You are on page 1of 4

Bansang Pilipinas

Nakita mo pa ba?
Ang mga pagbabago sa ating bansa?
Sa mga nagkaraang siglo na nakalipas?
Tila ba kumukupas na ang ganda ng bansang Pilipinas?

Ihanda ang sariling ideya at mga impormasyon


Para sa lagay ng ating Nasyonalisasyon
Napapansin pa ba ng mga mamamayang dito nakatira?
Napagtanto ba ng isang indibidwal ang pagiging Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan
at Makabansa?

Unang Una sa lahat, PANANAMPALATAYA


Likas na satin ang pagiging isang relihiyoso
Bawat panalangin na sentro nating mga katoliko
Ang pagiging makadiyos ay isang hakbang at gabay
Na kanyang nagawa kapalit ng kanyang buhay

Ngayong taon Sinubok tayo ng Panginoon


Covid-19 Pandemic ang binigay niyang hamon
Ngunit sa ating pananampalataya sa kaniya
Kaginhawaan ay ating matatamasa

Sa ating mga kasalanan na nagawa


Mga kamalian na hindi natin na itama
Sapat ba ito para hindi na magbalik loob sa kaniya?
Dahil sa mga kasalanan itong ikaw ay wala na.
Nawala na, sa tamang landas na nilaan niya
Kaya ka nag-iisa dahil ika’y nagkasala
Ngunit di pa huli ang lahat, Kasi hindi pa tapos ang laban
Muling magbalik loob sa kaniya dahil ito ang iyong kailangan

Pangalawa, Ang salitang DISIPLINA

Isang salita, siyam na letra


Tapon doon tapon dito, ika nga ng isang kanta
Sa simpleng pagtapon ng plastic ng kendi sa tamang basurahan,
Mas pinili mo pa itong itapon sa gilid ng daanan,

Tayo pa ba ay disiplinado?
Tila ba nawawala na ito sa bokabularyo ng ibang mga Pilipino,
Sa sinyales na “bawal tumawid” sinusunod mo ba ito?
O mas pinili mong tumawid dahil mas madali para sa iyo.

Ikaw! Oo ikaw! Pumili ka isang libo


Para sa iyong boto o kalayaan para sa ating Pilipino?

Magsisilabasan ang mga kandidato


Na bumibili ng boto para lang manalo,
Huwag na tayong magpapaloko sa ganitong kandidato,
Tandaan mo sa iyong pagboto nakalaan ang kalayaan nating mga Pilipino,
Ikatlo,
Pagkakaroon ng RESPETO sa kapwa Pilipino,
Patas at pantay paba ang ating pag trato?
Sa pagkanta ng Lupang Hinirang
May kaakibat pa ba na paggalang?

Sa mga nagdaang rebolusyon


Na bumuo ng ilang organisasyon
Para protektahan ang sibilisasyon
Na nakamit hanggang sa ating henerasyon

Tuklasin natin ang salitang RESPETO


Na laging kinakalimutan ng sambayanang Pilipino.
We had our freedom to express ourselves
But it was used in judgment and disgraces

Ikaapat ay salitang RESPONSIBLE


Huwag pairalin pagiging iresponsable

Tayo pa ba ay sumusunod sa ating magulang, Mga batas, o alituntunin sa


pamayanan?
Na inuuna ang mga tungkulin at hindi ang pansariling kagustuhan
Ngunit sa ating kasalukuyan mga kabataan
Mobile legends, Call of Duty ng pinagtutuan

Imbis na bigyan ng atensyon


Ang mga tungkulin ng nasyon
Sa mga gadgets tayo nakatuon
Tulad na lang ng ating cellphone
Ang isang responsableng mamamayan
Ay mayroon kamalayaan sa kaganapan
Sa mga problemang hinaharap ng bayan
Gaya na lang ng pandemya na ating pinagdadaan

Ngunit ang mga Millenials ngayon


Teknolohiya ang komunikasyon
Na ang hilig na lamang ay chismis
Nagiging isang makabagong Marites

Pinakahuli at ang pinakamahalaga


Ay isang mabuting mamamayan na
May pagmamahal para sa bayan
Pagmamahal sa Diyos, bansa, kalikasan,

Sa ating mga kapwa at pananampalataya


Sa Panginoon na siyang lumikha
Pagpapahalaga ng bawat
Tinatamasang kalayaan para sa lahat

Dahil ba ito sa kahirapan at korapsyon?


O Dahil sa hindi nagampanan na obligasyon?
Mga mamamayan na hindi kayang mahalin ang sariling atin?
O anong misyon pa ba ang kailangan para sa ating tungkulin?

Ika’y aking tatanungin, isa ka bang mabuting mamamayang Pilipino?

You might also like