You are on page 1of 10

Tuklasin

Basahin at suriin ang kuwento:

Ang Palatuntunan
Naglalakad ang mga magkakaibigan at magkaklase na sina
Ysraj, Khrisna, Sofhia at Precious sa paaralan ng makita nila ang
nakapaskil sa may ding ding sa harap ng opisina ng Supreme Pupil
Govenrment.

Dali-dali nila itong binasa. Ito pala ay isang patalastas tungkol sa


palatuntunan sa pagsasayaw.

PATALASTAS
Ano : Paligsahan sa Pagsasayaw
Sino : Binubuo ng apat na miyembro bawat grupo
Saan : Paaralan ng Masigla Elementary School
Kailan: December 8, 2020, Alas 10 ng umaga
Para sa karagdagang impormayon tumawag sa numerong
097668764672, o di kaya ay tumungo sa opisina ng Student
Supreme Government o SPG

4
“Sali tayo” ang masayang sabi ni Ysraj. Kaya agad na
napagpasyahan ng mga magkakaibigan na sumali sa paligsahan. Nag
usap- usap sila tungkol sa kanilang isasayaw at susuotin sa paligsahan.
Dahil gusto nilang manalo pinagbutihan nila ang kanilang pag
ensayo at nagtutulong tulong sila sa pagbuo ng sayaw at disenyo ng
susuoting damit.
Sa araw ng palatuntunan, maaga silang pumunta sa paaralan at
inayos ang mga gamit na gagamitin sa paligsahan. Bago sila sumayaw
ay nagdasal muna sila na gabayan at pawiin ang kabang
nararamdaman. Sumayaw sila ng buong husay at buong kasiyahan.
Natapos ang palatuntunan at sila ang nagwagi bilang kampyon.
Masayang umuwi ang magkakaibigan at baon ang ngiti at galak sa
kanilang puso.

Suriin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


_____________________________________________________

2. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?


_____________________________________________________
_____________________________________________________

3. Anong ugali ang ipinakita ng magkaibigan sa kuwento?


_____________________________________________________
_____________________________________________________

5
4. Kung ikaw ang isa sa mga bata sa kuwento sasali ka ba sa
palatuntunan? Oo o hindi? Bakit?
________________________________________________________
________________________________________________________

5. Nararapat bang ipagmalaki ang iyong talento? Bakit?


________________________________________________________
________________________________________________________

Pagyamanin

Ang patalastas ay maikling mensahe na nagpapabatid ng


mahalagang impormasyon tungkol sa:
- gaganaping palatuntunan o iba pang gawain
- panawagan sa madla
- kautusan nang paaralan o bayan
- pangangailangan sa hanap buhay
- nawawala

Maging mapanuri sa mga nababasang patalastas dahil hindi lahat


ng nababasa ay totoo.
Panuto: Isulat ang masayang mukha sa kahon kung ang pahayag
ay tama, at malungkot na mukha kung hindi.

1. Susuriing mabuti ang nabasang patalastas kung ito ay tama o


hindi.
2. Iwasan na magkalat ng maling impormasyon tungkol sa
nabasang patalastas.
6
3. Alamin ang pinanggalingan ng patalastas.

4. Basahing mabuti ang patalastas kung ito ay magandang balita


o hindi.
5. Umiwas sa mga patalastas na nabasa dahil ayaw mong maki
alam.
6. Sundin ang patalastas na nabasa tungkol sa kautusan ng
pamahalaan.
7. Ikalat ang patalastas tungkol sa nawawalang bata sa bayan.

8. Sabihan ang kaibigan na may patalastas tungkol sa


paligsahan sa awit dahil magaling itong kumanta.

9. Anyayahan ang mga kaibigan na sumali sa paligsahan na


nkapaskil sa bulletin ng paaralan.

10. Pagtawanan ang patalastas na narinig o nabasa.

Isaisip

Bawat tao ay may kani-kaniyang pananaw at opinyon sa mga


patalastas na nababasa o naririnig. Ang pagiging mapanuri sa nabasa
o narinig na patalastas ay nagpapakita lamang ng masusing pag-iisip.
May mga balita na nagbibigay ng tamang impormasyon upang
lalong mapalawig ang kaalaman ng mga nagbabasa. Subalit mayroon
din naman sa paraang paninirang puri.

7
Kompletuhin ang talata.

Kung ang mga balita na aking narinig ay tungkol sa mga

negatibong bagay, ang gagawin ko ay _____________________

____________________________________________________.

Dahil naniniwala ako na _________________________________

_____________________________________________________

_____________________________________________________

(Edukasyon sa Pagpapakatao-3, Kagalitan ng Mag-aaral, Pahina 31)

8
Isagawa

Gumawa ng isang patalastas tungkol sa pagtatanim ng mga kahoy sa


inyong paaralan. Kompletuhin ang detalye ng patalastas.

PATALASTAS

Ano : ___________________________________________

___________________________________________

Sino : ___________________________________________

___________________________________________

Saan : ___________________________________________

___________________________________________

Kailan : ___________________________________________

___________________________________________

9
Tayahin

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang bilang ay nagsasaad ng


mapanuring pag-iisip sa patalastas na nabasa o narinig at ekis (x) kung
hindi.

____ 1. Detalyado kung naipaliliwanag ang mga patalastas na aking


nabasa o narinig sa aking mga kaklase.
____ 2. Ang aming sambahayan ay nakikinig ng mga patalastas tungkol
sa pag-iwas sa Corona Virus.
____ 3. Naikokompara ko ang tama sa maling patalastas na aking
nabasa o narinig.
____ 4. Nagagalak ako kung ang mga patalastas na aking narinig o
nabasa ay kaaya-aya at nagbibigay ng makabulohang balita
o usapin.

____ 5. Nauunawaan ko ng mabuti na dapat bigyang halaga ang mga


patalastas na nabasa o narinig upang maging mapanuri sa
nangyayari sa paligid.

____ 6. Ikalat ang patalastas tungkol sa pangangalaga ng kalikasan.


____ 7. Huwag paglaruan at punitin ang mga patalastas na nakapaskil
sa paskilan.

____ 8. Gumawa ng patalastas tungkol sa pangangalaga ng kalikasan.


____ 9. Ipagsawalang bahala ang mga patalastas na narinig kahit alam
mo na ito ay makabulohan.

____ 10. Magbasa palagi ng patalastas sa dyaryo o pahayagan.

10
Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang tanong at isulat ang sagot sa patlang.

Ano ang dapat nating gawin sa nababasa o naririnig na mga


patalastas? Dapat ba natin itong paniwalaan agad? Oo o hindi? Bakit?

___________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

11
Susi sa Pagwawasto

You might also like