Professional Documents
Culture Documents
Fil 2 Mod 5
Fil 2 Mod 5
Modyul V
Aralin 1. ANG PANAHON NG BAGONG KALAYAAN
PANIMULA
Muli lumitaw ang mga lingguhang magasin at mga pahayagan. Nagsisilitaw din
ang mga “award” na siyang gumanyak sa mga manunulat upang pagbubutihin ang mga
isinusulat. Ito ay ang Palanca Memorial Award in Pilipino and English Literature, Gawad
ni Balagtas Award, Republic Cultural Award at Taunang Gawad ng Surian ng Wikang
Pambansa o Talaang Ginto. Itinaas din ang bayaran sa pagsusulat. Nagkaroon din ng
maraming patimpalak sa pagsulat ng tula, kuwento at sanaysay. Umunlad din ang
pinilakang tabing sa Pilipino at nangailangan ng mga manunulat ng nobela at dula.
Lumaganap ang mga lingguhang babasahin gaya ng Liwayway, Bulaklak, Ilang-Ilang,
Sinagtala, Malaya, Kayumanggi at Tagumpay.
Sa aklat nina Maria S. Ramos, et. Al. 1984. Panitikang Pilipino inilahad na sa
mga pamantasan ay nadagdagan ng mga kurso sa pagsulat ng tula, kuwento at sanaysay
sa Ingles at Filipino. Nagkaroon din sila ng palihan o sanayan ditto. Kaya’t marami sa
mga mag-aaral na may hilig sa sining ng pagsulat ay nahasang mabuti at marami as
kanila ang nagtagumpay sa pagwawagi sa Palanca Award.
1
masa’y upang maglibang, kaya’t lalong dumami ang mga lingguhang babasahin upang
mapagbigyan ang dumaraming karaniwang mambabasa.
Ayon sa aklat nina Maria S. Ramos, et. Al.1984, Panitikang Pilipino, and pansin
ng mga manunulat an Tagalog ay nalipat sa mga pagsusulat ng mga aklat pampaaralan sa
Pilipino. Nagsulat sila ng mga aklat na pambalarila at pampanitikan. Sa mga sinulat nila
ay kasama ang mga tula, sanaysay at maikling kuwento. Kaya’t ang mga akda ng ating
mga dakilang maunulat noong unang panahon ay nabuhay na muli sapagka’t ang mga
ito’y isinama sa mga babasahing pampanahon ng mga bagong manunulat. Marami sa
kanila ang milung nagpalimbag. Halimbawa – ang mga katipunan ng mga tulang
“Salamisin,” 1955 ni Cirio Panganiban; “Talaang Ginto,” 1958 ni Jose Corazon de Jesus;
ang klasikong nobelang “Banaag at Sakit”ni Lope K. Santos; “Lihim ng Isang Pulo,” ni
Faustino Aguilar at “Nena at Neneng” ni Valeraino Hernandez Peña.
Ipinalimbag din ni Alejandro Abaddilla ang “Parnasong Tagalog” noong 1949. Ito’y
katipunan ng mga piling tula mula kay Joseng Sisiw at Balagtas hanggang sa kanyang
kapanahunan. Noon namang 1955 ay ipinalimbag niya ang katipunan ng kanyang mga
tulang may pagamat “Ako ang Daigdig.” Dahil sa kagandahan ng mga tula niya’y
pinagkalooban siya ng surian ng Wikang Pambansa ng Diploma ng Karangalan bilng
“Pangunahing Makata” ng taong 1957.
Ako
ang daigdig
Ako
2
ang tula
Ako
ang daigdig
ang tula
Ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig
Ako
ang walang maliw-ako
ang walang kamatayan ako
ang tula ng daigdig.
3
Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalansing;
as maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Si Manuel Car. Santiago ay nagtipon din ng kanyang mga tulang may pamagat na
“Buhay at Iba pang mga Tula” na nalathala noong 1959.
4
Si Benigno Ramos, isang lider sosyalistang kilala sa panulat na Ben Ruben ay
sumulat ng mga sumusunnod na tula: “Ano Pa,” “Ang Bahay ng Diyos,” “Bayani,” “Ang
Ating Pag-ibig,” “Ang Kayumanggi,” “Katas Diwa.”
Si Teodoro Gener ay isang makata at guro., Ang kanyang mga akda ay “Ang
Sining ng Tula” (1958), “Pag-ibig,” “Guro,” “Subo ng Sinaing ,” “Ang Masamang
Damo,” at “Kudlit at Tatas ng Wikang Pilipino.”
Tinipon naman ni Teo Baylen ang kanyang mga tulang nasulat sa loob ng 30 taon
at pinamagatang “Tinig ng Darating.” Ito’y pinagkalooban ng Republic Cultural Award
noon 1963.
“TINIG NG DARATING”
5
–Iyan ba ang bukid na walang naimbak
Kundi mga bungo nga mga kaanak?
Binaog ng inyong punlong makamandag
At wala ni damo na diya’y mag-ugat?
1. Laging Bago
Ang pinagbabalika’y
nag-iibang larawan
sapagka’t ang naglakbay.
3. Buhay
Bakas ng kabataan…
Pumapatak na ulan…
Hatinggabi s daan…
Hakbang ng karanasan.
4. Pag-asa
6
5. Katahimikan
Tahimik na tahimik
Bato ma’y niyayanig
ng lihim na pasuwit:
alingawngaw ng galit.
6. Pagkainip
Kapagka naghihintay,
makupad ang orasan…
At yaong minamahal
ay lalong nagtatagal.
7. Kaisahan
Kung di magkakaiba
ay di magkakaisa;
at nagkakaisa muna
bago pa magkaiba.
8. Paraya
7
at Hilario Coronel. Halimbawa ng makabagong tula ni Alejandro Abadilla ay
pinamagatang “Tanagabadilla (Unang Aklat)” at “Tanagabadilla (Ikalawang Aklat).”
PASINTABI
ANG AKO
1. Mga kalangitan
ay nilunggati mo,
Ngunit walang hanggan
Ang ako sa iyo.
8
3. Duling iyong mata
Na itinitingin,
Pa’no magagawang
Ang ako ay sukatin?
Ang mga kuwento ng mga makabagong maunulat an ito’y ibang iba ang mga
paksa at pamamaraan kaysa sa mga dating manunulat. Ang kanilang mga kuwento’y
makatotohanan lalung-lalo na sa pagtalakay ng mga sari-saring suliraning sosyal at
pampulitika.
9
malapit sa damdamin ng tao. Ang kanyang mga karanasang pandaigdig at malapit sa
damdamin ng tao. Ang kanyang mga ipinanalo’y “Mabangis na Kamay – Maamong
Kamay,” “Sugat ng Digma” at “Lakas.”
SUGAT NG DIGMA
ni
Pedro S. Dandan
Isa Lamang iyon sa mga larong panlalaki, ang huego de pato, bukod sa arnis at
boksing na itatanghal sa liwasan bilang pasasalamat sa ikatlong araw na pagpasok sa
aming bayan ng “Tagapagligtas” na Hukbong Amerikano. Dapat sana’y tumulong ako sa
pag-aayos ng palaruan, subali’t pinipigil ako ng isang pananalig sa aking tungkulin. Ako
ang Kapelyan ng pangkat ng gerilya sa Kamuning, at isangguni ko man sa puso’y
nasisinsay sa simulating Kristiyano ang pagdaraos ng huego de pato sa anumang
paskakataon. Ni hindi ko makilingan ang nasabi sa akin ni Medyor Kapulong na ias
lamang pagsasanay iyon sa tahasang panlilipol sa mga takas na Hapones na ilulunsad
naming sa hinaharap.
10
Nagbangon ako sa kinahihigang papag, at itinabi ko ang Les Miserables ni Victor
Hugo na ipinahiram sa akin ni Naomi. Itinulak ko ang aldaba, ang takip ng pawid na
durungawan at isinagka ko sa palabahan. Dumapyo sa aking mukha ang simoy-umaga at
itinaas ko ang kuwelyo ng aking dyaket upang hindi ginawin ang aking mga taynga. Si
Inang ay nagpaparabol ng mga manok sa harapan ng batalan, samantalang nangag-aabang
ang kanyang dalawang baboy na lahing Batangan sa tabi ng labangan.
Nanaog ako upang tiyakin kung pinaapaw ang patubig. Naraanan ko si Tatang sa
duluhan. Ginagatasan nito si Inahin sa lilim ng punong lawayan. Natatanaw sa aming
duluhan ang bakuran nina Obispo Banaag. Ang kanilang tahanan ay ibinubukod ng isang
maayos na halamanan sa malaking Kapilya. Sa likuran ng Kapilya’y nakatubo ang isang
matandang punong mangga. May nakabitin doon na dalawang duyang libangan naming
magkababata: nina Tonyo, Naomi at ako. Si Naomi’y apo ni Obispo Banaag.
Unless souls are saved, nothing is saved; there can be no world peace unless
there is soul-peace. World wars are only projections of the conflicts waged inside the
11
soul of modern men, for nothing happens in the eternal world that has not first
happened within a soul.
“Kahit na ba nang –umit ako ng itlog sa silong nina Ka Mundo maliliit pa tayo at
ikaw ang umaming gumawa?”
“Ako na ang bahalang managot niyon kay San Pedro,” biro ko.
“Ito nga naming si Natoy… siya ang matanda’y siyang pasimuno! Matulog ka na
Tonyo at huwag mong indindihan ang lekat na ‘yan…” ani ni Inang.
Nangliit ako sa likuran ng punong mangga. Hindi matutuhan ni Tonyo ang pag-
ibis…
“Aba, ano bang mga bata ito… pinakuha ko nga kay Naomi ang saloka. Ikaw nga
ang umakyat, Natoy, hindi yata bihasa ang mga taga-Maynilang ‘yan.” Kunwa’y hindi
naiino ng Obispo ang aking panungubli.
12
Bago dumating si Naoming dala ang salok ay nadupilas si Tonyo sa
kinatutungtungang punungkahoy at nahulog. Nakapangunyapit ang isang kamay nito sa
isang sanga at bumitin-bitin ang katawan. Matuling tumapat si Obispo sa bigat ni
Tonyong bumagsak sa kanyang malaking tiytan. Nakatawanan kammi ni Naomi.
Napatawa na rin sina Obispo at Tonyo.
13
“hindi mo ba nalalaman, ‘Insan?” Nanlalaki ang mga mata ni Tonyo. “Ang
babaing espiyang iniutos sa aki ni Medyor na patayin… niyakap ko… ginahasa… saka
ginilitan ng leeg! Hindi lamang iyan… may iba pa… may iba pa…”
Inilagan ko ang mga tingin sa akin ni Obispo Banaag samantalang bumibigkas ito
ng sermon. Nagtatanong iyon: Nasaan si Tonyo. Nagunita ko tuloy si Adan noong
matutop ng Diyos na kumakain ng bungang kahoy na ipinagbabawal na inialok sa kanya
ni Eba. Itinanong din ng Diyos kung nassan ang makasalanang ninuno ng tao Obispo
Banaag ng kinaroroonan ni Tonyo.
Nasusupil naman si Naomi ng kanyang mga panimdim tuwing madarako ang mga
mata sa akin at masusumpungang wala na namang laman angkatabi kong luklukan.
Napapailing.
“Mabuti na, Naomi, ang Katotohanang susugat nang malalim sa kaluluwa, kaysa
kasinungalingang napapatimbungan. Sumama ka na sa akin sa liwasan at makikita mo si
Tonyo, ang talagang Tonyo… ang totoong Tonyo!”
Isang palaruang inihawig nang bahagya sa arena noong panahon ng Haring Nero
ng Roma – noong ang mga larong kinahuhumalingan ng mga maharlika at durong mahal
ay ang pagpapatayan sa tanghalan ng dalawang mandirigmang sandatahan o ng isang
mandirgma laban sa isang mabangis na leon o tigre – ang nakatirik sa gitna ng liwasan.
Nababakuran ng mga upuan ukol sa mga manonood, ang “munting arena” ay may apat na
14
pintuang, bakod sa pambungad, na pawang naaarkuhan at humahantong sa mahabang
hapag na nalalatagan ng sarisaring pagkaing handog ng mga nayong bumubuo sa bayan
ng Kamuning, gaya ng dinuguan, pansit, puto’t kutsinta, ginatang paradusdos, ginataang
kalabasa, kalderetang kambing , suman s ibos, minatamisan, saging, papaya at iba pang
panghimagas.
Nakahanay sa isang panig ng munting arena ang mga luklukan para sa mga
tanging panauhin. Nandoon sina Medyor Kapulong, Tinyerte Ariston at pangalawang
Tinyente Ramires ng pangkat ng gerilya. Gayundin sina Don Anborsio at Donya Papay,
ang naging Alkaled Libro ng bayan na kaagapay ng kanyang asawa at mga anak na
dalaga, at ang ilang kawal ng hukbong Amerikano.
15
Nadale ni Tonyo…si Tonyo’ng nakapremyo…si Tonyo! Naku, itinaas pa ng ulo
ng pato… iniwagaywag… Mabuhay!… Ma-ma… Aba… aba… nag-alma!
Nabigo ang limang lalaking sakay ng kani-kanilang kabayo upang mapigil ang
kastanyo…lumusot iyon sa isang naaarkuhang din ng kastanyo si Tonyo hanggang sa
bungad ng daambakal.
Hindi ko masawata ang mga taong nakapulutong kay Tonyo. Lalong ni Medyor
Kapulong si Tonyo. Hindi makilala sa galos at sugat ang mukha. Bali ang isang kamay at
isang paa.
“Ako nga, Tonyo. Lakasn mo ang iyong loob! Ihahatid ka namin sa ospi..”
Dinama ko ang pintig ng pulso ni Tonyo. Tumakas na iyon at lumatang ang mga
daliring nakasapol pa rin sa pugot na leeg ng pato. Nakita ko nang mahulog iyon sa lupa.
Kinuha ko ang munting krus na palawit ng aking kuwintas at maingat kong ipinaipit sa
duguang palad ni Tonyo.
1.
ILANG GABI nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa
init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong
nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkoy na pagtitig sa lahat nang
sa kanyang impit na paghikbi…
2.
16
Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindi,
nasasalaminan ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad no noo, hati-
sa-kaliwang buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga labing duyan ng
isang ngiting puspos-kasiyahan… Sa kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking hawas
na mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at manipis na labi, ay kay Ina.
3.
Si Ina ay palakibo: siya ay babaing bilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako
inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang
pananalita: Lumigpit ka!… At kailangang di na niya ako makita. Kailangang di ko na
masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga mata. Kailangang di ko na mamalas ang
pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang di ko na Makita ang panginginig ng kanyang
mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwag mayroon siyang
ipinagbabawal.
Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na
lupang uhaw na uhaw…
4.
5.
Si Inay at isang magandang tanawin kung manunulsi ng mga punit na damit; kung
nag-aayos ng mga uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa
kanyang pagburbuda ng aking mga kamison at panyolito – sa galaw ng kanyang mga
daliri – ay natutunghan ko ang isang kapanapanabik na kuwento. Nguni’t ang pananabik
na ito’y napapawi.
17
kalugud-lugod, may ngiti ng kawalang –malay, mabango ang hininga, may maliliit na paa
at kamay na nakatutuwang pisilin, may mga pisngi at labing walang bahid-kasalanan at
kasiya-siyang hagkan, o isang kapatid na kahulihan ng gulang, maaring maging
katapatan…
6.
Sapat na ang isang tuyot na aalis na ako sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang
naningil na ang maniningil sa ilaw o sa tubig o sa telepono upang sakupin ang panahon
itatagal ng isang hapunan. Sapat na ang panakaw na sulyap ni Ama upang ipadamang
may narinig siya.
7.
8.
Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na maliit na aklat
ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni
Ama. Ibinigay ko yaon kay Ina: yaon daw ay talaarawan ni Ama.
9.
Hindi rin kumikibo si Ina: nasa mga mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol.
18
Sapagka’t may isusulat ako…sapagka’t ikamamatay ko ang pighating
ito…sapagka’t …sapagka’t…sapagka’t…
10.
idinaraing ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo: hindi raw siya makahingang
mabuti.
Isang panyolitong basa ng malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama. Wala
siyang tutol sa aking ginagawa: sinusundan niya ng tingin ang bawa’t kilos ko.
Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang mga palad, at ang kanyang binti,
buhat sa tuhod hanggang sa mga talampakan, ay makailan kong binusan ng tubig na
mainit na alagaw. Kinulob ko siya ng makakapal na kumot matapos na inuman niya ang
ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng kalamansi.
Sinuklian ko ng isang mahinang halakhak ang ngiti niyang yaon: hindi ako dating
binibiro ni Ama.
Sana’y ako si Ina sa mga sandaling yaon: sana’y lalo kong ituturing na mahalaga
ang nadarama kong kasiyahan…
11.
Nabigo ako sa aking pag-asa; nakaratay nang may ilang araw si Ama. Halos hindi
siya hinihiwalayan ni Ina: sa ilalim ng kanyang mga mata ay may mababakas na namang
maiitim na guhit.
Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat nang kanyang makakaya. Ngunit,
araw niyang ipagtapat sa akin ang karamdaman ni Ama.
12.
Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nilinis ko ang kanyang makinilya.
Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong kalalathala pa lamang. Pinagsama-sama ko ang
mga papel sa kanyang mga kahon.
19
13.
14.
Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang aking
katiwasayan kung hinsi ka dumating sa aking buhay, bagama’t hindi ko rin marahil
matitiis na hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang pusong nagmamahal.
Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang malimit maging sagwil sa
kanyangkaligayahan…
15.
Naiwan na natin ang gulang ng kapusukan; hindi na tayo maaring dayain ng ating
nadarama. Ngunit, nakapagitansa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang
pumipigil sa kaligayahan; ang hindi natin maisakatuparan ay buhayin na lamang
natin sa alaala. Pananatilihin na lamang natin sa diwa ang katamisan ng isang
pangarap; sana’y huwag tayong magising sa katotohanan…
16.
17.
18.
20
19.
Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat: noon ko lamang namalayan
na may pumasok sa aklatan. Nakita niya ang larawang nasa kahitang pelus na rosas.
Natunghan niya ang amga liham na nagkalat sa hapag ni Ama.
20.
21.
Kailan man ay hindi ko aangkining likha ng aking mga daliri ang ilang salitang
ito.
22.
23.
21
Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin: patuloy sa kanyang halos ay
pagtikim lamang sa pagkain; patuloy sa kanyang hindi pag-idlip; patuloy sa kanyang
pagluha kung walang maaring makakita sa kanya…
24.
Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang
nais tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang
ngipin sa labi.
Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama ay ang Kaliwang kamay nito ay kinulong
niya sa kanyang mga palad.
25.
Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama: Sabihin mo, mahal
ko, na maangkin ko na ang kaligayahan ko…
Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi ko
naming kay Ina ang tinig na yaon. Maaangkin no na, mahal ko!
Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga labi
ni Ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang
buhay ay wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya ang kasiyahang
nadama ng kalilisang kaluluwa…
22
Susana de Guzman, Narciso Asistio, Juan Archiwals, Gemiliano Pineda, Hilario Coronel,
Efren R. Abueg, Edgardo Bautista at Andres Cristobal Cruz.
23
Filipino 2
Modyul V
Aralin 1
PAGTITIYAK NA PAGSUSULIT
A B
24
________ 1. “Uhaw ang Tigang na Lupa”
25
Filipino 2
Modyul V
Aralin 2. ANG MGA DULANG TAGALOG SA PANAHON NG
BAGONG KALAYAAN
PANIMULA
Ang makabagong dulang Tagalog ay nagsimula kay Severino Reyes. Siya ang
tinaguriang Ama na Dulang Tagalog. Sa pagdating ng pinilakang tabing ay unti-unti nang
nawala ang mga Moro-moro at Zarzuela. Natira na lamang ang mga dulang maiikling
pang-intermisyon sa mga sine. Ang maikling panahon ng pagkakasakop sa atin ng
Hapones ay nagbigay daan muli sa pag-unlad ng mga dulang Tagalog. Sapagka’t noong
panahong yaon ay ipinagbawal ang pagpapalabas ng mga pelikulang Ingles, kaya’t nasara
ang karamihan ng mga sinehan. Ang mga mahihilig sa dula at sa pagsulat nito’y
nangagtatag ng mga samahang pandulaan – Ang Dramatic Philippines. Nagtanghal ito ng
mga dulang Ingles at Tagalog nguni’t ang karamihan ng mga Ingles ay isinalin sa
Tagalog gaya ng “Macbeth” at “Cyranno de Bergerac.”
26
Lumusog angmga samahang pandulang Pilipino sa iba’t ibang kolehiyo at
pamantasan gaya ng U.P. Mobile Theater, na nagpalabas ng mga dula ni Wilfredo Ma.
Guerrero na isinalin sa Pilipino. Ganyan din ang isa pang samahan sa U.P. ang Tambuli
Playhouse na nagtanghal ng “Pamana”. Ang Arena Theater ng P.N.C. ay nagtangal din
ng mga dulang Tagalog sa pamumuno ni Severino Montaño.
SINAG SA KARIMLAN
Ni Dionisio S. Salazar
Mga Tauhan:
Padre Abena - isang pari ng Bilibid
Tony - Binatang bilanggo
Luis - Ang kanyang ama
Ernan, Doming, Bok - Mga kapwa bilanggo
Miss Reyes - Isang nars
Isang Tanod
Panahon: Kasalukyan
Tagpuan: Isang panig ng pagamutanng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa
Oras: Umaga
27
(PROLOGO - Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula pambudhi…
Palihan ng puso’t diwa… Waterloo ng kasamaan… Hamon sa
pagbabagong-buhay…
Marami nang lubha ang mga pumasok at lumabas ditto. Walang makapagsasabi
kung gaano-pa-karami ang tatanggap ng kanyang tatak marikit at makulay na
kasaysayan…)
Hubad ang natutulog na si Tony. May bakas ng dugo ang bendang nasa kaniyang
tiyan at kaliwang bisig. May black eye rin siya. Si BOK, ang bilanggong labas-masok sa
Bilibid, ay nakakulubong – may trangkaso siya. Si Mang ERNAN, na may apat na araw
nang naooperahan sa almoranas,ay gising at waring nag-iisip. Naka-plaster cast naman
ang isang paa ni DOMING… Paminsan-minsa’y maririnig ang malakas na paghihilik ni
BOK.)
28
DOMING : Hisi lang, tsokaran.
29
nagalaslas ang imong tiyan, ber? At … teribol yang blak-ay mo.
Yawa.
30
walang pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang
pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong di-
nagkakaisa’y priming nag-aaway –
31
DOMING : Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa tatay mo?
BOK : Tsiken pid! Ang akon lolo, sisenta na, gaanak pa.
(Maikling tawanan)
32
ERNAN : Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam n’yo’y
kwenstiyon de prinsipito ang ikinapasok ko dito. Binayaran ko
lang yung multa – na sabi nga ni Bok ay tsiken pid lang – ay ligtas
na ‘ko.
33
ERNAN : - Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayo’t dahil sa
kanyang pambihirang katalimuhan ay nabago ang takbo ng ating
kasaysayan… Kailangan natin ang marurunong nalider, Tony.
Yaong matalino na’y makabayan pa. Hindi gahaman sa salapi’t
karangalan. Hindi mapagsamantala. Yaong walang colonial
mentality.
34
ERNAN : Sinag sa Karimlan.
35
TONY : “Tapat ang puso mo’t di nagunam-guman na ang
paglililo’y nasa kagandahan.” Sino nga, Mang Ernan, Ang nagsabi
niyon?
BOK : A, no pwede sa akon ganon. Todas lahi nila lahat pag ako
ginluko, hm…
36
napakaraming mapagkunwari? Keraming marumi na naglilinis-
linisan. At meron pang kaya lang nagbibigay e dahil sa inaasahang
tubo o gantimpala. May –
PADRE ABENA: Ow, huwag mong intindihin yun, anak. Ikaw naman ang
pinakamarunong sa lahat, a… Natutuwa ako’t hindi ka naganyak
samama kagabi.
37
TONY : Padre,ke buti-buti n’yo! … Siyanga pala, si Mang Erna’y
ibig ding – Wala raw silang anak.
PADRE ABENA: Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang
nagpapagibik na yon. (Susundan ito na alis)
38
ERNAN : Sadyang mabait si Padre Abena. Sana’y paris niya ang
lahat ng alagad ng pananampalataya… Pero, tingnan mo, Tony. Sa
karamihan ng kanyang gawain ay hindi mo siya makakapiling sa
lahat ng oras, samantalang ako … Tuturuan kita ng pagtula. Ng
pagsulat. Pananalumpati. Pag-aaralin kita hanggang ibig mo.
Kailangang naming mag-asawa ang isang tagapagmana …
DOMING : Listo! Ayan na naman hang tay-ban! (Darating ang dati ring
tanod.)
39
TONY : Bisita? Asan, sir? Sino ho siya? Kilala ba n’yo, sir? …
TONY : (Kanut-noo) Sino kaya yon? … Ba, siya ang una kong
dalaw sa loob ng dalawang taon.
40
(Pagkaraan ng ilang saglit sa gayong ayos ay pabigla at walang
kibong magwawala si Tony. Kahit nakakaramdam ng kirot ay
titindig siya’t uurong ng ilang hakbang. Tutop niya ang sugat sa
tiyan. Tiim ang kaniyang mga bagang, may apoy sa mata, at
inaalon ang kaniyang dibdib. Mapapansin ni Mang Luis ang
kaniyang mga sugat at ang “black-eye.”)
LUIS : Tony! …
41
Nahuli ako. Nagmakaawa ako at pinatawad naman. Subali’t…nang
dumating ako at sa at – sa amin ay …(mababasag ang tinig ) patay
nang kapatid ko! Sa tulong –
42
TONY : (Dahil sa ibang iniisip ay hindi mauunawaan ang huling
sinabi ng ama) Ewan ko kung si Nanay e buhay pa o patay na.
(Pasigaw na naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang kasawian!
… A-raruyy! …
43
ERNAN : (Malumanay subali’t madamdamin) Ang buhay, Tony, ay
batbat ng iba’t ibang uri ng pagsubok. Ang tagumapy, kaya lalong
tumitingkad ay dahil sa kakambal na pagpapakasakit. Ang lalaking
tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng tadhana ay
pinaytatampuhan ng tagumpay.
44
DOMING : (Patikud-tikod na lalabas subalit doon pa’y sisigaw na)
Nars! … Nars! … NAARRRSSS! …
(Muling darating ang nars na nakarining sa malakas na sigaw ni
Doming. Agarang lalapitan ng pampaamapat ng dugo ang sugat ni
Tony. Samantalang naggagamutan sila ay siya namang paglitaw sa
may pintuan ng magkasamang P. Abena at Mang Luis. Walang
imik silang magmamasid.)
PADRE ABENA: magkakilala pala kayo ni Miss reyes… Mabait at masipag ang
batang yan. Paris mo… Anak, ang tatay mo’y – nagkita kami.
Nakiusap siyang –
45
TONY : Patawarin mo ko, Miss Reyes.
WAKAS
46
PANITIKANG PILIPINO SA INGLES
Panulaan sa Ingles
Simula nang ituro ang Ingles sa mga Pilipino ay kasama na ring itinuro ang mga
yaman ng panitikang Ingles. Ang mga Pilipino’y madaling natuto ng kayamanang ito.
Ito’y kanilang napa-unlad, at loob lamang ng may 20 taon ay amy tatlong daan mga
makatang Pilipino sa Ingles ang nagsisulat ng tula. May dalawang kadahilanan ang
mabilis na pag-unlad ng panitikang Pilipino sa Ingles. Una, ay ang pagkakaroon ng
bagong sistema na Edukasyon ng Pagkakataong makapag-aral. Ang mabilis na pag-unlad
ng edukasyon ay kaalinsabay na rin ng pag-unlad ng panitikan.
Ang mga inang makatang Pilipino sa Ingles at sina Fernando M. Maramag, Luis
Serrano, Bernardo P. Garcia, Juan Salazar, Lorenzo Paredes, Franscisco M. Africa, Mario
Mendez, Maximo M. Kalaw, Nicasio Espinosa, Celedonio P. Gloria, Natividad Marquez,
Procopio Solidum, Ceferino Montejo, Luis Dato, Leopoldo Uichangco, M. de Gracia
Concepcion at mga iba pa.
Nick Joaquin
Dominador I. Iilio
47
Si Dominador I. Iilio ay hindi lamang isang makata kundi siya’y isa ring guro sa
Pamantasan.
48
Filipino 2
Modyul V
Aralin II
PAGTIYAK NA PAGSUSULIT
A. Punan ng wastong sagot ang bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago
bilang.
49
_____________ 6. Pagdating ng pinilakang-tabing unti-unting nawala ang
moro-moro at sarsuwela.
_____________ 7. Ang mga dula ni Wilfredo Ma. Guerrero ay unang
napasulat sa wikang Kastila.
_____________ 8. Malaki ang naitulong ng demokratikong edukasyon sa
mabilis na pag-unlad ng panitikang Pilipino sa Ingles.
_____________ 9. Dahil sa kanilang karanasan sa digmaan ang mga makatang
Pilipino sa Ingles ay nagkaroon ng istilong makatotohan at buhay
sa buhay.
_____________ 10. Si Nick Joaquin ay kinikilalang pangunahing manuunlat sa
panitikang Ingles.
50
Filipino 2
Modyul V
Aralin 3. ANG PANITIKAN SA KASALUKUYAN
PANIMULA
51
Kung paanong isang paghuhunos ang panitikan ng mga 1950 sa panitikan noong
panahon ng pagpapalaya, ang panitikan ng mga 1960 ay isa ring paghuhunos sa panitikan
ng 1950. Mula sa pangkat ng mga kabataang manunulat na binubuo na marami sa mga
kasapi ng Kapisanang Aklat, Diwa at Panitik (KADIPAN), gaya nina Ponciano B. P.
Pineda, Hilario L. Coronel, Pablo N. Bautista, Elpidio P. Kapulong, Manuel J. Ocampo,
Tomas C. Ongoco, Anacleto I. Dizon , Ben S. Medina, Diego V. Quisao, Dionisio S.
Salazar, isa ring pangkat nga mga kabataang manunulat na may inaasahan ang humawak
ng panitik sa ikahahawan ng masukal na landas ng panitikan na pinapagdawag ng mga
umano’y batikang manunulat sa panahon ng pagpapalaya. Kabilang sa mga bumubuo ng
pangkat na ito’y sani Rogelio Sikat, Dominator B. Mirasol, Edgardo M. Reyes, Eduardo
Reyes Bautista, Domingo G. Landicho, Efren R. Abueg, Rogelio L. Ordoñez, At
Wilfredo P. Virtusio.
52
Kaya nga nang lumaon ay higit na matatagpuan sa mga pahayagang pampaaralan ang
mabubuting obrang pampanitikan kayasa mga popular na magasin.
Dahil dito, ang ilan sa mga may inaasahang kabataang manunulat ay sumibol
mula sa kampus ng mga unibersidad at dito sa mga pahayagang pampaaralan
nagsipaghasa ng panulat. Maibibilang dito sina Virgilio S. Almario, Rogelio G.
Mangahas, Lamberto E. Antonio ng Pamantasan ng Silangan, Ricardo Lee at Edgar
Marahan ng Universidad ng Pilipinas, Jose Munsayac at Raymundo Francisco ng
Unibersidad ng Manuel L. Quezon.
53
noon 1963 at ni Herenal Emilio Aguinaldo noong 1969. Nakatulong din kaipala sa
Pilipino na itinaguyod ng Pangulong Marcos noong 1969.
Higit sa alin mang dekada, sa mga 1960 din nakapagdaos ng mga “workshop”
para sa mga manunulat at mga seminar tungkol sa wika at panitikan. Ang pagtataguyod
ng “workshop” sa Pilipino ay pinangunahan ng Ateneo de Manila. Tuwi-tuwina,
karaniwang sa kaarawan ng mga haligi ng wika at panitikan, ay pinangungunahan naman
ng Surian ng Wikang Pambansa ang pagdaraos ng seminar.
54
mga samahan at mga kilusang walang hangaring maitampok ang ating katutubong
kultura.
Anupa’t ang mga dulang ito’y nagtataglay ng lalong higit na katangian sa iba
pang mga dula, lalo pa nga’t kung susuriin ang mahuhusay na pagganap ng piling
mgaartistang tumutungkol ng maseselang paper. Ang mga artistang-dramatistang ito,
sampu ng mga sumusulat ng iskrip at direkto, ay malimit magsipagkamit ng “Cat
Awards” taun-taon mula noong 1967 hanggang 1970 bilnag patunay naang programang
ito tueing Biyernes ng gabi ay natatangi at naiiba. Katulad ng PETA, kabilang ito sa mga
dulang makapagpapayaman sa katutubong kulturang Pilipino.
Sa loob ng sampung taon, 1960-1970 ay nangulimlim ang dulang Tagalog. Iilan
lamang na mandudulang Pilipino ang nangasusulat ng mga dulang pinangungunahan ni
Dionisio S. Salazar. Si Salazar ang nakasulat ng humigit kumulang sa dalawampung dula.
Ang kanyang mga dula’y tinipon niya sa isang aklat. Maka-apat siyang nagtamo ng
unang gantimpala na ipinagkaloob ng Palanca Memorial Awards. Ang kanyang mga
dulang nagwagi ay ang mga sumusunod: “July 4, 1954”; “sinag sa Karimlan,” 1961;
“Makapaghihintay ang Amerika”, 1968 at “Bukang Liwayway” at iba pang mga dula.
Kabilang sa mga manunulat ng dula noong panahong yaon na nagkamit din ng limang
Gantimpalang Palanca ay sina Amado V. Hernandez sa kanyang “Magkabilang Panig ng
Isang Bagal”, 1961; Benjamin Pascual sa kanyang “Huling Kahilingan”, 1962; Edgardo
Reyes sa kanyang “Mga Yagit”, 1966: Fernando Samonte sa kanyang “Gabi at Araw”,
1967; Wilfredo Virtusio sa kanyang “Vida”, 1969; Victor Francisco sa kanyang “Dugo sa
Uhaw na Lunting Palyan”, 1970. Halimbawa ng dulang iisang yugto ni Dionisio Salazar,
1964 – 1965 ay “Sinag sa Karimlan.”
55
Sikat ay nagsimula nang sumulat tungkol sa nayon ng San Roque. Si Efren Abueg noong
1961 ay may protesta na rin sa kalupitan at kabangisan ng lunsod ng kanyang “Mabangis
na Lungsod” na nagwagi ng pangatlong gantimpala sa Palanca. Nang lumaon, pumasok
na rin sina Dominador Mirasol, Rogelio Ordoñez at Domingo Landicho sa kanilang mga
kuwento tungkol sa mga manggagawa.
TATA SELO
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakasungaw ang luha sa Malabo at
tila lagi nang nag-aaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang
siko at paypay. Ang kutod niyang yaro sa natibay na supot ng asin ay may bahid ng
natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang
kasangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis sa sumasawata sa nagkakagulong tao.
Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ang dugong putok sa noo.
Sa kanyang harapan, di-kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong
ibig makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito, tamang
humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nasasalisod na alikabok.
56
“Bakit nila babawian ang aking saka?” tanong ni Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya
sa partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako.
Hindi ba’t kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit
isang pinangko kung anihan.”
Hindi pa rin umaalis sa harp ng istaked si tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa
rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.
“Binabawi pa niya ang aking,” sumbong ni Tata Seno. “Saan pa po ako pupunta
kung wala na akong saka?”
Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang
kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka
niya ano mang oras.”
Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si tata Selo. Nakita niya ang isang batang
magbubukid na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid o
anak-magbubukid, na maniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong
balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit
itong lilik.
“Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang.” Paliwanag ni tata Selo. “Doon ba sa
amy sangka. Pinaaalis ako sa aking saka, ang wika’y iba na raw ang magsasaka. Nang
57
makiusap ako’y tinungkod ako. Ay! Tinungkod ako, amang. Nakikiusap ako, sapangkat
kung mawawalan ako ng saka ay saan ako pupunta?”
“Patay po ba?”
Namuti ang mga kamao ni tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya
sa balikat.
“Saan po tinamaan?”
“Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at
mariing inihagod hanggang sa kamang punong tainga. “Lagas ang ngipin.”
“Lintik na matanda!”
58
Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang
nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa
nasasalaminang mesa.
“Binabawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko
pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at
naembargo.”
“Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong
magsaka. Makatwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente,
malakas pa po.”
“Bakit po naman, Besa?” tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako.
“Bakit po naman , Besa?” tanong ko po uli, “malakas tinungkod po niya ako nang
tinungkod.”
59
“Umuwi na po si Saling, Presidente.”
“Kailan?”
“Kamakalawa po ng umaga.”
“Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay
Tata Selo na nakayuko at di pa tumitinag sa upuan.
“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kay Tsip e,” sinasabi ng isa nang si Tata Selo
ay tial damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.
60
Nakaunat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang tila walang
butong mga kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang
dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng maitim
na kape at isang latang kanin. Nilalangaw iyon.
“Patayin na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang marinig si Tata
Selo. “Napatay ko po ang kabesa. Patayin na rin ninyo ako.”
Takot himipo sa maalikabok na rehas ang alkalde. Hindi niya nahipo ang rehas
ngunit pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan kung may alikabok iyon. Nang
tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito.
May mga tao na namang duramating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon.
Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis.
Kakaunti ang magbubukid sa bagong langkaw na dumating at tititngin kay Tata Selo.
“Hindi ka na sana naparito, Saling,” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit
ka, Saling, may sakit ka!”
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang
kintab niyang buhok ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang
araw. Matigas ang kanyang namumutlang mukha. Pinagpaglilipat-lipat niya ang tingin
mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.
61
“Umuwi ka na Saling,” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na … mo na ako. Umuwi
ka na anak. Huwah ka nang magsasabi…”
“Naki mayor.”
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis Tata Selo. Napasubsob si Tata
Selo pagkaraang siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw ang
pintong bakal ng istaked. Humihilahod na ginapang niya ang rehas, mahigpit na
humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila huhutukin. Tinawag
niya ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang
mukha sa sementadong lapag. Matgal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila
gumigising sa kanya.
Umaangat ang mukha ni Tata Selo. Inaaninaw ng mga luhaan niyang mata ang
tumatawag sa kanya.
62
Si Rogelio Ordoñez sa kanyang “Buhawi” at sa “Uod sa Bibig ng Lupa” ay
nagpakita rin ng pagkapoot sa mga sinisikil, tulad ni Andong sa “Buhawi” na
nagmakaawa, naglumuhod na huwag tanggalin sa trabaho, subalit hindi pinakinggan.
Ang kawalang pag-asa ng nagtulak sa kanya upang itaas ang piko, na siyang lunas sa
kanyang protesta sa kawalang-puso ng mga taong sagisag ng hindi matinag-tinag na
establisimyento.
Ang mga kuwento naman ni Efren R. Abueg nang lumaon, mula sa protesta sa
kapaligiran ay nag-usig sa tunay na sanhi ng ipinaghihirap ng kabuhayan ng bansa. Ang
kanyang panitik na nang-uusig ay tungkol sa monopolistang kapital na dayuhan na siyang
puno’t dulo ng paghihikahos at pagkakatanikala ng lahat ng bahagi ng kapamuhayang
Pilipino sa mga dayuhan. Sa kanyang “Ang Pilipino at Amerikano” ay hinihingi niya sa
isang Amerikano ang katapakan nito na pakasalan ang pinagsamantalahan nitong
Pilipina; winasak niya ang kabutihan ng mga sundalong Amerikano sa pamamagitan ng
historical na paglalahad ng tunay na nangyari kay Hen. Gregorio del Pilar, at sa
“Kamatayan ni Tiyo Samuel” ay marahas niyang hiningi sa pamamagitan ng dahas ang
paghiwalay nang tuluyan ng Pilipinas at Amerika.
63
Filipino 2
Modyul V
Aralin 3
PAGTIYAK NA PAGSUSULIT
II. Tukuyin ang wastong sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang
bago bilang.
64
____________ 4. Uri ng lengguwaheng ginamit ng mga manunulat sa
pagtalakay sa huling dekada 1960.
____________ 5. Mga paksang nagtutumining sa huling dekada 1960.
____________ 6. Naging sagabal sa pag-unlad ng dulang Tagalog.
____________ 7.
____________ 8. Tinalakay ni Efren Abueg sa Mabangis sa Lungsod.
____________ 9. Uri ng mga tauhang binuhay ni Rogelio Sikat sa “Impeng
Negro” at “Tala Selo.”
____________ 10. Ang ipinagkait kay Tata Selo.
65
Filipino 2
Modyul V
Aralin 4. MGA TULA, DULA AT NOBELA SA KASALUKUYAN,
KATATAWANAN AT KWENTONG SIKOLOHIYA
PANIMULA
MGA TULA
66
Ang bagong panulaang kasalukayang nililikha ng mga batang makata na
nananalunton sa landas na iniwan ni Amado V. Hernandez, ay may tatlong katiwaliang
isinisiwalat sa tula. At ikalawa, ang tahasang palabag sa kagandahang-asal na
panunungayaw at karahasan sa pananalita.
Ikaapat ng madaling-araw,
Di hagulhol niyong bunso ang pumukaw sa pag-idlip,
Ni ang putok na may hatid na malagim na balita;
Subali’t bumangon ang inang sariwa pa ang larawan
Ng lagas na ngipin sa banig…
67
makata. Sa tulang “ang Burgis sa Kanyang Almusal” ni Rolando S. Tinio, inilarawan ng
makata ang isang kinatawan ng Pilipino. Nag-aalmusal ang isang mayamang halos uring-
palasyo ang kapaligiran. Sa isang bandehang pilak, nakatiklop ang peryodikong puno ng
balita tungkol sa:
68
Na dinadagundong ng laksang sapatos
Habang nakatanghal ang panakot-uwak.”
“PAGBABALIK SA PANTABANGAN”
ni Lamberto E. Antonio
69
Pilit inaarok ng gunita ang huling bakas
Ng gutom at kahubdan; nguni’t alam ko mula
Sa kung saa’y maraming nagbabalik –
Sapagka’t sa linsad na panga ng isang talampas
Ay nakasalak ang mga bubungan
Sa piling ng talahib na humahagkis sa kawalan
Tula
“Laboratoryo at Dambana”
Suriin naman natin ang tulang ito “Takada ni Islaw Palitaw” ni Lamberto
Antonio. Ito’y larawan ng aping kalagayan ng mga Pilipino.
70
Bahagi ng tula
“Supling”
71
Martin, Martin, Manuel D. Pambid, Juan Cruz Reyes, Delfin Tolentino, Ma. Luisa F.
Flores at Virgilio V. Vitug.
Ang kanilang mga kuwento ay sumasaling pa rin sa iba’t ibang sugat ng lipunan.
Patuloy pa rin ang paligsahan sa pagsulat ng kuwento, tula at dula ng Palanca Memorial
Awards at kabilang sa mga nagwagi ay ang mga sumusunod: Edgardo Maranan sa
kanyang “Ipis sa Guhong Templo”, 1971; Jose Rey Munsayac “Isang Araw sa Buhay ni
Juan Lazaro”, 1971; at “Ang Oktubre ay Buwan ng mga Talahib”, 1975; Antonio N.
Adviento “Lagaslas ng Hanging Makamandag”, 1979; Reynaldo A. Duque – “Kandong”,
Benjamin P. Pascual – “Di Ko Masilip ang Lam”, 1981; Wilfredo Virtusio – “Si Loleng
Maria Kapra, Mga Araw at Gabi at ang Bukang Liwayway sa Kanyang Bahay”, 1972;
Pedro S. Dandan “Ang Daan ni Noe”, 1973.
Sa panahong ito’y apat na nobela ang natatangi. Noong 1977 ay lumitaw ang
nobelang “May Tibok ang Puso ng Lupa,” ni Bienvenido A. Ramos, patnugot ng
Liwayway sa nodelang ito’y inilarawan ni Ramos ang isang anak ng mayamang
propataryo, na nagsikap na wakasan ang piyudalismo sa lupain ng kanyang ama. Noon
namang 1974 – 1975 ay lumabas ang “Ginto ang Kayumangging Lupa” ni Dominador B.
Mirasol na nalathala na deserye sa magasing Sagisag. Ang paksa ng nobela’y tungkol sa
isang magbubukid na nabigo sa kanyang panaginip na magkaroon ng sariling lupa.
Nagkamit ito ng gantimpala sa timpalak sa pagsulat ng nobela nainilunsad ng CCP noong
1979. Ang pangatlong nobelang nagwagi sa Palanca Memorial Awards noong 1980 ay
ang kay Luwalhati Bautista na may pamagat na “Gapo” na nagsasalaysay ng pakikibaka
ng mga manggagawang Pilipino sa base military ng mga Amerikano sa Olongapo upang
sila’y tingnan at tratuhing bilang kapantay nila dito sa ating bayan. Noong 1978 ay
lumabas ang “Freccion” ni Edel Goncellano. Ang nobelang ito’y isang paglalahad sa
72
kasaysayan ng lipunang Pilipino. Dito’y inilalarawan ang buhay ng tatlong pamilyang
may magkakaibang pananaw, paninindigan at katayuan sa buhay.
Isang dula pang musical sa Bisaya ang “Usa KA Kasalan” ni Orlando R. Nedres
ang itinanghal din sa Cultural Center. Mga dulang makabago, ang rock operang ballet
ang naitanghal din. Ito’y ang “Tales of the Manuvu” tungkol sa buhay ng isang tribo sa
Mindanao. Sinulat ito ni Bienvenido Lambera at amg mga sayaw na pinamahalaan ni
Alice Reyes. Ang tugtugin ay inilapat naman ni Nonong Pedero. Inayos ang Metropolitan
Theater at ito’y pinagtanghalan ng mga bagong dula. Ang unang dulang itinanghal doon
ay ang “Isang Munting Alamat” ng Kabataang Barangay na pinangunguluhan ni Imee
Marcos, anak na Pangulong Marcos. Itinanghal na muli doon ang “Portrait of the Artist as
a Filipino” na pinamahalaan ni Bert Avellana.
Ang Fort Santiago ay naging tanghalan din ng mga lumang dula gaya ng sinakulo
at moro-moro.
73
Mapapansin na ang tula ni Antonio ay hindi na tungkol sa sosyalismo at
imperyalismo kung hindi tungkol sa kalikasan, gayon din ang istilo ay mahinahon at wala
na ang dahas, tungayaw at mga maaanghang na mga pananalita.
Napinid ang mga pahayagan, mga lingguhang babasahin, gayon din ang mga
radyo at telebisyon nang idiklara ng Pangulong Marcos ang Batas Militar. Sa mga
pahayagang nipinid ay wala nang nabuksan liban sa lingguhang Liwayway at Women’s
Journal. Ang mga bagong pahayagang nagsilitaw ay ang Bulletin Today, Philippine
Daily Express, Times Journal, Ang Balita, Pilipino Express at Evening Express. Noong
1974 ay nagsilabas ang Evening at Daily Tribune. Noong bandang hui ay pinayagan nang
makalabas din ang mga magasing Panorama, MOD, Mr and Mrs., Who, Wow at Modern
Romances. Nakararami ang mga babasahing Tagalog kaysa Ingles. Ang mga ito’y
Pilipino, Hiwaga, Espesyal, Bulaklak, Aliwan, Tagalog Klasiks, Darna, Superstar, Pinoy,
Amor at iba pa.
74
Taruc, ang dating supreme ng Hukbalahap at ngayon ay isang mambabatas. Ang pamagat
ng kanyang pangulong tudling ay “Sa Aking Paningin.” Si Rolanda Padul ay mayroong
din sa Bulletin Today na may pamagat na “Busal at Butil.”
Pagkakapantay-pantay
Iisang Lipi
75
“Noong panahon ni Bonifacio, ang sigaw ng kirot at pagsalungat ay bumigkas sa
lahat ng mga mithiin ng mga Pilipino upang magkaroon ng isang bansa at kalayaan… at
sa unang pakakataon ay kinilala ng mga Pilipino na sila ay iisang lipi…”
Katutubong Demokrasya
Rebolusyon at Pagbabago
76
TULA – 1964 –1965
SA PAGKAPAROOL
ni
Ruben Vega
I. Ang Sumpa:
Malalangoy ko ba
Ang naglulumiyad na dagat ng lumbay?
Mararating ko ba
Sa lumalagunlong
Kalampag ng alon sa budhi kong bingaw,
Ako’y naniwalang
Sa pagkaparool ang tao’y nilalang!
Dami na Panata
Na naging Hinakdal sa dibdib kong durog!
Dami ng rosaryong
Nagkabuhul-buhol sa dibdib kong durog!
Subalit ang Langit
Sa kalulunura’y hindi ko maabot!
Sa paninimbulan
Sa aking Sarili’y lalong napalubog!
Dati-rati ako’y
Bulaklak ng Agos ng Isang Kahapong
Batbat ng Pangarap
Sa Kristal na ilog ng payapang Nayon!
Data-rati’y ako’y
Kumakantang Bakal sa kunday ng Alon
At putting Kilapsaw
Ng Langit sa batis ng dakilang layon …
77
III. Nagalit sa Diyos:
Ang kabathalaan,
Sa kaanyuan ko’y pusong nilapirut…
Saka ipinukol
Sumulak sa imbing
Damdaming ko’y bagsik ng dugo ni Kain:
Sumiklab ang poot
Sa pagkapingas ko sa naglahong Aliw!
At rumaragasang
Bawa’t marama’y lupaypay sa Dilim …
Hanggang sa ibagsak
Sa kanyang Pedestal ang sanlaksang Lagim!
Nagbanlaw sa bukal
Ng luha ang pusong windang sa pagliyag –
Ang Tukang sa Dugo
Ng mga inapi’y sumuso ng Lakas!
Ang ginto’t talino
Sa bundok ng Diyos ay aking binakbak …
At sadyang binuksan
Ang tiyan ng lupang itlugan ng Uwak!
Sa kabuhungan ko’y
Nagbunto ang bungong aking hinahagdan
At ang bawa’t ulong
Nagyuko sa aki’y siyang nagpapasan …!
Ang kabaliwan kong pantaya’y Maykapal,
Nagkagiba-gibang
Kastilyong Baraha ang pananagumpay!
V. Hiwagang Di-Matuturol:
78
Itong pagkataong
Akala’y Bathala sa tayog ng lipad
Ang kapantay pala’y
Bakas ng yapak ko sa lusak ng landas …!
Sa kinaanurang
Lawak ng Hiwagang hindi ko maturol:
Lumubog-lumutang
Itong kapalaran sa pagkaparool …
Ang sangkatauhan
Ay nagdurumapang along nanaghoy
Sa pag-aagawang
Walang timbulan ang aking ataul…!
SA HAGDAN NG DIYOS …
79
Na tanging Pag-asa
Sa kinabukasan ng pamumukadkad!
Kapapanata kong
Isingkaw ang munting Anino sa Araw,
Sa saganang Pawis
Ay papaghilumin ang sugatang Parang;
O ako’y nangakong
Ang pag-uumaba ay dalhing Silangan
At papagbinbiin
Ang pagpupunyagi’y
Lalong magtitibay sa hampas ng lagim –
Ang gibing pangarap
Sa dati ring sigla’y aking bubuuin!
Itong santinakpa’y
Larawang ng Sipag ng Poong Maykapal,
Kaya tungkulin kong
Ibangon ang bawa’t nilikhang mabuwal:
Ang guho mang burol
Ay papatagin ko nang mapaglandasan
Ng Dugong Sagana
Ang walat na dibdib ng lupang tiwangwang!
RIZAL
Ikaw ang bayaning sa puso ng bayan
Ay muling nabuhay!
Nalalaman mo ba
Na higit sa iyo’y daming nangamatay nang dahil
sa baying iyong sinisinta
Subali’t ni hindi man lamang kilala?
80
Ni bakas man lamang ng kanilang puntod.
Ni tanda mana lamang ng patpat na kurus
Ay walang makita liban sa minutok
Ng nangaulilang ang pag-asa’y durog!
O kabayanihang
hindi ko mawaei ang katotohanan!
May Rizal na tunay
at ito’y bayaning ipinagdiriwang!
May maraming Rizal
Subali’t bayaning nalimot ng Bayan!
81
Filipino 2
Modyul V
Aralin 4
PAGTIYAK NA PAGSUSULIT
I. Pagtapat-tapatin. Hanapin sa Hanay B ang wastong sagot sa mga tanong sa
Hanay A. Titik lamang ang isulat sa patlang bago bilang.
A B
82
B. Pinaksa ng mga Dula sa Bagong Lipunan
4.
5.
III. Tukuyin ang sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago bilang.
83
Filipino 2
Modyul V
Aralin 1
A. 1. B 6. I
2. K 7. D
3. A 8. E
4. G 9. M
5. H 10. L
B. 1. Liwayway Arceo-Bautista
2. Jose Villa-Panganiban
3. Julian Cruz Balmaceda
4. Teofilo Sanico
5. Teo Baylen
6. Fausto Galauran
7. Pedro Dandan
8. Teodoro Gener
9. Rufino Alejandro
10. Amado V. Hernandez
Aralin 2
A. 1. Severino Reyes 6. parusa
2. Akdang Ingles 7. pagtatalo
3. Palanca Awards 8. karimlan
4. Pambansang Bilangguan 9. Balagtas
5. kasamaan 10. magbigay
B. 1. Tama 6. Tama
2. Tama 7. Mali
3. Tama 8. Tama
4. Mali 9. Tama
5. Mali 10. Tama
Aralin 3
I. A. 1. Malaking Agwat ng Mayaman at Mahirap
2. Pagmamalabis ng Makapangyarihan
3. Kapus-palad na Nawalan ng Karapatan
B. 1. Pampulitika
2. Panlipunan
3. Pangkabuhayan
84
2. Pagdami ng Pelikulang
3. Kawalan ng Dulaang Pambansa
E. 1. Pnikamatimpi
2. Pinakamatinding Protesta
G. 1. Makapagtuturo
2. Humihingi ng Pagbabago
Aralin 4
I. 1. G 6. J
2. H 7. B
3. L 8. E
4. A 9. K
5. I 10. B
B. 1. Pagpapaunlad ng kabuhayan.
2. Pagpaplano ng pamilya.
3. Kasamaan ng ipinagbabawal ng gamut.
85
10. babasahing Tagalog
11. pamamahayagang paunlad o developmental
journalism
12. Batas Militar
13. Pagpantay-pantay
14. Ang mga nangamatay nang dahil sa sinisintang
bayan
15. Pagiging malaya
86
Pangalan: _________________________________________________Puntos: ______
Tirahan: _______________________________________________________________
Student No.: _________________________________________ DLC: _____________
Filipino 2
Modyul V
PANGKALAHATANG PAGSUSULIT
A B
II. Tukuyin ang wastong sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot bagong patlang.
87
____________ 10. Akdang naglalarawan ng pagsigay ng pakikipaglaban mula
sa panulat ni Rogelio Mangahas.
88