You are on page 1of 55

10

Filipino
Unang Markahan – Modyul 5
Maikling Kuwento

Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon . Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Maikling Kuwento
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Evelyn D. Orjaliza
Mga Editor: Miguela L. Heyasa
Renaden M. Secretaria
Geraldine B. Mediante
Genelyn J. Abatayo
Tagasuri: Amelia L. Tortola, EdD

Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Arturo B. Bayocot, PhD, CESO III
Direktor ng Rehiyon
Mga Katuwang na Tagapangulo:
Victor G. De Gracia Jr., PhD, Ceso V Mala Epra B. Magnaong, Chief CLMD
Katuwang na Direktor ng Rehiyon Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV Bienvenido U. Tagolimot Jr., PhD EPS-ADM
Tagapamanihala, Sangay ng Bukidnon Elbert R. Francisco, PhD, Chief CID
Shambaeh A. Usman, PhD Tagasuri: Amelia L. Tortola, EdD
Katuwang ng Tagapamanihala, Rejynne L. Ruiz, LRMDS Manager
Sangay ng Bukidnon Jenny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolosco, Division Librarian II

Department of Education – Division of Bukidnon


Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City 8700 Bukidnon
Telefax: 0888133634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph.
10
Filipino
Unang Markahan – Modyul 5
Maikling Kuwento

Ang modyul na ito ay magkakatuwang na inihanda at sinuri ng mga


guro sa Filipino ng Sangay ng Bukidnon. Hinihikayat namin ang mga
guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na magpadala ng kanilang
puna at mungkahi sa email na bukidnon@deped.gov.ph
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon . Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy,
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Maikling Kuwento!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang denisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ka. Ang gurong
tagapagdaloy ay handang tumulong ng mag-aa upang matulungang makamit ng mga-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa mag-
aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa
mag-aaral

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Maikling Kuwento!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Para sa magulang:

Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap ng


ating mga mag-aaral. Ang kanilang kaalaman ay hindi limitado sa silid-aralan lamang
kundi maging sa inyong tahanan.
Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga
mag-aaral upang mapatnubayan sila sa mga gawaing itinalaga sa kanila.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.

iii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-alinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

 Ang modyul 5 ay nahahati gaya ng sumusunod:


 Aralin 1-Kuwento ng Tauhan
 Aralin 2-Ang Kuwintas
 Aralin 3-Panghalip Bilang Panuring sa Tauhan
 Aralin 4-Ang France
 Lingguhang Pagtataya
Ang mga kompetensing lilinangin sa modyul 4 ay ang sumusunod:

 Napahahalagahan ang napanood na pagtatanghal ng isang akda sa


pamamagitan ng paghanap ng simbolong nakapaloob dito (F10PD-If-g-65)
 Napahahalagahan ang napanood na pagtatanghal ng isang akda sa
pamamagitan ng paghanap ng simbolong nakapaloob dito (F10PD-If-g-65)
 Napahahalagahan ang napanood na pagtatanghal ng isang akda sa
pamamagitan ng paghanap ng simbolong nakapaloob dito (F10PD-If-g-65)
 Naisusulat ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na iniuugnay sa buhay
ng mga Pilipino. (F10PU-If-g-68)
 Nakikibahagi sa round table discussion kaugnay sa mga isyung pandaigdig
(F10PS-If-g-68)
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
TAKIP NG PAHINA
PAHINA NG KARAPATANG-ARI
PAHINA NG PAMAGAT
PAUNANG SALITA
TALAAN NG NILALAMAN
Aralin 1: Kwento ng Tauhan (Lunes)
Alamin 1
Subukin 1
Balikan 3
Tuklasin 4
Suriin 5
Pagyamanin 6
Isaisip 7
Isagawa 7
Tayahin 8
Karagdagang Gawain 9
Aralin 2: Ang Kuwintas
Alamin 11
Subukin 11
Balikan 12
Tuklasin 14
Suriin 15
Pagyamanin 16
Isaisip 17
Isagawa 17
Tayahin 18
Karagdagang Gawain 18

v
Aralin 3: Kultura ng France
Alamin 21
Subukin 21
Balikan 22
Tuklasin 22
Suriin 23
Pagyamanin 25
Isaisip 27
Isagawa 27
Tayahin 28
Karagdagang Gawain 30
Aralin 4: Panghalip bilang panuring sa tauhan
Alamin 31
Subukin 31
Balikan 32
Tuklasin 32
Suriin 33
Pagyamanin 34
Isaisip 35
Isagawa 35
Tayahin 35
Karagdagang Gawain
Lingguhang Pagtataya 36
Susi sa Pagwawasto 41
Sanggunian 44

vi
vii
Aralin
Kuwento ng Tauhan
1

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang isa sa mga uri ng maikling kuwento, ang
Kuwento ng Tauhan. Saklaw nito ang paglinang sa iyong mga kakayahan sa
pagpapahalaga sa isang akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga katangian ng
pangunahing tauhan sa kuwento. Tutuklasin mo ang mga paraan na ginagamit sa
paglalarawan at ang mga salitang hudyat o simbolo nito.

Alamin

Kompetensing Lilinangin
 Napahahalagahan ang napanood na pagtatanghal ng isang akda sa
pamamagitan ng paghanap ng simbolong nakapaloob dito (F10PD-If-g-65)

Subukin

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Pagkatapos ng sampung taon, ang buong pagkakautang ay nabayaran. Si


Mathilde ay mukhang matanda na ngayon. Anong salita o mga salita ang
naging hudyat ng paglalarawang pisikal ng tauhang si Mathilde?
A. sampung taon C. mukhang matanda
B. pagkakautang D. ngayon

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa panloob na anyo ng tauhang


inilalarawan?
A. damdamin C. isipan
B. kilos D. mithiin

3. Namutla ang asawa dahil ang kanyang naipon ay ipambibili sana niya ng baril
pang-ibon sa nalalapit na tag-araw. Anong bahagi ng katauhan ang
inilalarawan ng may-akda?
A. panloob na anyo B. panlabas na anyo
C. larawang pisikal D. reaksyon ng ibang tauhan

1
4. Alin sa mga sumusunod ang simbolo o hudyat na salita sa paglalarawan ng
tauhang si G. Loisel?
A. namutla C. nalalapit
B. asawa D. tag-araw

5. Isa siya sa mga magagandang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay


isinilang sa isang angkan ng mga tagasulat. Anong salita o mga salita ang
naging hudyat ng paglalarawang pisikal ng tauhang si Mathilde?
A. isa C. pagkakamali ng tadhana
B. magagandang babae D. tagasulat

6. Masasalamin ba kay Mathilde ang pag-uugali ng babaeng taga-France?

A. Oo, sapagkat mahilig siya sa moda.


B. Oo, sapagkat mahilig siyang manghiram ng alahas.
C.Hindi, sapagkat tanggap niya ang pagkakamali.
D.Hindi, sapagkat natuto na siyang magpakumbaba.

7. Anong aral o pagpapahalaga ang hatid sa atin ng katauhan ni Mathilde?


A. Ang paghahangad nang labis sa buhay ay nagdudulot ng
kapahamakan.
B. Gaano man kataas ang paglipad ay siyang bigat ng pagkabagsak.
C. Kung ano ang itinanim ay siya mong aanihin.
D. Laging nasa huli ang pagsisisi.

8. Nabagbag nang gayon na lamang si Madame Forestier at sinabing “O, kaawa-


awa kong Mathilde, ang kuwintas na ipinahiram ko sa iyo ay puwit lamang ng
baso”. Anong katauhan ang inilalarawan ng may-akda?
A. panloob na anyo C. larawang pisikal
B. panlabas na anyo D. kupas na larawan

9. Masasabi mo bang isang mabuting kaibigan si Madame Forestier?


A. Oo, sapagkat walang pag-aalinlangan na pinahiram niya si Mathilde
ng alahas.
B. Oo, sapagkat lagi siyang handang tumulong ninuman.
C. Hindi, sapagkat tinanggap pa niya ang napakamahal na alahas.
D. Hindi, dahil ang kuwintas na ipinahiram ay nagdulot ng
kapahamakan.

10. Bakit naibibilang sa Kuwento ng Tauhan ang kuwentong “Ang Kuwintas”?


A. Ito’y nagsasalaysay at naglalarawan ng katangian ng pangunahing
tauhan.
B. Nagpapakita ito ng kultura ng bansang France.
C. Dahil naglalarawan ito sa samahan ng mag-asawang G. Loisel at
Mathilde.
D. Ipinakikita rito ang pagpapahalaga ng asawang lalaki sa kanyang
kabiyak.

2
11. Alin sa mga sumusunod ang larawan ni Mathilde sa kasalukuyang panahon?
A. Si Myrna, kilala sa kanilang lugar dahil sa ganda ng katawan at
kagalingan sa pagbihis ng kasuotan. Araw-araw ay nagtatago dahil
sa utang.
B. Si Alma, nakatira sa isang kubo na walang kasinlinis at di
matatawaran sa dami ng mga tanim na prutas at gulay.
C. Si Edna, mahal na mahal ng asawa lahat ibinibigay sa kanya kahit
hindi niya hinihingi, dahil may trabaho at kita naman siya.
D. Si Nora, mayaman, maganda, mabait, ngunit hiwalay na sa kanyang
asawa.

12. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng kuwento ng tauhan?


A. Ang Kalupi C. Si Mabuti
B. Sa Kuko ng Liwanag D. Sa Lupa ng Sariling Bayan

13. “Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang estranghero”, sabi ng babae. Anong
katangian ng babae ang inilalarawan dito?
A. makabago at malayang kababaihan
B. babaeng nababalot ng takot
C. babaeng nagpapahalaga sa dangal
D. babaeng may pinagdaanan

14. Alin sa mga sumusunod ang hudyat o simbolo na nagpapahiwatig ng


katangian?
A. hindi C. bahay
B. pumupunta D. estranghero

15. “Kasalanan n’yo ang nangyari, eh! Nataranta kasi kayo basta may kostumer
kayong Kano.Pa’no, natitipan kayo ng dolyar.” Anong katangian o larawan ang
mahihinuha mula sa nagsasalita?
A. mapagmahal at mapag-aruga C. mapagmalasakit sa kapwa
B. mapaniil at mapanghusga D. pabaya at masama

Balikan

Kung ating balikan ang tungkol sa maikling kuwento, ating napag-alaman na ito
ay may ibat-ibang uri. Isa sa mga uri ay ang Kuwentong Makabanghay na tinalakay
ninyo sa Filipino 9. Sa kuwentong ito, higit na binigyang-halaga ang pagtukoy sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Pag-aaralan naman natin
ngayon ang Kuwento ng Tauhan. Basahin mo muna ang nasa kahon.

3
Tuklasin

Gawain 1. Ilagay sa kolum ng TUMPAK ang mga pahayag na nasa kahon kung ito
ay tumutukoy o nagpapaliwanag tungkol sa Kuwento ng Tauhan, at sa kolum ng
SABLAY naman kung ito ay hindi. Gayahin ang pormat sa papel.
1. Higit na binibigyang-halaga ang kilos, pananalita, at kaisipan ng tauhan.
2. Naglalarawan ng iisang kakintalan sa taong pinapaksa.
3. Paglalarawan sa tunay na pagkatao ng tauhan sa katha.
4. Nakatuon sa mga pangyayari sa kuwento.
5. Tinatalakay ang pinagmulan ng mga tao o bagay.

TUMPAK SABLAY

Gawain 2: Pagtatapat-tapat. Hanapin sa hanay B ang mga salitang sumisimbolo o


naging hudyat sa paraan ng paglalarawan sa tauhan na nasa hanay A. Itapat ang
hanay A at hanay B. Gawin ito sa sagutang-papel.

Hanay A Hanay B

1. Panloob na anyo A. Labis ang mithiin niyang maging kahali-


halina.
2. Panlabas na anyo B. Hindi siya maligaya sa piling ng asawa.
3. Reaksyon sa pangyayari C. Siya ay may mahubog na
pangangatawan.

Hanay A Hanay B

4
Suriin

KAHULUGAN NG KUWENTO NG TAUHAN


Ang Kuwento ng Tauhan ay isang uri ng maikling kuwento na ang higit na
binibigyang-diin ay ang paglalarawan sa pangunahing tauhan ng kuwento. Ang
kanyang kilos, ang paraan ng pagbibitaw ng mga salita, kung papaano siya mag-isip,
at kung ano ang kanyang mga nararamdaman.
Nangingibabaw rito ang isang masusing paglalarawan sa tunay na pagkatao
ng tauhan sa katha. Ang kanyang larawan o katangian ang siyang mag-iiwan sa atin
ng kakintalan.

PARAAN NG PAGLALARAWAN NG TAUHAN


Ang paglalarawan ng buong pagkatao ng tauhan ay nasasalig sa kaniyang
panloob na anyo at gayon din sa kaniyang panlabas na anyo. Kabilang sa panloob
na anyo ang isipan, mithiin, at damdamin ng tauhan. Ang panlabas na anyo naman
ay nakasalalay sa paglalarawan kung paano siya kumilos at magsalita.
Nakatutulong din sa pagpapalitaw ng katauhan ang mga pag-uusap ng ibang
tauhan sa kuwento tungkol sa kaniya o ang kanilang reaksyon na ipinakita. Ngunit
higit na mabisang paglalarawan sa katauhan ang kaniyang reaksiyon o saloobin sa
isang tiyak na pangyayari.

MGA SALITA/PARIRALANG HUDYAT NG PAGLALARAWAN


Sa pagkilala sa buong pagkatao ng pangunahing tauhan, mahalagang makilala
rin kung anong mga salita o parirala sa loob ng pangungusap o pahayag ang hudyat
o palatandaan kung ang inilalarawan ay panloob na anyo o ang panlabas na anyo.
Narito ang mga halimbawa.
Mithiin. Labis ang pagmimithi niyang maging kahali-halina, kaibig-ibig, maging
tampulan ng papuri, at pangimbuluhan ng ibang babae.
Damdamin. Hindi naging maligaya si Mathilde sa piling ng kanyang asawa.
Pag-iisip. Siya’y naniniwalang isinilang siya upang magtamasa ng
karangyaan sa buhay.

Narito ang halimbawa ng panlabas na anyo:

Pagkilos. Nanghiram siya ng kuwintas na diyamante sa kaibigang


si Madame Forestier.
Pananalita. “At ano ang nais mong isampay sa aking likod?”

5
Pagyamanin

Gawain 3: Sabihin kung ang paraang ginamit ng may-akda sa paglalarawan ay


katangiang panloob (pag-iisip, mithiin, damdamin, saloobin), o sa pisikal na
katangian (anyo, pagkilos, pananalita), o pag-uusap o reaksyon ng ibang tauhan sa
kuwento tungkol sa kanya. Isulat sa patlang ang KPL kung ito’y larawang panloob,
PNK naman kung sa panlabas na larawan, at RNI kung pag-uusap o reaksyon ng
ibang tauhan tungkol sa kanya ang inilahad.

_____1. Isa siya sa mga magaganda at mapanghalinang babaeng sa pagkakamali


ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
_____2. Pagkatapos ng sampung taon, ang buong pagkakautang ay nabayaran.
Si Mathilde ay mukhang matanda na ngayon.
_____3. “Ngunit, mahal, akala ko’y matutuwa ka?” ani G. Loisel.
_____4. Malungkot si Mathilde dahil wala siyang maisusuot na hiyas sa katawan.
_____5. Lahat ay nagnanais na siya’y makilala at makadaupang-palad.

Gawain 4: Piliin sa loob ng mga pangungusap sa Gawain 3 ang mga hudyat na


salita o simbolong nagpapakita ng paglalarawan sa tauhan.

Mga Hudyat o Simbolo

1. ___________2.___________3._____________4.__________ 5.__________

Gawain 5: Anong pagpapahalaga o pagpapasiya ang mabubuo mula sa mga pahayag


na nasa Hanay A? Hanapin ang katumbas na sagot.sa Hanay B. Isulat ang titik nito
sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. May taglay siyang alindog na hindi nababa- A. Ang tunay na pagmamahal
gay sa kasalukuyan niyang kalagayan ay handang magsakripisyo
kaya’t ipinaghihinagpis niya ang kanyang alang-alang sa minamahal
karukhaan.
2. O, kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipi- B. Ang tunay na kaligayahan ay
nahiram ko sa iyong kuwintas ay imitasyon hindi makakamtan sa mga
lamang, puwit lamang ng baso. bagay o materyal lamang.
3. Sampung taong naghirap ang mag-asawa C. Hindi lahat ng kumikinang ay
sa pagbabayad ng kanilang utang. ginto.
Napagtanto ni Mathilde na tunay na ang
buhay ay kakatwa at mahiwaga.
4. Upang makadalo sa kasayahan, ibinigay ni D. Ang paghahangad ng labis
G, Loisel ang naipon niyang perang pambili sa buhay ay nagdudulot ng
sana ng baril pang-ibon upang ibili ni kapahamakan.
Mathilde ng bestido.
5. Nakahanda na ang bagong bestido ni E. Ang pagtanggap sa sarili ay
Mathilde subalit malungkot pa rin siya. hindi isang pagkakamali.

6
Isaisip

Gawain 6: Dugtungan ang pahayag ayon sa mahahalagang natutunan sa paksa.

Ang kuwentong “Ang Kuwintas” ay isang halimbawa ng kuwento ng tauhan


sapagkat ito ay ______________________________________________________.
Samakatuwid, naikintal sa ating isipan ang mga aral sa kuwento sa pamamagitan ng
larawang ________________________________

Isagawa

Gawain 7:
Ang inyong paaralan ay maglulunsad ng isang patimpalak para sa darating na
pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ikaw ay naatasang lalahok sa patimpalak sa pagsulat
ng isang “Kuwento ng Tauhan” na maaaring hango sa tunay na karanasan o larawan
ng isang babaeng Pilipina. Ang iyong kuwento ay tatayain sa sumusunod na
pamantayan.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

A. Makabuluhan 50%
B. Pagkamalikhain 30%
C. Daloy ng kaisipan 20%
KABUUAN 100%

Paalala: Kung may mga bahagi ng aralin na hindi pa rin malinaw sa iyo, maaari
mo itong balikan o itanong sa iyong guro upang lalo mo itong
maunawaan.

7
Tayahin

PAGPIPILI: Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Namutla ang asawa dahil ang kanyang naipon ay ipambibili sana niya ng baril
pang-ibon sa nalalapit na tag-araw. Anong bahagi ng katauhan ang inilalarawan
ng may-akda?
A. panloob na anyo C. larawang pisikal
B. panlabas na anyo D. reaksyon ng ibang tauhan

2. Alin sa mga sumusunod ang simbolo o hudyat na salita sa paglalarawan ng


tauhang si G. Loisel?
A. namutla C. nalalapit
B. asawa D. tag-araw

3. Isa siya sa mga magagandang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay


isinilang sa isang angkan ng mga tagasulat. Anong salita o mga salita ang
naging hudyat ng paglalarawang pisikal ng tauhang si Mathilde?
A. isa C. pagkakamali ng tadhana
B. magagandang babae D. tagasulat

4. Anong paraan ng paglalarawan ang ginamit ng may-akda kay Mathilde sa


salaysay na nasa bilang 3 ?
A. panloob na anyo C. katangiang pisikal
B. panlabas na anyo D. pasalaysay

5. Masasalamin ba kay Mathilde ang pag-uugali ng babaeng taga-France?


A. Oo, sapagkat mahilig siya sa moda.
B. Oo, sapagkat mahilig siyang manghiram ng alahas.
C. Hindi, sapagkat tanggap niya ang pagkakamali.
D. Hindi, sapagkat natuto na siyang magpakumbaba.

6. Alin sa mga sumusunod ang kultura ng taga-France na hindi masyadong


nakaimpluwensiya sa ating mga Pilipino sa larangan ng pananamit?
A. bandana C. amerikana
B. berets D. terno

7. Anong aral o pagpapahalaga ang hatid sa atin ng katauhan ni Mathilde?


A. Ang paghahangad nang labis ay nagdudulot ng kapahamakan.
B. Gaano man katas ang paglipad ay siyang bigat ng pagkabagsak.
C. Kung ano ang itinanim ay siya mong aanihin.
D. Laging nasa huli ang pagsisisi.

8
8. Alin sa mga sumusunod ang larawan ni Mathilde sa kasalukuyang panahon?
A. Si Myrna, kilala sa kanilang lugar dahil sa ganda ng katawan at
kagalingan sa pagbihis ng kasuotan. Araw-araw ay nagtatago dahil
sa utang.
B. Si Alma, nakatira sa isang kubo na walang kasinlinis at di
matatawaran sa dami ng mga tanim na prutas at gulay.
C. Si Edna, mahal na mahal ng asawa lahat ibinibigay sa kanya kahit
hindi niya hinihingi dahil may trabaho at kita naman siya.
D. Si Nora, mayaman, maganda, mabait, ngunit hiwalay na sa kanyang
asawa

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa panloob na anyo ng tauhang


inilalarawan?
A. damdamin C. isipan
B. kilos D. mithiin

10. Masasabi mo bang isang mabuting kaibigan si Madame Forestier?


A. Oo, sapagkat walang pag-aalinlangan na pinahiram niya si Mathilde
ng alahas.
B. Oo, sapagkat lagi siyang handing tumulong ninuman
C. Hindi, sapagkat tinanggap pa niya ang napakamahal na alahas
D. Hindi, dahil ang kuwintas na ipinahiram ay nagdulot ng
kapahamakan

11. Bakit napabilang sa Kuwento ng Tauhan ang kuwentong “Ang Kuwintas”?


A. Dahil ito’y nagsasalaysay at naglalarawan ng katangian ng
pangunahing tauhan.
B. Dahil ito’y nagpapakita ng kultura ng bansang France
C. Dahil naglalarawan ito sa samahan ng mag-asawang G. Loisel at
Mathilde
D. Dahil ipinakikita rito ang pagpapahalaga ng asawang lalaki sa
kanyang Kabiyak

12. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kuwento ng tauhan?


A. Ang Kalupi C. Si Mabuti
B. Sa Mga Kuko ng Liwanag D. Sa Lupa ng Sariling Bayan

13. “Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang estranghero”, sabi ng babae. Anong
katangian ng babae ang inilalarawan?
A. makabago at malayang kababaihan
B. babaing nababalot ng takot
C. babaing nagpapahalaga sa dangal
D. babaing may pinagdaanan

14. Alin sa mga sumusunod ang hudyat o simbolo na nagpapahiwatig ng


katangian?
A. hindi C. bahay
B. pumupunta D. estranghero

9
15. “Kasalanan n’yo ang nangyari, eh! Nataranta kasi kayo basta may kostumer
kayong Kano. Pa’no natitipan kayo ng dolyar.” Anong katangian o larawan
ang mahihinuha mula sa nagsasalita?
A. Mapagmahal at mapag-aruga
B. mapaniil at mapanghusga
C. Mapagmalasakit sa kapwa
D. pabaya at masama

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang pagsasalaysay sa mga tagpo na naglalarawan sa panloob


at panlabas na anyo ni Kardo Dalisay. Salungguhitan ang mga salita o parirala na
simbolo ng kanyang larawang pisikal, larawang panloob, at larawan ayon sa reaksyon
ng ibang tauhan. Gayahin ang pormat na nasa ibaba at gawin ito sa sagutang papel.

10
Aralin
Ang kwintas
2
Sa araling ito, pag-aaralan mo ang isang maikling kwento na pinamagatang
“Ang kwintas”. Unawain mo upang masalamin sa katauhan ng mga tauhan ang pag-
uugali ng mga taong pinanggalingan nito. Huhubugin din ang iyong kasanayan sa
pagkukwento ng sariling karanasan o karanasan ng iba batay sa sumusunod na
pamantayan: A.) kaalaman sa kwento B.) tinig C.) pag-arte.

Alamin

Kompetensing Lilinangin
 Napahahalagahan ang napanood na pagtatanghal ng isang akda sa
pamamagitan ng paghanap ng simbolong nakapaloob dito (F10PD-If-g-65)

Subukin

PAGPIPILI: Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot
1. “Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang estranghero”, sabi ng babae. Anong
katangian ng babae ang inilalarawan?
A. Makabago at malayang kababaihan
B. babaing nababalot ng takot
C. Babaing nagpapahalaga sa dangal
D. babaing may pinagdaanan

2. Alin sa mga sumusunod ang hudyat o simbolo na nagpapahiwatig ng


katangian?
A. hindi C. bahay
B. pumupunta D. estranghero

3. “Kasalanan n’yo ang nangyari, eh! Nataranta kasi kayo basta may kostumer
kayong Kano. Pa’no natitipan kayo ng dolyar.” Anong katangian o larawan ang
mahihinuha mula sa nagsasalita?
A. mapagmahal at mapag-aruga C. mapagmalasakit sa kapwa
B. mapaniil at mapanghusga D. pabaya at masama

11
4. Alin sa mga sumusunod ang larawan ni Mathilde sa kasalukuyang panahon?
A. Si Myrna, kilala sa kanilang lugar dahil sa ganda ng katawan at
kagalingan sa pagbihis ng kasuotan. Araw-araw ay nagtatago dahil
sa utang.
B. Si Alma, nakatira sa isang kubo na walang kasinlinis at di
matatawaran sa dami ng mga tanim na prutas at gulay.
C. Si Edna, mahal na mahal ng asawa lahat ibinibigay sa kanya kahit
hindi niya hinihingi dahil may trabaho at kita naman siya.
D. Si Nora, mayaman, maganda, mabait, ngunit hiwalay na sa kanyang
Asawa.

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa panloob na anyo ng tauhang


inilalarawan?
A. damdamin C. isipan
B. kilos D. mithiin

6. Masasabi mo bang isang mabuting kaibigan si Madame Forestier?


A. Oo, sapagkat walang pag-aalinlangan na pinahiram niya si Mathilde
ng alahas.
B. Oo, sapagkat lagi siyang handing tumulong ninuman.
C. Hindi, sapagkat tinanggap pa niya ang napakamahal na alahas.
D. Hindi, dahil ang kuwintas na ipinahiram ay nagdulot ng
kapahamakan.

7. Bakit napabilang sa Kuwento ng Tauhan ang kuwentong “Ang Kuwintas”?


A. Dahil ito’y nagsasalaysay at naglalarawan ng katangian ng
pangunahing tauhan
B. Dahil ito’y nagpapakita ng kultura ng bansang France
C. Dahil naglalarawan ito sa samahan ng mag-asawang G. Loisel at
Mathilde
D. Dahil ipinakikita rito ang pagpapahalaga ng asawang lalaki sa
kanyang Kabiyak

8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kuwento ng tauhan?


A. Ang Kalupi C. Si Mabuti
B. Sa Mga Kuko ng Liwanag D. Sa Lupa

9. Pagkatapos ng sampung taon, ang buong pagkakautang ay nabayaran. Si


Mathilde ay mukhang matanda na ngayon. Anong salita o mga salita ang naging
hudyat ng paglalarawang pisikal ng tauhang si Mathilde?
A. sampung taon C. mukhang matanda
B. pagkakautang D. ngayon

10. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa panloob na anyo ng tauhang
inilalarawan?
A. damdamin C. isipan
B. kilos D. mithiin

12
11. Namutla ang asawa dahil ang kanyang naipon ay ipambibili sana niya ng baril
pang-ibon sa nalalapit na tag-araw. Anong bahagi ng katauhan ang
inilalarawan ng may-akda?
A. panloob na anyo C. larawang pisikal
B. panlabas na anyo D. reaksyon ng ibang tauhan

12. Alin sa mga sumusunod ang simbolo o hudyat na salita sa paglalarawan ng


tauhang si G. Loisel?
A. namutla C. nalalapit
B. asawa D. tag-araw

13. Isa siya sa mga magagandang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay


isinilang sa isang angkan ng mga tagasulat. Anong salita o mga salita ang
naging hudyat ng paglalarawang pisikal ng tauhang si Mathilde?
A. Isa C. pagkakamali ng tadhana
B. magagandang babae D. tagasulat

14. Masasalamin ba kay Mathilde ang pag-uugali ng babaeng taga-France?


A. Oo, sapagkat mahilig siya sa moda.
B. Oo, sapagkat mahilig siyang manghiram ng alahas.
C. Hindi, sapagkat tanggap niya ang pagkakamali.
D. Hindi, sapagkat natuto na siyang magpakumbaba.

15. Anong aral o pagpapahalaga ang hatid sa atin ng katauhan ni Mathilde?


A. Ang paghahangad nang labis sa buhay ay nagdudulot ng
kapahamakan.
B. Gaano man kataas ang paglipad ay siyang bigat ng pagkabagsak.
C. Kung ano ang itinanim ay siya mong aanihin.
D. Laging nasa huli ang pagsisisi.

13
Balikan

Kung ating babalikan ang Ang paglalarawan ng buong pagkatao ng tauhan ay


nasasalig sa kaniyang panloob na anyo at gayon din sa kaniyang panlabas na anyo.
Kabilang sa panloob na anyo ang isipan, mithiin, at damdamin ng tauhan. Ang
panlabas na anyo naman ay nakasalalay sa paglalarawan kung paano siya kumilos
at magsalita.Ngayon Pag-aaralan naman natin ngayon ang maikling kwentong “Ang
Kuwintas”. Basahin mo muna ang nasa kahon.

Tips sa Pagbabasa mula kay Mam Migs


S para sa Survey
 Ang una mong gawin ay buklatin muna ang mga pahina ng iyong babasahin upang
makita ang nilalaman at ang haba nito.
R para sa Read
 Kung na-survey mo na ang buong nilalaman ay maaari mo nang umpisahan ang
pagbabasa.
H para sa Highlight
 Kulayan mo gamit ang highlighter pen ang mga mahahalagang ideya o opinyon na
iyong nabasa.
R para sa Review
 Sa pagbabalik-aral, ituon mo na lang ang pagbabasa sa mga naka-highlight.

Paalala. Ipa-photocopy ang pahinang gusto mong kulayan ng highlighter pen.

Tuklasin

Gawain 1: Ilarawan Mo
Para sa iyo ano-ano ang katangian ng isang huwarang babae o lalaki?
Magbigay ng tatlong katangian at isulat sa loob ng hugis puso.

14
Suriin

Ang Kuwintas
Ni Guy de Maupassant
Si Mathilde ay isang babaeng nagtataglay ng kagandahan at sadyang kahali-
halina, ngunit sa kasawiang palad siya ay isinilang lamang sa isang kapos palad na
angkan. Siya ay nagpakasal lamang sa isang lalaking may mahirap ding pamumuhay
na ang pinagkakakitaan ay tagasulat lamang sa isang pampublikong paaralan. Ang
buhay niya ay naging taliwas sa kanyang pinapangarap sapagkat ayon sa kanyang
paniniwala ang isang katulad niya na isang babaeng maganda at kahali-halina ay hindi
bagay sa pagdurusa at kahirapan na kanyang nararanasan.

Isang araw ay dumating ang kanyang asawa na si G. Loisel at ibinalita nito sa


kanya na sila ay inaanyayahan sa isang kasayahan ni George Ramponneau. Ngunit
ito ay hindi ikinatuwa ni Matheldi sapagkat ayon sa kanya ay wala siyang isusuot na
magandang damit para sa kasiyahang iyon. At dahil mahal siya ng kanyang asawa ay
binigyan siya nito ng pambili ng isang bestida.

Gayon man si Matheldi ay hindi pa rin nasiyahan sapagkat wala man lamang
daw siyang alahas o hiyas na maisusuot, kaya naisipan niya na humiram ng isang
magandang kuwintas sa kanyang mayaman at matalik na kaibigan na si Madame
Forestier. Hindi naman siya hinindian nito at agad din na nakahiram. Naging lubos ang
kaligayahan ni Matheldi ng gabing iyon sapagkat naging angat ang kanyang
kagandahan sa mga babaeng nandoon at marami ang humanga sa kanya.
Pagkatapos ng kasiyahang iyon ay umuwi na sila ng kanyang asawa.
Masayang-masaya si Mathilde ngunit pagdating nila sa kanilang tahanan ay napansin
niya na nawawala ang kuwintas na hiniram niya sa kanyang kaibigan na si Madame
Forestier. Kaya naman naisipan nila na bumili ng katulad ng alahas na iyon upang
maisauli kay Madame Forestier kahit pa nga ito ay may kamahalan ang halaga.
Dahilan upang sila ay maghirap nang dahil sa pagbabayad ng kanilang mga utang ,
upang mabili lamang ang kuwintas na iyon.

Pagkalipas ng sampung taon, natapos na nilang bayaran ang kanilang mga


pagkakautang sa hindi inaasahan ay muli silang nagkita ng kanyang kaibigan na si
Madame Forestier, nagulat pa ito at nagtaka sa hitsura ni Mathilde dahil malaki na ang
pinag-iba nito. Nasabi ni Matheldi na kaya sila naghirap ay dahil sa pagkawala ng
kuwintas na hiniram niya rito. At napilitan sila na bumili ng kapalit nito kahit sa mahal
na halaga. Ngunit ayon kay Madame Forestier na ang kuwintas na ipinahiram niya kay
Matheldi ay isang imitasyon lamang at ito ay nagkakahalaga ng limang daang prangko
lamang.

15
Pagyamanin

Gawain 2: Sa iyong sagutang papel, sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Bakit hindi masaya si Mathilde sa piling ng kanyang asawa?


2. Ano ang ginawa ni G. Loisel upang mapapayag ang asawa na dumalo sa
kasayahang idaraos ng kagawaran?
3. Ano-ano ang nais mangyari ni Mathilde sa kanyang buhay? Natupad ba ito?
4. Kung ikaw si Mathilde, ano ang gagawin mo upang matupad ang mga pangarap?
5. Sa kasalukuyang panahon, sa iyong paligid ba ay may mga Mathilde kang
nakikita? Ilarawan.

Gawain 3: Ipakilala ang mga pangunahing tauhan sa kuwento sa pamamagitan ng


kasunod na Character map. Ihambing sa ilang kakilala na may pagkakatulad ang
ugali.

Tauhan Katangiang Gamit/aksiyon Reaksiyon sa


pisikal ibang tauhan

1.

2.

3.

Gawain 3: Lagyan ng Tsek / kung ang pahayag ay nangyayari sa tunay na buhay at


ekis naman X kung hindi.Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Labis ang pagdurusa at paghihianagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala
siyang isinilang siya sa daigdig upang magtamasa nang lubos na kaligayahan
sa buhay na magdudulot ng salapi.
2. Pinagsikapan ni G.Loisel na makakuha ng paanyaya para sa kasayahan ng
Ministro ng Instruksyon Publiko upang sila’y makadalo. Subalit hindi natuwa
ang asawa sa halip inihagis ang sobre dahil wala siyang bagong damit na
maisusuot sa kasayahan.
3. Upang makadalo sa kasayahan, ibinigay ni G.Loisel ang naipong pera na
pambili sana ng baril kay Mathilde upang makabili ng bagong bestida.

16
4. Nakahanda ng bagong bestida si Mathilde ngunit malungkot pa rin siya.Nais
niya ng isang hiyas na maisusuot upang hindi siya magmukhang kahiya-hiya
sa mayayamang babae sa kasayahan kaya’t nanghiram siya ng kuwintas sa
kaibigan nito na si Madame Forestier.
5. Sampung taon naghirap ang mag-asawa sa pagbabayad ng kanilang mga
utang.Dito’y naranasan ni Mathilde ang lahat ng hirap subalit napagtanto niya
ang kahulugan ng tunay na buhay ay kakatwa at mahiwaga.

Isaisip

Gawain 4: Dugtungan ang pahayag ayon sa mahahalagang natutunan sa paksa.


 Ang tao ang nagtatakda ng ______________niyang tadhana kaya dapat na
maging______________sa pagpili ng ____________ na tatahakin.
 Ang tunay na buhay ay tunay na nakakatuwa at ___________.
 Dapat _______________ kung anong mayroon ang bawat isa upang matamo
ang tunay na kaligayahan.

Isagawa

Gawain 5:
Ang inyong paaralan ay maglulunsad ng isang patimpalak para sa darating na
pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ikaw ay naatasang lalahok sa patimpalak sa
PAGKUKWENTO na maaaring hango sa tunay na karanasan o larawan ng isang
babaeng Pilipina. Ang iyong kuwento ay tatayain sa sumusunod na pamantayan.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

A. kaalaman sa kwento 50%


B. tinig 30%
C. pag-arte 20%
KABUUAN 100%

Paalala: Kung may mga bahagi ng aralin na hindi pa rin malinaw sa iyo, maaari
mo itong balikan o itanong sa iyong guro upang lalo mo itong maunawaan.

17
Karagdagang Gawain

Panuto: Buuin ang AKROSTIK. Bigyan ng maikling pahayag o linyang magsisimula


sa mga letra ng salitang kuwintas.

K
U
W
I
N
T
A
S

Tayahin

PAGPIPILI: Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa panloob na anyo ng tauhang
inilalarawan?
A. damdamin C. isipan
B. kilos D. mithiin

2. Namutla ang asawa dahil ang kanyang naipon ay ipambibili sana niya ng baril pang-
ibon sa nalalapit na tag-araw. Anong bahagi ng katauhan ang inilalarawan ng may-
akda?
A. panloob na anyo C. larawang pisikal
B. panlabas na anyo D. reaksyon ng ibang tauhan

3. Alin sa mga sumusunod ang simbolo o hudyat na salita sa paglalarawan ng


tauhang si G. Loisel?
A. namutla C. nalalapit
B. asawa D. tag-araw

4. Isa siya sa mga magagandang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang


sa isang angkan ng mga tagasulat. Anong salita o mga salita ang naging hudyat ng
paglalarawang pisikal ng tauhang si Mathilde?
A. isa C. pagkakamali ng tadhana
B. magagandang babae D. tagasulat

18
5. Masasalamin ba kay Mathilde ang pag-uugali ng babaeng taga-France?
A. Oo, sapagkat mahilig siya sa moda
B. Oo, sapagkat mahilig siyang manghiram ng alahas
C. Hindi, sapagkat tanggap niya ang pagkakamali
D. Hindi, sapagkat natuto na siyang magpakumbaba

6. Anong aral o pagpapahalaga ang hatid sa atin ng katauhan ni Mathilde?


A. Ang paghahangad nang labis sa buhay ay nagdudulot ng kapahamakan.
B. Gaano man kataas ang paglipad ay siyang bigat ng pagkabagsak.
C. Kung ano ang itinanim ay siya mong aanihin.
D. Laging nasa huli ang pagsisisi.

7. “Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang estranghero”, sabi ng babae. Anong


katangian ng babae ang inilalarawan?
A. makabago at malayang kababaihan
B. babaing nababalot ng takot
C. babaing nagpapahalaga sa dangal
D. babaing may pinagdaanan
8. Alin sa sumusunod ang hudyat o simbolo na nagpapahiwatig ng katangian?
A. hindi C. bahay
B. pumupunta D. estranghero

9. “Kasalanan n’yo ang nangyari, eh! Nataranta kasi kayo basta may kostumer kayong
Kano. Pa’no natitipan kayo ng dolyar.” Anong katangian o larawan ang mahihinuha
mula sa nagsasalita?
A. mapagmahal at mapag-aruga C. mapagmalasakit sa kapwa
B. mapaniil at mapanghusga D. pabaya at masama

10. Alin sa sumusunod ang larawan ni Mathilde sa kasalukuyang panahon?


A. Si Myrna, kilala sa kanilang lugar dahil sa ganda ng katawan at kagalingan
sa pagbihis ng kasuotan. Araw-araw ay nagtatago dahil sa utang.
B. Si Alma, nakatira sa isang kubo na walang kasinlinis at di matatawaran sa
dami ng mga tanim na prutas at gulay.
C. Si Edna, mahal na mahal ng asawa lahat ibinibigay sa kanya kahit hindi
niya hinihingi dahil may trabaho at kita naman siya.
D. Si Nora, mayaman, maganda, mabait, ngunit hiwalay na sa kanyang
asawa

11. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa panloob na anyo ng tauhang


inilalarawan?
A. damdamin C. isipan
B. kilos D. mithiin

12. Masasabi mo bang isang mabuting kaibigan si Madame Forestier?


A. Oo, sapagkat walang pag-aalinlangan na pinahiram niya si Mathilde ng
alahas.
B. Oo, sapagkat lagi siyang handing tumulong ninuman.
C. Hindi, sapagkat tinanggap pa niya ang napakamahal na alahas.
D. Hindi, dahil ang kuwintas na ipinahiram ay nagdulot ng kapahamakan.

19
13. Bakit napabilang sa Kuwento ng Tauhan ang kuwentong “Ang Kuwintas”?
A. Dahil ito’y nagsasalaysay at naglalarawan ng katangian ng pangunahing
tauhan.
B. Dahil ito’y nagpapakita ng kultura ng bansang France
C. Dahil naglalarawan ito sa samahan ng mag-asawang G. Loisel at Mathilde
D. Dahil ipinakikita rito ang pagpapahalaga ng asawang lalaki sa kanyang
kabiyak

14. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng kuwento ng tauhan?


A. Ang Kalupi C. Si Mabuti
B. Sa Mga Kuko ng Liwanag D. Sa Lupa

15. Pagkatapos ng sampung taon, ang buong pagkakautang ay nabayaran. Si


Mathilde ay mukhang matanda na ngayon. Anong salita o mga salita ang naging
hudyat ng paglalarawang pisikal ng tauhang si Mathilde?
A. sampung taon C. mukhang matanda
B. pagkakautang D. ngayon

Karagdagang Gawain

Ngayon ay napag-aralan mo na nang buong-buo ang aralin natin. Upang lalo


pang lumalim ang iyong pagkaunawa, gawin ang kasunod na gawain. Isulat sa
sagutang papel ang sagot.

1. Ang kwentong “Ang kuwintas” ba ay isang halimbawa ng kwento ng tauhan?


Magbigay ng patunay. Isualt sa kahon ang sagot.

Patunay:

20
Aralin
Kultura ng France
3
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang kultura ng bansang France na
pinanggalingan ng kuwentong “Ang Kuwintas”. Babalikan at susuriin mo rin
kung masasalamin sa mga tauhan ng kanilang akda ang ilan sa mga ito.
Pag-aaralan mo rin kung may bahagi ng kanilang kultura na nagdudulot ng
suliranin sa kanila at nakaimpluwensiya sa ibang bansa katulad ng Pilipinas.

Alamin

A
l Kompetensing Lilinangin
a
m
 Naisusulat ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na iniuugnay sa
i
buhay ng mga Pilipino. (F10PU-If-g-68)
n
 Nakikibahagi sa round table discussion kaugnay sa mga isyung
pandaigdig (F10PS-If-g-68)

Subukin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang TUNAY kung ang mga binanggit na
kultura ng France ay makikita sa pag-uugali at pamumuhay ng mga Pilipino sa
kasalukuyan. Isulat naman ang salitang MALAYO kung walang kinalaman sa buhay
ng mga Pilipino.

_____1. Pagpapahalaga sa kanilang bansa at pamahalaaan. Nagagalit kapag


nakarinig ng negatibong komento tungkol dito.
_____2. Pagpapahalaga sa estilo at sopistikasyon, pagkilos at pamumuhay na tila
maharlika o mga mayayaman.
_____3. Hilig sa mariringal na pananamit, gaya ng paggamit ng mga bandana at
berets.
_____4. Ang pangunahing relihiyon ay Katoliko, nagdiriwang ng mga piyesta, pasko
at Mahal na Araw.
_____5. Pinahahalagahan ang pagkakapantay-pantay, kalayaan, at kapatiran.
_____6. Pagsusuot ng mahahabang amerikana at terno ng mga kalalakihan.
_____7. Hilig sa marangyang handaan at pagtitipon sa hapunan.

21
_____8. Pagdiriwang sa Araw ng mga Manggagawa tuwing Mayo 1.
_____9. Hilig sa mga gawang sining.
_____10. Ginagawang sangkap ang alak para sa lutuin.
_____11. Mahihilig dumalo sa mga sayawan at handaan.
_____12. Walang pagpapahalaga sa kanilang mga asawa o kababaihan sa pamilya.
_____13. Kilala sa matataas na uri ng fashion houses.
_____14. Nagpapahalaga sa mga museum bilang kanlungan ng mga gawang sining.
_____15. Hindi naniniwala sa Kristiyanismo

Balikan

Sa nakaraang aralin ay nalinang mo ang iyong kakayahan sa pagkilala sa


katauhan ng mga pangunahing tauhan sa akdang “Ang Kuwintas” batay sa taglay na
saloobin, paniniwala, kilos at pananalita. Nahihinuha mo na ang katauhan ni Mathilde
ay nagpapakita sa kultura ng bansang kanyang pinagmulan.

Tuklasin

Sa kasunod na Gawain ay tutuklasin natin kung gaano na kalawak ang


nalalaman mo tungkol sa kultura ng taga-France at impluwensiya nito sa mga Pilipino.
Gawain 1. Kultura ko… Itatala Ko!
Panuto: Isulat sa Linear Chart ang kultura ng France na alam mo.

Wika:

Pananamit:

KULTURA NG
FRANCE Relihiyon at Tradisyon:

Hilig at Pagpapahalaga:

22
Gawain 2: Katangian Ko… Ibahagi Ko!
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano-anong kultura ng France ang may pagkakatulad sa kultura ng Pilipinas?
Ibigay ang mga ito.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Alin sa mga nabanggit na kultura ang maituturing na kalakasan ng kanilang


bansa? Alin naman ang maituturing na kahinaan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Suriin

KULTURA NG FRANCE
Matatandaan na ang salitang kultura ay kumakatawan sa pamumuhay
paniniwala, wika, kaugalian, hilig, tradisyon at mga pagpapahalaga ng isang bansa.
Ang kulturang Pranses ay karugtong sa kultura ng Paris kung saan sila ang sentro ng
moda, pagluluto, sining at arkitektura. Magugunita na ang kulturang France na
impluwensiyahan ng Celtic at Gallo-Roman Culture, gayundin ang Franks, isang
tribung German. Kilalanin ang France ayon sa kanilang kultura.
A. Wika ng France
French ang wikang opisyal ng France, subalit may mga rehiyon na nagsasalita
ng German, Flemish, Arabic, Italian at iba pang wikang katutubo sa mga kalapit na
rehiyon. Ang French ang naging pangalawang wika ng mga tao sa France na hindi
French ang mother tongue. Ito ay dahil nahahati sa mga rehiyon at probinsiya ang
bansa.
B. Relihiyon at Mga Tradisyon
Katoliko ang pangunahing relihiyon ng France ngunit ilan sa kanila ay Islam,
Protestante, at Judaism na karaniwang relihiyon din ng mga dayuhang mula sa
hilagang Africa.
Ang mga taga-France ay nagdiriwang ng tradisyunal na piyesta ng mga
Kristiyano tulad ng Pasko, Mahal na Araw. Bahagi rin ng kanilang mga pagdiriwang
ang May Day na kilala bilang Araw ng mga Manggagawa tuwing Mayo 1, Araw ng
Tagumpay tuwing Mayo 8 bilang pag-alala sa nakamtang kalayaan matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at Araw ng Bastille tuwing Hulyo 14 bilang pag-alala
sa Rebolusyon ng France.

23
C. Hilig at Mga Pagpapahalaga
Mahihilig ang mga taga-France sa pagkain at alak. Ito ang sentro ng kanilang
mga pagtitipon sa lahat ng antas sa lipunan, at sa mga mararangyang handaan.
Mahilig din sila sa tinapay at keso. Ang huli ay mahalagang sangkap ng bawat
pagkaing French.
Sa pagluluto ay marami sa kanila ang nag-uugnay ng kanilang lutuin sa
malapot na sarsa at sa mga komplikadong paghahanda tulad ng nilagang baka sa red
wine, mga karne na nilagyan ng bawang, sibuyas, at kabute.
Kiala rin ang mga taga-France sa pagiging nasyonalismo. Labis ang
pagpapahalaga nila sa kanilang bansa at pamahalaan. Karaniwang sila’y nagagalit
kapag nakaririnig ng hindi magandang komento tungkol sa kanilang bansa. Ang pag-
uugali nilang ito ay karaniwang itinuturing ng mga turista lalo na ng mga Amerikano
na kawalang-galang.
Ang mga taga-France ay naniniwala sa “egalite” na nangangahulugang
pagkakapantay-pantay, at ito’y bahagi ng motto ng kanilang bansa “Liberte, Egalite,
Fraternite”. Marami ang nagsasabi na mas pinahahalagahan nila ang pagkakapantay-
pantay (egalite) kaysa kalayaan (liberte) at pagkakapatiran (fraternite).Niyayakap din
ng mga taga-France ang pagpapahalaga sa kanilang kababaihan, sa kanilang estilo’t
sopistikasyon at ipinagmamalaki nila ang katotohanang kahit sa mga pampublikong
lugar ay mala-maharlika sila kung kumilos.
D. Pananamit at Sining
Ang mga taga-France ay kilala sa pagiging sopistikado kung manamit. Disente
sila at laging sunod sa uso ang estilo, ngunit hindi ito sobra sa dekorasyon.
Karaniwang sa mga damit nila ay mahahabang amerikana, terno, mga bandana at
berets o bilog at malambot na sombrero.
Bahagi na rin ng kanilang pamumuhay ang sining. Makikita rito ang
impluwensiyang Gothic, Romanesque Rococo at Neoclassic na matatagpuan sa mga
simbahan at iba pang pampublikong lugar. Marami rin sa kanila ang mga kilalang artist
ng kasaysayan.

24
Pagyamanin

Gawain 3
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga katanungan at isulat sa sagutang
papel.

1. Ano ang pangunahing relihiyon ng France?


A. Katoliko C. Protestante
B. Islam D. Judaism

2. Bakit hindi lahat ng Pranses ay nagsasalita ng wikang French? Ito ay dahil ___
A. iba-iba ang kanilang paniniwala
B. iba-ibang lahi ang nakatira sa France
C. nahahati ang bansa sa mga rehiyon at probinsiya
D. inakop sila noon ng iba-ibang bansa

3. Ano ang pagkakatulad ng Pilipinas at France sa usaping wikang opisyal ng


bansa? Ito ay parehong___
A. French ang wikang pambansa
B. Filipino ang wikang ginagamit
C. magkaiba-iba ang mother tongue ng mga tao
D. letrang F nagsimula ang opisyal na wikang gamit

4. Ano ang pagkakatulad ng Pilipinas at France sa usaping relihiyon?


A. katoliko ang pangunahing relihiyon ng France at Pilipinas
B. iilan sa mga kadugo ay Islam, Protestante, at Judaism
C. may mga lugar na iba ang paniniwala at relihiyon
D. naniniwala sa tatlong persona ng Panginoon

5. Aling kultura ang taglay ng France na naging isyu para sa mga turista?
A. Pagpapahalaga sa pananamit
B. Pagpapahalagang nasyonalismo
C. Hilig sa mararangyang handaan
D. Tradisyunal na mga Pagdiriwang

6. Aling kultura ng taga-France ang nagpapakita na sila ay may mataas na


pagpapahalaga sa kanilang sarili?
A. Sopistikado manamit
B. Katoliko ang relihiyon
C. Wikang French ang ginagamit
D. Nagsasagawa ng tradisyunal na mga pagdiriwang

7. Sa anong tradisyon at pagdiriwang nagkakatulad ang France at Pilipinas?


A. Pasko at Araw ng mga Puso
B. Mahal na Araw at Pasko
C. Araw ng mga Manggagawa at Araw ng Bastille
D. May Day at Araw ng Tagumpay

25
8. Alin sa mga sumusunod na pag-uugali ang hindi kabilang sa kultura ng mga
taga-France?
A. sopistikado manamit
B. mahilig sa masasarap na pagkain
C. mahilig dumalo sa kasayahan
D. mapanghusga sa kapwa

9. Alin sa mga sumusunod ang kultura ng mga Pilipino na masasabing hindi


magandang impluwensiya ng mga Pranses?
A. Sopistikado kung manamit
B. Nagpapahalaga sa bansa at pamahalaan
C. Pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa
D. Hilig sa mararangyang handaan sa kabila ng kahirapan

10. Alin sa mga sumusunod ang magpapaliwanag sa hilig ng mga Pranses na


dumalo sa mga kasayahan?
A. Sila ay mahihilig sa masasarap na pagkain at alak.
B. Sila ay mga Katoliko na mahilig magdiwang ng piyesta.
C. Sila ay nagpapahalaga sa kanilang bansa at mamamayan.
D. Sila ay may magagarang pananamit na gustong ipakita sa
kasayahan.

11. Alin sa sumusunod ang salitang katumbas ng kalayaan sa mga taga-France?


A. Egalite C. Liberte
B. Fraternite D. Chauvinism

12. Naniniwala ang mga taga-France sa “egalite”. Ano ang ibig sabihin ng salitang
ito na bahagi na ng kanilang motto?
A. Kalayaan C. pagkakapantay-pantay
B. kapatiran D. pagmamahal sa bayan

13. Alin sa mga sumusunod na motto ang mas pinahahalagahan ng mga taga-
France?
A. Egalite C. Liberte
B. Fraternite D. Chauvinism

14. Alin sa mga sumusunod ang maaaring magpaliwanag sa ginawang


pagpaparaya ni G. Loisel sa mga kapritso ni Mathilde na kanyang asawa?
A. Ang kanilang pagpapahalaga sa pamilya
B. Ang pagpapahalaga nila sa kanilang bansa
C. Ang pagmamahal nila sa kanilang pamilya
D. Ang pag-iwas na makarinig ng negatibong komento

15. Bakit ipinagdiriwang ng France ang Araw ng Tagumpay tuwing Mayo 8?


A. Bilang pag-alala sa pagtatapos ng pakikipaglaban sa Europa
B. Bilang palatandaan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
C. Bilang patunay na sila ay laging nagtatagumpay sa anumang
larangan
D. Bilang pagbibigay-pugay sa mga bayani at mamamayani

26
Isaisip

Gawain 4: Isip-Isip
Panuto: Dugtungan mo ang kasunod na pahayag sa unang kolum at sagutin ang
tanong sa ikalawang kolum. Gumawa ng kahalintulad na graphic organizer sa
sagutang papel.

Magbanggit ng kultura ng France na Bakit naging isyung pandaigdig


makikita sa buhay ng mga Pilipino. ang kultura ng France na
pagpapahalaga sa kanilang bansa
Ang kultura ng France na makikita sa at mamamayan?
pamumuhay ng mga Pilipino
ay__________________________________ Sagot:_________________________
____________________________________ ______________________________

Isagawa

Gawain 5:
Inatasan kayo ng inyong guro na magkaroon ng round table discussion sa klase
kaugnay sa mga isyung pandaigdig. Pinangkat-pangkat kayo ng apat upang talakayin
ang sumusunod.

Pangkat I – Isyu tungkol sa Paggamit ng Iisang Wika


Pangkat II – Isyu tungkol sa Paraan ng Pananamit
Pangkat III – Isyu tungkol sa Relihiyon at mga Tradisyon
Pangkat IV- Isyu tungkol sa Hilig at Pagpapahalaga

Ang inyong pangkat ay naatasang tatalakay sa isyu ng Hilig at Pagpapahalaga.


Dahil isa-isa kayong nag-aaral sa inyong mga bahay ngayon, isulat mo na lamang ang
mga ideyang iyong ibabahagi. Ang pamantayan sa ibaba ay ang pagbabatayan sa
iyong makukuhang puntos.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos


A. Lawak ng Kaisipan - 50%
B. Gamit ng Wika - 20%
C. Daloy ng kaisipan - 30%
KABUUAN - 100%

27
Tayahin

PAGPIPILI: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.


1. Ano ang pagkakatulad ng Pilipinas at France sa usaping wikang pangkalahatan
ng bansa? Ang mga ito ay may parehong ___
A. French ang wikang pambansa
B. Filipino ang wikang ginagamit
C. magkaiba-iba ang mother tongue ng mga tao
D. letrang F nagsimula ang opisyal na wikang gamit

2. Ano ang pangunahing relihiyon ng France?


A. Katoliko C. Protestante
B. Islam D. Judaism

3. Aling kultura ang taglay ng France na naging isyu para sa mga turistang
Amerikano?
A. Pagpapahalaga sa pananamit
B. Pagpapahalagang nasyonalismo
C. Hilig sa mararangyang handaan
D. Tradisyunal na mga Pagdiriwang

4. Bakit hindi lahat ng Pranses ay nagsasalita ng wikang French? Ito ay dahil sa


A. iba-iba ang kanilang paniniwala
B. iba-ibang lahi ang nakatira sa France
C. nahahati ang bansa sa mga rehiyon at probinsiya
D. sinakop sila noon ng iba-ibang bansa

5. Ano ang pagkakatulad ng Pilipinas at France sa usaping relihiyon?


A. Katoliko ang pangunahing relihiyon ng France at Pilipinas
B. Ilan sa mga kadugo ay Islam, Protestante, at Judaism
C. May mga lugar na iba ang paniniwala at relihiyon
D. Naniniwala sa tatlong persona ng Panginoon

6. Aling kultura ng taga-France ang nagpapakita na sila ay may mataas


na pagpapahalaga sa kanilang sarili?
A. Sopistikado manamit
B. Katoliko ang relihiyon
C. Wikang French ang ginagamit
D. Nagsasagawa ng tradisyunal na mga pagdiriwang

7. Sa anong tradisyon at pagdiriwang nagkakatulad ang France at Pilipinas?


A. Pasko at Araw ng mga Puso
B. Mahal na Araw at Pasko
C. Araw ng mga Manggagawa at Araw ng Bastille
D. May Day at Araw ng Tagumpay

28
8. Alin sa sumusunod ang masamang maidudulot sa sobrang pagpapahalaga ng
moda at estilo ng pananamit batay sa kuwento ng France?
A. Lalayuan ng mga kaibigan
B. Hindi uunlad ang kabuhayan
C. Mapapahamak ang kinabukasan
D. Masisira ang pamilya

9. Alin sa sumusunod ang hindi mainam na kulturang Pilipino na kahalintulad ng


sa mga Pranses?
A. Sopistikado kung manamit
B. Nagpapahalaga sa bansa at pamahalaan
C. Nagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa
D. Hilig sa mararangyang handaan sa kabila ng kahirapan

10. Alin sa sumusunod ang magpapaliwanag sa hilig ng mga Pranses na dumalo


sa mga kasayahan?
A. Sila ay mahihilig sa masasarap na pagkain at alak.
B. Sila ay mga Katoliko na mahilig magdiwang ng piyesta.
C. Sila ay nagpapahalaga sa kanilang bansa at mamamayan
D. Sila ay may magagarang pananamit na gustong ipakita sa kasayahan

11. Alin sa sumusunod ang salitang katumbas ng kalayaan sa mga taga-France?


A. Egalite C. Liberte
B. Fraternite D. Chauvinism

12. Naniniwala ang mga taga-France sa “egalite”. Ano ang ibig sabihin ng salitang
ito na bahagi na ng kanilang motto?
A. kalayaan C. pagkakapantay-pantay
B. kapatiran D. pagmamahal sa bayan

13. Alin sa sumusunod na motto ang mas pinahahalagahan ng mga taga-France?


A. Egalite C. Liberte
B. Fraternite D. Chauvinism

14. Alin sa sumusunod ang maaaring magpaliwanag sa ginawang pagpaparaya ni


G. Loisel sa mga kapritso ni Mathilde na kanyang asawa?
A. Ang kanilang pagpapahalaga sa pamilya
B. Ang pagpapahalaga nila sa kanilang bansa
C. Ang pagmamahal nila sa kanilang pamilya
D. Ang pag-iwas na makarinig ng negatibong komento

15. Bakit ipinagdiriwang ng France ang Araw ng Tagumpay tuwing Mayo 8?


A. Bilang pag-alala sa pagtatapos ng pakikipaglaban sa Europa
B. Palatandaan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
C. Patunay na sila ay laging nagtatagumpay sa anumang
larangan
D. Bilang pagbibigay-pugay sa mga bayani at mamamayan

29
Karagdagang Gawain

Ngayong sapat na ang iyong kaalaman tungkol sa kultura ng mga Pranses na


nagsisilbing lakas at kahinaan nila, gayundin ang iyong kasanayan sa
pagpapaliwanag kung alin sa mga ito ang kalakasan at kahinaan ng kanilang bansa,
maging sa mga naging isyung pandaigdig ay subukin mong isagawa ang karagdagang
Gawain. Maging sa mga naging isyung pandaigdig ay subukin mong isagawa ang
karagdagang Gawain.
Panuto: Subuking magbanggit ng mga hilig, pagpapahalaga at mga nakagawian na
ng mga Pilipino (kultura) na buhay na buhay pa sa kasalukuyan. Sumulat ka ng isang
malayang opinyon at ipaliwanag mo kung ang mga ito ay dapat bang panatilihin sa
ating kultura o dapat nang iwaksi. Bigyan ng mga katwiran.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

30
Aralin Panghalip bilang panuring sa
4 mga tauhan

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang mga salitang ginamit bilang panuring sa


mga tauhan sa kwentong “Ang Kuwintas”. Nakakatulong ba ang mga ito sa malinaw
na paglalahad ng mga pangyayari sa kuwento? Tunghayan mo ang kasunod na aralin
tungkol dito.

Alamin

Kompetensing Lilinangin
 Napahahalagahan ang napanood na pagtatanghal ng isang akda sa
pamamagitan ng paghanap ng simbolong nakapaloob dito (F10PD-If-g-65)

Subukin

Panuto: Isulat sa patlang ang letrang A kung ang pangungusap ay anapora at


letrang K naman kung katapora.

____1. Ito ay isang dakilang lungsod.Ang Maynila ay may makulay na


kasaysayan.
____2. Siya ang dahilan kung bakit nabasag ang salamin.Tumatakbo si Marc sa
loob ng silid kanina.
____3. Sina Jose Rizal at Andres Bonifacio ang mga bayaning Pilipino.Sila ay mga
dakilang Pilipino.
____4. Si Maria ay naglalakad sa kalye ngunit nadapa siya.
____5. Sumali si Via sa paligsahan at nanalo siya.
____6. Umiiyak ang baboy niya kanina kaya pinakain ito ni Manang Rosa.
____7. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Boracay sa Caticlan dahil sila’y
totoong nagagandahan dito.
____8. Nagkasakit siya kahapon pero pumasok na sa klase si Jake kanina.
____9. Sina Chloe at Cassandra ang mga batang nangunguna sa klase. Sila ay
mahilig mag-aral.

31
_____10. Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernanrdo ay mga sikat at tinitingala na
artista ngayon.Sila ay ginagaya at nirerespito ng lahat.
_____11. Ito ay ang pinakadakilang trabaho.Ang pagiging ina ay walang katumbas
na halaga.
_____12. Sila ay sopistikado kung manumit.Nagugustuhan din nila ang masasarap
na pagkain at alak.Ang mga taga-France ay masayahin at mahilig dumalo
sa mga kasayahan.
_____13. Ang bahaghari ay napakaganda.Ito ay nagbibigay kulay sa himpapawid.
_____14. Ang kultura ay nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan.Ito ay maituturing na
kayamanan ng isang bansa.
_____15. Ito ang nagbibigay ng liwanag sa kadiliman ng gabi ang bilog na buwan.

Balikan

Sa nakaraang aralin ay malinaw na nailarawan sa pamamagitan ng mga


pangunahing tauhan sa kwento ang kultura ng France sa larangan ng pagpapahalaga
sa kababaihan, pagkain at pananamit. Ngayon ay pag-aaralan naman natin ang mga
pang-ugnay o reperensiya na kung tawagin ay anapora at katapora”.

Tuklasin

Gawain 1: Pangalan mo, palitan mo. Basahin ang pangungusap sa bawat bilang.
Punan ng angkop na panghalip ang mga patlang mula sa ibinigay na pagpipilian sa
loob ng panaklong.

1.______ (Siya’y,ika’y,kami’y) isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa


pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
2. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may
paniniwala_______ (akong,kaming,siyang) isinilang siya sa daigdig upang
magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi.
3. Malimit na sa pagmamasid_______(niya,nito,siya) sa babaeng Briton na
gumaganap ng ilang pangangailangan niya sa buhay ay nakadama si Mathilde ng
panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kanyang puso.

32
4.”Mahal, akala ko’y ikatutuwa_________(nila,mo,ko) ang pagkakuha ko sa
paanyaya”
5. Sumapit ang inaasam_______(naming,kong,niyang) araw ng sayawan.nagtamo
ng malaking tagumpay sa Madame Loisel.
6. Buong pagkahaling ________ (niyang,siyang,nito) nakipagsayaw.Tila siya
lumulutang sa ulap dahil sa paghanga ng lahat sa kaniya.
7. Tinahak nila ang daang patungo sa pampang ilog Seine. Kapwa_______
(sila,siya,nito) kumikinig sa ginaw at pinanawan nan g pag-asang makakita pa ng
kanlang masasakyan.
8. Pagkahatid sa ________(kanila,kanya,nila) ng matandang dokar sa kanilang
ay malungkot silang umakyat sa hagdanan.
9. Mag-ika-7:00 na ng umaga nang bumalik ang lalaki. Nanlupaypay siya at ibinalita
sa asawa na hindi_______(nito,niya,nila) nakita ang kwintas.
10. Tumagal ng sampung taon ang ganito nilang pamumuhay na mag-asawa.Sa
wakas nabayaran din ________(niya,nila,nito) ang buong pagkakautang.

Gawain 2: Ibigay ang sariling pagpapakahulugan sa dalawang uri ng reperensiya.

Anapora Katapora
Kahulugan____________ kahulugan______________
_____________________ _______________________
_____________________ _______________________
______________________ _______________________
______________________ _______________________

Suriin

Ang isang babasahin o teksto ay binubuo ng magkahiwalay na mga


pangungusap o sugnay. Ang mga pangungusap o sugnay na ito bagaman
magkakahiwalay ay pinagdugtong o pinag-uugnay ng mga gamit pang-ugnay o
kohesyong gramatikal. Ginagamit na pang-ugnay na ito ay referents o reperensiya na
kung tawagin ay anapora at katapora.

33
Ang anapora ay mga reperensiya na kalimitan ay panghalip na tumutukoy sa
mga nabanggit na sa unahan ng teksto o pangungusap.

1. Karamihan sa mga tao ay ikinakabit ang kulturang pranses sa Paris. Ito


ang sentro ng moda,pagluluto,sining at arkitektura.
2. Ang France ay una nang tinawag na Rhineland.Noong panahon ng Iron
Age at Roman era, Ito ay tinawag na Gaul.
.
Pansinin na sa unang halimbawa ang pangngalang Paris sa unang
pangungusap ay hinalinhan ng panghalip na ito samantalang sa ikalawang
pangungusap ang France ay pinalitan din ng panghalip na ito.

Ang katapora naman ay mga reperensiya na bumabanggit at tumutukoy sa


mga bagay na nasa hulihan pa ng teksto o pangungusap.Narito ang mga halimbawa
ng katapora.

1. Sila ay sophistikado kung manamit.Mahilig din sila sa masasarap na pagkain


at alak. Ang mga taga France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga
kasayahan.
2. Labis ang kaniyang pagdurusa at paghihinagpis dahil may paniniwala
siyang isinilang siya sa daigdig upang magtamasa nang lubos na
kaligayahan sa buhay.Taglay ni Mathilde ang alindog na hindi nababagay
sa kasalukuyang kalagayan sa buhay.

Pagyamanin

Gawain 3: Tukuyin kung ang pangungusap ay A kung ito ay anapora at K naman


kung katapora. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
____1. Sina Jake at Jhared ang mga batang nangunguna sa klase.Sila ay mahilig
magbasa ng libro.
____2. Si Lea Salonga ang sikat at kilala sa buong mundo sa larangan ng
pagkanta. Hinahangaan siya ng lahat.
____3. Umiyak ang baby niya kanina kaya pinakain ito ni Manang Rosa.
____4. Nagkasakit siya kahapon.Pero pumasok na sa klase si Mark kanina.
____5. Dahil sa magaganda ang kanilang tinig sina Regine Velasquez at Sarah
Geronimo ang hinahangaan kung mang-aawit.
____6. Ito ang nagbibigay ng liwanag sa kadiliman ng gabi ang bilog na buwan.
____7. Nakapili na ng damit na bibilhin si Atarah ngunit nakita niyang kulang ang
perang dala niya.

34
____8. Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa Boracay
dahil ayon sa kay Chloed Gray paborito niya itong pasyalan.
____9. Sila ay lagging nag-aagawan sa pila tuwing kainan.Makikita sa mukha ng
kalahok na kuntento sila at nasisiyahan sa seminar.
____10. Sumali si Alexa sa Paligsahan at nanalo siya.

Gawain 4: Magsulat ng sampung halimbawa ng anapora at katapora.

Anapora
1,_______________________________________________________________
2._______________________________________________________________
3._______________________________________________________________
4________________________________________________________________
5________________________________________________________________
Katapora
1._______________________________________________________________
2._______________________________________________________________
3._______________________________________________________________
4._______________________________________________________________
5._______________________________________________________________

Isagawa

Gawain 5: Balikan ang naging wakas ng kwentong “Ang Kwintas”. Pag-aralan ito at
sumulat ng sarili mong wakas gamit ang kaalamang natutuhan sa wastong gamit ng
mga salitang panuring sa tauhan.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

A. Makabuluhan at naiibang wakas 50%


B. Pagkamalikhain 30%
C. Daloy ng kaisipan 20%
KABUUAN 100%

35
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO

Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano-ano ang mga
mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?
 Ang Kuwento ng Tauhan ay isang uri ng maikling kuwento na ang higit na
binibigyang-diin ay ang paglalarawan sa pangunahing tauhan ng kuwento;
ang kanyang kilos, ang paraan ng pagbibitaw ng mga salita, kung papaano
siya mag-isip, at kung ano ang kanyang mga nararamdaman.
 Ang paglalarawan ng buong pagkatao ng tauhan ay nasasalig sa kanyang
panloob na anyo at gayon din sa kaniyang panlabas na anyo. Kabilang sa
panloob na anyo ang isipan, mithiin, at damdamin ng tauhan. Ang panlabas
na anyo naman ay nakasalalay sa paglalarawan kung paano siya kumilos at
magsalita
 French ang wikang opisyal ng France, subalit may mga rehiyon na
nagsasalita ng German, Flemish, Arabic, Italian at iba pang wikang katutubo
sa mga kalapit na rehiyon. Ang French ang naging pangalawang wika ng
mga tao sa France na hindi French ang mother tongue.
 Katoliko ang pangunahing relihiyon ng France ngunit ilan sa kanila ay Islam,
Protestante, at Judaism na karaniwang relihiyon din ng mga dayuhang mula
sa hilagang Africa.
 Ang anapora ay mga reperensiya na kalimitan ay panghalip na tumutukoy sa
mga nabanggit na sa unahan ng teksto o pangungusap.
 Ang katapora naman ay mga reperensiya na bumabanggit at tumutukoy sa
mga bagay na nasa hulihan pa ng teksto o pangungusap.Narito ang mga
halimbawa ng katapora.

LINGGUHANG PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Hilig sa marangyang handaan at pagtitipon sa hapunan. May kahalintulad bang


kulturang ganito ang mga Pilipino? Oo sa__
A. ilang rehiyon ng Pilipinas
B. mga katutubo ng Pilipinas
C. mga kasalan, kaarawan at piyesta
D. may malalaking pagawaan

2. Pagpapahalaga sa kanilang bansa at pamahalaaan. Nagagalit kapag nakarinig


ng negatibong komento tungkol dito. Alin sa sumusunod ang katotohanan ng
kulturang ito sa mga Pilipino?
A. Marami sa mga Pilipino ay hindi na kakikitaan ng nasyonalismo.
B. Ang mga Pilipino ay handang mamatay alang-alang sa pamahalaan.
C. Ang mga Pilipino ay nagagalit kapag may mga banyaga na pumunta
sa bansa.
D. Marami sa mga Pilipino ang nanilbihan sa ibang bansa upang
makatulong sa bansa.

36
3. Pagpapahalaga sa estilo at sopistikasyon, pagkilos at pamumuhay na tila
maharlika o mga mayayaman. May impluwensiya ba ang kulturang ito sa mga
Pilipino?
A. Oo, nakatago nga lang hindi lantaran.
B. Oo, kitang-kita sa pag-uugali at kilos ng mga Pilipino.
C. Hindi, tayo ay nasa ilalim ng impluwensiya ng mga Amerikano.
D. Hindi, sadyang katutubong Pilipino tayo sa kilos at pag-uugali.

4. Hilig sa mariringal na pananamit, gaya ng paggamit ng mga bandana at berets.


Alin ang totoo tungkol dito pagdating sa mga Pilipino?
A. Ganitong-ganito manamit ang mga Pilipino.
B. May iilang Pilipino na gumagamit nito ngunit kakaunti.
C. Hindi impluwensiyado ang mga Pilipino sa kulturang ito.
D.Talamak ang mga ito noong panahon ng Kastila.

5. Ang pangunahing relihiyon ay Katoliko, nagdiriwang ng mga piyesta, pasko at


Mahal na Araw. Alin sa sumusunod ang katotohanan ng kulturang ito sa buhay
ng mga Pilipino?
A. Wala itong katotohanan sa buhay ng mga Pilipino.
B. Lahat nang ito ay naging bahagi ng tradisyon ng mga Pilipino.
C. May iilan dito na naging bahagi ng tradisyong Pilipino.
D. Ang pagiging Katoliko ay pangkalahatang relihiyon ng mga Pilipino.

6. Pinahahalagahan ang pagkakapantay-pantay, kalayaan, at kapatiran. Ito ba ay


bahagi ng mga nakagawian ng mga Pilipino?
A. Lahat ng ito ay bahagi ng pag-uugaling Pinoy.
B. Ito ay nasira na gawa ng pananakop ng ibat- ibang dayuhan.
C. Wala itong katotohanan sa buhay ng mga Pilipino.
D. Pinagsikapan itong ipatupad ng pamahalaan.

7. Pagsusuot ng mahahabang amerikana at terno ng mga kalalakihan. Naging


impluwensiya ba sa mga Pilipino ang ganitong pananamit? Oo sa___
A. mga espesyal na okasyon at opisina
B. pang-araw-araw na pamumuhay
C. iilang bahagi ng Pilipinas
D. lahat ng pagkakataon

8. Pagdiriwang sa Araw ng mga Manggagawa tuwing Mayo 1. Alin sa sumusunod


ang nagpapakita ng impluwensiya nito sa mga Pilipino?
A. Walang klase tuwing Mayo 1
B. Nagwewelga ang mga tao tuwing Mayo 1
C. Nagra-rally ang mga manggagawa tuwing Mayo 1
D.Nagdiriwang ang pamahalaan tuwing Mayo 1

9. Alin sa sumusunod ang katotohanan tungkol sa hilig ng mga Pilipino sa sining?


A. May malaking impluwensiya ang France sa hilig ng mga Pilipino sa
sining
B. Impluwensiya ng Espanyol ang hilig ng mga Pilipino sa likhang sining
C. Mahilig sa mga likhang sining ang mga katutubong Pilipino noon pa
D. Walang hilig ang Pinoy sa mga likhang-sining hanggang ngayon

37
10. Bahagi ba ng nakasanayan ng mga Pilipino ang paghalo ng alak bilang
sangkap sa lutuin?
A. Oo, sa lahat ng pagkakataon.
B. Oo, sa iilang pagkakataon.
C. Hindi kailan man.
D. Hindi, iniinom lamang ito.
11. Namutla ang asawa dahil ang kanyang naipon ay ipambibili sana niya ng baril
pang-ibon sa nalalapit na tag-araw. Anong bahagi ng katauhan ang
inilalarawan ng may-akda?
A. panloob na anyo C. panlabas na anyo
B. larawang pisikal D. reaksyon ng ibang tauhan

12. Alin sa mga sumusunod ang simbolo o hudyat na salita sa paglalarawan ng


tauhang si G. Loisel?
A. namutla C. nalalapit
B. asawa D. tag-araw

13. Isa siya sa mga magagandang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay


isinilang sa isang angkan ng mga tagasulat. Anong salita o mga salita ang
naging hudyat ng paglalarawang pisikal ng tauhang si Mathilde?
A. Isa C. magagandang babae
B. pagkakamali ng tadhana D. tagasulat

14. Anong paraan ng paglalarawan ang ginamit ng may-akda kay Mathilde sa


salaysay na nasa bilang 3?
A. panloob na anyo C. panlabas na anyo
B. katangiang pisikal D. pasalaysay

15. Masasalamin ba kay Mathilde ang pag-uugali ng babaeng taga-France?


A. Oo, sapagkat mahilig siya sa moda.
B. Oo, sapagkat mahilig siyang manghiram ng alahas.
C. Hindi, sapagkat tanggap niya ang pagkakamali.
D. Hindi, sapagkat natuto na siyang magpakumbaba.

16. Alin sa mga sumusunod ang kultura ng taga-France na nakaimpluwensiya na


rin sa ating mga Pilipino sa larangan ng pananamit?
A. bandana C. amerikana
B. berets D. terno

17. Anong aral o pagpapahalaga ang hatid sa atin ng katauhan ni Mathilde?


A. Ang paghahangad ng labis ay nagdudulot ng kapahamakan.
B. Gaano man kataas ang paglipad ay siyang bigat ng pagkabagsak.
C. Kung ano ang itinanim ay siya mong aanihin.
D. Laging nasa huli ang pagsisisi.

18. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa panloob na anyo ng tauhang
inilalarawan?
A. damdamin C. isipan
B. kilos D. mithiin

38
19. Masasabi mo bang isang mabuting kaibigan si Madame Forestier?
A. Oo, sapagkat walang pag-aalinlangan na pinahiram niya si Mathilde
ng alahas.
B. Oo, sapagkat lagi siyang handing tumulong ninuman
C. Hindi, sapagkat tinanggap pa niya ang napakamahal na alahas
D. Hindi, dahil ang kuwintas na ipinahiram ay nagdulot ng kapahamakan

20. Bakit napabilang sa Kuwento ng Tauhan ang kuwentong “Ang Kuwintas”?


Dahil ito’y ___
A. nagsasalaysay at naglalarawan ng katangian ng pangunahing
tauhan.
B. nagpapakita ng kultura ng bansang France
C. naglalarawan ito sa samahan ng mag-asawang G. Loisel at Mathilde
D. ipinakikita rito ang pagpapahalaga ng asawang lalaki sa kanyang
Kabiyak

21. Ano ang pangunahing relihiyon ng France?


A. Katoliko C. Protestante
B. Islam D. Judaism

22. Bakit hindi lahat ng Pranses ay nagsasalita ng wikang French? Dahil sa iba-
iba ang___
A. kanilang paniniwala
B. lahing nakatira sa France
C. pagkakahati ng mga bansa sa mga rehiyon at probinsiya
D. sumakop sa kanilang bansa

23. Ano ang pagkakatulad ng Pilipinas at France sa usaping wikang opisyal ng


bansa? Dahil ang mga ito ay parehong___
A. French ang wikang pambansa
B. Filipino ang wikang ginagamit
C. may pagkakaiba-iba ang mother tongue ng mga tao
D. may letrang F nagsimula ang opisyal na wikang gamit

24. Ano ang pagkakatulad ng Pilipinas at France sa usaping relihiyon?


A. Katoliko ang pangunahing relihiyon ng France at Pilipinas
B. Ilan sa mga kadugo ay Islam, Protestante, at Judaism
C. May mga lugar na iba ang paniniwala at relihiyon
D. Naniniwala sa tatlong persona ng Panginoon

25. Aling kultura ang taglay ng France na naging isyu para sa mga turista?
A. Pagpapahalaga sa pananamit
B. Pagpapahalagang nasyonalismo
C. Hilig sa mararangyang handaan
D.Tradisyunal na mga Pagdiriwang

39
26. Aling kultura ng taga-France ang nagpapakita na sila ay may mataas na
pagpapahalaga sa kanilang sarili?
A. Sopistikado manamit
B. Katoliko ang relihiyon
C. Wikang French ang ginagamit
D. Nagsasagawa ng tradisyunal na mga pagdiriwang

27. Sa anong tradisyon at pagdiriwang nagkakatulad ang France at Pilipinas?


A. Pasko at Araw ng mga Puso
B. Mahal na Araw at Pasko
C. Araw ng mga Manggagawa at Araw ng Bastille
D. May Day at Araw ng Tagumpay

28. Alin sa mga sumusunod na pag-uugali ang hindi kabilang sa kultura ng mga
taga-France?
A. sopistikado manamit
B. mahilig sa masasarap na pagkain
C. mahilig dumalo sa kasayahan
D. mapanghusga sa kapwa

29. Alin sa mga sumusunod ang kultura ng mga Pilipino na masasabing hindi
magandang impluwensiya ng mga Pranses?
A. Sopistikado kung manamit
B. Nagpapahalaga sa bansa at pamahalaan
C. Pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa
D. Hilig sa mararangyang handaan sa kabila ng kahirapan

30. Alin sa mga sumusunod ang magpapaliwanag sa hilig ng mga Pranses na


dumalo sa mga kasayahan?
A. Sila ay mahihilig sa masasarap na pagkain at alak.
B. Sila ay mga Katoliko na mahilig magdiriwang ng piyesta.
C. Sila ay nagpapahalaga sa kanilang bansa at mamamayan
D. Sila ay may magarang pananamit na gustong ipakita sa kasayahan

Para sa Bilang 31-40


Panuto: Sumulat ng isang matalinong pagpapasya sa buhay kaugnay sa sumusunod
na sitwasyon.

Naimbitahan kang dumalo sa inyong Batch Reunion sa isang 5-Star Hotel na


sponsor lahat ng gastos sa isa mong kaklase na nakaririwasa sa buhay. Tinawagan
ka ng mga kaklaseng kabarkada mo noong nag-aaral ka pa. Nais nilang dumalo ka
dahil matagal na kayong hindi na nagkita at miss na miss ka na nila. Gastos lamang
sa pamasahe ng sasakyan patungong Cagayan de Oro mula sa Bukidnon ang
kailangan mong paghandaan ng pera. Dadalo ka ba o hindi. Ilahad ang magiging
pasya mo at ang mga katwiran.

Para sa Bilang 40-50


Panuto: Gumawa ng buod na paghahambing sa kultura ng France at kultura ng
Pilipinas.

40
41
Subukin Pagyamanin Tayahin
1.b 1./ 1.a
2.d 2./ 2.a
3.c 3./ 3.b
4.a 4./ 4.b
5.a 5./ 5.d
6.a 6.c
7.a 7.b
8.b 8.b
9.b 9.d
10.b 10.a
11.d 11.c
12.a 12.a
13.c 13.a
14.a 14.a
15.a 15.a
Aralin 2
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. b 1. PNK 1. d
2. b 2. PNK 2. a
3. d 3. KPL 3. c
4. a 4. KPL 4. c
5. c 5. RNI 5. a
6. a 6. Maganda at 6. b
7. a mapanghalina 7. a
8. a 7. Mukhang 8. a
9. a matanda 9. b
10.a 8. Akala 10.a
11.a 9. Malungkot 11.a
12.b 10.Nagnanais 12.b
13.b 11.E 13.b
14.d 12.C 14.d
15.c 13.D 15.c
14.A
15.B
16. Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
42
Subukin Pagyamanin
1.K 1.Anapora
2.K 2.Anapora
3.A 3.Katapora
4.A 4.Katapora
5.A 5.Katapora
6.K 6.Katapora
7.A 7.Anapora
8.K 8.Katapora
9.A 9.Katapora
10.A 10.Anapora
11.K
12.K
13.A
14.A
15.K
Aralin 4
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. MALAYO 1. a 1. c
2. MALAYO 2. c 2. a
3. MALAYO 3. c 3. b
4. TUNAY 4. c 4. c
5. TUNAY 5. b 5. a
6. MALAYO 6. a 6. a
7. TUNAY 7. b 7. b
8. TUNAY 8. d 8. b
9. TUNAY 9. d 9. d
10.MALAYO 10.a 10.a
11.TUNAY 11.c 11.c
12.MALAYO 12.b 12.b
13.TUNAY 13.a 13.a
14.TUNAY 14.d 14.d
15.MALAYO 15.a 15.a
Aralin 3
43
21. a 16.c 1. c
22. c 17.a 2. a
23. c 18.c 3. c
24. a 19.c 4. b
20.a 5. d
25. b
21.c 6. d
26. a 22.a 7. a
27. b 23.b 8. c
28. d 24.a 9. c
29. d 25.a 10.b
30. a
31 – 40.
40 – 50.
(Pangwakas na Pagtataya)
Susi sa Pagwawasto
SANGGUNIAN:

Filipino 10: Modyul sa mga Mag-aaral: Panitikang Pandaigdig


Filipino 10: Patnubay ng Guro: Panitikang Pandaigdig
Filipino 9: Modyul ng Mag-aaral: Panitikang Asyano
Wika at Panitikan IV: Batayang Aklat
https://www.livescience.com/39149-culture.html
https://www.google.com/search?q=ang+kuwintas&oq=ang+ang+kuwintas
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url

44
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region X, Division of Bukidnon
Sumpong, Malaybalay City
Email Address: bukidnon@deped.gov.ph

45

You might also like