You are on page 1of 3

FILIPINO 5 – 2nd Quarter Examination

Alamat (126) – uri ng panitikang nakukuwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay bagay.

Halimbawa: Alamat ng Pinya, Ang Pinagmulan ng Lahing Tagalog, etc

Piksiyon (139) – kuwento o akda na kathang isip lamang o hindi totoo at batay sa tunay na
pangyayari. Lahat ng alamat ay halimbawa ng piksyon. Di piksyon naman kapag batay sa
totoong pangyayari at bunga ng pananaliksik (research)

Denotasyon – literal na kahulugan ng mga salita at kadalasang makikita sa diksyunaryo.

Konotasyon – malalim na pakahulugan ng mga salita.

Klasipikasyong Dewey Decimal (167) – sistemang ginagamit sa mga aklatan upang mapadali
ang paghahanap ng mga aklat na nais basahin o gamitin. Nadiskubre ni Melvin Dewey, isang
amerikanong laybraryan.

Kard Katalog (182) – listahan ng aklat na nakasulat sa isang maliit na kard at nakaayos nang
paalpabeto.

OPAC – Online Public Access Catalog, makabago at mabilis na sistema ng kard katalog na
ginagamitan ng kompyuter na kung saan nakatala ang mga listahan ng mga aklat at iba pang
kagamitang matatagpuan sa loob ng aklatan.

Library Card (195) – kard na ginagamit sa paghiram ng aklat sa silid aklatan.

Pangkalahatang Sanggunian (208) –

1. Diksyunaryo – makikita ang kahulugan ng mga salitang nakaayos ng paalpabeto


2. Encyclopedia – ginagamit sa paghahanap ng iba’t-ibang impormasyon tungkol sa iba’t
ibang larangan.
3. Atlas – para sa iba’t ibang uri ng mapa at nagsasaad ng lawak, lokasyon, at distansya ng
lugar.
4. Almanac – taunang talaan o kalendaryo ng mahahalagang araw, petsa at impormasyon
tungkol sa pangyayari sa isang lugar.

Pangngalan - Ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.


Uri ng pangngalan :
1. Pantangi – nag-uumpisa sa malaking titik at espisiko
Halimbawa: Harvent, Samsung, SB19

2. Pambalana – nag-uumpisa sa maliliit na letra at kadalasan ay pangkalahatang ideya


Halimbawa: paaralan, selpon, grupo
3. Tahas - mga pangngalang konkreto o nakikita at nahahawakan
Halimbawa: pagkain, orasan, madla

4. Basal – mga pangngalang di-konreto o tumutukoy sa mga konsepto at ideya


Halimbawa: prinsipiyo, pangarap, karapatan

Kailanan ng Pangngalan (154)

1. Isahan – tumutukoy sa isang pangngalan lamang, maaaring makita ang mga panandang
ang at si.
Halimbawa : presidente, Stell, SB19

2. Dalawahan – tumutukoy sa pangalang tiyak na dalawa lamang ang dami.


Halimbawa: mag – ina, magkaibigan, magkaklase, magkapatid

3. Maramihan – tumutukoy sa tatlo o higit pang pangngalan, makikita ang mga panandang
ang mga at sina, gayundin ang mag+pag-uulit sa unang pantig ng salitang ugat.
Halimbawa: mga guro, magkakaibigan, magkakapatid, etc.

Panghalip – mga salitang panghalili o pamalit sa pangngalan.


Uri ng Panghalip:
1. Panao – inihahalili sa pangalan ng tao tulad ng ako, siya, ikaw, sila, tayo

2. Pananong – ipinapalit sa pangngalan na ginagamit sa pagtatanong gaya ng sino, kanino,


ano at alin

3. Pamatlig – ipinapalit sa pangalan ng ng bagay o lugar na itinuturo tulad ng dito, ito,


diyan, iyan, doon, iyon, etc.

4. Panaklaw – sumasaklaw sa kaisahan at kalahatan ng kinatawang pangngalan tulad ng:


lahat, madla, sinuman, kaninuman, magkanuman, gaanuman, pawang, bawat isa.

5. Panulad – ipinapalit sa mga bagay na itinutulad gaya ng ganito, ganyan, at ganoon.

BOKABULARYO:

Kasingkahulugan

1. NANGAHAS = SUMUBOK
2. IKINAGIMBAL = IKINATAKOT
3. PUMAPALAOT = NAGPUNTA SA DAGAT
4. BUKAMBIBIG = LAGING SINASABI
5. PANGAMBA = TAKOT
6. PANLULUMO = PANGHIHINA
7. NABABANAAG = NAKIKITA
8. HUMAHANGOS = HUMIHINGAL
9. LAPASTANGAN = WALANG GALANG
10. MAHALINA = MAAKIT

You might also like