You are on page 1of 1

Reflection Paper : GENDERIZED WEBINAR SERIES 2021

Katulad ng pinagusapan sa naganap na webinar nitong hapon, ito ang mga bagay na natutunan ko
at sa tingin ko ay makakatulong upang maiwasan o mabawasan ang pressure, stress, at tension
na maaring kong makuha sa online class, bahay at sa iba pang parte ng aking buhay.
1. Natutunan ko na hindi dapat mawala ang salitang (hope) pagasa sa isip at sa aking puso.
Dahil ito ang magiging ilaw upang mas maging matatag ako at pagpursigihin pa ang mga
bagay na gusto kong makamit. Kailangan ko lang isipin ang mga bagay na nagpapalakas
sa akin upang hindi sumuko sa mga pagsubok tungkol man ito sa pagaaral o hindi.

2. Dapat maging mas bukas sa mga bagay na pinoproblema o sa mga bagay na iniisip. Dahil
sa naganap na webinar nalaman ko na kailangan pala talaga na hindi isarili ang mga
problema at maaring kumausap ng kapamilya o kaibigan dahil sigurado na sususporahan
nila ako’t sila’y masasandalan. Dapat na ganoon din ako sa iba, kung may humingi man
ng tulong o mapagsabihan ako ng problema walang pagaatubili akong gaganap. Ito ay
nakatutulong upang maging mas magaan ang loob ng isang tao lalo na pag mabigat ang
kanyang pakiramdam.

3. Hindi masamang umiyak, sa totoo lang may mga panahon na iniiyak ko talaga minsan
ang mga problema at tama nga na nakakatulong ito upang ilabas ang mga pakiramdam na
hindi maipahayag. Naipaliwanag din sa webinar na nasa atin din kung paano ibahin ang
ating mga pananaw (perspective), mas isipin ang mga bagay na positbio at iwasan ang
maging negatibo. Mas pansinin ang mga positibong bagay na nangyari kaysa sa negatibo.
Alam ko sa aking sarili na iiyak pa rin ako kung may problema pero pagkatapos no’n
susubukan ko na lumaban ulit.

4. Ayon nga sa isang tagapagsalita mayroong tensyon sa pagitan ng ambition at ang ating
realidad kapag malayo ang dalawa sa isa’t isa mas lalakas ang tensyon. Naintindihan ko
na ngayon na, siguro kailangan na dahan-dahanin ko lang mga bagay-bagay. Madalas
kasi na sobrang taas ng expectations ko sa aking sarili kaya kung minsan sinasagad ko
ang aking sarili sa pag aaral at kapag hindi ko nakukuha ang layuning gusto kong
makamit hindi ko maiwasang malungkot at ma-pressure. Ipinapangako ko na babawasan
ko ang tensyon sa pagitan ng aking ambisyon at sa kung ano lamang ang kaya ko. Mas
aalagaan ko na ang aking sarili dahil yun ang pinaka importante.

5. Nalaman ko rin sa naganap na webinar na maaaring maiwasan o mabawasan ang


pagkakaroon ng mental health problem sa pamamagitan ng paggawa ng ibang bagay na
nakapagpapasaya sa isang tao. Tulad ng pag-awit, pakikinig ng musika, pag eehersisyo, o
pagsusulat sa journal. Susubukan ko na humanap nang babagay sa aking upang
makatulong sa pagkakaroon ng maaliwalas na pagiisip.

CASTRO, LADY CHABELLITA B.


BSAR 3A

You might also like