You are on page 1of 25

Noong Hunyo 2014, idineklara ng lokal

na pamahalaan ng Albay ang zero


casualty sa kanilang lalawigan na isa sa
sinalanta ng malakas na bagyong Glenda
(Andrade, 2014). Ibig sabihin, sa kabila
ng pagtama ng malakas na bagyo, walang
namatay sa nasabing probinsiya.
Marami ang pumuri sa tagumpay na ito
ng mga taga-Albay dahil kadalasan,
nagdudulot ng malawakang pinsala sa
buhay at ari-arian ang malalakas na
bagyong nararanasan sa ating bansa.
Paano kaya nila ito nagawa? Nagkataon
lang ba o ito ay dulot ng masusi at
maayos na paghahanda?
Ang pagiging handa sa pagharap sa mga
hamong pangkapaligiran ay mahalaga
dahil sa kasalukuyan itinuturing ang
Pilipinas bilang isa sa mga bansang may
mataas na posibilidad na makaranas ng
iba’t ibang kalamidad at suliraning
pangkapaligiran.
Ang modyul na ito ay tungkol sa mga isyu at hamong
pangkapaligiran na nararanasan ng tao sa kasalukuyan. Bilang
mag-aaral at mahalagang bahagi ng lipunan, mahalagang
magabayan ng guro ang mga mag-aaral na malaman kung ano
ang iba’t ibang uri ng mga hamong pangkapaligiran na ating
nararanasan upang maging angkop ang iyong gagawing
pagtugon. Mahalaga rin na maipasuri sa mga mag-aaral kung
ano-ano ang mga sanhi at bunga ng mga isyu at hamong
pangkapaligiran sa tao, lipunan at sa ekonomiya.
Kakailanganin ito ng mga mag-aaral upang sila ay maging
aktibong kalahok sa mga gawain ng pamahalaang tumutugon
sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.
Sa modyul na ito, pagtutunan mo ng
pansin ang mga suliranin at hamong
pangkapaligiran na nararanasan sa
kasalukuyan. Inaasahan na masagot
mo ang tanong na:
Paano mabisang
matutugunan ang mga
suliranin at hamong
pangkapaligiran?
simulation
Pangkat 1 – mga kawani ng pamahalaan
Pangkat 2 – miyembro ng NGO
Pangkat 3 – media personnel
Pangkat 4 – mga pangkaraniwang mamamayan
Kailangang ipakita ng bawat pangkat ang
kanilang mga gagawin sa panahon kalamidad
sa senaryo
Unang senaryo: Bago
maranasan ang
kalamidad.
Ikalawang senaryo:
Habang nararanasan
ang kalamidad.
Ikatlong senaryo:
Pagkatapos
maranasan ang
kalamidad.

You might also like