You are on page 1of 3

EMPLOYED WOMEN IN THE PHILIPPINES

Source: Philippine Statistic Authority, April 2020


12.00%
9.90%
Employed Female (in percent)

10.00% 9.10%
7.70%
8.00%
6.00% 4.70% 4.80%
4.00%
1.80%
2.00%
0.00%
15 - 24 25 - 34 35 - 44 45 - 54 55 - 64 65 and
years old years old years old years old years old over

Age Group (in years)

Age Group (in years)

MATH:
1. Ang ginamit ko pong graph ay Column Bar Graph.
2. Ito po ang ginamit kong graph dahil sa tingin ko po ay mas madaling
maintindihan ang mga datos na nakalagay.
3. Maaari din po nating gamitin ang ibang graph katulad po ng pie graph at line
graph.

ESP:
Ang mga babae ay kawangis ng mga ating mga ina. Bigyan natin sila ng pagpapahalaga
kung paano din natin pinapahalagahan ang ating ina. Narito po ang aking mga gagawin
upang maipakita ang aking pagpapahalaga sa mga kababaihan:
1. Itetext ko po sila o i-cha-chat kung kamusta na po sila at kung may
nararamdaman po sila. Sa ganitong paraan po, malalaman nila na sila ay
mahalaga at naaalala ko sila.
2. Sa mga kakilala o kaibigan at kamag anak ko na may sakit o nararamdaman,
tatawagan ko po sila at palalakasin ang kanilang loob upang hindi sila
panghinaan. Sasabihin ko po sa kanila na ipapanalangin ko ang kanilang mabilis
na paggaling.
3. Ito po ay para sa aking ina, ipaparamdam ko po sa kanya na siya ay mahalaga.
Susundin ko po ang utos niya palagi, tutulungan ko po siya sa mga gawaing
bahay, makikinig po ako sa mga payo niya palagi at mag aaral po ako ng mabuti.
SCIENCE, FILIPINO AT ENGLISH:
Ang graph na ito ay nagpapakita ng datos tungkol sa mga porsiyento ng
kababaihan na nagtatrabaho at ang grupo ng kanilang edad.

Ayon sa graph, mas malaki ang porsiyento ng mga naghahanap buhay na


kakabaihan na edad 25 – 34 na taong gulang (9.9%), pumapangalawa dito
ang mga nasa edad 35 – 44 taong gulang (9.1%), na sinundan ng mga
edad na 45 – 54 (7.7%), 55 – 64 (4.8%) at 15 – 24 (4.7%). Pinakamababa
naman ang porsiyento ng mga nasa edad na 64 pataas (1.8%).

Sa aking palagay, malaki ang bahagdan ng mga nasa gulang na 25 - 35


dahil ito ang wastong edad upang maghanapbuhay sila at mas malakas pa
ang kanilang katawan at resistensiya. Gayundin ang mga nasa sumunod na
bahagdan ngunit kung ating mapapansin ay paunti unti na itong bumababa
habang nadadagdagan ang edad. Ito ay dahil sa paghina ng kanilang
resistensiya at pagkakaroon ng iba’t ibang karamdaman. Ang mga nasa
edad na 15 -24 ay maaaring mga working student o yung mga
nagtatrabaho habang nag – aaral. Pinakamaliit na bahagdan naman ang
mga nasa edad na 64 pataas dahil ito ang panahon na sila ay malapit na
magretiro at matanda na upang maghanapbuhay.

Maliit lamang ang porsiyento ng mga kababaihan na nagtatrabaho sa


kasalukuyan kung ating ikukumpara sa mga kalalakihan. Kaunti lang ang
nabibigyan ng pagkakataon dahil may mga kumpanya na mas pinipili pa
din ang mga lalaki kesa sa mga babae. Ito ay dahil sa mga sirkumstansya
ng pagiging babae. Ilan na dito ang pagliban kapag sila ay may buwanang
dalaw, kapag may sakit ang kanilang anak at may problema sila sa
pamilya. Mas emosyonal kasi sila hindi katulad ng mga lalaki na kayang
hawakan ang emosyon. Ngunit hindi ito dito nagtatapos, naniniwala ako na
habang patuloy na lumalakad ang panahon ay marami pang kababaihan
ang magpapamalas ng kanilang mga galing, kakayahan at talento dito sa
ating mundo. Patuloy nilang ipaglalaban ang kanilang mga karapatan at
kalayaan. Mas patuloy na tataas din ang bilang ng bahagdan ng mga
naghahanap buhay, lalo na sa panahon ngayon na kailangan nilang
kumilos para makabangon sa kinahaharap nating pandemya.

You might also like