You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Commission on Higher Education (CHED)

Alfelor Sr. Memorial College Inc.

Poblacion, Zone II Del Gallego, Camarines Sur

BANGHAY ARALIN sa ARALING PANLIPUNAN GRADE 10

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pang-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at


pandaigdigang isyung pang ekonomiya tungo sa pagkamit ng pambansang kaunlaran.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:

Inaasahang ang mga mag-aaral ay makabubuo ng programang pangkabuhayan batay sa mga


pinagkukunang yaman na matatagpuan sa pamayanan upang makatulong sa pagligtas sa mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap ng mga mamamayan.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Naipaliliwanag ang katangian ng top-down approach at bottom-up approach sa pagharap sa suliraning


pangkapaligiran.

I. LAYUNIN

A. Natutukoy ang kahalagahan ng mga termino at konsepto gaya ng hazard, disaster, vulnerability, risk
at resilience.

B. Naipapaliwanag ang iba't-ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa komunidad at bansa.

C. Nasusuri kung paano masasabing resilient ang isang pamayanan mula sa sakuna.

II. NILALAMAN

Paksa: Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran

Sanggunian: Paghahanda sa kalamidad (Philippines non-formal education projects) 2001. pp. 42-47,
Curriculum Guide, www.google.com, www.youtube.com

Kagamitan: Larawan, Manila Paper at pentel pen.

Pagpapahalaga: Sa mga paghahanda na nararapat gawin kapag may kalamidad at sakuna.


III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

Pagbati:

"Magandang umaga Grade 10!" (Masiglang "Magandang umaga din po Ma'am!"


pagbati sa mga mag-aaral na Grade 10)

Pagdarasal:

"Bago natin simulan ang ating talakayan nais kong


tumayo ang lahat para sa panalangin na Michelle: "Magdasal po tayo. Sa ngalan ng Ama, ng
pangungunahan ni Michelle." anak at Espiritu Santo, Amen."

Pagtala ng mga lumiban sa klase:

"Lahat ba ay natawag? May lumiban ba ngayong "Lahat po kami ay natawag at wala din pong
araw na ito?" lumiban Ma'am"

"Mahusay kung ganun!"

Pagganyak:

"Maaari na tayong magsimula. Magkakaroon kayo "Mukhang masaya po iyan Ma'am!"


ngayon ng debate patungkol sa paksang: Kanino
nga ba nakasalalay ang paghahanda para sa mga
darating na kalamidad at sakuna? Sa pamahalaan
kaya? O sa mamamayan?"

"Oo! Kaya naman hahatiin natin sa dalawang


pangkat ang inyong klase para magkaibang panig "Opo, Ma'am!"
pero bago yun, alam niyo ba ang ibig sabihin ng
debate?"

"Sige nga! Ibahagi niyo nga saakin kung ano ang Isabel: "Ang debate po ay isang pormal na
ibig sabihin ng debate, Isabel". pakikipagtalo na kung saan ay isinasagawa ito ng
dalawang grupo o indibidwal na may
magkasalungat na panig tungkol sa isang partikular
na paksa."

"Mahusay Isabel! Kaya naman ang unang pangkat


ay papanig sa pamahalaan samantalang ang Unang Pangkat: "Para po saamin, nakasalalay sa
pangalawang pangkat ay papanig sa pamayanan. pamahalaan ang paghahanda para sa mga darating
Maaari ng mag umpisa ang unang pangkat." na kalamidad at sakuna sapagkat sila ang
ahensiyang laging nakaalalay sa mamamayan ng
bawat komunidad."

"Mahusay! Ang ikalawang pangkat kaya?"

Ikalawang Pangkat: "Hindi po.kami sang ayon sa


tinuran ng unang pangkat dahil para po saamin,
nakasalalay ang paghahanda para sa mga darating
na kalamidad at sakuna sa mga mamamayan
sapagkat hindi sa lahat ng oras ay aasa ang bawat
mamamayan sa pamahalaan lalung-lalo na sa oras
ng sakuna at kalamidad."
(Ang guro ay tahimik lamang na nakikinig sa mga
opinyon ng dalawang pangkat) Unang Pangkat: "Bakit? Sa tingin niyo ba lahat ng
mamamayan ay alam ang gagawin kapag nagka
sakuna o kalamidad? At sa tingin niyo ba sapat ang
kakayahan at lakas ng mga mamamayan upang
makaligtas ng walang tulong ng pamahalaan? Para
saamin hindi! Kaya nga mahalagang maunawaan
natin na nakasalalay sa kanila ang paghahanda sa
anumang hamon ng kapaligiran dahil sila ang mas
nakaka-alam ng mga hakbang patungkol dito."

Ikalawang Pangkat: ""Hindi maaari yan! Paano


kung huli na silang umaksyon? Kawawa ang bawat
mamamayan! Kaya nga't higit na mahalaga na isa
alang alang ng bawat mamamayan ang
paghahanda sa anumang sakuna o kalamidad na
darating ng hindi umaasa sa kahit na sinoman
maging sa pamahalaan."

"Maraming salamat po Ma'am."

"Mahusay! Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili


dahil naipahayag niyo ng malinaw ang inyong mga
opinyon hinggil sa paksang aking binigay."
"Bakit po? Paano niyo po nasabi Ma'am?"
"Nais ko lamang ipabatid sainyo na kayong
magkaibang panig ay parehong tama sa inyong
tinuran."
"Opo Ma'am."
"Dahil ang pamahalaan at mamamayan ay
kailangang parehong handa kung sakaling may
dumating man na hamon ng kapaligiran. Sa kanila
nakasalalay ang paghahanda ukol dito. Maliwanag
ba?"

B. Paglalahad
"Kung sakali man pong magkakaroon ng kalamidad
"Bago natin simulan ang ating talakayan, nais kong o sakuna sa aming lugar ay maaari kaming lumikas
malaman ang inyong mga sagot ukol sa mga sa evacuation center na inihanda ng pamahalaan o
tanong na ito (nagtungo ang guro sa nakadikit na ng ibang ahensiya nito."
manila paper sa unahan) na may tanong na: Kung
sakaling magkakaroon ng kalamidad sa inyong "At maaari kaming humingi ng tulong sa mga taong
lugar, a) saang ligtas na lugar ka maaaring nagsanay ng lubos sa ukol sa mga kalamidad o
lumikas?, b) kanino ka hihingi ng tulong?" sakuna katulad ng pulis, bumbero, at LGU."

"Mahusay! Tama ang inyong mga tinuran!."

C. Pagtalakay "Opo Ma'am."

"May ibibigay ako sa inyong artikulo at babasahin.


Maaari niyo bang basahin ang mga ito?"

(Nagtawag ng estudyante para basahin ito ng


malakas sa loob ng silid-aralan)

"Maraming salamat Harold."


"Tungkol po ito sa top-down approach at bottom
"Tungkol saan ang inyong binasa?"
up approach na nakapaloob ang mahusay na
disaster management kung saan natutukoy kung
ano ang mga paghahandang dapat gawin kung
sakaling may sakuna."

"Tama! Ito ay binigyang diin ni?" "Ni Carter(2002) po Ma'am."

"Ayon sakanya ang mahusay na disaster "Ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa
management ay?" pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa,
pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pag
kontrol."
"Mahusay! Kabilang din dito ang iba't-ibang
organisasyon na dapat magtulungan at magkaisa
upang maging handa at makabangon ang isang
komunidad mula sa epekto ng sakuna, kalamidad
at hazard."

"Hindi lamang nakasalalay sa kamay ng "Dahil po kabilang din dito ang mga mamamayan,
pamahalaan ang pagbabalangkas ng disaster mga pribado at pampublikong sektor."
management plan. Dahil?"
Tristan: "Opo Ma'am. Ang disaster management
"Mahusay! Ngayon alamin naman natin kung ano po ay tumutukoy sa iba't-ibang gawain na
ang disaster management. Puwede mo ba saaming dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa
ibahagi ang iyong natutunan sa iyong binasa panahon ng sakuna, kalamidad at hazard."
Tristan?"
"Tama! Ito ay binigyang pansin ni? " "Nina Ondiz at Rodito(2009) po."

"Nakapaloob din dito ang mga dapat gawing "Opo Ma'am"


paghahanda sa oras ng sakuna, kalamidad at
hazard na makakatulong din sa pagbangon ng mga
mamamayang naapektuhan ng alin man sa mga
ito. Naintindihan ba?"

"Ngayon ay may ipapakita ako sainyong mga


larawan at tukuyin niyo kung sila ba ay disaster o "Opo Ma'am"
hazard. Maliwanag ba?"

(Ipinakita ang unang larawan)


"Disaster po Ma'am"
(Ipinakita ang ikalawang larawan)
"Hazard po Ma'am"
"Mahusay! Ano nga ba ang ibig sabihinng disaster?
Maaari mo bang ibahagi saamin Emie?" Emie: "Ang ibig sabihin po ng disaster ay mga
pangyayaring nagdudulot ng panganib at pinsala sa
tao, kapaligiran at mga gawaing pang ekonomiya."
"Tama! Siguro naman ay halos lahat tayo
nakaranas na o naranasan ng masalanta ng bagyo
kaya't madali nating natukoy na ito ay disaster.
Mayroong tatlong uri ng disaster ito ay ang: a)
natural b) gawa ng tao."

"Magbigay kayo ng halimbawa ng uri ng disaster


ayon saaking binanggit."

"Ang halimbawa po ng natural na disaster ay lindol


at bagyo."

"At ang halimbawa naman po ng disaster na gawa


ng tao ay ang hindi tamang paggamit ng lupa na
"Mahusay! Ang resulta nga ng hindi tamang maaaring mag resulta ng tagtuyot."
paggamit ng lupa ay maaaring maging disaster na
gawa ng tao."

"E ang hazard ba? Ano ang ibig sabihin nito?


Michelle, maaari mo bang ibahagi saamin?"
Michelle: "Ang ibig sabihin po ng hazard ay ang
"Tama! Ang halimbawa nito ay paggamit ng mga banta na gawa ng tao."
matatalim na bagay tulad ng kutsilyo. Pero alam
niyo ba na may dalawang uri din ng hazard? Ito ay
ang: a) anthropogenic hazard o human-induced
hazard, b) natural hazard."

"Magbigay kayo ng halimbawa ng dalawang uri ng


hazard." "Ang halimbawa po ng anthropogenic hazard o
human-induced hazard ay tumutukoy sa bunga ng
gawain ng tao ang halimbawa po nito ay polusyon
ng usok na galing sa mga sasakyan."
"Mahusay! Ang mga hazard nga ay resulta ng
kapabayaan ng tao na maaaring magdulot ng "At ang natural hazard po ay tumutukoy sa mga
matinding pinsala." klase ng hazard na dulot ng natural disaster kagaya
na lamang po ng mga sira-sirang kable ng kuryente
matapos ang bagyo."

"Ang kahulugan po ng vulnerability ay tumutukoy


"Mahusay! Ngayon ay maaari niyo bang ibigay sa tao, lugar at imprastruktura na may mataas na
saakin ang kahulugan ng vulnerability, risk at posibilidad na maapektuhan ng mga hazard."
resilience?"
"At ang kahulugan naman po ng risk ay tumutukoy
sa panganib na walang katiyakan tungkol sa mga
epekto ng mga bagay na maaaring mag resulta sa
kapahamakan."

"Samantalang ang resilience naman ay tumutukoy


sa taong kayang bumangon sa anumang
pagkalugmok o hamon ng buhay."

"Mahusay! Tama ang lahat ng inyong


ipinaliwanag!"

D. Paglalahat

You might also like