You are on page 1of 4

MODYUL 4

ARALIN 3
Mga Paraan sa Pagsasalita
Pangalan: Kemberly Joy C. Lora Baitang at Kurso: 11 HUMSS
Guro: Bb. Melissa B. Abejar Marka:

Panuto: Sundin ang hinihinging kasagutan sa ibaba. (15pts)


1. Ano ang kahalagahan ng pagsasalita?
Ang pagsasalita ay parte na sa buhay ng tao. Ginagamit ito sa pakikipag-ugnayan sa kapwa
at sa pang-araw-araw na pamumuhay. Mahalaga ito sapagkat naisasakatuparan ng tao ang
mga nais ipahiwatig o mga ideya nito sa kapwa at nagsisilbi ito sa pagbabahagi ng mga
kaalaman.
2. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagsasalita?
Dapat isaalang-alang sa pagsasalita ang mga sumusunod: Kaalaman, Kasanayan, at Tiwala sa
sarili.
3. Bakit kailangang iwasan ang stage fright?
Nararapat na iwasan ang stage fright sapagkat hindi mo maibabahagi ang gusto mong
ipahiwatig sa madling tagapakinign kung nababalot ka ng takot or nerbyos.
4. Naranasan mo na bang magsalita sa harapan ng maraming madla o audience? Ano-
ano ang nararamdaman mo?
Oo, naranasan kong magsalita sa harapan ng maraming madla. Alam ko na kapag hindi ko
pinaghandaan ng maayos ang aking mga sasabihin sa madlang tagapakinig, ay magkakaroon
ako ng stage fright. Kaya, ginagawa ko ang lahat ng paghahanda at pinapalakas ang tiwala sa
sarili upang magtagumpay sa pagsasalita. Sa una, nakakaramdam ako ng kaba at para sa ‘kin
normal lang iyon. Sa kalaunan ay nagiging komportable na ako sa pagsasalita at mas nagiging
natural na ang aking pagsasalita.
5. Magbigay ng isang halimbawa ng pagsasalita sa harap ng madla at ipaliwanag kung
ano ang dapat gawin mo upang mapahusay ang iyong presentasyon.
Isang mahalagang halimbawa ay ang valedictory address. Ang pagsasalita sa harap ng madla
ay nakakaba lalo na kung isa sa mga madlang tagapakinig ay iyong magulang. Nararapat na
paghandaang mabuti ang mga sasabihin at palakasin ang tiwala sa sarili. Karaniwang
mahaba ang valedictory address kung kaya’t sinasaulo ito ng tagapagsalita. Ngunit hindi sapat
ang pagsasaulo lang. Mahalaga din ang pagsasalita ng natural at may damdamin.
Kinakailangang ramdam ng mga tagapakinig ang mensahe kahit na ito’y isinaulo lamang.
Ang kumpas ng kamay, pagbigkas ng mga salita, ang kilos, tindig, at tinig ay dapat isaalang-
alang sa pagsasalita.

Panuto: Unawain ang mga gawain at tugunan ang hinihinging kasagutan sa ibaba.
A. Magsaliksik sa internet ng isang artikulo na ang paksa ay may kaugnayan sa paggamit ng
wika. Kopyahin ito kasama ang link o sanggunian na pinagkukunan mo. Pagkatapos nito ay
susuriin kung angkop ba ang mga salita na ginagamit sa awtor. E-highlight ang mga
pangungusap na sa palagay mo ito ay nagpapakita ng kamalian. (20pts)

Wastong Paggamit Ng Wika – Halimbawa At Kahulugan Nito


Ano Nga Ba Ang Wastong Paggamit Ng Wika? (Sagot)
WASTONG GAMIT NG WIKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang
wastong paggamit ng wika at ang mga halimbawa nito.
Ating masasabi na isa sa pinakamahalagang kailangan gawin upang mapalaganap at
mabuhay ang wika ay ang patuloy na paggamit nito. Dahil dito, kung hindi mabisa ang ating
wika, mas madaling magkaroon ng malaking hindi pagkakaunawaan.
Kaya naman, mas malaki ang pagkakataon namamatay ang wikang ito. Pero, kung mabisa
man ang wika ngunit mali ang pagkakamit nito, ito’y manghihina at mawawala ang
pananalig nga mga indibidwal sa wika.
Sa modernong panahon na ito, nahaharap ang ating wika sa isang pagsubok ng katatagan.
Ito ay ang pagkakaroon nito ng bisa nito at pananalig galing sa mga tao. Ating tignan ang
mga pagsubok na kinakaharap ng wika sa kasalukuyan.
Pagpapalit ng salitang banyaga sa mga katutubong salitang hindi gaanong nagagamit.
Maraming mga salitang Filipino na dahan-dahang nawawala at napapalipat. Halimbawa,
ang salitang kaisipan ay nagiging ideyolohiya (galing sa “ideology”). Ang pagpapasa ay
naging pagsusumite (submit) at ang dalubhasa ay naging eksperto (expert).
Malalang pagsama-sama ng wikang katutubo at wikang banyaga.
Malaking halimbawa nito ay ang paggamit ng “Taglish” o ang pagsama-sama ng Tagalog at
Ingles sa mga konteksto ng komunikasyon. Ito’y nagdudulot ng hindi maayos na paggamit
ng salita at maling paggamit ng mga titik.
Pero, hindi naman masama ang pagbabago ng wika. Ito’y nangyayari simula pa noong
naimbento ito. Ngunit, atin lamang dapat bigyang halaga ang ating pansariling wika dahil
ito ang nagbibigay sa atin ng kasarinlan at palatandaan ng ating pagkamalaya.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at
pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito
lamang sa Philnews.
Sanggunian:
Ki (2021). Wastong Paggamit ng Wika-Halimbawa at Kahulugan Nito. Philnews.ph.
Retrieved 17 July 2021, from https://philnews.ph/2021/02/05/wastong-paggamit-ng-
wika-halimbawa-at-kahulugan-nito/

B. Sumulat ng diyalogo batay sa mga sitwasyon na nasa ibaba. Ilapat ang kawastuang
paggamit ng salita sa diyalogo. (20pts)
“Ikaw at ang iyong kapatid ay may balak na surpresahin ang iyong Tatay sa paparating na
kaarawan sa susunod na lingo. Ngunit kailangan muna ninyong makipag-usap sa isang
birthday planner, nahihirapan kayong magpaalam sa inyong tatay dahil palagi kayong
magkasama sa bahay. Ano kaya ang sasabihin ninyo sa inyong Tatay para magpaalam?”
DIYALOGO:
“’Tay magpapaalam po sana kami dahil may nais kaming puntahan na kaibigan. Tatawagan
po namin kayo pagkarating namin doon. Kung maaari po, sana pumayag kayo.”

C. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na bubuo ng isang inobatibong paraan para


mawasto ang paggamit ng wika, ano kaya ang iyong maipapakinabang sa mga tao? Ilahad
ang iyong ediya sa pamamagitan ng pagbuo ng sanaysay. Ibabatay ito sa pamantayan sa
ibaba. (30pts)

Wastong Paggamit ng Wika


Ang maling paggamit ng wika sa modernong panahon ngayon ay laganap na lalo na
sa pagkakaroon natin ng mga social platforms gaya ng Facebook, Instagram, Twitter, at
marami pa. Dito karaniwang nagagamit ang wika sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao sa
buong panig ng mundo. Dahil madami ang gumagamit sa mga ito, nararapat lang na dito
isasakatuparan ang pagwawasto sa paggamit ng wika.
Gagamitin ko ang Facebook bilang kasangkapan sa pagbabahagi ng kaalaman sa
wastong paggamit ng wika. Gagawa ako ng Facebook page kung saan hinihikayat nito ang
mga tao lalo na ang mga kabataan na basahin at matutuhan ang tamang paggamit ng wika.
Layunin din ng Facebook page na ito ang ipalaganap ang mga kaalamang ito sa
pamamagitan ng paghihikayat sa mga mambabasa na ibahagi o i-share ang post tungkol sa
wastong paggamit ng wika.
Malaki ang ginagampanan ng mga social platforms na nabanggit sa pakikipag-
ugnayan sa kapwa tao. Subalit, nagagamit din ito para maibahagi ang maling impormasyon
tungkol sa wika. Kung kaya’t mahalagang maunawaan ang mga positibo at negatibong
epekto nito sa kultura at wika ng bansa.

You might also like