You are on page 1of 5

Module No.

02

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT Week 3-5


KULTURANG PILIPINO
Lesson Title Gamit ng Wika sa Lipunan
Lesson Target  Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon
kay M. A. K. Halliday)
 Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood
na palabas sa telebisyon at pelikula
 Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa
 Nagagamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay halimbawa
sa mga gamit ng wika sa lipunan
 Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng
wika sa lipunan.

Panimula

Sa isang buong araw, sinu-sino ang iyong mga nakakasalamuha? Anu-ano ang inyong mga pinag-uusapan? Sa
paanong paraan mo naipahahayag ang iyong naiisip o nararamdaman? Sa modyul na ito ay tatalakayin ang
mga gamit ng wika ayon sa propesor sa Australia na si Michael Alexander Kirkwood Halliday. Sa
pamamagitan ng pagtukoy sa mga gamit na ito, mapipili natin ang antas ng wika na naaangkop sa
sitwasyong gagamitan nito.

Sa modyul na ito, maiisa-isa ang mga mahahalagang tungkuling ginagampanan ng wika sa lipunang atng
kinabibilangan.

Gamit ng Wika (Michael Alexander Kirkwood Halliday)

Sa aklat na Explorations of Functions of Language ni M.A.K. Halliday (1973), binigyang diin na ang
pagkakategorya ng wika ay batay sa tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay.

 Pang –interaksyunal – Ginagamit natin ang wika sa pakikipag-usap sa iba, sa pakikisalamuha sa ating
mga kaibigan, kamag-aral, kamag-anak o maging kaninoman. Kahit pa nga bagong teknolohiya ang
natutuklasan, wika pa rin ang lunsaran ng ating komunikasyon kung may cellphone, nagpapadala
tayo o tumatanggap ng text; kung may computer, nagpapadala tayo ng email; kung may webcam,
nakikipag-usap tayo sa pamamagitan ng teknolohiya. Ginagamit natin ang wika sa paraang
interakaksyunal.

Ayon pa rito, tungkulin ng wika na tulungan tayong makipag-ugnayan at bumuo ng sosyal na


relasyon sa ating pamilya, kaibigan o kakilala.

Katangian : nakakapagpanatili o nakakapagpatatag ng relasyong sosyal halimbawa: pasalita-


pormulasyong panlipunan, pangungumusta, pagpapalitan ng biro; pasulat- liham pangkaibigan ;
internet – e-mail, instant message, group chat, forum, sociosite, online store.

 Pang -instrumental – Sa pamamgitan ng wika naipahahayag ng isang tao ang kanyang


pangangailangan. Maging ang isang sanggol na hindi pa nakapasasalita ay nakalilikha ng tunog (iyak)
upang matawag ang pansin ng kanyang ina. Habang lumalaki ang isang bata at habang nabubuo ang
kanyang pagsasalita lalong nagiging instrumental ang wika upang maipahayag niya ang kanyang mga
kailangan.

Dagdag pa rito, natutugunan ng wika ang pangangailangan ng ato gaya ng pagpapahayag ng


damdamin kaugnay sa pasasalamat, pag-ibig, galit, kalungkutan, pagpapatawad, sigla, pag-asa, at
marami pang iba; panghihikayat upang gawin ng kausap ang nais na tupdin o mangyari; direktang
pag-uutos; o pagtuturo at pagkatuto ng maraming kaalaman at karunungang kapaki-pakinabang.

Katangian : tumutugon sa pangangailangan halimbawa: pasalita - pakikitungo pangangalakal, pag-


uutos; pasulat - liham pangangalakal

 Pang-regulatoryo - Isa sa mga gamit ng wika ang alalayan ang mga pangyayaring nagaganap (pag-
alalay o maintenance of control). Maaaring kasangkot ang sarili o ang iba. Inaalalayan ng wika ang
pakikisalamuha ng mga tao; itinatakda nito ang mga tao na gagampanan ng bawat isa; nagbibigay-
daan para alalayan ang pakikisalamuha sa pamamagitan ng mga talasalitaang ginagamit para
sumang-ayon, di-sumang-ayon o abalahin ang gawa o kilos ng iba.

Masasabi rin na sa tungkuling ito, ang wika ay nagtatakda, nag-uutos, nagbibigay-direksyon sa atin
bilang kasapi o kaanib ng lahat o ng alinmang institusyong nabanggit. Kasama sa gamit na ito ay ang
pagpapatupad ng batas, kautusan, at tuntunin sa pamahalaan at ibang institusyong panlipunan,
pagpapataw ng parusa sa susuway sa mga batas, kautusan at tuntunin, partipasyon ng mamamayan
sa paggawa ng tuntunin, polisiya, at batas, pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa mga
komunidad at ugnayan ng mamamayan, pagtatakda ng polisiya, batas, at kautusan para sa
kaunlaran at masaganang kabuhayan ng lahat para sa pantay na oportunidad; pagkilala sa karapatan
ng iba’t ibang uri at katayuan ng mamamayan sa bansa.

Katangian: kumokontrol gumagabay sa kilos at asal ng iba halimbawa : pasalita – pagbibigay ng


panuto ,direksyon, paalala; pasulat – recipe, konstitusyon, ordinansa, polisiya, regulasyon.

 Pampersonal – Mulang pagkabata hanggang sa pagtanda, kailangan ng wika upang maipahayag ang
sariling damdamin at ang iniisip. Nabubuo ang personalidad ng isang tao habang siya’y nagkakaisip
at nagiging bahagi ng isang lipunan. Ayon sa sikolohiya, ang personalidad ay kaugnay ng mga
pangunahing teorya kabilang ang pag-uugali, psychodynamic, pangkatauhan, biyolohikal, asal,
ebolusyon, at perspektibo sa kaalamang panlipunan.

Hindi nga ba kailangan ng isang binate na maipahayag ang kanyang damdamin sa pamamgitan ng
matatamis na salitang iniuukol niya sa kanyang minamahal? Batay sa personality theory (Briggs at
Myers, 1950) may apat na dimensyon ang ating personalidad: panlabas laban sa panloob; pandama
laban sa sapantaha; pag-iisip laban sa damdamin; paghuhusga laban sa pag-unawa.

Katangian: nakakapagpahayag ng sariling damdamin o opinyon halimbawa: pasalita- pormal o di-


pormal na talakayan; pasulat – editorial,liham, patnugot, talaarawan/dyornal , sanaysay.

 Pang-imahinasyon/ imahinatibo - paggamit sa wika upang lumikha ng isang mundong kathang-isip,


lalo pa at hindi pa hustong matigulang (matured) ang isip ng tao upang maintindihan ang agham sa
kapaligirang kanyang ginagalawan; na ito ang konkreto dahil sa pisika.
Sa gamit na ito, ang wika ay para sa paglikha, pagtuklas at pag-aliw. Ang ganitong tungkulin ng wika
ay ginagamit sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, nobela, maanyong sanaysay, at malikhaing
katha. Maging ang pelikula ay ginagamitan ng imahinatibong wika.

Katangian : nakakapagpahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan halimbawa: pasalita,


pagsasalaysay paglalarawan pasulat : akdang pampanitikan gaya ng pantasya, mito, alamat,
kuwentong-bayan at siyensyang piksyon , gayundin ang mga akda sa wattpad.

 Pangheuristiko - ito ay para sa pagkatuto at pag-unawa. Ginagamit ang wika upang malaman ang
maraming bagay sa daigdig. Nagbubunga sa sagot ang mga tanong, ng konklusyon ng
pangangatwiran, ng mga bagong tuklas sa pagsubok sa hypothesis at marami pang iba. Ang gamit na
ito ang batayan ng kaalaman sa iba’t ibang disiplina. Nagkakaroon ng pagkakataong magtanong ang
tao tungkol sa kalikasan ng daigdig na tinitirahan nila at bumuo ng mga posibleng sagot tungkol dito.

Tanong at sagot. Pag-iimbestiga. Pag-eeksperimenton kung tama o mali. Natututo tayo sa ganitong
proseso ng pagtuklas sa ating paligid at sa pagtuklas ng luma at bagong kaalaman.

Katangian : naghahanap ng mga impormasyon o datos halimbawa : pasalita - pagtatanong


pananaliksik, pakikipanayam o interbyu pasulat - sarbey

 Pang-impormatibo/representatibo – nakapagpapahayag ng impormasyon ang isang tao at


nakapagpapakita ng kakayahang manindigan dahil pinanghahawakan niyang totoo ang kaniyang
sinasabi. Ginagamit ang wika upang magparating ng mga kaalaman, mag-ulat ng mga pangyayari,
maghatid ng mga mensahe, magpaliwanag at iba pa.

Sa gamit na ito ng wika, nakikita ang may pagpapalitan ng kaisipan. May naghahatid ng
impormasyon o kaalaman at may tumatanggap. Ang wika ang representatibo ng kaalaman o
impormasyong inihahatid sa iba.

Katangian: nagbibigay ng impormasyon o mga datos halimbawa pasalita-pag-uulat, pagtuturo;


pasulat- pamanahong papel at tesis.

Mahalagang matutuhan ang tamang paggamit ng mga pananda na nakatutulong upang magkaroon
ng kohesiyon o kaisahan ang paglalahad. Nagagamit ang mga salitang pananda upang hindi paulit-
ulit ang mga salita at maging maayos ang daloy nito. Sa pag-uulat o pagbabahagi ng impormaasyon
sa madla o mga tagapakinig, mahalagang naipahahayag ito nang maayos at organisado.

Mga pananda para sa kohesyong gramatikal

Anapora – panghalip na ginagamit sa pangungusap o talata upang tukuyin ang naunang nabanggit
na pangngalan o paksa.

Katapora – panghalip na unang ginagamit sa pangungusap o talata bago banggitin ang pangngalan o
paksang tinutukoy.

Pangatnig – ginagamit para sa mainam na panalita, madaling bigkasin, at napag-uugnay ang mga
ideya on pahayag sa pangungusap.

Pananda – nakatutulong upang bigyang-diin, linawin, at pukawin ang atensyon ng mambabasa o


tagapakinig.
Pag-unlad ng Wika (Michael A.K Halliday)

 Ayon sa kanyang teaorya,dumaraan sa tatlong yugto ang pag-unlad ng wika ng isang bata:

o Antas protowika – gumagamit siya ng mga kilos na may tiyak na ibig sabihin upang
magpahayag, gaya ng pag-iyak kapag nagugutom.

o Antas leksikogramatiko – nakagagamit na siya ng mga simpleng salitang may lohikal na ayos,
gaya ng pagsasabi ng “Kain ako” upang malaman ng mga tao sa paligid niya na gutom na
siya.

o Antas ng maunlad na wika – nakagagamit na siya ng buong pangungusap at


nakapagdidiskurso nang tuloy-tuloy.

Iba pang gamit ng wika

 Gamit sa talastasan – pasalita man o pasulat, ang wika ay pangunahing kasangkapan ng tao sa
pagpapahayag ng kaisipan at damdamin.

 Lumilinang ng pagkatuto – ang mga naisulat nang akda ay patuloy na pinag-aaralan ng bawat ng
henerasyon, tulad ng mga panitikan at kasaysayan ng Pilipinas na nililinang at sinusuri upang
mapaunlad ang kaisipan.

 Saksi sa panlipunang pagkilos – Sa panahon ng Rebolusyon, mga wika ng mga rebolusyonaryo ang
nagpalaya sa mga Pilipino. Ito ang nagbuklod sa mga mamamayan na lumaban para sa ating
kasarinlan sa tulong ng kanilang panulat, talumpati, at mga akda.

 Lalagyan o imbakan – ang wika ay hulugan, taguan, imbakan, o deposito ng kaalaman ng isang
bansa.

 Tagapagsiwalat ng damdamin – ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng nararamdaman. Maaari


itong pag-ibig, pagkagalit, o pagkapoot.

 Gamit sa imahinatibong pagsulat – ginagamit ang wika sa paglikha ng mga tula, kuwento, at iba
pang akdang nangangailangan ng malikhaing imahinasyon.

Tungkulin ng Wika… (Roman Jakobson)

 Kognitibo/ Reperensyal/ Pangkaisipan – Pagpaparating ng mensahe at impormasyon.

 Conative – Paghimok at pag-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng mga pag-uutos at pakiusap.

 Emotive – Pandamdamin, pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at emosyon.

 Phatic – pakikipagkapwa-tao sa pamamgitan ng pangungumusta, pagbati, at iba pa.


 Metalinggwal – paglinaw sa mga suliranin tungkol sa mga layunin (intensyon) ng mga salita at
kahulugan.

 Poetic – patula, paggamit ng wika para sa sariling kapakanan

 Ginagamit din ang wika sa iba’t ibang larangan tulad ng edukasyon, pangasiwaang bayan, lipunan,
pabatirang pangmadla, agham at teknolohiya, kalakalan, batas o legalidad at iba pa.

Gampanin ng Wikang Filipino

 Bilang buklod ng pambansang pagkakaisa

 Bilang sagisag ng pambansang pagkakakilanlan

You might also like