You are on page 1of 2

HADJI ALI, POTREKO-ALONGAN A.

1. Ano ang kahulugan ng pagsasaling-wika?

Talakayin muna natin kung ano nga ba ang Pagsasalin?

Wikang Filipino - pagsalin

Wikang Ingles - translation

Wikang Latin - translatio

Wikang Griyego - metafora/metaphrasis

( sa Ingles ay metaphrase o salita-sa-salitang pagsalin)

Ang pagsasalin-wika ay proseso ng paghahanap o pagpapaunawa ng pinakamalapit o katumbas na


kahulugan ng isang mensahe ng isang wika mula sa ibang wika.

Sa simpleng salita, ito ay proseso ng pagpapahayag ng isang wika sa ibang wika na hindi nagbabago o
lumalayo ang katumbas na kahulugan ng mensahe.

2. Ang wika ba any sining o agham?

Masasabi kong ito'y sining at agham. Ang pagsasalin bilang sining/agham ayon kay Chabban, ang
pagsasalin ay isang subhetibong sining na kaiba sa agham. Mabusisi itong trabaho dahil hindi pa ito
natatakdaan ng istriktong siyentipikong panuntunan.

3. Ano-ano ang mga katangian ng isang transleytor/tagapagsaling-wika?

Narito ang mga katangian na dapat taglayin ng tagasalin ang mga sumusunod na kasanayan: (Abdellah
2002)

1. Kasanayan sa Pagbasa

Sa malawak na pagbabasa ng iba't ibang saling akda, masusuri o matataya niya ang mabuti at di-
mabuting salin at mamumulat siya sa iba't ibang konseptong kultural ng wika.

2. Kasanayan sa Pananaliksik

Mahalagang kilalanin ng tagasalin ang inaasahang mambabasa ng akda sa tunguhing lenggwahe upang
maiangkop ang mga salitang gagamitin at ang diksiyonaryong maaaring sangguniin.

Mahalaga rin ang pagkilala sa buhay ng may-akda at iba pang mga tekstong kanyang nilikha upang
magkaroon ng ideya ang tagasalin sa estilo ng pagsulat, pananagisag at tiyak na panahon.

3. Kasanayan sa Panunuri
Upang makilala nang lubusan ng tagasalin ang orihinal na teksto, kailangang alamin niya ang
artikulasyon ng mga ideya, paniniwala, tauhan, ritmo at iba pang salik ng teksto.

Ayon sa "generative grammar" ni Chomsky, may tendensiyang magkaroon ng maraming pakahulugan at


salin ang isang partikular na pahayag kaya naman dapat maging masusi ang pagpili ng tamang salita.

4. Kasanayan sa Pagsulat

Pagkatapos ng masalimuot na proseso ng paglikha ng salin, isasagawa pa ang patuloy na rebisyon nito
upang ganap na maging natural sa tunguhing lenggwahe at sa mambabasa nito.

You might also like