You are on page 1of 2

Mga Kategorya ng Sanggunian

1. Primaryang Datos
 Datos na hinalaw o nagmula sa mga dokumentong isinulat sa panahon na isinagawa ang aktwal na
pananaliksik
 Nanggaling ang mga ito sa orihinal na dokumento, kung saan ang pananaliksik ay nakabatay.
Halimbawa:
Talumpati, liham, birth certificate, diaries, transkripsyon ng live news feed, pangunahing balita ng kaganapan, record
ng korte, panayam, sarbey, orihinal na pananaliksik, pananaliksik na nakalathala sa iskolarli o akademikong dyornal,
sangguniang aklat
2. Sekondaryang Datos
 Mga datos na nanggaling sa mga dokumentong isinulat matapos ang isang kaganapan
 Madalas ang mga may-akda o mananaliksik na siyang dahilan ay hindi nagkakaroon ng pagkakataon na
saksihan ang pangyayari na siyang dahilan kung bakit kanilang pinanaligan ang mga datos na hindi nila
kinalap batay sa personal na pagsaksi o imbestigasyon.
Halimbawa:
1) Datos na nanggaling sa mga sangguniang materyal (reference materials) na katulad ng diksyunaryo at
ensayklopedya
2) Aklat at mga artikulo na nagbibigay ng interpretasyon, rebyu, o binigyan ng sintesis ang orihinal na
pananaliksik.
3. Tersyaryang Datos
 Tumutukoy sa mga datos na hinalaw sa mga dokumentong naglalarawan sa mga primarya at sekondaryang
sanggunian.
Halimbawa:
1. Indexes – nagbibigay ng mga pagkakakilanlan kung saan nanggaling ang impormasyon katulad ng may-
akda, pamagat ng aklat, artikulo at dyornal, tagapaglathala, petsa, bolyum at isyu bilang paglalathala, at
pahina bilang,
2. Abstrak – ibinubuod nito ang primarya at sekondaryang sanggunian,
3. Databases – mga online na indexes na karaniwang kinabibilangan ng mga abstrak para sa primarya at
sekondaryang sanggunian, at maaari din naman na mga digital na kopya ng sanggunian.
Mga Mungkahi sa Pagkuha ng Impormasyon
buhat sa mga Sanggunian
 Tungkulin na mabigyan ng rekognisyon ang may-akda ng sanggunian na ginamit ng mananaliksik o mag-
aaral upang ang kanyang pagtalakay sa kasalukuyang pag-aaral ay magkaroon ng malalim na
perspektiba.kung sumangguni sa mga aklat at dyornal, mahalaga na bigyan ng pansin ang pahina bilang ng
sanggunian kung ang mahahalagang kaisipan ay iyong iisipin, aayusin bilang talata, o bibigyan ng buod.
 Mahalaga ang Universal Resource Locator (URL) at ang petsa kung kailan mo kinuha ang impormasyon sa
isang website kung gagamitin na sanggunian ang internet.
 Ang tamang rekognisyon sa may-akda ay nararapat lamang na kabayaran para sa kanyang karunungang
hindi ipagdamot kailanman.
Sistemang Pansilid-aklatan
 Ang tamang retrieval system ng silid-aklatan ay makatutulong nang malaki upang higit na mapadali at
mapaghusay ng mag-aaral ang pangangalap ng mga impormasyon at datos na kailangan sa kanyang pag-
aaral.

You might also like