You are on page 1of 11

UNIBERSIDAD NG MAPUA

SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

BUWAN NG WIKA 2020


““WIKA NG KASAYSAYAN; KASAYSAYAN NG WIKA:
Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong
Bayanihan Kontra Pandemya”

Mga Tuntunin
at Pamantayan
ng mga
Timpalak
T.P. 2020-2021

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com
UNIBERSIDAD NG MAPUA
SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

TIMPALAK NA TWEET TULA 2020

Agosto 10-14, 2020


Gamitin ang #MUSHSTweetTula2020
TWITTER

Ang TIMPALAK NA TWEET TULA 2020 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino at


Samahan ng Filipino kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansâ. Nilalayon ng
timpalak na pasiglahin at pataasin ang antas ng karunungang pangwika na maaaring magamit sa
pagpapayabong ng panitikang Filipino sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapúa – Senior
High School, Intramuros.
2. Ang tema ng timpalak ay “WIKA NG KASAYSAYAN; KASAYSAYAN NG WIKA: Ang mga
Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya.” Ang magiging
paksa ng bawat lahok na tula ay dapat may kaugnayan sa naturang tema ng pagdiriwang.
3. Ang tulang ilalakip sa timpalak ay maaaring malayang taludturan o may sukat at tugma.
4. Inaasahang hindi lalagpas sa 280 na karakter ang isusumiteng tula na kalakip na rin ang
#MUSHSTweetTula2020. Mahigpit na pinagbabawalan ang paggamit ng mga thread o
screenshot.
5. Ang bawat tula na may kalakip na #MUSHSTweetTula2020 lamang ang opisyal na
maisasama bilang mga lahok sa timpalak na ito.
6. Bukas ang timpalak ng isang linggo, maaaring magpaskil ng mga lahok mula ika-10
hanggang ika-14 ng Agosto.
7. Ang mga lahok na gumamit ng #MUSHSTweetTula2020 sa loob ng isang linggong
nakalahad ay lilikumin ni Bb. Jean Isabel Magcamit at Bb. Jan Eleina Centeno. Isusumite
bilang pinal na mga tala kay Inst. Angie Mae Rivera. Kung may katanungan ay maaaring
magpahatid ng mensahe sa numerong 09273579009.
8. Pipili ang inampalan ng labinlimang (15) natatanging entri na itatampok sa opisyal na pahina
sa Facebook at Twitter ng Mapua SHS – Samahan ng Filipino. Lima (5) sa mga ito ay
paparangalan ng Sertipiko ng Pagkilala, at ang may-akda ng may pinakamataas na marka ay
tatanghaling “Makata ng Taong 2020”.
9. Ang ibang mga lahok naman ay maaaring magkaroon ng pagkakataong mabasa sa
pampinid na palatuntunan.
10. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol.

PAMANTAYAN:

NILALAMAN 40%
*Wastong gamit ng mga salita
*Organisasyon ng mga ideya

ESTILO 50%
*Paggamit ng mga simbolismo/pahiwatig
*Lalim at pagiging makahulugan ng tula

ORIHINALIDAD 10%

KABUUAN : 100%

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com
UNIBERSIDAD NG MAPUA
SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

ALAB NG SINING 2020

Agosto 14, 2020


Gamitin ang #MUAlabNgSining2020
FACEBOOK

Ang TIMPALAK NA ALAB NG SINING 2020 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng


Filipino at Samahan ng Filipino kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansâ. Ang
timpalak na ito ay naglalayong hikayatin ang mga alagad ng sining na ibahagi ang kanilang mga
saloobin sa pamamagitan ng likhang-sining. Sa pagguhit ng mga imahe ay maipababatid ng isang
alagad ng sining ang kaniyang mensahe sa madla nang may rikit, husay, at talino na siyang
kasaysayan ng wikang Filipino.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapúa – Senior High
School, Intramuros.
2. Ito ay gawaing indibidwal at walang limitasyon sa bilang ng lahok sa pangkat o klaster.
3. Ang paksa ng timpalak ay “WIKA NG KASAYSAYAN; KASAYSAYAN NG WIKA: Ang mga
Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya.” Ang kalahok ay gagawa ng
sining base sa kaniyang interpretasyon sa paksa. Ito ay maaaring magtaglay ng ilustrasyon o kahit
anong uri ng biswal na sining. Mayroong dalawang kategorya ang timpalak— Digital at
Tradisyonal.
4. Para sa tradisyonal na pagguhit ay dapat nasa sanwalo (1/8) illustration board, para naman sa
digital na pagguhit ay 4:6 ang larawan. Anumang midyum tulad ng krayola, uling, lapis at iba pa
para sa tradisyonal na pagguhit ay pinapayagan.
5. Kailangang isumite ang mga lahok sa Google Form na itinakda ng SNF sa ika-14 ng Agosto. Ang
pamagat ng sumisyon ay may pormat na “Seksyon – Buong Pangalan” (IS101 – Juan Dela Cruz).
6. Sa ika-15 ng Agosto ay ipapaskil ng Samahan ng Filipino ang mga naisumiteng lahok kalakip ang
pamagat at paliwanag nito sa kanilang mismong pahina. Mayroong isang lingo (Agosto 15
hanggang Agosto 21) ang mga nagsumite upang ibahagi ito at paramihin ang bilang ng
reaksiyong “like”, “wow”, at “hearts”. Ang mga pagbabahagi ay dapat gumamit ng
#MUAlabNgSining2020. Lilikumin ni Bb. Jullia Jacinto ang mga bilang at isusumite bilang pinal na
mga tala kay Inst. Nathaniel Torre. Kung may katanungan ay maaaring magpahatid ng mensahe
sa numerong 09669011856.
7. Ang lahok na may pinakamaraming “wow”, “like”, at “hearts” na reaksiyon at pagbabahagi sa
Facebook ay magkakamit ng espesyal na pagkilala mula sa samahan.
8. Anim (tatlo sa tradisyonal at tatlo sa digital na sining) sa mga ito ang pipiliing masining sa
pagguhit na gagawaran ng sertipiko ng pagkilala. Ang dalawang nakakuha ng unang gantimpala
ay tatanghaling “Mangguguhit ng Taon 2020”.
9. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol.

PAMANTAYAN:
PAGKAMALIKHAIN 40%
*kahusayan sa paggawa, pagiging natatangi, at kariktan ng likha

MENSAHE 35%
*kalinawan ng mensahe at kaangkupan sa tema

UGNAYAN NG LIKHANG-SINING SA MADLA 25%


*Nakuha ng madla ang mensahe ng gumuhit

KABUUAN : 100%

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com
UNIBERSIDAD NG MAPUA
SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

“SUMBONG MO SA MEME MO!” 2020

Agosto 17-21, 2020


Gamitin ang #MapuaSHSMemeMo2020
FACEBOOK

Ang “SUMBONG MO SA MEME MO!” 2020 ay ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng


Filipino at Samahan ng Filipino kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansâ. Layunin
ng timpalak na ito ang maipamalas ang maaliwin at malikhaing katangian ng mga Mapúan nang
walang nasasaktan gamit ang impluwensiya ng social media. Ang kalikutan ng isipan ay
magsisilbing pundasyon ng maugnay at makabuluhang meme na hahalina sa madla lalo na sa
mga kabataan.

Tuntunin:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapúa – Senior
High School, Intramuros.
2. Malaya ang bawat indibidwal na gumamit ng iba't ibang mga padron o template ng
meme upang makapagbigay-aliw. Ang bawat indibidwal ay maaari lamang magpasa ng
isang likha sa buong panahon ng nasabing timpalak.
3. Ang paksa ng timpalak ay maaring patungkol sa anumang isyung panlipunan o isyung
pangwika na maiuugnay sa tema ng pagdiriwang na “WIKA NG KASAYSAYAN;
KASAYSAYAN NG WIKA: Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan
Kontra Pandemya.”
4. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga masasamang salita at malalaswang
imahe na maaaring makasakit o makabastos sa makakikita. Ang hindi pagsunod sa
tuntuning ito ay maaaring magresulta sa parusang pandisiplina mula sa Prefect of
Discipline at awtomatikong diskwalipikasyon ng kaniyang lahok.
10. Ang lahat ng padron o template ay ipapaskil sa Facebook kalakip ang
#MapuaSHSMemeMo2020 upang maipakalat at maipahayag. Dagdag pa ay kailangang
isumite rin ang mga lahok sa Google Form na itinakda ng SNF sa ika-21 ng Agosto. Ang pamagat
ng sumisyon ay may pormat na “Seksyon – Buong Pangalan” (IS101 – Juan Dela Cruz).
5. Ang mga lahok na gumamit ng #MapuaSHSMemeMo2020 sa loob ng isang linggo ay
lilikumin ni Bb. Marion Alvarado at isusumite bilang pinal na mga tala kay Inst.
Nathaniel Torre at Inst. Michael Art Muñoz. Kung may katanungan ay maaaring
magpahatid ng mensahe sa numerong 09063727108.
6. Tatlo sa mga kalahok ang pipiliing mahusay sa paggawa ng meme na gagawaran ng
sertipiko ng pagkilala. Ang pinakamahusay na entri ay tatanghaling “Memer ng Taong
2020”.
7. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol.

PAMANTAYAN:

NILALAMAN 45%
*Pagkakaubuo at kaangkupan sa tema

PAGKAMALIKHAIN 30%
*Kaangkupan ng padron o template sa nilalaman

PAGKA-ORIHINAL 15%
*Natatanging disenyo at presentasyon ng nilalaman

UGNAYAN SA MADLA 10%


*Pagiging angkop at madaling makuha ang mensahe ng publiko

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com
UNIBERSIDAD NG MAPUA
SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

KABUUAN : 100%
TAGIS TALINO 2020
Agosto 20, 2020
7:00 n.g. – 9:30 n.g.
KAHOOT AT GOOGLE MEET

Ang TIMPALAK NA TAGIS TALINO 2020 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino at


Samahan ng Filipino kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansâ. Nilalayon ng
timpalak na pasiglahin at pataasin ang antas ng karunungang pangwika lalong higit sa pagsulong
ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapúa – Senior
High School, Intramuros.
2. Ang bawat seksyon ay maaari lamang na magpadalo ng isang mag-aaral. Maaaring
pangasiwaan ng klase o ng guro sa Filipino ang pagpili sa lalahok.
3. Ang paksa ng timpalak ay “WIKA NG KASAYSAYAN; KASAYSAYAN NG WIKA: Ang mga
Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya.” Kaugnay nito, ang
mga napiling paksa para sa iba’t ibang antas ay ang mga sumusunod — mga tipo ng
panitikan, mga obra maestra, buhay ni Rizal, pagsasalin, pamamahayag, limang
makrong kasanayang pangwika, retorika, panunuring pampanitikan, kasaysayan ng
wikang pambansa, mga kilalang tao sa larangan ng pag-aaral ng wika, balarila,
lingguwistika, at mga kakayahang pangwika.
4. Ang lahat ng kalahok ay titipunin muna sa Google Meet upang masigurado na ang bawat
kalahok ay nakapagpatala. Ipapadala rin ang Kahoot quiz link upang sabay-sabay nila
itong mabuksan at masagutan. Ang bawat kalahok ay babantayan mula sa Google Meet
kaya kinakailangan na may kamera ang mga lalahok, kasabay rin nito ang pagsasaere sa
pamamagitan ng Facebook Live.
5. Maaaring magpatala kay Bb. Therese Ayumi Suzuki sa numerong 09175986665. Ang
talaan ng mga kasapi ay isusumite kay Inst. Michael Art G. Muñoz. Hanggang ika- 19 ng
Agosto lamang tatanggap ng mga pangalan ng mga kalahok sa isang seksyon.
6. Ang mahuhuling may tinitingnan na kodigo, selpon o ibang tab ay awtomatikong hindi
mabibilang sa opisyal na tala ng mga kikilalaning kalahok at wala nang pag-asang
magwagi.
7. Magkakaroon ng eliminasyon sa bawat antas ng timpalak.
8. Ang magkakamit ng unang tatlong may pinakamataas na puwesto ang siyang tatanghaling
mga nagwagi, at ang kampeon ang tatanghaling “Henyo ng Taong 2020”.
9. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol.

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com
UNIBERSIDAD NG MAPUA
SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

FILIPINO DUBS 2020


Agosto 17-21, 2020
Gamitin ang #MapuaSHSDub2020
TWITTER

Ang TIMPALAK NA FILIPINO DUBS 2020 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino at


Samahan ng Filipino kaakibat sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansâ. Nilalayon ng
timpalak na pagyamanin at linangin ang kakayahang maipamalas ang talento at galing sa pagda-
dub ng mga banyagang pelikula gamit ang wikang Filipino na may tunguhing mapagyaman ang
wika at kulturang Pilipino.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapúa – Senior
High School, Intramuros.
2. Ang pangkat ay dapat binubuo ng hindi bababa sa dalawang (2) miyembro at hindi hihigit
sa lima (5).
3. Kinakailangan na kumuha lamang ng eksena sa isang banyagang pelikula na tatagal ng
dalawang (2) minuto at hindi lalagpas ng limang (5) minuto.
4. Pinagbabawalan ang paggamit ng dubs mula sa aplikasyon tulad ng TikTok.
5. Magkakaroon ng isang (1) puntos na kabawasan sa iskor ang kada dalawampung (20)
segundo na sobrang oras.
6. Ang bidyo ay naglalaman ng pamagat ng pelikula at eksena na may dub, ito ay kasama sa
limitasyon sa oras na limang (5) minuto. Kailangang isumite ang bidyo sa pormat ng MP4 at
maaaring may oryentasyong pahiga o patayo. Ito ay kailangang maipaskil sa Twitter at gamitan ng
#MapuaSHSDub2020 upang makita at maging opisyal na lahok sa loob lamang ng limang araw na
itinakda. Dagdag pa ay kailangang isumite rin ang mga lahok sa Google Form na itinakda ng SNF sa
ika-21 ng Agosto. Ang pamagat ng sumisyon ay may pormat na “Seksyon – Buong Pangalan”
(IS101 – Juan Dela Cruz).
7. Ang mga kalahok ay magsusumite ng iskrip na naglalaman ng pamagat ng pelikula, mga kasapi at
ang kanilang d-in-ub na karakter, mga linya sa wikang banyaga, at mga linya sa wikang Filipino sa
Google Drive na itinakda. Mangyaring ang pangalan ng file ay ang seksyon at kung higit sa isa ay
sundan ng titik (Dubbing Iskrip - IS101 /Dubbing Iskrip – IS101 A).
8. Maaaring magpatala kay Bb. Marchene Karel Venturina sa numerong ito 09999976764. Ang
talaan ng mga kasapi ay isusumite kay Inst. Wilrose Cipriano.
9. Tatlo sa mga ito ang pipiliing mahusay sa dubbing na gagawaran ng sertipiko ng pagkilala. Ang
pinakamahusay na pangkat ay tatanghaling “Kampeon sa Dubbing 2020”.
10. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol.

PAMANTAYAN:
INTERPRETASYON 35%
*Linaw at emosyon sa pagbigkas ng mga linya sa pelikula

TIYEMPO 30%
*Kaisahan ng boses ng karakter sa eksena

KAANGKUPAN 15%
* pagsasalita at boses ng karkter (kung bata, matanda o iba pa)

KAWASTUHAN 20%
*Pagkasalin ng mga linya sa tagalog

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com
UNIBERSIDAD NG MAPUA
SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

KABUUAN : 100%
TIMPALAK NA LIKHANG-AWIT 2020
Agosto 24; 31, 2020
Buong Araw ; Iaanunsyo
GOOGLE DRIVE ; FACEBOOK LIVE

Ang TIMPALAK NA LIKHANG-AWIT 2020 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino


at Samahan ng Filipino kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Nilalayon ng
timpalak na pagyamanin at payabungin ang kakayahang maipakita ang talento at galing sa
pagtatanghal ng sariling likhang-awit gamit ang wikang Filipino na may tunguhing mapagyaman
ang wika at kulturang Pilipino.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapúa – Senior
High School, Intramuros.
2. Ang paglahok ay maaaring solo (1) o grupo na may hindi hihigit sa anim (6) na miyembro.
Maaaring magpadala lamang ng isang (1) kinatawan ang bawat seksyon o higit pa.
3. Ang paksa ng timpalak ay “WIKA NG KASAYSAYAN; KASAYSAYAN NG WIKA: Ang mga
Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya.” Inaasahang ang
bawat kalahok ay may sariling likhang-awit na itatanghal sa pamamagitan ng
pagsusumite ng bidyo bilang kanilang entri. Ang nasabing likhang-awit ay nararapat na
sariling komposisyon ang liriko at tono. Ipinagbabawal ang paggamit ng mga salitang
bastos at pagmumura sa awitin o sa titik ng kanta. Hindi rin ito dapat kukulangin sa
dalawang (2) minuto at hindi naman lalagpas sa apat (4) na minuto.
4. Ang bawat kalahok ay may kalayaan na maipahayag ang kanilang pagkamalikhain sa
kanilang presentasyon. Kinakailangan lamang makita ang mukha ng bawat miyembro sa
loob ng bidyo. Pinahihintulutan ang pag-edit ng boses sa awitin.
5. Ang bawat kalahok ay inaasahang magsumite ng kanilang presentasyon o bidyo sa
pormat na MP4 at may oryentasyong pahiga (landscape) lamang. Mangyaring gawing
pamagat ng file ang pangalan ng grupo at seksyon nito (Likhang-Awit - Hiraya (IS111)).
Ipaloob sa isang Google Form ang bidyo at ipadala ito bilang mensahe sa Facebook page
ng Mapua SHS - Samahan ng Filipino.
6. Tatlo sa mga lahok ang pipiliing mahusay sa paglikha ng awit na gagawaran ng sertipiko
ng pagkilala. Ang unang gantimpala ay tatanghaling “Kampeon sa Likhang-Awit 2020”.
7. Maaaring magpatala kay Bb. Trixie Alejandro sa numerong 09954528363. Ang talaan ng
mga kasapi ay isusumite kay Inst. Ja Bandojo at Inst. Angie Mae Rivera. Hanggang sa
ika- 24 ng Agosto lamang tatanggap ng mga pagpapatala.
8. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol.

PAMANTAYAN:

LIRIKO 35%
*Orihinalidad, pagkamalikhain, at katugmaan sa tema

TONO 35%
*Kaangkupan at kawastuhan ng paglalapat ng tugtugin at musika

KABUUAN NG PAGTATANGHAL 25%


*Kaisahan ng instrumento, boses, kalinawan/diksyon
ng pagkanta, at pagkamalikhain ng presentasyon ng pinasang bidyo

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com
UNIBERSIDAD NG MAPUA
SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

DATING SA MANONOOD 5%
*Koneksyon sa mga tagapakinig/manonood, dami ng reaksiyon at
pagbabahagi ng post mula sa Facebook page ng Mapua SHS - SNF.
KABUUAN : 100%
DRAMATIKONG DAYALOGO 2020
Agosto 24; 31, 2020
Buong Araw ; Gawad Parangal
GOOGLE DRIVE ; FACEBOOK LIVE

Ang TIMPALAK NA DRAMATIKONG DAYOLOGO 2020 ay itinataguyod ng Kaguruan ng


Kagawaran ng Filipino at Samahan ng Filipino kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansâ. Nilalayon ng timpalak na pagyamanin at payabungin ang kakayahang maipakita ang
talento at galing sa pagtatanghal ng sariling dramitikong dayalogo gamit ang wikang Filipino na
may tunguhing mapagyaman ang wika at kulturang Pilipino.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapúa – Senior
High School, Intramuros.
2. Isa hanggang dalawang pangkat lamang na binubuo ng hindi bababa sa anim (6) na
miyembro at hindi hihigit sa sampung (10) miyembro ang maaaring kumatawan sa isang
klaster.
3. Ang paksa ng timpalak ay patungkol sa anumang isyung panlipunan na maiuugnay sa
tema na “WIKA NG KASAYSAYAN; KASAYSAYAN NG WIKA: Ang mga Katutubong Wika
sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya.” Inaasahang bawat kalahok ay may
sariling iskrip na itatanghal sa paraan ng bidyo o maikling pelikula. Ang nasabing
dayologo ay nararapat na orihinal. Hindi rin ito dapat kukulangin sa limang (5) minuto at
hindi naman lalagpas sa sampung (10) minuto.
4. Magkaroon ng isang (1) puntos na kabawasan sa inyong iskor sa bawat dalawampung
(20) segundo sa sobrang oras.
5. Ang ibang mga miyembro na hindi magpapakita sa bidyo ay inaasahang kasangkot sa
paggawa ng iskrip at pag-edit ng bidyo entri ng seksyon o klaster. Ang paggamit ng boses
ng ibang miyembro bilang voice over ay pinahihintulutan.
6. Kailangang isumite ang bidyo sa pormat ng MP4 at maaaring may oryentasyong patayo o
pahiga. Mangyaring ang panagalan ng file ay ang seksyon at guro sa Filipino
(Dramatikong Dayologo - IS201 - BB. Ragsac) at kung nasa iisang pangkat man ay lagyan
ng titik (Dramatikong Dayologo - IS201 - BB. Ragsac A). Ito ay kailangang maisumite sa
Google Drive bago matapos ang itinakdang araw ng pagpapasa.
7. Maaaring magpatala kay G. Jhon Rovic Talagtag o Bb. Dinah Mitchell Diana sa
numerong ito 09052431517. Talaan ng mga kasapi ay isusumite kay Inst. Wilrose
Cipriano at Inst. Princess Joy Ragsac. Hanggang ika- 24 ng Agosto lamang tatanggap ng
mga lahok.
8. Tatlo sa mga lahok ang pipiliing mahusay sa Dramatikong Dayologo na gagawaran ng
sertipiko ng pagkilala. Ang unang gantimpala ay tatanghaling “Kampeon sa Dramatikong
Dayologo 2020”.
9. Bukod sa nabanggit sa sinundang bilang ay gagawaran din ang mapipiling mga
sumusunod: Pinakamahusay na Aktor, Pinakamahusay na Aktres, Pinakamahusay na
Sumusuportang Aktor, Pinakamahusay na Sumusuportang Aktres, Pinakamahusay na
Direktor, Pinakamahusay sa Iskrip, at Pinakamahusay sa Eksenang-Larawan.
Pitumpung bahagdan (70%) ng pinal na iskor ay magmumula sa inampalan at

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com
UNIBERSIDAD NG MAPUA
SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

tatlumpung bahagdan (30%) naman ay magmumula sa Polling na ipapaskil sa pahina ng


Samahan ng Filipino.
10. Magkakaroon ng pagpapalabas ng mga naisumiteng pelikula sa ika-29 hanggang ika-30
ng Agosto. Kasabay nito, magkakaroon ng polling sa pahina ng Samahan ng Filipino para
sa mga natatanging parangal na nabanggit sa bilang siyam.
11. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol.
Paalala: Magbibigay ng template ang guro sa Filipino para sa ipapasang dokumento ng klister sa
Google Drive na nabanggit. Nakapaloob na rin ang mga nominasyon para sa mga natatanging parangal na
mula sa produksyon ng maikling pelikula. Isang nominasyon lamang sa bawat kategorya ang kailangang
isumite. Ang mga nasa ibaba naman ay magiging gabay sa gagawing paghuhusga ng madla at ng mga
hurado para sa mga parangal ng timpalak.

A. PAMANTAYAN SA PINAKAMAHUSAY NA AKTOR:


PAGLALARAWAN SA TAUHAN 50%
Paraan ng paglalarawan at pagbibigay-buhay sa tauhan na ginampanan. Ang kakayahang
isalaysay nang maayos ang layunin at kuwento ng kaniyang karakter.

PAG-ARTE 40%
Pagpapakita ng kaisahan ng emosyon at kilos. Paghahatid ng mga linya nang may maayos na
tono at tindig.

DATING SA MANONOOD 10%


Pagsasagawa ng koneksyon ng tauhan sa mga manonood.

KABUUAN : 100%

B. PAMANTAYAN SA PINAKAMAHUSAY NA AKTRES:


PAGLALARAWAN SA TAUHAN 50%
Paraan ng paglalarawan at pagbibigay-buhay sa tauhan na ginampanan. Ang kakayahang
isalaysay nang maayos ang layunin at kuwento ng kaniyang karakter.

PAG-ARTE 40%
Pagpapakita ng kaisahana ng emosyon at kilos. Paghahatid ng mga linya nang may maayos na
tono at tindig.

DATING SA MANONOOD 10%


Pagsasagawa ng koneksyon ng tauhan sa mga manonood.

KABUUAN : 100%

C. PAMANTAYAN SA PINAKAMHUSAY NA SUMUSUPORTANG AKTOR:


PAG-ARTE 45%
Kaledad ng pag-arte at pagbibigay buhay ng sumusuportang aktor sa kaniyang karakter

KAHUSTUHAN NG PAGGANAP 45%


Kaledad at paraan ng mas pagbibigay kulay at sigla ng sumusuportang aktor sa kuwento

DATING SA MANONOD 10%


Koneksyon ng sumusuportang aktor sa mga manonood

KABUUAN : 100%

D. PAMANTAYAN SA PINAKAMUSAY NA SUMUSUPORTANG AKTRES:


PAG-ARTE 45%
Kaledad ng pag-arte at pagbibigay-buhay ng sumusuportang aktres sa kaniyang karakter

KAHUSTUHAN NG PAGGANAP 45%


Kaledad at paraan ng mas pagbibigay-kulay at sigla ng sumusuportang aktres sa kuwento

DATING SA MANONOD 10%


Koneksyon ng sumusuportang aktres sa mga manonood

KABUUAN : 100%

E. PAMANTAYAN SA PINAKAMAHUSAY NA ISKRIP:

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com
UNIBERSIDAD NG MAPUA
SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

ISTORYA AT PAGKAORIHINAL NG KONSEPTO 40%


Natatangi at nakaaantig-damdamin ang konsepto ng nabuong istorya

ISTRUKTURA AT DALOY NG KUWENTO 30%


Maayos at malinaw ang daloy ng bawat eksena o pangyayari sa bidyo

KAANGKUPAN SA TEMA 15%


Angkop sa mga napapanahong isyung panlipunan ang paksa ng bidyo

DATING SA MANONOOD 10%


Koneksyon at dating ng mga linya o dayalogo sa mga manonood

KABUUAN : 100%

F. PAMANTAYAN SA PINAKAMAHUSAY NA DIREKTOR:


PAG-ARTE, KARAKTERISASYON, AT INTERPRETASYON NG MGA GUMANAP 30%
Pagpapakita ng emosyon, pagbibigay buhay sa karakter

SINEMATOGRAPIYA 20%
Kaakit-akit ang palasantingin na ginamit sa mga bidyo

DALOY NG KUWENTO 20%


Maayos at malinaw ang daloy ng bawat eksena o pangyayari sa bidyo

PAGKAMALIKHAIN, PAG-EDIT AT PAGAHLO NG MGA TUNOG 20%


Malinaw at maayos ang pagkakahalo ng mga tunog, awdiyo at special effects

PANAWAGAN SA PAGKILOS 10%


Ang maikling pelikula ay nagsisilbing panawagan upang kumilos ang madla

KABUUAN : 100%

G. PAMANTAYAN SA PINAKAMAHUSAY NA EKSENANG-LARAWAN:


ARTISTIKONG PAGPAPAHAYAG 40%
Naipapahayag ang mensahe, kagandahan, at emosyon sa artistikong pamamaraan

KAANGKUPAN SA TEMA AT KONSEPTO 25%


Angkop sa mga napapanahong isyung panlipunan ang paksa ng bidyo

KULAY, PAG-IILAW, AT POKUS 15%


Maayos ang pagkakahalo ng kulay ng mga filter at ilaw

DATING SA MANONOOD 10%


Koneksyon at may katangi-tangi ang palasantingin

PAGKAMALINAW AT KALEDAD NG ISINUMITENG BIDYO 10%


Malinaw ang ginamit na mga bidyo ng bawat eksena

KABUUAN : 100%

PAMANTAYAN SA MAHUSAY NA DRAMATIKONG DAYALOGO:

NILALAMAN 50%
Kaugnayan (25%) - Pagkabuo ng iskrip at kaugnayan sa anumang napapanahong isyu

Organisasyon (15%) - Maganda at maayos ang dalpoy ng kuwento

Orihinalidad (10%)- Kailangang sariling likha ang itatanghal na dayalogo

PALASANTINGIN 40%

Pag-arte, Teknik, at Kaledad (20%) - Pagpapakita ng emosyon, pagbibigay buhay sa karakter

Pagkamalikhain (20%) - Maipakita ang pagkamalikhain ng bawat kalahok

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com
UNIBERSIDAD NG MAPUA
SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

DATING SA MANONOOD 10%


koneksyon ng nagtatanghal sa mga manonood

KABUUAN : 100%

**Ang huli ay pamantayan na ang mga hurado lamang ang magpapasya.

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com

You might also like