You are on page 1of 4

1|Page

SORSOGON STATE COLLEGE


Magallanes Campus
Magallanes, Sorsogon

MC FIL 1

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA MCJL


2|Page

Ikalimang Linggo
Inaasahang Matutuhan:
Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Naisa-isa ang mga bahagi ng pananalita.
2. Naipaliwanag ang bawat pahagi ng pananalita.
3. Nakapaglahad ng mga kaukulang halimbawa sa bawat bahagi ng pananalita.
4. Nakabuo ng mga pangungusap na ginagamit ang mga bahagi ng pananalita, gamit ang katutubong wika

BAHAGI NG PANANALITA
Pangngalan (Noun)
Mga salitang pantawag sa tao, bagay, hayop, lunan at kaganapan.
Uri ng Pangngalan
• Pantangi
–tiyak na ngalan.
• Pambalana
–di tiyak na ngalan.
Uri ng Pambalana
• Basal –pangngalang hindi nahahawakan ngunit nararamdaman.
• Tahas –pangngalang nakikita at nahahawakan.
• Lansak –nagsasaad sa kaisahan sa karamihan o kabuuan.
Kaanyuan ng Pangngalan
Payak
Maylapi
Tambalan
1. Ganap
2.Di-ganap/Malatambalan
Kaukulan ng Pangngalan
• Palagyo –kung ang pangngalan ang simuno.
• Palayon –ang pangngalan ang nagiging layon ng pang-ukol.
• Paari –nagsasad ng pag-aari.
Gamit sa Pangungusap
• Simuno –ang pangngalan ang paksa sa pangungusap.
• Panaguri –kung ang pangngalan ay nasa bagahing panag-uri. Ang simuno at kaganapang pansimuno ay
tumutukoy sa iisang tao,bagay,lugar, o pangyayari.
• Tuwirang Layon –kung ang pangngalan ang tumatanggap ng kilos. Sumasagot ito sa tanong na ano.
• Di-tuwirang Layon –kung ang pangngalan ang pinaglalaan ng kilos. Sumasagot ito sa tanong ng kanino.
Pantawag –Ito ay ginagamit na panawag sa pangungusap.

Panghalip (Pronoun)
Bahagi ng pananalita na inahahalili sa pangngalan ng tao, bagay, hayop, pook o kaganapan.
Uri ng Panghalip
• Panao –inihalili sa ngalan ng tao.
• Pananong –ginagamit sa pagtatanong.
• Pamatlig –ginagamit sa pagtuturo ng bagay.
• Panaklaw –sumasaklaw sa dami o bilang.
Kakanyahan ng Panghalip
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA MCJL
3|Page

• Isahan –kapag tumutukoy sa isang tao o bagay.


• Maramihan –kapag ang tinutukoy naman ay maramihan ng tao o bagay.
Kaukulan ng Panghalip
• Palagyo –ito ang simuno ng pangungusap.
• Palayon –ito ang nagiging layon ng pang-ukol.
• Paari –nagsasaad ng pag-aari.

Pandiwa (Verb)
Bahagi ng pananlita na nagsasaad ng kilos o gawa.
Uri ng Pandiwa
• Pandiwang may Banghay
– ito ang mga pandiwang nagkakaroon ng aspeto.
• Pandiwang walang Banghay
– ito ang mga pandiwang walang aspeto.
Aspeto ng Pandiwa
• Imperpektebo –ito ay nagsasad ng kilos na ginawawa pa lamang.
• Perpektibo –nagsasaad ng kilos na tapos ng ginawa.
• Komtemplatibo –nagsasaad ng kilos na gagawin pa lamang.
Pokus ng Pandiwa
• Pokus Tagaganap –ito ay nagtuturo na ang tagaganap ang paksa sa pangungusap. Ginagamitan ng
ponemang (um, ma, mang, nag nakapag, maki at magpa). Sumasagot sa tanong na “sino”.
• Pokus sa Layon –ito ay nagtuturo na ang layon ang paksa ng pangungusap. Ginagamitan ng ponemang ( i,
in-hin, an-han, ma, paki, ipa, at pa). Sumasagot sa tanong na "ano?".
• Pokus sa Ganapan –ito ay nagsasaad ng lugar na pinangyarihan ng kilos ang paksa ng pangungusap.
Gumagamit sa ponemang (pag-an, an-han, pag-an-han, mapag-an-han, ma-an-han, paki-an-han).
• Pokus sa Taga tangap –ito ay nagsasaad na ang pinaglaanan ng kilos ang pokus ng pangungusap.
Gumagamit ng ponemang (ipag, i, ipang, ma+i, ma+i+pag, i+pagka). Sumasagot sa tanong na "para kanino?
• Pokus sa Gamit –kapag ang gamit, bagay o kasangkapan ay ang paksa ng pangungusap upang maisagawa
ang pandiwa. May ponemang ( ipang at maipang).
• Pokus Sanhi –ang sanhi ng pangyayri ang pukos ng pangungusap. May ponemang ( ika). Sumasagot sa
tanong na “bakit”.
• Pokus sa Direksyon –ang patutunguhan ng kilos ng pandiwa ang paksa ng pangungsap. (an-han, in-hin).

Pang-uri (Adjective)
Isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas
partikular ito.
• Halimbawa: maganda, malagkit, mataba, payat, mabaho

Pang-abay (Adverb)
Mga salitang nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Halimbawa: minsan, palagi, sa Biyernes, sa itaas, araw-araw, ulit, bukas,

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA MCJL


4|Page

Sanggunian

Cid V. Alcaraz, M. O. (2005). Filipino 1 Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon City: LORIMAR PUBLISHING
CO.,INC.
et.al., M. A. (2010). MASINING NA PAGPAPAHAYG (Tungo sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagsasalita at
Pagsulat). Plaridel, Bulacan: TCS- Publishing House.

Tiangco, A. O. (2000). Makabagong Balarilang Filipino. Quezon City: REX Printing Company,INC.

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA MCJL

You might also like