You are on page 1of 14

LAWAK NG PAGGAMIT NG CODE-SWITCHING NG MGA MAG-AARAL SA

DISKORS SA TALAKAYAN SA PANGALAWANG WIKA

JESSA MARIE P. ESTRELLANES


MEd-Filipino

1. ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa lawak ng code-swithcing sa diskors ng
mga mag-aaral sa silid-aralan ng Ateneo de Iloilo. Gamit ang pamamaraang
pagmamasid, sinuri at tiniyak ang kadalasang dahilan ng pagkakaroon ng code-
switching ng mga mag-aaral. Sa tulong ng transkripsyon, naisa-isa ang mga
pangyayari sa silid-aralan na kung saan aktwal na makikita at maririnig ang
pagkakaroon ng code-switching ng mga mag-aaral at maging ng guro. Ang mga
sumusunod ay mga gawain sa silid-aralan kung saan palagi itong nangyayari;
pagpapaliwanag, pagbibigay suhestiyon, paglalahad ng reaksiyon at opinyon, at
pagbibigay ng panuto.
Nagkaroon ng pagmamasid na naganap sa loob ng klasrum upang makita
ang aktwal na pangyayari dito. Tiningnan ang mga pangyayari, pinakinggan,
itinala, at nagkaroon ng transkripsyon sa diskors.
Batay sa isinagawang transkripsyon, nagkaroon ng tally at ito ay inihanay
ayon sa inter-sentential, intra-sentential, intra-word, at tag.
Pagkatapos ay nagkaroon ng maikling panayam sa mga mag-aaral kung
bakit kadalasang mapapansin sa kanila ang paggamit ng code-switching sa loob
ng silid-aralan.
2. INTRODUKSYON
Ang wikang Filipino ay maihahalintulad sa isang butong itinanim na sa
paglipas ng panahon ay tumubo; inalagaan hanggang sa yumabong, namunga,
at pinakikinabangan ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan. Iyan ang wikang
Filipino na mananatiling buhay na bantayogng pagiging makabansa ng mga
Pilipino, isang matatag na puno na patuloy na sumasabay sa malakas na ihip ng
hangin subalit nagbabago ng anyo sa paglipas ng panahon. Ang dating wikang
Filipino ay nahahaluan na ng mga banyagang salita tulad ng Ingles (Arceo 2013).
Ang wika ang siyang may pinakamalaking papel na ginagampanan sa
lipunan. Dahil sa tulong ng wika, tayo ay nakikipagtalastasan, malayang
nagpapalitan ng saloobin at nakapagpapahayag ng ating sariling damdamin at
emosyon. Ngunit habang lumilipas ang panahon ay marami na ang mga
pagbabagong nagaganap marahil dala na rin ito ng ibang mga mananakop na
nag-iwan ng malaking marka sa ating pagkatao. Gaya halimbawa ng
impluwensiya ng wikang Ingles sa ating mga Pilipino. Kaya hindi maipagkakaila
na sa panahon ngayon ay salitan na ang paggamit ng wikang kinagisnan, wikang
Filipino at wikang banyaga. Kaya dito na nangyayari ang sinasabi nating code-
switching.
Ang code-switching na tinatawag ay ang salitan na paggamit ng dalawa o
higit pang wika o barayti ng wika, lalo na sa iisang diskusyon (salin,
Dictionary.com, 2012.
Nangyayari ang ganitong kaganapan dahil lumalaki ang hangarin at
kagustuhan ng karamihan sa mga Pilipino na matuto sa wikang Ingles. Marahil
isa sa itinuturing na salik dito ay marami na ang mga mangangakal o mga turista
a dumadayo sa ating bansa kaya makasabay ang iba sa atin ay kailangan nilang
matuto ng ibang wika. Gayunpaman, tayo ay Pilipino at at kagustuhan man natin
o hindi talagang dapat na bigyang halaga muna nag ating sariling
pagkakilalanlan dahil ditto nakasalalay ang paghubog ng ating pagkatao, kultura,
kasaysayan na hindi mananakaw ninuman.

KAUGNAY NA BABASAHIN
Sinasabing isa sa mga salik sa pagtatagumpay ng mga mag-aaral ay ang
kahusayan nila sa paggamit ng wika sa silid-aralan. Ito ang instrumento upang
maabot ang kanilang mithiin sa pamamagitan ng kanilang epektibong
pagpapahayag (Lachica, 2001).
Ngunit sa panahon ngayon, maraming Pilipino na ang gumagamit ng hindi
lang isa na wika, kundi dalawa o higit pa sa kanilang pang-araw-araw na
pakikipag-usap. Kung minsan, ang mga wikang ito ay naapapaloob sa iisang
pangungusap, at maging sa iisang salita lamang na tinatawag na code-switching.
Sa Pilipinas, ang dalawang wika na karaniwang ginagamit ay Filipino at Ingles.
Ang paggamit ng code-switching ang isa sa mga kapuna-punang kilos
pangwika ng mga mag-aaral sa silid-aralan. Ginagamit nila ito bilang isang
istratehiya sa pagpapahayag sa klase.
Ayon kay Aguirre (1989) ang code-switching ay likas at normal sa
bilinggwal na kaligiran. Hindi ito maiiwasan ng mga taong taglay ang dalawang
wika at nasa bilinggwal na kaligiran. Sa katunayan, ayon kay Jacobson (1990),
ang code-switching ay itinuturing na pandaigdigang penomenon.
Ang pinaghalong Filipino at Ingles ay binansagang “Taglish”, mula sa
pinagsamang Tagalog at Ingles. Ngunit, kapag Atenista naman ang gumagamit
ng pinaghalong Ingles at Filipino, “konyo” ang tawag dito. Likas ang pagkakaroon
ng code-switching dahil marahil karamihan sa mga mag-aaral ay Ingles ang
kanilang unang wika at tanging sa asignaturang Filipino lamang gumagamit o
nagsasalita ng tagalog. At ayon kay Badayos (2008), ang teoryang affective filter
ay nagpapaliwanag na ang kalagayang emosyonal ng tao ay parang isang
“salaan” (filter) na malayang dumadaan o humahadlang sa input na kailangan sa
akwisisyon ng wika. Ang filter ay apektib dahil may mga salik ito tulad ng sarili,
motibasyon at estado ng pagkabahala o maging ng takot. Ibig sabihin, higit na
natututo ang tao sa wika kung walang takot at pagkababa, may tiwala sa sarili, at
walang inhibisyon sa paggamit ng wika. Kaya sa kaso ng mga mag-aaral na
nagcocode-switch hindi sila dapat palaging pinupuna dahil nababaawasan ang
kanilang tiwala sa sarili na magpahayag ng kanilang damdamin o opinyon.
3. METODO
Ang deskriptibong pag-aaral na ito ay may layuning ilarawan ang lawak ng
code-switching sa wikang Filipino at Ingles, at ang tungkuling pangwika nito sa
diskors sa silid-aralan.
Sinuri ang sintaks nito ayon sa ayos tulad ng intra-sentential, inter-
sentential, intra-word at tag. At sinuri rin ang mga tungkuling pangwika batay sa
diskors ng mga gawaing pagtuturo at pagkatuto sa silid-aralan.
Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang 40 mag-aaral sa ikawalong
baitang sa klase sa Ateneo de Iloilo. Panitikang Pilipino (FILIPINO 8) ang
asignatura ng mga mag-aaral. Ito ay tungkol sa isang sanaysay na kung saan
kailangan ang masusing pag-unawa ng mga mag-aaral sa wika upang kanila
itong maintindihan. Ito rin ay tumatalakay sa isyu o lawak ng impluwensiya ng
mga Amerikano sa mga Pilipino kung kaya nangyayari ang pagsasabuhay sa
kanilang kultura, gawi, at salita. Ngunit dahil sa iniangkop na pangkatang gawain,
malayang nagagamit ng mga mag-aaral ang wika at mga istratehiyang
pangkomunikatibo kung kaya’t angkop ito sa kasalukuyang pag-aaral.
Ang mananaliksik ay nagmasid sa isang klase at isinusulat ang naging
talakayan o diskors ng guro at ng mga mag-aaral. Pagkatapos ay ginawan ito ng
tranksripsyon at sinuri ayon sa lawak at tungkuling pangwika ng code-switching.
Sinuri ito ang sintaks ng code-switching ayon sa ayos- intra-sentential, inter-
sentential, intra-word at tag.
Pagkatapos, inilista o naganap ang tally sa apat na ayos upang
mailarawan ang lawak ng code-switching. Sunod ay sinuri ang tungkuling
pangwika at inuri ang mga ito. Ginawan din ng tally ang tungkuling pangwika
upang mailarawan ang pinakagamiting tungkuling pangwika.
Frequency ay ang ginagamit upang malaman kung gaano kadalas
nagaganap ang code-switching sa diskors sa silid-aralan
Percentage ay ang ginagamit upang malaman ang lawak ng gamit ng tag,
intra-sentential, at inter-sentential at intra-word code-switching sa diskors sa silid-
aralan.
4. RESULTA

63
Intra-Sentential Switching 35 55.56
Inter-Sentential Switching 11 17.45
Intra-word Switching 9 14.29
Tag Switching 8 12.70

Batay sa isinagawang pagmamasid at sa isinagawang transkripsyon,


lumabas dito na mas gamitin sa diskors na nagyayari sa silid-aralan ang intra-
sentential switching na kung saan mayroon itong 55.56 na bahagdan. Ang ibig
sabihin nito ay ang isang pangungusap ay parehong may gamit ng Filipino at
Ingles o Filipino at Hiligaynon.
Halimbawa ng diskurso ay na nagtataglay ng intra-sentential ay ang mga
sumusunod:
M: Na kailanman ay hindi mangunguna ang ating bansa in any
aspects dahil kahit tayo mismo we do not much give importance on
what we have.
M: Because ang kurikulum sa paaralan daw classsmates sa
Philippines ay laban English ang gina gamit. Sa Filipino na lang
kuno na subject ginagamit ang Filipino. Then the rest na subject sa
english na.

Sunod na may pinakamalaking bahagdan sa gamit ng code-switching ay


ang ang inter-sentential switching. Kung mapapansin ay maraming pangungusap
na ang ginagamit ay halos Filipino at mayroon ding kakaunting pangungusap na
nasa Ingles. Ngunit matatawag itong code-switching dahil sa salitan ng gamit ng
pangungusap sa pagitan ng Filipino at Ingles.
Ang gamit ng pangungusap dito na kadalasang nasa Filipino ay gamit ng
guro. Halimbawa ng diskurso ay na nagtataglay ng inter-sentential ay ang mga
sumusunod:
M: Classmates, any questions?
M: Lahat ba bahay nila ay nagsasalita sa Ingles?

Sinundan naman ito ng intra-word switching na kung saan ang


pagkakaiba ng wika ay nangyayari sa loob mismo ng iisang salita. Narito ang
mga halimbawa sa ibaba.
na-influence na-explain
pag-english nagko-cause
na-feel gina – gamit
nag-english na-example

Ang may pinakamaikling gamit naman dito ay ang tag-switching. Ito ay


kung saan ang switch na nangyayari ay sa pagitan ng isang pangungusap at
isang tag na katabi nito. Halimbawa:
M: That’s John Lloyd na bagong pelikula.
M: In other words classmates, laganap o almost na nangyayari.

KONKLUSYON
Ayon sa naging resulta ng pag-aaral batay sa naging obserbasyon ay
nagpapakita ito ng iba-ibang anyo o paggamit ng code-switching sa diskors na
nagaganap sa silid-aralan. Kadalasan sa mapapansin ay ang code-switching na
nagaganap sa sintaks ng mga mag-aaral. Napansin din na hindi lamang limitado
ang code-switching sa Filipino at Ingles, kundi maging sa Filipino at Hiligaynon
din.
Ilan sa mga mag-aaral pagkatapos ang aking nakapanayam pagkatapos
ng klase at sila ay aking tinanong kung ano ang dahilan ng kanilang code-
switching. Marami ang nagsabi na kusa lamang itong nangyayari at hindi nila
namamalayan na kanilang sinasabi dahil ang mahalaga sa kanila ay ang
makapagpahayag lamang ng kanilang damdamin, saloobin at opinyon. May
nagsasabi rin na sinisikap nila na magsalita sa wikang Filipino ngunit dumadating
sa punto na hindi nila maisip ang katumbas na salita kaya sinasalita nila ito sa
kung anong wika sila mas komportable na sabihin. At ayon sa kanila ay
pangalawa sa pinakamahalaga lamang na sangkap ang pagsasalita nila sa
ganoong wika dahil para sa kanila ay mas mahalaga pa rin kung ano ang
kanilang natutunan, naintindihan, at paano tinanggap ang mga impormasyong
inilahad.
Basi sa lumabas na resulta ng datos at sa sinabi ng ilang mag-aaral,
nagpapakita lamang ito na ang pagkakaroon ng code-switching ay mas
nakakatulong sa kanila upang higit na matuto sa isang aralin. Ito rin ay
nakakatulong sa kanila upang makapagpahayag ng kanilang sariling pananaw,
damdamin at emosyon na walang makakapigil sa kanila. Kung titingnan sa
kabilang banda, ito ay nagpapakita pa rin ng hindi katatasan sa wikang inaaral
dahil hindi nakatuon ang kanilang atensiyon sa pagsasalita nang may katatasan.
Ngunit kung sila naman ay pipiliting magsalita sa Filipino, malamang na kakaunti
lamang ang siyang magbabahagi ng kanilang kasagutan marahil takot silang
mapagsabihan at pilitin na talagang tatasan ang paggamit ng wikang Filipino sa
pagbibigay ng kasagutan.
REKOMENDASYON
Mapapansin sa pag-aaral na malaki rin naman ang papel na
ginagampanan ng code-switching sa buhay ng mga mag-aaral dahil karamihan
sa mga mag-aaral ay Ingles ang naging unang wika. At napansin na pati ang
guro ay nagkakaroon din ng code-switching paminsan-minsan. Kaya
itinatagubilin na masusing pag-aralan ang code-switching na nagaganap sa silid-
aralang pangwika at ang kabuluhan nito sa debelopment at pagkatuto ng wika ng
mga mag-aaral. Kasama na rin sa pag-aaral ang code-switching ng guro at ang
epekto nito sa pagtuturo ng wika.
Itinatagubilin din na magsagawa ng mas epektibong pagkalat ng datos
kagayan ng paggamit ng malinaw na videocamera na maaring nasa anggulo na
makikita ang lahat ng mag-aaral upang klaro ang mga sinasabi o ipinapahayag
ng bawat kasangkot sa sinasabing pag-aaral. Ito ay upang maging mas maayos
at tumpak ang gagawing transkripsyon.
Itinagubilin din ng pag-aaral na ito magkaroon ng masusing pag-aaral dito o
magkaroon ng pagmamasid sa mga magkakasunud-sunod na talakayan dahil sa
naging pag-aaral na ito ay dalawang beses lamang na nagyari ang naging
obserbasyon sa diskors na nagaganap sa silid-aralan.
Itinatagubilin din ng pag-aaral na ito na magkaroon ng pag-aaral tungkol
sa pagkalap ng mga datos sa mga mag-aaral kung gaano kahalaga sa kanilang
pagkatuto ang paggamit ng code-switching. Ito ay pwedeng gawin sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng mga talatanungan kung ano ang dulot sa
kanila ng paggamit ng code-switching.

5. SANGGUNIAN
Arceo, Marc Angelo. Paggamit ng Code-Switching sa
Pakikipagkomunikasyon ng mga Piling Mag-aaral sa Mary and
Jesus School, Inc. Baliuag University, Baliuag Bulacan, 2003.

Badayos, Paquito. Metodolohiya sa Pagtutro at Pagkatuto ng/sa Filipino:


Mga Teorya, Simulain, at Istratehiya. Potrero, Malabon City ,2008.

Jacobson, R. Code-Switching as a Worldwide Phenomenon. New York:


Peter Lang Publishing, Inc., 1990.

Maceda, T. “Wikang Pambansa; Pagpapalaya kay Bighani” sa Mga Piling


Diskurso sa Wika at Lipunan. Diliman, Lungsod ng Quezon:
University of the Philippines Press, 1996.

Muysken, Pieter. One Speaker, Two Languages: Cross Disciplinary


Perspectives on Code- Switching. Great Britain, Cambridge
University, 1995.

Pineda, Ponciano. Mga Katawagan sa Edukasyong Bilinggwal.


Sunico, Alma Bella. Ang Lawak ng Code-Switching sa Diskors ng mga Mag-
aaral sa Silid-Aralan: Isang Pagsusuri ng Sintaks at Tungkuling
Pangwika, 2004. Print.
TRANKSRIPSYON
UNANG ARAW
Paksa: “Sanaysay: Amerikanisasyon ng ISang Pilipino”
Ang diskors sa silid-aralan

G: Ngayong umaga ay dadako tayo sa pagtalakay sa ating kasunod na


aralin. Pero bago yan ay magkakaroon muna tayo ng pagganyak.
Hahatiin ko kayo sa 5 pangkat at ang bawat pangkat ay maghanda ng
10 pisarong isang/kapat na papel.
-Ngayon ay pumunta sa inyong pangkat ayon sa kung saan kayo dapat
maupo.
M: Classmates, dito yung Group three.
G: Ngayon, tingnan ang larawan sa TV at hulaan kung ano ang pamagat
ng pelikulang ito.
Ano ang pamagat ng larawang ipinakita?
M: 100 (one hundred) na tula para kay Stella
G: Yan ay Isandaang Tula Para kay Stella
Sunod, ano ang pamagat ng larawang ito?
M: That’s John Lloyd na bagong pelikula
M: That’s Can’t Help Falling In Love po maam.
G: Ngayon, pansinin ang ipinapakita ng inyong naging iskor sa pisara. Ano
ang mapapansin niyo tungkol dito?
M: Na mas maraming po kaming alam na movies ng ibang bansa.
G: Tama ang iyong pagpapaliwanag, ano pa?
M: Na mas o we give imporatnce to the movies or I mean international
movies.
G: Sige, mamaya ay malalaman natin kung bakit kaya ganito kalaki ang
imluwensiya ng taga ibang bansa partikular na ng mga Amerikano sa
atin dahil tatalakayin natin ang sanaysay tungkol sa Amerikanisasyon
ng ISang Pilipino.
Kapag sinabi nating Amerikanisasyon, ano kaya ito sa tingin ninyo?
M: Americanized ma’am
M: Ang na-influence po maam ng mga Amerikano
G: Sige, malalaman natin iyan kapag nabasa na ninyo ang sanaysay ni
Ponciano Pineda. Ngayon, kasama pa rin ng inyong pangkat ay
susuriin ninyo ang bawat talata.
----------------PAGSUSURI---------------
G: Batay sa sinuri ng bawat pangkat sa nakaatang na talata, ilahad ito sa
kaklase na kung saan magsisimula tayo sa Unang Pangkat
M: Sa una at pangalawang talata po ay binigyang kahulugan ang
Amerikaninsasyon na kung saan ito ay sakit na talamak na sa ating
lipunan. At sinasabing ang tanging sagot dito ay de-Amerikanisasyon
kabilang ang pagpapahalaga sa ating sariling wika at kultura.
Dito rin matatagpuan nag pagkakaroon ng example sa ibang bata na
ang unang itinurong wika ay ang Ingles.
G: Magaling! Ngayon pwede kayong magtanong sa naunang pangkat.
M: Classmates, ano yung talamak?
M: ® Talamak o it can be seen or observed anywhere.
M: ® In other words classmates, laganap o almost na nangyayari.
G: Iba pang katanungan o nais klaruhin?
M: Ano ang ginagawa ng mga magulang ng bata sa ibinigay na-example?
M: ® Na they teach their child sa pag-English.
G: Kung wala ng tanong, dadako tayo sa susunod na reporter.
------ (Walang code-swithcing na naganap sa ulat)------
G: Katanungan?
M: Bakit kaya naging ganoon ang bata? I mean, paano na siya ay lumaki
sa pagsasalita sa wikang Ingles?
M: ® Dahil nga lumaki siya na ang itinuturo ng kanyang magulang ay ang
mga salitang Ingles. Lahat ng gawi ng bata ay nakabatay sa Ingles o
gawi ng taga ibang bansa particular ng mga Amerikano.
M: Ano ang naging result sa bata sa ginagawa ng parents?
M: ® Na mas isinasabuhay niya ang pagsasalita sa wikang Ingles dahil
iyon ang akala niyang tama.
G: Magaling! Sunod na tagapag-ulat.
M: ® Ang aming ulat ay tungkol sa patuloy na paglaki ng isang bata. At
habang siya ay lumalaki, mas lalong parin niyang isinasabuhay ang
kultura at gawi ng ibang bansa. Siya ay nagbabasa na ng mga
makakapal na aklat sa Ingles o Novel, nanonood na rin siya ng mga
pelikula. At sinasabi na kahit Class A lang na mga pelikula ng mga
Amerikano, para sa kanya ay napakaganda pa rin kung ikumpara sa
pelikulang Filipino.
®: Classmates, questions?
M: Lahat ba bahay nila ay nagsasalita sa Ingles?
M: ® hindi lahat. Kapag alila o maid nila ang kausap ng magulang ng bata,
nagsasalita ito sa wikang Filipino.
M: Ano ang impact ng ganoon sa bata?
M: ® He thinks na ang tagalog ay ginagamit sa mga taong nasa mababang
antas ng lipunan o mga mahirap. At ang Ingles ay para sa mga high
class. At nagko-cause po ng pagkalito sa bata.
M: Sa tingin niyo ba tama ang pagkaunawa ng bata sa ganoon?
M: ® sa tingin namin hindi naman kasalanan ng bata kung ganoon ang
kanyang na-feel ngunit dapat ay ipinaintindi sa kanya o na-explain ng
mga magulang kung ano ang tama at mali.
------pagtunog ng bell hudyat na tapos na ang klase-----

Paksa: “Sanaysay: Amerikanisasyon ng ISang Pilipino”


Ang diskors sa silid-aralan
Pangalawang Araw
G: Kahapon ay nagkaroon na ng pag-uulat ang ibang pangkat. Kaya ngayon,
let’s continue sa pag-uulat ng dalawa pang pangkat.
Sige, pumunta sa gitna ang reporter ng ikaapat na pangkat.
M: -------- walang naganap na code-switching------
M: ® Classmates, any questions?
M: Bakit sinasabi sa ulat ninyo na malaki ang impluwensiya ng paaralan
kung bakit naging ganoon ang pag-uugali ng ibang bata which is mas
binibigyang atensiyon ang English?
M: ® Because ang kurikulum sa paaralan daw classsmates sa Philippines ay
laban English ang gina gamit. Sa Filipino na lang kuno na subject
ginagamit ang Filipino. Then the rest na subject sa english na.
G: Kung wala ng tanong, dumako tayo sa sunod na pangkat
M: Ang ulat namin ay tungkol sa huling talata ng sansaysay. Binanggit dito
na hanggat ang pag-iisip o kilos natin ay parehos sa bata sa example
ay mananatili raw tayong second rater sa ibang bansa.
Kaya dapat daw na magsisimula tayo sa ating mga sarili o “love our
country first, our languange, culture, at iba pa” para makawala tayo sa
malaking impluwensiya ng Amerikano.
G: May tanong?
M: What do you mean na second rater?
M: ® Na kailanman ay hindi mangunguna ang ating bansa in any aspects
dahil kahit tayo mismo we do not much give importance on what we
have.
That means, in any competition classmates for example na kasali ang
bansa natin ay malabo na tayo ang mangunguna.
G: Bigyan ngayon ng palakpak ang inyong sarili dahil sa isang
matagumpay na pagsusuri.
Ngayon, batay sa inilahad ng mga taga-ulat, ano ang bagay na
pumukaw sa atensiyon mo bilang isang Pilipino?
G: Okay, 1 minute thinking time.
M: Na malaki ang na-influence ng mga Amerikano sa atin dahil sa
kanilang pananakop.
G: Tama, magbigay class ng ilang pangyayari na impluwensiya ng mga
Amerikano.
M: Pagsasalita ng English
M: Panonood ng movies sa Ingles
M: Pagbabasa ng mga novel maam o mga babasahin sa English
G: Ano ngayon ang naging epekto nito sa ating mga Pilipino?
M: Na pumapasok po sa isipan natin na magaling ka kapag ikaw ay nag-
English. Which is not true po.
M: At nakakalimutan na po natin ang essence ng ating pagka-Pilipino.
M: at hindi na po natin tinatangkilik ang kung ano ang mayroon sa atin
dahil inuuna natin ang iba.
G: Tama. Ngayon kung kayo ang tatanungin, sa tingin niyo ba kasalanan
ito ng mga Amerikano kung bakit ganito ang naging pagtingin ng ilan
sa ating Pilipino?
M: No ma’am.
G: Bakit kaya? Bigyang patunay.
M: Dahil maam it depends naman po iyon sa atin. It’s our decision or
choice.
M: may kasalanan din po sila kung titingnan ngunit mas po tayo. Dahil po
maam tama na it’s our choice.
M: Dapat maam alam natin kung saan ito dapat na gamitin. At bilang
isang pinoy dapat mas alam mo ang wika mo kaysa wika ng iba. For
example, pupunta ka sa palengke hindi ka naman dapat magsalita sa
English dahil baka ano pa ang isipin ng mga tindera.
G: Tama. Kaya ano ang payo ng may-akda ng sanaysay?
M: Na dapat mas pahalagahan pa rin ang ating wika and…..give
importance po
M: Na hindi po sukatan ang kaalaman mo sa wika at kultura ng iba para
masabi mo na ikaw ang magaling kung sarili mong wika o kultura ay
hindi mo alam.
G: Okay magalaing! Ngayon naintindihan ang sanaysay?
M: Yes maam.
G: Sige, kumuha ng one-fourth para sa repleksyon na bahagi.
----------pagtunog ng bell----------

You might also like