You are on page 1of 4

Mga Positibong Katangian ni Rizal

1. Madasalin

1.1 Sa Pamilya

Patunay : Araw-araw silang nagdadasal sa oras ng angelus , at sa


edad na 3ay nakasama na siya sa pagdadasal ng pamilya .

2. Matulungin

2.2 Sa Ina

Patunay: Laging tumutulong si Rizal sa pagbabantay ng kanilang


tindahan sa ilalim ng kanilang bahay , makikita ditto ang gilingan ng trigo
para maging harina , at gawaan ng hamon .

2.3 Sa Ama

Patunay: Ang kanyang Ama ay nangungupahan ng lupain at dito ay


tumutulong si Rizal na magsaka sa lupaing umaabot ng 600 na hektarya .
Ang lupa ay tinataniman ng palay , mais at tubo .

Patunay: Siya rin ay tumutulong sa pag-aalaga ng hayop bukod sa


pagsasaka .

3. Mahusay
3.1 Sa Pag-aaral

Patunay: Si Jose Rizal ay mahilig matuto kaya mahilig siyang mag-aral


. Marunong siyang magsalita ng 22 na wika at magaling sa maraming
larangan ng siyensiya. Nais rin niyang ibahagi ang kanyang mga
kaalaman sa pamamagitan ng pagtuturo sa Dapitan .

3.2 Sa Wika

Patunay: Dahil sa edad na 8 ay kaniyang naisulat niya ang tulang “Sa


Aking Kabata” na nagbigay ng pagpapahalaga sa kaniyang sariling wika .

3.3 Sa Pagsulat
Patunay: Sa edad na 8 ay naisulat niya ang isang drama na nakaukol
sa kapistahan ng Calamba at ang nasabing gawa ni Rizal ay binili sa
kaniya ng gobernadorcillo ng paete , Laguna .

4. Mapagpahalaga
4.1 Sa kanyang mga ninunong Espanyol

Patunay: Mula sa kaniyang ninunong Espanyol ay namana niya


ang kapinuhan sa pagkilos at kanipisan sa insult .

4.2 Sa kanyang Ama

Patunay : Mula sa kaniyang ama ay namana niya nag pagtitiyaga


sa trabaho , paggalang sa sarili , at malayang pag-iisip .

4.3 Sa kanyang Ina

Patunay: Sa kaniyang Ina ay kaniyang namana ang


pagpapakasakit sa sarili at pananais sa sining at panitikan .

4.4 Sa kaniyang mga ninunong Malayo

Patunay: Dito ay pinahalagahan ni Rizal ang pagiging mapagmahal


sa kalayaan , paghahangadsa paglalakbay , at katapangan na naman niya
.

4.5 Sa kayang ninunong Tsino

Patunay: Pinahalagahan niya ang pagiging seryoso , katipiran ,


katiyagaan at pagmamahal sa bata na kaniyang namana .

5. Mapagmahal
5.1 Sa Bayan

Patunay: Si Rizal ay tapat sa kaniyang bayan dahil ipinagtanggol at


tinulungan niya ang Pilipinas sa pang-aapi ng mga Kastila , at gumawa ng
aksyon para magkaroon ng pagbabago .

5.2 Sa Ina
Patunay: Sa bakasyon ng 1873 , si Rizal ay hindi naging masaya
dahilan na nasa bilangguan ang kaniyang Ina . Lihim na pumunta sa
Santa Cruz para dalawin ang kaniyang Ina at kinuwentuhan niya ang Ina
ukol sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo .

6. Pagkahili sa Pag-aaral
6.1 Sa Iba’t ibang Libro

Patunay: Si Rizal ay may hilig sa pagbabasa ng mga libro , at ilan


dito ay ang mga sumusunod :
 Count of Monte Cristo na isinulat ni Alexander Dumas .
 Universal History na isinulat ni Cesar Cantu na pinilit niyang
ipinabili sa kaniyang Ama .
 Travels in the Philippines na isinulat ni Dr. Feodor Jagor .

6.2 Sa Ikaapat na taon nita sa Ateneo (1876-1877)

Patunay: Sa taong ito ay nakilala ni Jose Rizal si Padre


Francisco de Paula Sanchez . Ang nagsabing pari at naghikayat kay Rizal
na mag-aral ng mabuti , lalo na sa pagsulat ng tula .

Patunay: Sinabi ni Rizal na si Padre Francisco de Paula


Sanchez ay isang modelo ng katuwiran at pagsisikap para sa pag-unlad
ng kaniyang mga mag-aaral . . Dahilan ditto ay nagbalik sigla si Rizal sa
pag-aaral at natapos nag taon sa pag-aaral ng mayroong limang
medalya . Nagtapos si Rizal noong Marso 23, 1877 at natamo sa pag-
aaral ang Bachiller en Artes .

Mga Positibo at Negatibong Katangian ni Rizal


Si Rizal ay may mga positibo at negatibong katangian . Sa positibong
katangian iyong mababasa ay , una siya ay madasalin at sa edad na 3 ay
nakasama na siya sa pagsasadal ng pamilya . Ang sumunod ay ang pagiging
matulungin niya sa Ama at sa kanyang Ina kasama na ang kanyang mga
kapatid . Pero siyempre hindi mawawala ang pagiging mahusay neto sa pag-
aaral at ang pagmamahal niya sa kapwa at pamilya . May mga bagay din siya
na pinahalagahan sa buhay at kasama ditto ang kanyang mga naman sa
kanyang mga ninuno .

You might also like