You are on page 1of 1

Leonardo, Trisha Lou C.

BTLED 3A

ANG TAO SA PISO

Maraming taong Pilipino ang nakakakilala kay Rizal, at mayroon rin na hindi nakakakilala sakanya at sa
mga nagawa nya bilang si Rizal. Kahit ako bilang isang ordinaryong tao masasabi kong kilala ko si Rizal
bilang isang huwarang at mabuting bayani ng Pilipinas, at alam ko rin ang kuwento ng buhay nito ngunit
hindi ko masasabing sapat ang aking nalalaman sapagkat nung high school ako tama ang nasabi sa Video
na aking napanuod hindi naituturo ng mabuti at sapat ang tungkol kay Rizal dahil pinapaikli ang kuwento
at madalas kulang ito para sa kaalaman namin bilang estudyante. Madalas kong makita ang pangalan ni
Rizal sa lugar na makasaysayan bilang pagtanaw sa mga nagawa ni Rizal, at para saakin kaya nasa Piso si
Rizal, dahil mayaman o mahirap man, matanda o bata nakakahawak ng piso at madali itong makita at
makilala ng bawat isa. Sa video na napanuod ko maganda yung mensahe sa ipinaparating sa atin, Na
kung gusto natin makita si Rizal, tumingin tayo sa salamin dahil kailangan natin maging tulad ng mga
bayani, kailangan natin ilabas yung kabayanihan natin dahil bilang isang Pilipino may kabutihang loob at
kabayanihan,hindi lamang para sa bansa kundi pati na rin sa kapwa Pilipino natin.

You might also like