You are on page 1of 2

Advance Institute of Technology, Inc.

Sangi New Road, Pajo, Lapu-Lapu City, Cebu, Phils., 6015

UNANG MARKAHAN
FILIPINO 9
S.Y. 2017 – 2018

Pangalan: ___________________________ Grade & Section: _______________ Iskor: _____


Petsa: ________________________ Guro: ______________________________

I. Pagpipilian. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng
isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
a. Nobela b. Dula c. Sanaysay d. Maikling Kuwento
2. Ito ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-
akda.
a. Nobela b. Dula c. Sanaysay d. Maikling Kuwento
3. Ito ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong
itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
a. Nobela b. Dula c. Sanaysay d. Maikling Kuwento

4. Ito ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.

a. Nobela b. Dula c. Sanaysay d. Maikling Kuwento

5. Ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap,


maaring salita, dalawang parirala, o dalawang sugnay.

a. pang-ugnay b. pangatnig c. pang-ukol d. pang-angkop

6. Mga katagang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsusunod sa


pangungusap.

a. pang-ugnay b. pangatnig c. pang-ukol d. pang-angkop

7. Uri ng pangatnig na ginagamit sa pagbukod o pagtatanggi.

a. panubali b. paninsay c. pananhi d. pamukod

8. Uri ng pangatnig na nagsasabi ng pag-aalinlangan.

a. panubali b. paninsay c. pananhi d. pamukod

9. Uri ng pangatnig na nagbibigay katuwiran o dahilan sa pagkaganap ng kilos.

a. panubali b. paninsay c. pananhi d. pamukod

10. Uri ng pangatnig na sinasalungat ng unang bahagi na pangungusap ang ikalawang bahagi
nito gaya ng ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman at kahit.

a. panubali b. paninsay c. pananhi d. pamukod

II. Tama o Mali. Isulat sa patlang ang Tama kung ang pahayag ay tama at kung ang
pahayag ay Mali isulat ang tamang sagot.
__________________1.Pangatnig ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng
dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala, o
dalawang sugnay.

1
__________________2.Ang pag-ugnay ay ang mga katagang nag – uugnay sa dalawang
salita, parirala o sugnay na pinagsusunod – sunod sa pangungusap.
__________________3.Ang tauhan ang gumagalaw na nagbibigay buhay sa nobela.
__________________4.Ang banghay ay ang mga kawili – wiling pangyayari sa isang nobela.
__________________5.Ang wakas ay binibigyang kalutasan ang tunggalian sa bahagi ng
nobela.
__________________6.Si Florentino T. Collantes ay ang tinaguriang “Hari ng Balagtasan”

__________________7.Ang saknong ay isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na


may dalawa o higit pang taludtod.
__________________8.Ang panimbang ay ginagamit upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan
ng isang banggit.
__________________9.Ang panapos ay nagsasabi ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita.
__________________10.Habang tumatanda ang isang tao ay nagbabago rin ang nais niyang
basahin.
__________________11.Nakakatulong ang aklat upang lumawak ang ating mga interes.
__________________12.Sa sanaysay “Kay Estella Zeehandelaar” itinuturing na krimen ang
pag - aasawa ng kababaihan.
__________________13.Sa dulang “Nang Dumalaw ang Kuya Teddy” nag – aalala si Teddy sa
kanyang kapatid dahil matagal itong hindi sumusulat sa kanila.
__________________14.Sa maikling kuwento ng “Awit ng Pag – ibig” gustong magbahagi ni
Thay ng kanyang nararamdaman at baka siya ay matulungan ng
kaibigan.
__________________15.Sa tulang “Ang Pamana” nakita ng persona ang kanyang ina ay
masaya, naglilinis at nag – aayos ng mga lumang kagamitan.

III. Pagkakakilanlan. Isulat sa patlang ang may – akda at nagsalin ng mga Akdang
Pampanitikan ng Timog – Silangang Asya.

_________________________________1-2. Awit ng Pag - ibig


_________________________________3-4. Mabuhay Ka, Anak Ko
_________________________________5. Ang Pamana
_________________________________6-7. Kay Estella Zeehandelaar
_________________________________8. Nang Dumalaw ang Kuya Teddy
_________________________________9-10. Baul ng Kayamanan ng Kaalaman

IV. Sanaysay. (15 puntos)

Bilang isang mag-aaral, paano nakakatulog sa iyo ang pagbabasa ng aklat at paano mo
maipapakita ang pagpapahalaga mo rito. Ipaliwanag.

Pamantayan sa Pagsulat ng Sanaysay


Nilalaman 45% = 6.75 pts.
Kaugnayan sa Tema 30% = 4.5 pts.
Paggamit ng Salita 25% = 3.75 pts
Kabuuan 100% = 15 pts.

“Be honest, even if others are not, even if others will not, even if others cannot. He, who walks
honestly, walks securely.”

You might also like