You are on page 1of 7

Name: DE VERA, KYLE C.

Date: July 02, 2021


Course Yr.&Sec.: BSA-3A Score:
MODULE 1-3
III. PANIMULANG GAWAIN
A. Panimulang Ebalwasyon

1. ✓
2.
3.

4. ✓

5. ✓
6.
7.
8.

9. ✓

10. ✓

V. PAGSASANAY
1. Wika
2. Pangulong Manuel Quezon
3. Teoryang Bow-wow
4. Saligang Batas
5. Tore ng Babel
6. Malayo – Polinesian
7. Pagkakalilanlan
8. Ginagamit ng nakararami
9. V
10. Komisyon ng Wikang Filipino
VI. PANGWAKAS NA EBALWASYON
A. Sagutin ang mga katanungan.
1. Ilan sa samahan na tumulong upang magkaroon ng Wikang Pambansa ay ang mga
sumusunod: a.) Aklatang Bayan; b.) Kapulungan ng Wikang Tagalog; c.) Samahan ng mga
Mananagalog ; at d.) Akademya ng Wikang Pilipino. Ang ahensya naman na tumulong para
magkaroon ng Wikang Pambansa ay ang Surian ng Wikang Pambansa na kilala na sa tawag na
Komisyon ng Wikang Filipino.
2. Sa tingin ko ang dapat pahalagan sa pagpili upang maging wikang Pambansa ay dapat ito ay
alam ng nakararami at kayang aralin ng lahat ng mamamayan. Ito ay sa kadahilanang ang wika
ay dapat magdulot ng pagkakaisa ng mga tao. Batay rito, ang mga wika na dapat pagtuunan
nang pansin para sa akin ay ang dayalektong Tagalog at Bisaya dahil itong dalawang dayalekto
ang prominenteng ginagamit sa bansa.
3. Ang mga “criteria” na ginamit sa pagpili ng Wikang Pambansa ay una, ginagamit ng
nakararamiang Pilipino. Pangalawa, sa wikang ito ay nasusulat ang pinakadakila at maraming
panitikang Pilipino. Pangatlo, may pinakamaunlad na balagtasan. Pang-apat, may mayamang
mekanismo. At panglima, madaling matutunan ng mga mamamayan
4. Naiwasan ang “regionalism” sa pagpili ng wikang Pambansa sa pamamagitan ng mga
bumubuo sa Lupon ng pagpipilian ay galing sa iba’t ibang pook o rehiyon.
5. Bukod sa pangulong Quezon at sa mga kasama nya na sina Santos, Lopez, Calderon, Sevilla at
iba pa, ang ilan sa mga napiling palaaral upang maging kabilang sa Surian ng Wikang Pambansa
na tutulong para magkaroon ng wikang Pambansa ay sina, Jaime C. De Veyra, Cecilio Lopez,
Santiago A. Fonacier, Felimon Sotto, Felix S. Salas, Hadji Butu at Casimero F. Perpekto.
B. Magbigay ng ilang pangungusap na nauugnay sa mga sumusunod:
1. Hadji Butu- Siya ang isa sa Pitong napiling palaaral na bubuo sa Surian ng Wikang Pambansa
upang pumili ng wikang Pambansa. Siya ay nanggaling sa rehiyon ng mga Muslim na syang
magpapakilala nito sa iba pang palaaral.
2. 28 titik – Ang alpabetong Filipino na dati ay binubuo ng 20 titik ay nadagdagan ng 8. Ito ay
ang mga titik na C, F, J, Ñ, Q, V, X at Z. At ang mga letrang ito ay binibigkas ng halintulad sa
English Alphabet.
3. Batas Komonwelt Blg. 570 – Ito ay ang saligang batas na itinadhana na ang wikang Pilipino na
ang gagamiting wikang Pambansa ng Pilipinas. Itong batas na ito ay isinagawa noong taong
1940.
4. Intelektwalisasyon ng wika – Ang wikang Filipino ay nagdaan sa maraming pangyayari upang
ito ay lubusang malinang at mapagyabong. Nagsimula ito sa pagiging simpleng panukala
hanggang pinatupad sa pamamagitan ng tulong ng mga palaaral upang malaman ang
pinakapopular na dayalekto sa bansa. Nagsimula ito bilang Tagalog hanggang nagging Pilipino at
ngayon ay kilala na sa tawag na wikang Filipiono.
5. Jayme C. De Verra – Siya ay isa s apitong palaaral na napili upang magsaliksik tungkol sa mga
dayalekto na gagawing pilian nang magiging wikang Pambansa. Siya ay ang representante ng
lalawigan ng Bisaya- Samar.
6. Ferdinand Marcos – Siya ang pangsampung Pangulo ng Pilipinas. Noong Oktubre 24, 1967,
nilagdaan ng pangulong Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.96 na kung saan ay
nagtatakda na ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ay papangalanan sa wikang Pilipino.
7. Lope K. Santos – Siya tinaguriang Ama ng Balirala ng Wikang Tagalog at Apo ng mga
Mananagalog. Siya rin ay ang pinuno ng samahan kilala sa tawag na Samahan ng mga
Mananagalog. Siya rin ay isa mga unang nagpalaganap ng wika sa bansa.
8. Tagalog – Ito ang pinakaunang Wikang Pambansa na ginamit ng Pilipinas. Ito ay nilagdaan
noon sa Saligang Batas na ginamit sa Pakto ng Biak-na-Bato. Ang naglagda nito ay ang lider at
unang pangulo nang bansa na si Pangulong Aguinaldo.
9. Bicol – Ay isa mga lalawigan na nagrepresenta sa mga dayalekto sa Pilipinas upang pagpilian
nang magiging wikang Pambansa. Ang palaaral na nagrepresenta sa lalawigang ito ay si
Casimero F. Perpekto. Isa rin ito sa mga lalawigan na sumapi para laban ang mga Amerikano
kasama ang heneral Antonio Luna.
10.Manuel L. Quezon – Ang pangalawang pangulo ng Pilipinas. Tinaguriang “Ama ng Wikang
Pambansa”. Siya ang pangulo na nagpursige upang magkaroon ng Wikang Pambansa ang
Pilipinas at nagtagumpay sa kanyang hangain.
VII. TAKDANG ARALIN
A. Mula sa Aralin na pinag-aralan mo at magtala ka ng limang (5) Teorya ng Wika na lubos mong
pinaniniwalaan na pinagmulan ng wika? Ipaliwang ang iyong sagot sa bawat napili mong teorya.
Baway teorya ay hindi bababa sa 10 pangungusap ang iyong paliwanag at amgbigay ng sariling
halimbawa.
1. Teoryang Bow-Wow – Ako ay naniniwala sa teoryang ito sa ilang kadahilanan. Una na rito ay
ito na ay isang pigura nang pagsasalita na kilala sa tawag na “Onomatopoeia”. Ito ay pigura
nang pagsasalita na kung saan ay ginagaya sa pagsasalita ng tao ang tunog mga bagay bagay
kasama na ang mga hayop. Halimbawa nito ay sa tuwing nagkwekwentuhan ang mga tao ay
para mapabatid nila sa kausap nila ang mga bagay na may tunog ngunit di nila maalala ang
pangalan ay siyang ang tunog ang binabanggit nito. Ikalawang rason ay pagpinapantig-pantig
natin ang mga salita ay ang mga tunog ng bawat isa ay mahahalintulad sa mga tunog nang mga
hayop at bagay sa paligid natin. Isang halimbawa nito ay ang letrang “S” na kung saan ay kalapit
ito ng tunog ng ahas na “ssssss” ang tunog. Ikahuling rason ay dahil sa mga katutubong
hanggang ngayon ay gumagamit parin ng mga huni at ibang tunog sa pakikipagalastasan sa
kapwa nila. Dito mababatid natin na nasa tao na talaga ang paggaya nito sa mga tunog sa
paligid nito para na rin ibang rason tulad ng pag”blend” sa paligid lalo na pag ito ay nangangaso.
Ito rin ay dahil sa mas madaling manggaya ng tunog o huni kaysa sa gumawa nang sariling klase
ng tunog. Dahil sa mga bagay na ito ay lubos akong naniniwala sa teoryang ito.
2. Teoryang Ding-Dong – Ang teorang ito ay nagsaad na kung saan ang mga simbolo ay may
kaugnayan sa tunog o aksiyon na pinapahiwatig nito. Itong teoryang ito ay nagsasabi rin na ang
mga sinasabing simbolo na ito ay mahalaga sa mundo o sa buhay ng tao. Isang halimbawa nito
ay noong sinaunang panahon pa lamang ay may pagkakahulugan na ang ating mga ninuno sa
mga simbolo sa kapaligirin. Halimbawa nito ay ang mga posisyon nang bituin sa langit para sa
lokasyon, mga bato, halaman o bagay at hayup na binibigyang kahulugan na ito ay isang
espiritu. Mali man ito sa paningin natin ay pinaniwalaan nilang ito ang kahulugan nang mga ito.
Sa modernong panahon, ang mga simbolo na ating ginagamit ay simple lang at may simpleng
kahulugan katulad ng pula berde at dilaw sa “stoplight”. Pula para sa hinto, berde para sa
arangkada at dilaw para sa paghanda sa paghinto. Isa pang halimbawa nito ay mga “logo” ng
mga negosyo o kumpanya. Hanggang ngayon ay ginagamit ito at may mga nakatagong
kahulugan dito lalo na sa mga sikat na imahe. Dito ay malalaman natin na ang mga simbolo nga
talaga ay may kaugnayan sa mga pagpapakahulugan natin sa mga bagay o aksiyon ng tao sa
mundo.
3. Teoryang Pooh-Pooh – Ang teoryang ito naman ay nakasentro sa mga tunog na nililikha nang
tao na may kaugnayan sa kahulugan nang tunog na ito. Ito rin ay kadalasang dahil sa masinding
damdamin ng tao tulad ng galak, lungkot, takot, sarap at iba pa. Sa kahulugan pa lamang ay
mabibigyan na natin ng sinopyo na ito ay likas na tunog na lumalabas sa tao sa tuwing
nararamdaman nila ang mga ito. Isang halimbawa nito ay ang katagang “sus, maryosep!”. Ito ay
nanggaling sa mga ngalang Jesus, Maria at Joseph na napakahalaga sa bibliya. Pinakahuhulugan
nang kataga na ito ang pagkabigla at tipong nagdarasal para sa kabutihan. Mabibigyan natin
nang konklusyon ito na kahit ang mga salita ay wala namang kahulugan ay nagagamit ito ng tao
para mabigyan nang personipikasyon ang nararamdaman nila sa pamamagitan ng tunog.
Malalaman din natin dito na hindi mahalaga ang salitang gagamitin kundi ang tono at aksiyon
nang tao sa likod nang gusto nyang ipahiwatig. Ilan pa sa halimbawa nito ay “mmmmmmh!”
tuwing nasasarapan sa pagkain ang tao at “ahhhhhhhh..” kapag naman nasasarapan ang
pakiramdam ng tao. Isa pa ay ang “ahh!” pag nagulat ang tao pero pinapahaba ito
“ahhhhhhhhh!” pag natatakot naman ito.
4. Teoryang Galing sa Bibliya – Itong teoryang ito ay isa sa mga pinakalumang teorya na
pinaniniwalaan ng tao. Ito ay patungkol sa dahil sa pagkakaroon ng iisang wika ng tao ay kaya
nilang magkaisa upang maabot ang Diyos at malagpasan ito. Dahil dito ay binigyan sila ng Diyos
ng magkakaibang wika para di sila magkaintindihan at magkagulo. Kaya ang lungsod nila ay
tinawag na Babel at ang tore naman na ginawa nila ay tinawag na Tore ng Babel na
nangangahulugang lungsod ng pagkakagulo o tore ng pagkakagulo. Dito sa teoryang ito ay
pinatutunayan na ang pagkakaisa ay nakukuha kung lubos na nagkakaintindihan ang mga tao.
At pinakamagkakaintindihan ang tao dahil sa wika na pinatunayan ng mga gyera. Dahil lubos na
nakakatulong ang wika ay naglalagay ng espiya ang kalaban sa kampo ng kabila para malaman
ang aksiyon na tatahakin ng kalaban ngunit dahil dito ay inencrypt nila ang kanilang mensahe sa
di naiintindihan ng kalaban para di nila maintindihan ang aksyong tatahakin ng kabilang kampo.
Dito makikita na dahil sa pagkakaroon nang iisang wika at naiintindihang lubos ng bawat isa ay
magkakaroon ng pagkakaisa ngunit pwede din itong magamit laban sa iyo.
5. Teoryang Yo-He-Ho – Malalaman sa teorya na ito na may kagnayan sa paggamit ng pwersang
pisikal ang tunog o salita na lumalabas sa tao. Dito makikita na ang pagbuo ng tunog o salita ay
di lamang dahil sa utak na naguutos sa bunganga ng tao kundi pati ang pisikal na interaksyon
nito sa mundo. Isang magandang halimbawa nito ay sa mga pampalakasan na nilalaro ng tao,
espesyal na sa “Boxing”. Sa pampalakasang ito ay may iba’t ibang tunog na nilalabas ang
boksingero tulad ng “haa!” pagkabumibitaw ng suntok na may kalasan at “sssssh!” pagkanaman
ito ay bumitaw nang mahihinang suntok pangtaboy sa kalaban. Sa pampalakasan naman ng
“Weightlifting” ay sumisigaw ng “AAAAAHHHHH!” nang malakas ang kumpetitor kapag
bumubuhat nang sobrang bigat. Makikita natin dito na sa tuwing gagamit tao ng lakas ay
kailangan maglabas ng hangin ang katawan kasabay nito para maibigay ang buo nitong lakas.
Naayon din ito sa pag-aaral ng siyensya dahil ang lakas ay di maibibigay nang sagad kung ang
hangin sa katawan ng tao ay hindi kasabay na mailalabas. Isa pang halimbawa ng teoryang ito
ay sa tuwing nagkekwentuhan ang mga tao na kapag may aksyon na nagaganap sa kwento ay
may kasabay itong tunog. Kapag naglalaro din ang mga bata ng espadahan ay nagsasabi sila ng
“tsing!” sa tuwing nagtatama ang mga sandata nila na nagpapatunay na matindi ang kanilang
sagupaan.

B. Magsaliksik ng iba pang kahulugan ng Wika. (10 kahulugan)


1. Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. (Leo James)
2. Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito. (Whitehead)
3.  Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang
kultura. (Henry Gleason)
4. Ang wika ay maituturing na behikulo ngpagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa
pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan. (Constantino)
5. Ang wika ay kultura. Isa itongkonektibong kaban ng karanasan ng mga tao at ng kasaysayan
ng wika. Dahil sa wikang nakatala samga aklat pangkasaysayan at panliteratura, nagkikita ng
bayan ang kanyang kultura na natutuhan nitongangkinin at ipagmalaki. (Ngugi Lhiong)
6. Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. Isangkahulugan, taguan, imbakan o
deposito ng kaalaman ng isang bansa. (San Buenaventura)
7. Ang wika ay isang prosesong mental. May unibersal na gramatika at mataas naabstrak na
antas; may magkatulad na katangiang linggwistik. (Chomsky)
8. Nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa sistema ang wikana nakikipagnteraksyon.
Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng gruponggumagamit nito. Isa
itong kasanayang panlipunan at makatao. (Hymes)
9. Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin, at mithiin. (Edward Sapir)
10. Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin, at mithiin. (Edward Sapir)

C. Magsaliksik ng iba pang Bagong kaganapan tungkol sa wika.


Sa paglipas ng panahon, may mga pagbabago sa wikang Filipino na maliliit. Isa na rito ay
ang pagdaragdag ng mga salita. Tinatawag itong Wikang GenZ na kung saan saan ay mas kilala
sa tawag na jejemon. Ito ay kadalasan na ginagamit sa tuwing nagte-text ang mga kabataan
tulad ng “d2 na aq.”, “otw na q” o ang paggamit ng “ganern” kaysa “ganoon o ganu’n”. Dahil
dito ay nahihirapang maintindihan ng mas nakakatadang populasyon ang mga salitang
ginagamit ng mga nakababata sa kanila. Sa interview na ginawa ng dating ABS-CBN sa mga tao
ay mababatid natin na di masyadong nakasasabay o naiintindihan ng mga nakatatanda ang
ganitong klase ng paggamit ng wika. Ayon pa sa isa ay mas nararapat na gamitin ng maayos ang
wika para di makapagdulot ng pagkakagulo sa makakabasa ng nasabing mga bagong salita.

D. Magbigay ng iyong repleksyon mula sa araling napag- aralan mo sa mga Aralin sa Modyul na
ito.
Sa modyul na ito ay marami akong bagong kaalamang nakuha at mga kaalamang nabago
o naitama. Isa na rito ang ebolusyon ng Wikang Pambansa mula sa Tagalog hanggang maging
Pilipino at ngayon ay Filipino na. Dahil din sa araling ito ay mas lalo kong naintindihan kung ano
ba talaga ang wika at kung paano nito naabot ang kasalukuyang kalagayan nito. Nalaman ko rin
sa araling ito kung gaano kahalaga ang opisyal na wika o wikang Pambansa para sa isang bansa
sa katauhan nito at pagkakaisa ng mga mamamayan nito.
Sa aralin ding ito ay nalaman ko ang mga teorya na pinaniniwalaan sa likod ng wika. Ilan
sa teoryang ito ay may kinalaman sa kilos ng tao. Ang iba naman ay may kinalaman sa simbolo
ng mga bagay bagay. At huli karamihan rito ay nanggaling mismo sa tao na likas nilang nakikita
o naririnig at ginagaya na galing sa kapaligiran. Malalaman din natin sa araling ito ang iba’t
ibang angkan ng Wika sa mundo at ang katangian ng wika.
At pinakamahalaga sa araling ito ay ang kasaysayan ng ating pambansang Wika. Ito ay
nagsimula sa pakto sa Biak-na-Bato patungo sa mga iba’t ibang samahang pangwika na
nagpayabong, nagpakalat at ipinaglaban ang ating wika. Hanggang ito ay dumating sa panahon
ng mga Pangulo na nagpayabong at nagpaunlad ng ating wika dahil sa kanilang mga pinatupad
at mga ginawa katulong ang iba’t ibang tao na may malasakit at pagmamahal sa wika natin.
Mababatid natin sa araling ito na ang wika, ay hindi lamang simpleng salita ngunit ito rin
ay ang pagkakakilanlan ng bansa. Hindi lang ito nagdudulot ng pagkakaunawaan sa mga
mamamayan bagkus ito rin ay nagdudulot ng pagkakaisa sa mga mamamayan na makatutulong
sa bansa upang mas lalong umunlad at bumuti ang lagay. Higit sa lahat, ang wika ay ang diwa at
kaluluwa ng bansa na siyang sandata ng mga mamamayan nito laban sa mga pagsubok upang
sila ay magkaintindihan at magkaisa.

You might also like