You are on page 1of 1

GRADE 10

RECOLLECTION
i. Ano ang pinakamagandang mensahe o aral
ang iyong natutunan sa recollection na
tumimo sa isip at damdamin mo?
Masasabi ko na ang pinaka napusuan kong mensahe o aral na
ipinaliwanag sakin ni father benjie ay ang pagmamahal saakin ng Diyos.
Nang patugtugin niya ang kanta ng ben&ben na "Araw-araw", pumasok
saaking isipan na sa kahit ano mang gawin ko at kung ano mang mga
pagsubok na pumunta saaking buhay ay pipiliin parin ako ng Diyos sa
araw-araw. Patuloy siyang magbibigay ng patnubay saakin kahit na nasa
mababang punto na ako ng aking buhay at lalong lalo na kung dumating
sa puntong mawalan na ako ng ganang abutin ang aking mga pangarap,
sabi sakin ni father benjie na nararapat kong iwan ang lahat ng worries,
anxiety at doubts ko sa Diyos dahil may kapangyarihan siyang mapagaan
ang aking loob. Ang Diyos ang aking tahanan, siya ang patuloy na
nagbibigay ng kaginhawaan saakin sa mga panahong hindi ako
komportable. Siya ang tanging magtutuwid sa akin sa mga pagkakataong
nawawalan ako ng fulfilment sa buhay na maaaring humantong sa
kawalan ng direksyon. Sabihin ko lamang ang kanyang pangalan at
magdasal ng taimtim sakanya ay maaayos na ang lahat, ito ang kapasidad
ng kalakasan at kapangyarihan ng minamahal nating Diyos.

2. Batay sa iyong sagot sa unang bilang,


paano mo ito magagamit sa iyong buhay o
maging sa kapwa?
Batay saaking sagot ay maaari kong maggamit ang aral na ito sa mga
pagkakataong nararamdaman ko na hindi ako enough. Kung minsan
nararamdaman ko na hindi ako magaling, matalino at deserving para
matupad ang aking mga pangarap ay hindi dapat ako mabahala sapagkat
nasa tabi ko lamang ang Diyos para matulungan akong maliwanagan at
isantabi ang mga naiisip kong mga doubts sa aking sarili. Lagi kong
iisipin na sa kahit ano mang pagkakamali o pagkukulangan na taglay ko
ay pipiliin parin ako ng Diyos sa araw-araw at handa siyang matulungan
ako ng walang hinihinging kapalit.

Bernadette Anne S. Bautista 10 - AOM

You might also like