You are on page 1of 2

James Heaven T.

Dalangin Stem-2
FILIPINO: Kuwarter 4 Aralin 6

MADALI: Maramihang Pagpipilian

1. B
2. A
3. D
4. B
5. C
6. A
7. C
8. A
9. A
10. A
MAPANGHAMON: Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Iingatan Ka
ni Carol Banawa
Ang awiting pinamagatang “Iingatan Ka,” na sinulat at
kinanta ni Carol Banawa ay isang napakagandang musika.
Mula sa liriko hanggang sa tugtugin ay nakakabighani
mapakinggan ang awitin.

Ang awitin ay may lamang liriko kung saan ninanais


nang mang-aawit na iparating na iingatan niya ang
kanyang mahal sa buhay.

Nagpapatunay na ang kanta sa kakayahan ng isang tao, partikular na ng isang ina, na maghandog
ng walang hanggan na pagmamahal.

Ayon rin sa kanta, ang buhay natin ay may mga magaganda at masasalimuot na parte ngunit
kung mahal natin ang isa’t-isa ay kahit na anong parte pa ng buhay natin ang nangyayari ay dapat lagi
lamang tayong nandiyan at karamay ng ating mahal sa buhay.

PAGBABALIK TANAW

Ang buhay ngayong New Normal ay hindi maikakailang mahirap. Para sa mga ordinaryong
Pilipino katulad ko, mahirap ang makipagsabayan ngayon dahil na rin sa ang lahat ng presyo ay mataas.
Maging ang pamasahe sa mga pampublikong sasakyan ay nagmahal din. Ang mga ekonomiya ngayon ay
lubusang naapektuhan ng krisis na ito. Marami ang nawalan ng trabaho at mayroon ding mga
kompanya na nagsara dahil na rin sa hindi na nila kayang tustusan ang pangangailangan ng kanilang
mga empleyado. Bilang isang ordinaryong Pilipino, mahirap ang buhay higit lalo na kapag ang mga nasa
posisyon ay nagiging bulag sa pangangailangan ng mga mamamayang Pilipino.

Wala nga talagang permanente sa mundo ikan ga kundi ay ang pagbabago. Hindi natin alam
kung kalian nga ba darating ang saya, lungkot, pagluluksa, o kapahamakan. Isa sa mga napakaraming
realisasyon ko sa panahong ito, ay ang pahalagahan ang bawat tao, oras at higit sa lahat ay ang bawat
sandali na tayo ay nabubuhay. Bigyang kahalagahan ang kahit anumang mayroon ka ngayon at gumawa
ng mabubuting bagay.

You might also like