You are on page 1of 20

Mga Pangunahing Bayani sa

Likod ng Kilusang
Propaganda at Ang Kanilang
Ilang Mga Akda

Aralin 3
Si Dr. Jose P. Rizal at ang
kaniyang mga iilang akda
Si Dr. Jose Rizal
Mga natatanging impormasyon kay Dr. Jose Rizal.

Nagtapos siya ng medisina sa Unibersidad Central de


Madrid upang gamutin ang katarata ng kaniyang ina.
Siya ay nakakapagsalita ng mahigit dalawampu't dalawang
wika (22).
Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng
kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na
nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. Kahit tutol
siya sa rebelyon, ngunit dahil kada may mahuhuling
katipunero o madidiskubreng lungga ng KKK ay laging
mayroon siyang larawan sa samahan itong.
Si Dr. Jose Rizal
Bago dumating ang kanyang katapusan, naisulat niya ang
“Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa
mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa
Bagumbayan (na ngayon ay Luneta). Hindi ibinigay ng
awtoridad ang kaniyang bangkay sa pamilyang Rizal.
Hinanap ito ni Narcisa kapatid ni Rizal at nabalitaan na
mayroong bagong hukay na libingan sa hindi na ginagamit
na sementeryo ng Paco. Noong hapon daw na iyon,
binayaran niya ang mga bantay nito at ipinalagay ang
panandang marmol ng kanyang nakabaligtad na initials—
RPJ, upang hindi nakawin ang bangkay o hindi ilipat ng mga
Espanyol. Makalipas ng 2 taon, tiyaka lamang ito hinukay.
Noli Me Tangere
Inilimbag sa Berlin, 1887 sa tulong ng kaibigan niyang si
Maximo Viola.
Ang nobelang ito'y nangangahulugang "Huwag Mo Akong
Salingin". Inihandog niya ito sa Inang Bayan.
Tinalakay rito ang mga kabulukan at malalang sakit ng
lipunan (Social Cancer).
Tumatak sa atin ang mga tauhan na sina:
Juan Crisostomo Ibarra
Maria Clara
Sisa, Basilio at Crispin
Padre Damaso
El Filibuterimo ( Ang Pilibustero)
Ang nobelang ito'y nangangahulugan ng “Ang Pagsusuwail".
Ito'y karugtong ng "Noli Me Tangere".
Labing isang taon pa lamang si Rizal nang patayin sa
pamamagitan ng garote ang tatlong paring martir na sina
Padre Gomez, Burgos at Zamora.
Ang alaala ng tatlong pari ay hindi niya nalimot kailanman.
Inihandog niya ang nobelang ito sa tatalong paring martir.
Ang nobelang ito ay lantad sa mga kabulukan ng
pamahalaan. Itinuturing ang dalawang nobela ni Dr. Rizal na
"Noli me Tangere" at "El Flibuterismo ang nagpasigla sa
kilusang propaganda at nagbunsod sa mga maghihimagsik
na lumaban sa Kastila.
Sobre La Indolencia de Los Filipinos (Hinggil sa
Katamaran ng mga Pilipino)
Ito ay isang sanaysay na may malalim na pagsusuri sa mga
dahilan ng palasak na sabing ang mga Pilipino ay tamad,
isang bukas at tapat na paglalahad ng katotohanan.
Ipinagtanggol ni Rizal ang mga Pilipino sa paninirang-puri ng
mga dayuhang Kastila sa pamamagitan ng masusing
paglalahad na:
1. Tayo'y nasa tropiko, mainit ang panahon kaya't madaling
mapagod.
2. Biniyayaan tayo ng Diyos ng matabang lupa, hindi na
kailangan ang puspusang pagkilos upang umani nang
malaki.
Sobre La Indolencia de Los Filipinos (Hinggil sa
Katamaran ng mga Pilipino)

3. Ang sipag at tiyaga ng mga Pilipino ay nangawala dahil


sa maling pamamalakad ng mga Kastila. Napabayaan ng
mga katutubo ang kanilang hanapbuhay dahil sa
pagpapadala sa kanila sa pakikidigma.

4. Sinasarili ng Gobernador ang lahat ng negosyo. Iniimbak


ang mga kalakal na binili sa murang halaga at ipinagbibili
nang mahal. Walang laban ang mga mangangalakal na
Pilipino.
Sobre La Indolencia de Los Filipinos (Hinggil sa
Katamaran ng mga Pilipino)

5. Walang dulot na pampasigla sa mga tao ang


pamahalaan. Napigil ang pag-unlad ng industriya dahil sa
pinatamlay ng mga Kastila ang pakikipagkalakalan sa mga
kalapit-bansa.

6. Maling sistema ng edukasyon, pinaasa ng simbahan sa


mga himala, ginawa silang mga makinang gumagalaw sa
pamamagitan ng pagsasanay sa kanila na sumunod nang
walang pasubali.
Si Graciano Lopez Jaena at ang
kaniyang mga iilang akda
Si Graciano Lopez Jaena
Mga natatanging impormasyon kay Graciano Lopez Jaena.

Isinilang siyá sa Jaro, Iloilo noong 18 Disyembre 1856 kina


Placido Lopez at Maria Jacobo Jaena. (Kayâ dapat na
“Graciano Jaena Lopez” o “Graciano Lopez y Jaena” ang
pagsulat sa buong pangalan niya.)
Pumasok siyá sa seminaryo ng Iloilo at nag-ambisyong
maging doktor. Sinubukan niyang pumasok sa Unibersidad
ng Santo Tomas ngunit hindi pinahintulan sapagkat walang
handog na Bachiller en Artes ang kaniyang seminaryo.
Nakakuha siya ng lisensya sa panggagamot at nanggamot
siya ng walang bayad sa mga kababayang mahirap.
Si Graciano Lopez Jaena

Isa siya sa nanguna sa pag-tatatag ng La Solidaridad noong


1889 at naging unang editor nitó.

Namatay siyá sa Barcelona, España noong 20 Enero 1896 sa


sakit na tuberkulosis. Hindi na naibalik sa Pilipinas ang
kaniyang mga labí.
Ang Fray Botod

Isang maikling nobelang naglararawan hinggil sa isang


prayleng dumating sa Pilipinas. Ito'y payat na payat ngunit
ng makalipas ng ilang panahon naging mukhang tao.
Tinuligsa ni Graciano Lopez Jaena ang mga prayleng Kastila
na sila ay malalaki ang tiyan, ambisyoso, at imoral ang
pagkatao ng mga prayle.
Satire - ibig sabihin ng “Malaki ang tiyan” sa Bisaya.
Ang paring Botod ay hindi pangalan o apeltido. Ang
kahulugan ng Botod ay nagmula dahil ito ang tinataguri o
tinatawag sa kaniya ng tao.
Iba pang Akda ni Graciano Lopez Jaena
La Hija del Praile
Dito ipinapaliwanag ang mga kapahamakan at kabiguan
kung mapakasal sa isang kastila.
El Bandolerismo En Pilipinas
Sa panitikang ito, ipinagtanggol na walang tulisan sa
Pilipinas.
En Honor de Los Artistas Luna y Resurreccion Hidalgo
Akda ni Graciano Lopez Jaena na ang nilalaman ay
matapat na papuri sa kanilang mga iginuhit na
naglalarawan ng mga kalagayan ng mga Pilipino sa kamay
ng mga kastila.
Si Marcelo H. Del Pilar at ang
kaniyang mga iilang akda
Si Marcelo H. Del Pilar
Mga natatanging impormasyon kay Marcelo H. Del Pilar.

Pangunahing lider ng Kilusang Propaganda, dakilang


makata’t manunulat.
Tinaguriang Pilibustero - Dahil sa kahanga-kahanga ang
himig na panunuya at ang kahusayan ng pananagalog.

Nag-aral siyá sa Colegio de San Jose at nagtapos ng


abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST) noong 1880.
Noong Pebrero 1878, pinakasalan niya ang pinsang si
Marciana del Pilar at nagkaanak silá ng pito bagaman sina
Sofia at Anita lámang ang lumaki.
Si Marcelo H. Del Pilar
Dumanas din siyá ng hirap sa paghawak ng La Solidaridad.

Sinasabing may panahong namumulot lámang siyá ng upos


sa bangketa bilang pampalipas ng gútom.

Naipalabas niya ang hulíng isyu ng diyaryo noong 15


Nobyembre 1895 at namatay ng tuberkulosis noong 4 Hulyo
1896. Inilibing siyá sa sementeryo ng mga pulubi sa
Barcelona. Sa panahon na ito ay wala pang lunas ang
tuberkulosis.
Ang Cadaquilaan ng Dios (Barcelona, 1888)
Isang sanaysay ito na naglahad ng panunuligsa sa mga
prayleng Kastila at pagpapaliwanag ng kanyang pilosopiya
at sariling paghanga sa kagandahan ng kalikasan.
Nasa ibaba nito ang bahaging nagsasaad ng kanyang tunay
na pagkilala sa Dakilang Lumikha.
"Diyan ay sucat nang mabanaagan, nanasang irog, ang
cadaquilaan niyang Dios na di nalilingat sandali man sa
pagcacalinga sa atin. Daquila sa capangyarihan, daquila sa
carunungan at daquila ngani sa pag-ibig, sa pagmamahal at
pagpapalagay sa kanyang mga nanac dito sa lupa; pantas
man o mangmang, mayaman man o ducha ay walang
nawawaglit sa mairog at lubos niyang paglingap."
Ang Aba Guinoong Baria

Aba guinoong Baria nakapupuno ka nang alcancia ang Fraile’I


sumasainyo bukod ka niyang pinagpala’t pina higuit sa lahat,
pinagpala naman ang kaban mong mapasok. Santa Baria Ina
nand Deretsos, ipanalangin mo kaming huag anitan ngayon at
cami ipapatay. Siya naua.
Ang Manga Utos ng Fraile
Ang manga utos ng Fraile ay sampu:
1. Sambahin mo ang Fraile na lalo sa lahat.
2. Huwag kang magpapahamak manuba nang ngalang
deretsos.
3. Mangilin ka sa Fraile Linggo man o fiesta.
4. Isangla mo ang katauan mo sa pagpapalibing sa ama't ina
mo.
5. Huag kang mamatay kung wala kang salaping pampalibing.
6. Huag kang makiapid sa kanyang asawa.
7. Huag kang makinakaw.
8. Huag mo silang pagbivintangan, kahit ka magsinungaling.
9. Huag mong ipagkait ang iyong asawa,
10.Huag mong itanggui ang iyong ari.

You might also like