You are on page 1of 3

SCHOOL Lumil Elementary School Grade Level SIX

GRADE 1 to 12 TEACHER Mary Jane M. Flora Quarter FIRST


DAILY LESSON SUBJECT FILIPINO DATE 08/06/19
PLAN WEEK 10 DAY Martes
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
napakinggan
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag
ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at
napalalawak ang talasalitaan
Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t
ibang teksto
Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panood ng iba’t ibang uri
ng media
Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa
komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan
B. Pamantayan sa Pagganap Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at naisasadula ang isang
isyu o paksa mula sa tekstong napakinggan
Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu
Nakabubuo ng sariling diksiyonaryo ng mga bagong salita mula sa mga
binasa; naisasadula ang mga maaaring mangyari sa nabasang teksto
Nagagamit ang nakalimbag at di-nakalimbag na mga kagamitan sa
pagsasaliksik
Nakasusulat ng reaksyon sa isang isyu
Nakagagawa ng isang blog entry tungkol sa napanood
Naisasagawa ang pagsali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento,
pagtula, pagsulat ng sariling tula at kuwento

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto K-Naipapahayag ang sariling opinion o reaksiyon sa isang napakinggang
Isulat ang code ng bawat kasanayan balita, isyu o usapan.
S-Nakasusulat ng isang maikling reaksyon tungkol sa napapanahong
paksa.
A-Naibabangit ang mga paraan sa pangangalaga ng kapaligiran.
F6PS-Ij-1.
Constructivism Approach- 3 A’s
II. NILALAMAN Pagbibigay /Pagsulat ng Reaksyon sa nabasa/ napakinggang isyu, balita ,
pahayagan.
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Landas ng Pagbasa p.152
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Infinity card, batayang aklat, projector , manila paper at puzzle picture.

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng Pumalakpak ng tatlong beses kung ang salitang inyong nabasa ay
bagong tumutukoy sa damdamin at pumadyak naman ng 3 tatlong beses kapag
hindi.
Itanong: Ano- ano ang mga salitang nabanggit na may kinalaman sa ating
pakiramdam o pandama?
Saan ginagamit ang mga salitang ito?
Ano ibig sabihin ng reaksyon/ opinyon?
B. Paghahabi ng layunin ng aralin Reaksyon/ Opinyon
1. Natuwa ako sapagkat nakabangon muli ang pamilya ni Aling
Justine mula sa trahedyang naranasan sa pagsabog ng bulkan.
Kahit ganun ang nangyayari sa kanila hindi sila nawalan ng
tiwala sa Panginoon at sila nagpakatatag.
Paano nyo nasabi na ito ay reaksyon?
Ano ang ibig sabihin ng reaksyon?
REAKSYON O OPINYON?
2. Ako ay lubusang humahanga sa determinasyon ng amang
kargador sapagkat alam kong napakahirap ng kanyang trabaho,
masakit sa katawan ang maghapong pagbubuhat subalit tiniis
niya ito para lamang mapagtapos ang kanyang anak. Natutuwa
naman ako sa kanyang anak sapagkat hindi niya ikinahiya ang
trabahong nakatulong sa kanya upang siya ay makapagtapos.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin. Paghahambing: Magpakita ng 2 larawan: isang malinis at isang
Activity-1) maruming kapaligiran.
1. Alin sa larawang ito ang nais ninyong pasyalan?
2. Kuhanin ang reaksyon ng mag-aaral tungkol dito.
3. Anu-ano ang epekto ng polusyon o pagkawasak ng kapaligiran
A. Itanong:
May pakinabang ba ang basura?
Bakit meron?
Bakit wala?
B. Unlocking Difficulty/ Pag-aalis ng Sagabal:
a. Bio-gas
b. Planta
c. Generator
d. Anaerobic
e. Polusyon
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahadng Ipabasa ng tahimik ang akdang “ Pakinabang ng Basura”
bagong kasanayan #(Activity -2) Talasalitaan: Paghahanay ng mga bata sa bagong salita sa pisara.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Itanong:
bagong kasanayan #2 1. Paano nagiging kapaki-pakinabang ang basura ayon sa binasang
(Activity-3) seleksyon?
2. Ano ang tinatawag na bio-gas?
3. Paano nagkakaroon ng bio-gas?
4. Saan-saan nagagamit ang bio-gas?
5. Anu- ano ang mga naitutulong ng paggamit ng bio-gas sa
kompanya ni G. Maramba?

F. Paglinang sa Kabihasnan Pangkatang- Gawain ( Picture Puzzle)


(Tungo sa Formative Assessment) Buuin ang puzzle na magiging paksa ng talakayan at pagbibigay ng
(Analysis) reaksyon ng mga miyembro.
Pangkat I- Polusyon
Pangkat II- Dengue
Pangkat III- Trapik
Pangkat IV- Droga
Ang napiling taga-ulat ang maglalahad sa klase ng maikling reaksyon ng
bawat grupo.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay Bilang mag-aaral, anu-ano ang maari mong gawin upang makatulong sa
(Application) pagsugpo ng mga suliranin sa ating kapaligiran?
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang natutuhan mo sa aralin?
(Abstraction)) Ang lahat ay malayang makapagbigay ng reaksyon o opinyon subalit ito
ay dapat na gawin sa magalang na paraan. Makabubuti kung tayo ay may
sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan upang masusing
mapagtimbang-timbang ang mga bagay at maging katanggap-tanggap
ang ating mga opinyon.
I. Pagtataya ng Aralin (Assessment) Basahing mabuti ang mga isyu/balita/usapan at piliin ang angkop na
reaksyon:
1. Kuya Kim Atienza: Mga kapamilya mat tatlong Low Pressurea
Area pong binabantayan ang PAGASA na maaaring maging
bagyo at pumasok sa ating bansa.
a. Natutuwa sapagkat maaaring magkaroon na naman ng
sunod-sunod na suspensyon ng klase.
b. Natutuwa sapagkat tataas ang tubig sa mga dam at dadami
ang suplay ng tubig sa Metro Manila.
c. Nag-aalala sapagkat marami na namang mamamayan ang
maaaring maapektuhan.
2. Biglang nawala ang baong pera ng iyong kaklase kasama rin dito
ang kanyang pamasahe.
a. Naiinis ako dahil pabaya siya sa kanyang gamit.
b. Nalulungkot ako dahil magugutom siya at baka makapaglakad
pa sa kanyang pag-uwi.
c. Nalulungkot ako dahil may kaklase pala akong nakikialam ng
gamit ng iba.
3. Anunsyo: Ipatutupad na simula bukas ang paghuli sa mga
kabataang pagala-gala mula ikasampu ng gabi hanggang ikaapat
ng umaga.
a. Nag-aalala dahil baka isa ako sa mahuli at madala sa barangay
hall.
b. Nakahinga ako nang maluwag dahil mababawasan ang mga
kabataang mapapahamak.
c. Naiinis dahil mababawasan ang oras na pwede akong
mamalagi sa lansangan.
Basahing mabuti ang mga isyu/balita/usapan at piliin ang angkop na
reaksyon:
4. Mas maraming oras na ang ginugugol ng mga kabataan sa
paglalaro ng gadget kesa sa paglalaro sa labas ng bahay ng mga
larong nakakapagpalakas ng katawan.
a. Nag-aalala sapagkat bukod maaari silang magkasakit ay
nawawalan din sila ng pagkakataong magkaroon ng maraming kaibigan.
b. Nag-aalala sapagkat lalaki ang gastos ng pamilya sa pagbili ng
mga gadgets.
c. Nag-aalala sapagkat wala silang matututunan.
5. Papunta na sa ibang bansa ang iyong ama upang doon
makapagtrabaho sapagkat wala siyang maayos na hanapbuhay
dito sa bansa.
a. Nalulungkot dahil magkakalayo na kami at matagal pa bago
kami magkita.
b. Masaya dahil malaya ko nang magagawa lahat ng aking
gusto.
c. Masaya dahil mas marami na siyang perang kikitain.

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin at Manood/makinig ng balita tungkol sa bagong ulat sa Dengue. Magbigay
Remediation ng iyong reaksyon tungkol dito.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa

You might also like