Ang pinakadiwa nito ay ang paghahanap ng bahay na matutuluyan ng mag-


asawang San Jose at Birheng Maria noong bisperas ng Pasko. Panunuluyan –
isang uri ng dulang makarelihiyon na ang pinakamanuskrito ay ang pasyon.
Itinatanghal ito kung Mahal na Araw, kadalasa’y nagsisimula sa Lunes Santo at
nagtatapos ng Biyernes Santo, kung minsan pa’y umaabot ng Linggo ng
Pagkabuhay. Ito ay itinatanghal sa entablado. Tinatawag din itong “pasyon sa
tanghalan”. Senakulo
. 22. – itinatanghal sa entablado. Dalawang pangkat ang naghaharap dito: ang
mga Kristiyano at ang mga moro. Tinawag itong comedia de capa y espada na
sa kalauna’y naging kilala sa palasak na tawag na “moro-moro”. Nasusulat sa
anyong tula, pumapaksa sa paglalaban ng mga Kristiyano at mga di-Kristiyanong
tinawag ng mga Kastilang “moro”. Laging magtatagumpay ang mga Kristiyano sa
mga paglalaban. Moro-Moro
. 23. – ito ay may kaugnayan sa senakulo sapagkat ito ay nauukol sa paghanap
sa krus na kinamatayan ni Kristo sa bundok ng Kalbaryo. Ang mga tauhan dito ay
sina Emperatris Elena at ang kanyang anak na si Emperador Constantino.
Tinawag na tibag sapagkat ito ay nauukol sa pagtibag ng bundok ng Kalbaryo sa
paghanap ng krus. Tibag
. 24. Mga Tula sa Panahon ng Kastila
. 25. Ang unang tula sa Tagalog ay sinulat ni Tomas Pinpin at kasamang inilimbag
sa kanyang aklat na Librong Pag- aaralan nang manga Tagalog sa Uicang
Castila. Ang tula ay binubuo ng magkasalit na taludtod sa Tagalog at Kastila sa
layuning matutuhan ang Kastila. Felipe de Jesus – ipinalalagay ng mga
mananaliksik na ang kritikong si Felipe de Jesus ng San Miguel, Bulakan, ang
unang tunay na makatang Tagalog.
. 26. Mga Tulang Romansa sa Panahon ng Kastila
. 27. - tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa taludtod at may mga
paksang kababalaghan at maalamat (karamiha’y halaw at hiram sa paksang
galing sa Europa) na dala rito ng mga Kastila. Inaawit ito nang mabilis o “allegro”.
May walong pantig ang taludturan. (Halimbawa: Ibong Adarna). Kurido – isang uri
ng tulang binubuo ng labindalawang pantig bawat taludtod ng isang saknong at
kung inaawit ay marahan o “andante”. (Halimbawa: Florante at Laura) Awit
. 28. Ang tulang dula o tulang pantanghalan o dulang pantanghalan ay kahit
anumang drama na sinulat bilang isang berso para wikain At ang dula ay
isinasagawa sa tanghalan kaya ito ay tinawag na dulang pantanghalan.
. 29. KARAGATAN uri ng tulang patnigan, isa sa sinaunang panitikan. Ang paksa
ng karagatan ay tungkol sa isang priNsesa na nawala ang singsing sa karagatan.
Nagpapaligsahan ang mga binata sa kanilang mga husay at talento (na
isinasagawa sa pamamagitan ng pagtula). Kung sino man sa kanila ang
makakakuha ng singsing ay magiging asawa ng prinsesa.
. 30. Ang karagatan ay nanggaling sa isang alamat tungkol sa isang dalagang
nawalan ng singsing. Ang mga binatang maghahanap ng singsing dapat sasagot
ng patula kapag nahanap ang singsing matutuloy ang kasalkasalan kapag hindi
malulunod ang binata.

You might also like