You are on page 1of 3

Naisip mo ba kung ano ang mangyayari sa isang sasakyan kung wala itong drayber?

Naisip

mo rin ba kung ano ang mangyayari dito kung sakaling ang drayber ay nakainom ng alak? Tamang-

tama ang naisip mo kaibigan, maaaring mawawatak ang isang pampasaherong dyip kung

nakainom o di kaya ay lasing ang nagmamaneho nito. Paano rin ba tayong mga Ilocano?

Tayong mga Ilocano ay masasabing isa sa mga pinakamalaking grupo na naninirahan dito

sa Pilipinas. Ilocano ng Abra, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Cagayan at iba pang katatagpuan ng mga

ito. Magkakalapit ang mga probinsya ngunit pinaglalayo ng mga naglalakihang bundok at mga

ilog. Ngunit, hindi ito ang magiging balakid upang matuldukan ang ating nais na umunlad at

pumaitaas, ang magisnan na ang mga Ilocano ay matatalino, maparaan at higit sa lahat kayang-

kayang umunlad sa lahat ng mga bagay. Ang mga bundok at ilog na nagpapalayo sa atin sa iba pa

ay unti-unti nating gibain, alisin at isiping hindi ang mga iyon ang hadlang upang maisulong natin

ang kaunlaran simula sa atin patungo sa pagkakabuklod-buklod ng bayan nating Pilipinas.

Masisimulan lang natin iyan kung patuloy nating ipagmalaki ang ating kultura, naiibang sining at

mga tradisyon na kinamulatan natin. Ang pagmamahal sa kinagisnang kultura, sining at tradisyon

ang magsusulong sa atin at ang pagtanggap na tayong Ilocano ay iisa, saang mang sulok ng mundo

tayo matatagpuan. Anu-ano nga ba ang mga dapat kailangan upang tayong mga Ilocano ay

makatulong o maisulong ang pagbuklo-buklod ng mga Pilipino para sa ating bansa?

Una, pagkakaisa ang dapat taglayin sa lahat ng bagay lalo na sa paggawa ng mga bagay na

ikauunlad ng sambayanang Pilipino. Paano natin maisusulong ang gusto natin kung walang

pagkakaisa? Ihalintulad natin sa tingting na kung pinagbuklo-buklod ay nakabubuo ng isang walis,

walis na kayang itaboy at linisin ang anumang kalat. Sa pamamagitan nito, mas madali nating

matutunan ang mga bagay-bagay at maipasa sa mga susunod na henerasyon nang sa gayon ay

kanila itong taglayin habang pinag-uugnay ang mga naghihiwalay na pulo ng Pilipinas. Ikalawa,
pagkatuto sa lahat ng bagay. Kailangang matutunan ng bawat Ilocano ang mga dapat gawin upang

maging kapaki-pakinabang sa lipunan. Kailangan nitong matutunan ang adhikain at layunin nang

sa ganoon ay unti-unti nitong maisakatuparan. Kailangan nitong magkaroon ng bukas na isip sa

lahat ng mga pagbabagong nagaganap sa lipunan. Kailangan nitong tanggapin ang mga bagong

ideya at pamamaraan lalo na sa pag-usbong ng teknolohiya at paggamit nito. Unti-unting

natutuklasan ang galing ng mga Ilocano sa pamamagitan ng social media. Maging mapagmatyag

at mapanuri sa lahat ng mga bagay lalo na para sa ikabubuti ng kapakanan ng bawat Ilocano. Kapag

taglay natin ito, tiyak na tayo ay maging kapaki-pakinabang sa ating bansa. Maging modelo tayo

sa mga ibat-ibang pangkat na naninirahan sa bansa, may mithiin at mahalaga ang bayang

sinilangan. Ikatlo ay ang pagmamahal sa sariling lupa. Ang maigting at mainit na pagmamahal at

pagpapahalaga sa sariling bansa ang siyang magtuturo sa landas na tatahakin. Ito ang magiging

gabay nating mga Ilocano, at iba pang mamamayan ng Pilipinas para sa pagbuo ng nagkakaisang

bansa. Isaalang-alang din natin ang kapakanan ng bawat isa at hindi lang ang pansariling-atin ang

iisipin. Ang pagtanaw sa nakaraan ay nakatutulong din upang makamit ang layunin. Maliwanag

na ipinapahayag ng isang kasabihan na mahalaga ang pagtanaw sa nakaraan upang mas mapalalim

pa ang pag-unawa sa hinaharap, at sa pamamagitan nito, mas matutukoy kung anong direksyon

ang tatahakin.

Kayang-kaya nating mga Ilocano ang tumawid sa anumang mga balakid sa ating landas

patungo sa pagkakaisa ng ating bansa basta’t taglay lamang natin ang mga kaaya-ayang ugali.

Papaandarin na ba natin ang ating sasakyan tungo sa nagkakaisang Pilipinas? Tara, sakay na!

You might also like