You are on page 1of 22

Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

Modyul

SA
Claver Extension College

FM10- Ang Filipino sa kurikulum ng batayang


antas ng edukasyon

Inihanda ni:
G. Mervin C. Calip, LPT
)
Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

Ang modyul na ito ay denisenyo para sa mga mag-aaral sa kolehiyo. Ito ay ihihanda
upang mapag-aralan at matalakay ang mga paksa sa Faynal na talakayan at kakailanganin sa
pagtamo upang maisakatuparan ang asignaturang Filipino dahil sa “Suliraning Kinakaharap
ng Bansa” Nakapaloob dito ang mga aralin, pagsubok sa pagtatalakay upang lubos na
maunawaan ng mga mag-aaral hingil sa final na mga paksa. Inayos ng mabuti ang mga
gawain nang mabigyan ng kalinawanan ang ibig ipakahulugan ng bawat Aralin at nang sa
gayon ay maiugnay nila ito para sa susunod na mga aralin. Ito ay hingit na kailangan pag-
aralan sapagkat magbibigay ito ng kaalaman sa pag-unawa sa Ang Filipino sa kurikulum ng
Batayang Antas ng Edukasyon.

Bago mo isagawa ang nilalaman ng modyul na ito, magpakilala ka muna. Sumulat ka


ng isang talatang nauukol sa iyong sarili. Sundin ang pormat na nasa ibaba.

Claver Extension College


___________________________________________________________________ ___________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Pangkalahatang Layunin:

1. Nakapaghahanda ng pang-araw-araw na aralin sa pagtuturo ng Filipino


2. Naipaliliwanag ang hati ng mga ekspektasyong nakapaloob sa apat na makrong kasanayan sa
Batayang Kurikulum
3. Napipili at nagagamit ang mga angkop na istratehiya sa pagtuturo ng wika
Nakagagamit ng iba’t ibang istratehiya sa pagtataya ng pagkatuto

Ano-ano ang dapat mong gawin upang matuto sa modyol na ito?

1. Basahing mabuti at unawaing mabuti ang mga aralin.


2. Sagutin ang mga pagsubok nang may katapatan.
3. Sundin ang mga panuto at tagubilin sa bawat pahina.
4. Magsanay ng maayos.

Paano gagamitin ang modyol na ito?

Patnubay ito sa iyong sariling pagkatuto ang modyul na ito. Gagamitin mo ito bilang gabay sa tulong
ng mga tuntunin. Upang maging makabuluhan at wasto ang paggamit nito kakailanganin maging malinaw sa
iyo ang mga tungtunin dapat mong sundin.

Buklatin mo ang pahina at matatagpuan mo ang nilalaman ng mga aralin sa modyul na ito.
Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

Bawat aralin sa modyul na ito ay nagtataglay ng sumusunod:

 Mga Introduksyon
 Mga Layunin
 Mga Pagsasanay o Gawain

May panimula at pangwakas na pagsusulit ang modyul. Sa bahagi ng mga aralin,


makakatagpo tayo na susukat ng naging kasanayan sa pag-unawa. Mayroon ding mga
gawaing lilinang ng iyong kasanayan (Pagsasanay). Nasa Sanggunian naman ang mga
babasahing pinaghanguan ng mga konsepto at kaalaman.

Hindi man kita makakasama Claver


habangExtension
ginagawa mo ang modyul na ito, magagabayan ka
College
naman ng modyul na inihanda ko para sa iyo. Bibigyan ka ng modyul ng fidbak batay na rin
sa iyong iskor o kinalabasan ng iyong mga gawain.

Maligayang pag-aaral sa iyo!


Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

KABANATA 3
ANG MGA LAYUNING PAMPAGTUTURO

INTRODUKSYON
Ang pagpaplanong pampagtuturo ay hindi nagtapos pagkaraang madesisyunan ng guro ang nlalaman
at maiayos ang pagkakasunod-sunod nito. Kailangan ding pag-isipan ang mga tiyak na pagkatuto na nais
niyang ipaangkin sa mga mag-aaral bilang bunga ng isang pagtuturo. Ang ganitong kalagayan ay naglulundo
a paghahanda at pagbubuo ng mga layuning pampagtuturo. Ang mga layunin ng pampagtuturo ang tumitiyak
kung ano ang mga inaasahang isasagawa ng mga mag-aaral bilang kinalabasan ng kanilang pagkahantad sa
nilalaman ng isang pagtuturo-pagkatuto sa loob ng klasrum.

Layunin ng Kabanata:
1. Naihahambing ang kahulugan sa lawak ng mithiin, tunguhin at layunin sa pangedukasyong larang.
2. Nakakabuo ng layunin gamit ang tamang salitang pangkagawian.
3. Nasusuri ang mga layunin ayon sa iba’t ibang mga domenya.
4. Nabibigyang-halaga ang pagsunod sa mga pangunahing pormat sa paggawa ng layunin bilang mga
baguhan pa. Claver Extension College

BASAHIN
ARALIN 1
Mga Mithiin (Goals), Tunguhin (Aims), at Layunin (Objectives) sa Pagtuturo

MITHIIN (Goals)
- Malawak na pagpapahayag ng direksyon para sa isang programang pang-edukasyon. Ang mga ito’y
karaniwang binibigyang paliwanag ng mga dalubhasa sa pagbuo ng mga palising pambansa.

TUNGUHIN (Aims)
- Mas tiyak at mas may pokus kaysa sa mga mithiin. Ang mga ito’y nagbibigay ng mga direksyon para
sa isang tiyak na aralin. Kumakatawan din ito upang maisakatuparan ang isang mithiin at padalisayin
ang pokus nito upang maiugnay sa mga inaasahang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Mithiin Hanggang Tunguhin

Ang pagbuo ng isang programang pampaaralan na tumutugon sa mga kakailanganin ng mga mithiin ay
mahirap gawin. Ang proseso ay kailangang nakapokus sa mga tunguhing may kinalaman sa mga aralin. Ito’y
nangangahulugan ng pagbuo ng mga tunguhing lohikal na dumadaloy mula sa mga mithiin. Pansinin ang
halimbawa sa ibaba:

Mithiin: Inaasahan ang bawat mag-aaral na nakatapos ng haiskul ay magtataglay ng mga kaalaman at
kasanayang kailangan upang magampanan ang kanyang mga karapatan at tungkulin. Ang malawak na
mithiing ito’y kailangang mag-anyong tunguhin sa liwanag ng iba’t ibang lawak ng aralin sa kurikulum gaya
ng mga sumusunod:

FILIPINO:
 Natutukoy ang may kinikilingang pahayag sa isang balita.
 Mabisang naipapahayag ang kaisipan sa anyong pasalita o pasulat.

MATEMATIKA
 Nakikilala at natutukoy ang mga pagbabaluktot sa mga datos na sinusuri.
Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

 Nauunawaan ang mga datos na nakalahad sa mga tsart at grap.

ANG MGA LAYUNING PAMPAGTUTURO

Ang mga layuning pampagtututro (instructional objectives) ay pagpapahayag sa tiyak na pananalita ng


mga pagkatuto o gawain na inaasahang maipakita ng mga mag-aaral pagkatappos ng isang pagtuturo.

Pagkilala ng mga Namamasdang Gawi Ng Mga Mag-aaral

 Nailarawan ang mga hakbang na isinasagawa sa isang eksperimento.


 Naiisa-isa ang mga pangyayari na naging sanhi ng pagkakawatak-watak ng Soviet Union.
 Naipapaliwanag ang paksang-diwa ng isang maikling kwento.
 Nabibigyang-kritik ang binasang aklat o napanood na pelikula.
 Naililipat sa isang dayagram ang mga impormasyong napakinggan tungkol sa paksa.

Pagtatakda
Claver ng mga Tiyak
Extension na Gampanin
College
 Magtala ng mga posibleng hinuha.
 Mailipat sa isang dayagram.
 Maisa-isa ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari.
 Maisulat na muli sa sarili pananalita.
 Maglaan ng mga karagdagang halimbawa.

Pagtukoy sa Kalagayang Gagampanin ng Gawain

Dapat ding isaalang-alang sa pagbuo ng mga layunin kung sa anong gagampanan ang gawain.
Halimbawa:

…sa tulong ng ruler…


…sa isang pgsusulit-padikta…
…sa isang 10-pahinang pamanahong papel…
…sa paglikha ng isang orihinal na modelo…

Pagbanggit sa Pinakamababang Sukat o Antas ng Ganap sa Gawain

Hindi rin dapat kaligtaan sa pagbuo ng mga layunin ang pagbanggit sa pinakamababang sukat o antas
ng pagganap sa gawain. Ang pagtatakda ng kahusayan aykailangang pag-isipang Mabuti ng guro. Kailangang
may katarungan ang itinakdang antas ng kahusayan upang maging mababa ang isang pagkasiphayo ng ilang
mag-aaral.
Halimbawa:

…masasagutan nang tama ang 6 sa 10 katanungan…


…matukoy ang 3 sa 5 probisyon ng kasunduan…

ARALIN 2
Ang ABCD Pormat sa Pagbuo ng mga Layuning Pampagtuturo

Ang ABCD Pormat sa pagbuo ng mga layuning pampagtuturo ay isang praktikal na lagom ng mga talakay
hinggil sa mga katangian ng isang mahusay na layuning pampagtuturo (tinatawag din itong layuning
Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

pangkagawian o pupil performance objective, (Armstrong at Savage, 1994). Ang unang alpabeto ang laging
magpapaalala ng mg mahahalagang component o bahagi nitp gaya nang nakalahad sa ibaba:

1. A o Audience- ito’y tumutukoy kung kanino nakatuon ang pagtuturo at kung sino ang gagawa ng mga
task o Gawain.
2. B o Behavior- ito’y paglalarawan ng mga nakikita o namamasid na gawi o kilos na inaasahang
maipapakita ng mga mag-aaral bilang bunga o resulta ng kanilang pagkakahantad sa isang pagtuturo.
3. C o Condition- ito’y paglalarawan ng uri ng pagtataya o ebalwasyong gagamitin upang makatiyak
kung mayroong masteri sa itinakdang kilos o gawi sa pagkatuto.
4. D o Degree- ito’y paglilinaw hinggil sa pinakamababang sukat o antas ng pagganap sa gawain bilang
ebidensya ng masteri .

ABCD Format= Layuning Pampagtuturo

 Ang bawat pangkat ay nakasusulat ng isang sanaysay na naglalahad ng hindi kukulangin sa


limang dahilan kung bakit napiling pambansang bayani si Jose Rizal.
 Claver Extension
Sa isang sipi ng kontemporaryong Collegeang awat mag-aaral sa Panitikan ng
awiting Filipino,
Seksyon Bayanihan ay makatutukoy sa 3 sa 5 tamang halimbawa ng simile na nakapaloob dito.
 Masasagutan nang tama ng bawat mag-aaral ang 8 sa 10 suliraning pangmatematika sa isang
sanayang pagsusulit.

Pansinin na ang mga component na audience, behavior,condition at degree ay maaaring


matagpuan sa unahan, gitKona o hulihan ng isang layuninng pampagtuturo. Ang pagkakasunod-
sunod ng mga component sa isang layunin.

Aralin 3
Domeyn ng Layuning Pampagtuturo

Ilang batayang uri ng mga layunin sa pagtuturo. Mayroon itong tatlong domeyn (domain). Ang bawat
domeyn ay kumakatawan sa isang partikular na set ng mg palagay at paniniwala tungkol sa kung paano
kumikilos at gumagalaw ang mga mag-aaral sa isang pagtuturo.

 Kognitib Domeyn- mga layunin na lumilinang ng mga kakayahan at pangkaisipan ng mga


mag-aaral.
 Apektib Domeyn- mga layunin na lumilinang ng mga saloobin, kawilihan at
pagpapahalaga ng mga mag-aaral.
 Saykomotor Domeyn- mga layunin na tinutungo ay ang paglinang ng mga kasanayang
motor at kasanayang manipulatib.

Kognitib Domeyn

- Tumutukoy sa mga pag-iisip na rasyunal o intelektwal. Nasa isip ng guro ang kognitib domeyn ang
inaasahang matutuhan ng mga mag-aaral sa mga aralin o mga talakayin.

 Kaalaman
 Komprehensyon/Pag-unawa
 Aplikasyon
 Analisis
 Sintesis
Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

 Ebalwasyon

1. Kaalaman- ang lebel na itong pag-iisip ay tumutukoy sa simpleng paggunita o pag-alala sa mga
natutuhang impormasyon. Ang mga salitang pangkagawian na ginagamit sa lebel na ito ay: bigyang-
kahulugan,tukuyin, pangalan, alalahanin, piliin, ulitin.

Halimbawa: Natutukoy ang mga lalawigang bumubuo sa rehiyon IV. Nabibigyang kahulugan ang
pangungusap.

2. Komprehensyon o pag-unawa- binibigyang-diin ang pag-unawa sa kahulugan ng impormasyong


natutuhan at pah-uugnay nito sa mga dating alam na impormasyon. Ang mga salitang pangkagawian
sa lebel na ito ay: isalin, aguhin, ipaliwang, lagumin, talakayin, ilarawan, hanapin, ipahayag.

Halimbawa: Naipaliliwanag ang mga hakbang kung paano ang isang panukalang batas ay nagiging
batas.

3. Aplikasyon- ito’y ang paggamitClaver Extension


ng natutuhan College paraan o konteksto. Ang mg salitang
sa iba’t-ibang
pangkagawian sa ilalim nito ay: ilapat, pag-ibahin, paghambingin, klasipikahin, idayagram,
ilarawan, uriin, markahan.

Halimbawa: Nailalarawan ang mga pangyayari sa kwento sa tulong ng isang dayagram.

4. Analisis- ito’y nangangailangan ng pag-unawa sa ugnayan ng mga bahagi at organisasyon ng


natutuhan upang makita ang kabuuan. Ang mga salitang pangkagawian na ginagamit sa antas na ito
ay:
Pag-uugnay-ugnayn, tukuyin, (ang sanhi at bunga), kilalanin (ang totoo/paktwal), bumuo (ng
hinuha), suriin, magbuod.

Halimbawa: Napag-uuri-uri ang mga pahayag sa isang babasahin sa pamamagitan ng pagsulat ng


letrang P para sa mga paktwal na pahayag at O para sa mga opinion.

5. Sintesis-sa lebel na ito, kailanagan na mapag-ugnay ang iba’t-ibang impormasyon upang makalikha
ng bagong kaalaman. Ang mga salitang pangkagawian sa ilalim nito ay: lumikha, bumuo,
bumalangkas, pag-ugnayin, idesenyo, iplano, sumulat.

Halimbawa: Mula sa tatlong paktwal na pahayag, sumulat ng dalawang talatang sanaysay na


kumikiling sa isang isyu at panindigan ang sariling posisyon sa tulong ng mga paktwal na pahayag.

6. Ebalwayon- ang pag-iisip sa lebel na ito’y nangangailangan ng pagbuo ng sariling pagpapasiya sa


liwanag ng mga inilahad na mga krayterya. Ang mga salitang pangkagawian sa lebel na ito ay:
pahalagahan, kilatisin, pangatwiran, suriin, timbangin, punahin, magtangi, paghambingin.

Halimbawa; Mula sa dalawang artikulo na naglalahad ng magkasalungat na pananaw sa isang mainit


na isyu,kilatisin kung alin ang nagbibigay ng makatarungang presentasyon at pangatwiran ang sariling
opinion.
Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

Kabanata 3: Ang mga Layuning Pampagtuturo


Pagsasanay

Pangalan: Petsa:

Mga Tanong sa Pag-unawa:

1. Tukuyin ang pagkakaiba ng sumusunod :


a. Mithiin, tunguhin, at layunin
b. Kognitib, afektiv at saykomotor
_

2. Gaano kahalaga ang pagbuo ng isang layunin sa pagpaplano ng aralin?


_
Claver Extension College

3. Kung sakaling walang binuong layunin sa pgtuturo maari bang makakaturo ang isang guro sa
klase?
_

4. Bakit kailangan ng isang guro na kabisaduin ang mga salitang pangkagawian sa bawat
domenya?
_

5. Kailangan bang kompleto ang tatlong domenya sa pagplano ng banghay-aralin?


_

6. Ano ang ABCD pormat sa paggawa ng layunin, dapat ba itong sundin, bakit?
_

7. Bumuo ng layunin alinsunod sa ABCD pormat, isa sa bawat domenya:


a. Kognitib:
b. Afektiv:
c. Saykomotor:
Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

Kabanata 4

ANG PAGPAPLANO AT ANG BANGHAY-ARALIN

Ang mga pagpaplano o paghahanda sa pagtuturo ay ekstensyon ng katauhan at istilo ng isang gruro.

INTRODUKSYON

Mahalaga ang pagpaplano at dapat na isinasagawa ito ng lahat ng guro. Ago pumasok ng klasrum ang
isang guro, taglay na niya ang mga ideya kung paano tuturuan ang kanyang klase. Kaya lang, ang proceso ng
pagpaplano at pagbabalak ng mga gawain sa pagtuturo ay nagkakaiba-iba ayon sa oryentasyon at panniwala
ng isang guro. Bawat guro ay may sariling paniniwala kung paano ang mabisa at epektibong pagbabahagi ng
pagkatuto. May mga pagpaplanong komprehensibo dahil nakatala ang mga Gawain dito mula sa
pinakamalaki hanggang sa kaliit-liitang detalye. Mayroon naming balangkas lamang ng mga Gawain ang
nakalahad. Ang iba namang pagpapalano ay nasa isipan lamamhg ng mga guro at malamang na ito’y hindi
maisagawa dahil sa maraming pangyayaring maaaring maganap sa pagkaklase. Samakatuwid , ang
pagkaklaseng walang pagpaplano ay Claver Extension
maaaring mauwi saCollege
hindi pagkatuto ng mga mag-aaral. May mga
pagpaplanong palipad-hangin lamang dahil kung papasukin mo ang klasrum ay malabong makita ang mga
inilahad na binalak na mg gawain.

Layunin sa kabanata:

1. Naitatalakay ang mga pamamaraan tungkol sa pagpaplano sa pamamagitan ng mga sangang pakasang
aralin sa kabanata.
2. Nabibigyang-kahulugan ang pagpaplanong pangklasrum.
3. Napapangatwiran kung bakit kailangan ang pagplano ng isang guro.
4. Napapahalagahan ang banghay-aralin sa pagtuturo ng guro sa klase.
5. Nakakabuo ng banghay-aralin linsunod sa mga alituntunin sa pagbuo nito.

BASAHIN
ARALIN 1
PAANO ANG PAGPAPLANO?

Makakatulong nang malaki para sa isang epektibong pagkaklase ang mahusay na pagpaplano.
Maaring kontrahin ang katotohanang ito lalo na ang mga gurong matagal na sa pagtuturo. Ang isyu ay
hindi tungkol sa kung kailangan ba ang pagpaplano kundi kung paano ang pagpaplano. Walang
isang tiyak na sagot sa tanong na ito. Sa mga bago pa lamang sa pagtuturo, maaaring ang masusing
pagpaplano ay makakatulong ng malaki sa kanilang pagtuturo. Samantala, sasabihin naman ng mga
bihasang guro na kahit sila ay nakapikit ay magagawa nilang makapagturo nang mahusay.

Maraming mga teknik para sa isang mabisang pagpaplano. Sa malawakang pagpapakahulugan,


ang pagpaplano ay tumutukoy sa mga Gawain na nagbibigay direksyon sa pagbuo ng ugnayan ng
mga Gawain ng guro (Clark at Yinger, 1980). Ang ganitong depinisyon ay kumikilala sa pagkakaiba-
iba ng personalidad at istilo ng mga guro; pormal, masusing pagpaplano para sa mga gurong sensitibo
sa pangangailangan ng mga mag-aaral at impormal na proseso para sa iba. Batay sa ganitong
pananaw, madali nating makukuro ang depinisyon na naglulundo sa mga pagpapalanong pagtuturo
(instructional planning). Sa tanglaw ng konteksto matutukoy natin ang pagpaplano ay isinasagawa
upang mabigyan nang tamang direksyon ang pagsasangkot ng mga mag-aaral sa mga Gawain para sa
kanilang pagkatuto.
Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

Sa anumang pagpaplano isasagawa, kailangang bigyang-pansin ang sumusunod: 1) ang mga layunin
ng liksyon, 2) ang mga pamaraan at ang pagkakasunod-sunod ng tekniko o estratehiya, at 3) pag-alam sa
kasaklawan ng pagtatamo hindi pagatatamo ng mga lilinanging mga layunin. Ang tatlong aspektong ito ay
mahalagang bahagi ng mga pagpaplanong isisnasagawa ng guro para sa isang pagtuturo bagama’t maaaring
hindi nabibigyan ng magkakatulad na atensyon o importansya ang baway isa. Ang pang araw-araw na
banghay-aralin na ginagawa ng guro bilang paghahanda sa pagtuturo ay naaayon sa kanyang intwisyon at
mga desisyonng rasyunal tungkol sa mag-aaral,sa nilalaman at mga kasanayang linangin, at mga paraan at
mga estratehiyang gagamitin sa pagtuturo.

MGA ISINASAALANG-ALANG SA PAGPAPLANO

Ang isang guro ay nagpaplano upang makontrol niya ang maaaring kalalabasan ng pagkatuto.
Magagawa niya ito sa pamamagitan ng pag-alam sa mga salik na nakaiimpluwensya sa pagatuto sa
mga tiyak na sitwasyon. Sa pagpaplano kailanangn ng isang guro na:

Claver Extension College


Gamitin ang kanyang kaalaman sa:

 Kalikasan ng wika;
 Pagkatuto ng wika;
 Paano natuthan ang wika;
 Mga salik sa epektibong pagkatuto;
 Mga sagabal sa pagkatuto;
 Mga kagamitan sa pagtuturo; at
 Mga dulog, pamamaraan at Teknik.

Pagtiyak o pagbuo ng desisyon tungkol sa :

 Ano ang dapat matutuhan;


 Gaano ang maaaring matutuhan sa isang tiyak na panahon;
 Pag-aayaw-ayaw ng mga episode sa pagtuturo;
 Anong Gawain at materyales ang gagamitin at kung saang episode;
 Paano masusubaybayan ang pagkatuto at paano makapagbibigay ng pidbak; at
 Paano tatayain at pahalagahan ang pagkatuto.

ARALIN 2
MGA PANANALIKSIK AT ILANG BATAYANG TEORETIKAL SA PAGPAPLANO

Ang katotohanan na ang epektibong pagpaplano ay mahalaga para sa epektibong pagtuturo ay hindi na
lingid sa kabatiran ng marami. Kakaunti lamang kung mayroon ng pananaliksik sa pagpaplano noong mga
nakaraang dekada. Nito lamang mga huling 15 taon naging masigla ang mga pag-aaral at pananaliksik hinggil
sa pagpaplano. Karamihan sa mga ito’y mga palarawang pag-aaral (descriptive research) at isinasagawa sa
antas elementary (Kindsvatter, et al.,1996). Dapat na tanawing pansamantalan lamang ang mga paglalahat sa
mga pag-aaral na babanggitin dito subalit kakikitaan ang mga ito ng ilang kabatiran ng mahalaga para sa
paghahanda ng mga guro sa elementarya at sekundarya ng mga yunit at pang-araw-araw na banghay-aralin.

Natuklasan nila Clark at Yinger (1979), ang mga gurp ay hindi matapat na sumusunod sa paglalapat ng
simulaing natutuhan nila sa mga ekspertong edukador hinggil sa planong pampagtuturo. Sa pag-aaral naman
nina Levin at Long (1981) natuklasan nil ana maganda ang kalalabasan ng pagkatuto kung may kabatiran ang
Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

mga mag-aaral hinggil sa tiyak na layunin na lilinangin. Pinatutunayan din sa kanilang pg-aaral na layunin sa
mga mag-aaral ay magbibigay ng direksyon na seguridad sa kanilang pagkatuto.

Napag-alaman nina Clark at Yinger (1980) na humigit kumulang, 12 oras sa isang linggo ang ginugugol
ng mga guro sapagpaplanong pampagtuturo. Ang proseso sa pagpaplano ay karaniwang nagssimula sa isang
ideya unti-unti itong nagkakahugis sa pamamagitan ng patuloy na modipikasyon at kolaborasyon. Ang
inihandang banghay-aralin ay isang maliit na bahagi lamang ng kabuuang plano sa pagtuturo. Ang karamihan
ay nasa isipan ng guro. Ayon naman kay Earle (1992), bumubuo ang maraming guro ng mga imahen o
senaryo sa proseso ng kanilang kabuuang plano sa pagtuturo. Ang karamihan ay nasa isipan ng guro.
Lumilikha sila ng paglalarawan sa kanilang isip o diwa kung ano ang maaaring anyo ng liksyon at paano ito
epektibong mailalahad sa klase. Samkatuwid, higit na nagaganap ang pagpaplanong pampagtuturo sa isipan
kaysa sa papel para sa maraming guro.

Ayon naman kay Westerman (1991), mas komprehensibo ang pananaw ng bihasang mg guro sa mga
mag-aaral at sa mga kaalamang itinuturo. Ang mga baguhan naman ay nakatutok sa pagtatamo ng mga
layunin sa halip na isaalang-alang ang dating alam ng mga mag-aaral at iuugnay ang mg itosa bagong
kaalaman. Natuklsan naman ni TysonClaver
(1991) Extension
na nagagawa College
ng mga sanay na guro na mapagtagni-tagni ang
mahahalaga at mahihirap na bahagi ng isang paksang-aralin kaya nabibigyan nila ito ng ibayong diin.
Bihirang nagagawa ito ng mga baguhang guro. Tinitiyak din ng mga sanay na guro kung nauunawaan ng mga
mag-aaral ang mga kasanayang nilinang sa halip na ipalagay na lamang na natutuhan ang mga ito gaya nang
isipan ng maraming bago pa lamang nagtuturo.

Sinasabi ni Cooper (1990) na ang epektibong guro ay iyong nagagawang maihatid sa mga mag-aaral ang
mga ang inaasahang bunga ng pagkatuto. Batay sa mga pananaliksik na inilahad ng mga desisyong binubuo
sa pagtiyak ng maaaring maganap sa pagkaklase, mahirap isipin na magagawa ng isang epektibong guro ang
pagharap sa klase ng walang malinaw na pagpaplano at desisyon hinggil sa mga layunin, metodo, istratehiya
at ebalwasyon sa isasagawang pagtuturo.

ARALIN 3
ANG PAGPAPLANO NG ARALIN

Ang pagtuklas kung paano ang mabisang pagpaplano ng isang aralin ay isang habambuhay na proseso.
Ito ay isang sining na masasabing ang kadalubhasaan ay natatamo lamang pagkatapos ng maraming taong
pagsasanay. Ang mga ibabahagi rito’y ang pagsisimula lamang ng mga proseso sa pagpaplano. Sisikapin din
na tingnan ang mga isyu na dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng aralin, bakit mahalaga ang mga isyung ito,
at paano nito naaapektuhan ang pananagumpay o pagkabigo ng isang aralin.

 ANO ANG ARALIN/LIKSYON?

Mahirap bigyang kahulugan kung ano ang aralin. Nangyayari ito dahil sa ang iba’t-ibang aralin ay may
kaniya-kaniyang takdang haba ng oras ng pagtuturo at may iba-ibang anyo o hugi. Ang aralin sa pagbasa ay
lubhang aiba sa aralin sa balarila. Kung minsan, may liksyon na binubuo ng maraming episode ngunit kung
susuriin ay wala namang kaugnayan sa isa’t-isa.

Ang aralin/liksyon ay isang yugto sa pagkatuto kung saan ang mga Gawain ay mahusay na pinag-aayaw-
ayaw sa paglinang ng isang tiyak na layunin.

Ang isang liksyon ay binubuo ng iba’t-ibang yugto- may simula, gitna at katapusan.
Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

 BAKIT MAHALAGA ANG PAGPAPLANONG ARALIN (BANGHAY-ARALIN)?

Ilang mga kadahilanan ang ilalahad dito kaugnay ng pagpaplano ng aralin.

1. Iba’t ibang bagay ang halos magkakasabay na isinasaalang-alang ng guro sa pagababanghay ng isang
aralin. Sa pagpaplano ng aralin, nabibigyan ng pagkakataon ang guro na pagtimbang-timbangin ang
mga bagay na kaugnay ng aralin upang makapamili siyang mabuti ng mga gawing angkop ilapat sa
bawat episode ng pagkatuto bago ito ilahad sa klase.
2. May dalawang dimension ang mga gawain ng guro sa pagbabanghay ng aralin: a) mga gawaing
isinasagawa bago pa man simulan ang pagtuturo, at b) mga gawaing sa loob lamang ng klasrum
maisasagawa. Napag-iisipang mabuti ng ng guro ang buong aralin sa tulong ng isang banghay o plano
na naihahanda niya nang mas maaga ang mga kaukulang kagamitang panturo. Magsisilbing parang
isang mapa ang banghay na siyang tuntunin ng guro sa pagtuturo. Kung mabubuo ng maayos ang
banghay bago ang aktwal na pagtuturo, ang bibigyang atensyon na lamang ng guro ay ang mga bagay
na kailangan niyang gawin habang nagaganap ang pagtuturo at pagkatuto.
3. Nagagawang maihanda ng guro ang kakailanganing software at hardware sa pagtuturo kung mas
maagang mabubuo ang banghayClaver
aralin.Extension College
4. Ang banghay aralin ay magsisilbing isang talaan ng mga natapos gawin. Ito’y maaaring sanggunian
ng guro sa mga darating na araw upang makakuha siy ng impormasyon hinggil sa kung anong Gawain
ang mabisa o di mabisa sa pagkatuto ng mga batang kanyang tuturuan.
5. Ang pagbuo ng isang malinaw na deisyon ay isang mahalagang batayan sa pagpaplano. Kailangan sa
pagpaplano ang pinakamataas na lebel ng pagbu ng desisyon.

 Mga Salik na Isinasaalang-alang sa Pagbabanghay-Aralin

1. Ang mga panlahat na layunin at mga tiyak na layunin na inaasahang matatamo.


Alamin kung ano ang panlahat na layuning itinakda para sa aralin. Maaring ito’y hango sa PELC o
PSSLC na ipinalabas ng kagawaran ng edukasyon. Pagkatapos, alamin din ang mga layuning
panlahat. Ang pumapailalim na mga kasanayan ang dapat na maging layunin ng bawat Gawain sa
liksyon o aralin.

2. Katangian ng mga mag aaral

Isaalang-alang ang higit na naiibigang istilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Alamin in ng


kanilang interes at ang antas ng kahusayan sa wikang napag aralan. Ang mga impormasyong ito’y
makakatulong sa pagtiyak kung ang kagamitang panturo, gawain , istilo sa pagkatuto at pamaraan at
teknik na gagamitin sa pagtuturo.

3. Dating kaalaman ng mga mag-aaral

Kailangan ang katiyakang pag iisip at pagbabalak upang mabisang magamit ng mga mag-aaral
ang kanilang dating kaalaman, tandaan na ang isang liksyonay my isang paksa o tapik (e.g. mga
halaman), mga Gawain (e.g. pagsasatao usapan) kaugnay na wika (e.g. mga pangalan at pang uri na ay
kaugnayan sa mga bahagi ng mga halaman), isang genre (e.g. kwento, tula, dayalog), at isang
sitwasyon (e.g. isang paglalakbay sa isang botanical garden). Lahat ng bagong pagkatuto aay
kinakailangang mag ugat sa dating alam na ng mga mag-aaral. Samakatuwid, bago gamitin ng guro
ang dating alam na ng isang mag-aaral para sa isang pagtuturo kailangang tiyakin niya kung ano ang
alam ng mga mag-aaral sa paksang tatalakayin, ang gamitin, ang mga uri ng gawain, at iba pa.
Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

4. Mga Gawain sa pagkatuto


Mag-isip ng mga gawaing tiyak na kawiliwilihan ng mga mag-aaral. Kung maaari, maglahad ng
mga gawaing magagamit ng mmga mag-aaral sa paglalapat ng mga kasanayang nililinang para sa isang
aralin.

5. Mga kagamitang panturo

Pagkatapos matiyak ang mga gawain, pag-iisipan naman ng guro ang mga angkop na kagamitan
(awdo-biswal) para sa bawat gawain at kung paano ito lubusang magagamit para sa isang
makabuluhang pagtuturo at pagkatuto.

6. Wikang kailangan sa pagsasagawa ng mga Gawain

Ang pagtiyak sa uri ng wikang gagamitin ay isinasagawa sa dalawang yugto ng pagpaplanong


aralin.

a) Bago piliin ang mga gawainClaver Extension


– sa yugtong ito’yCollege
isinasaalang-alang ang mga sumusunod:

 Magagawa ba ng mga gawain na bigyang ng pagkakataon angmga mag-aaral na


mapagsanayan ang mga uri ng wikang dapat nilang malaman?
 Ano ang dapat bigyang diin sa pagtuturo ng wika bago isagawa ng mga Gawain?
 Saang bahagi ng aralin ito dapat ituro?
b) Kapag napili at naisaayos na ang mga kagamitan para sa mga itinakdang gawain

 May mga kayarian bang pangwika na maaaring hindi binalak ang lumabas sa pagtuturong
isasagawa?
 Kung mayroon, makakasagabal ba ito sa pagkatuto?
 Kung oo,paano mo ito lulutasin?
 Makakabuti ba kung ituturo muna ito sa mga mag-aaral? Kung hindi, kailangan bang gumawa
ng modipikasyon sa mga gawain? At iba pa.

7. Oras o takdang panahon

Mahalaga ang oras o takdang panahon ayon sa sumusunod na pananaw:

Kung kalian isasagawa ang liksyon ay mahalaga dahil maaaring makaaapekto ito sa kalidad
ng atensyong inaasahan mo saiyong pag-aaral. Ang isang arlin na iyong kasabay g isang klase sa P.E. na
nasa tapat ng iyong klasrum ay hindi maaari maging aralin sa pakikinig. Hindi rin kasiya-siya sa mga
mag-aaral ang pag-aaral ng balarila bilang huling aralin bago ang pag-uwi.

Kung gaanong oras/panahon ang gugugulin ay kailangang pag-isipan din sa pagbabanghay ng


aralin. Kung walang pagsasaalang-alang sa tamang oras, maaring hindi maisasakatuparan ang mga
nililinang na layunin. Ang tamang pagtatakda ng mga Gawain ay dapat ding isaalang-alang sa
pagpaplano.

8. Partisipasyong guro – mag-aaral

Kailangang pag-isipan ding mabuti ng guro sa yugto ng pagpaplano ng aralin ang haba o tagal ng
parisipasyon ng guro at mag-aaral. Dapat niyang isaisip na ang partisipasyon ng bawat kasangkot sa
Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

isang pagtuturo- pagkatuto sa loob ng klasrum ay naaayon sa uri ng liksyon at ng mga layuning
nililinang dito.

9. Pagbabalanse sa pagtatakda ng oras para sa mga Gawain

Upang maisagawa ito ng maayos, kailangang tiyakin ng guro ang itinakdang oras para sa isang
Gawain ay naaayon sa layuning nililinang para sa Gawain. Minsan, napahahaba ang talakay sa isang
yugto ng aralin at naisasakripisyo tuloy ang dapat na talakay sa isang mahalagang bahagi ng aralin.

10. Pagsususnod-sunod at pag-aantas ng mga Gawain

Ang pagsisimula at pagtatapos ng isang aralin ay maayos sa kung ano ang ituturo, ang sariling
pananaw ng guro sa wika at kung paano ito natutuhan, at ang paraang kanyang pinanaligan.
Gayunpaman, may ilang tanong na dapat isaisip ang guro sa wastong pagsusunod-sunod at pag-aantas
ng mga Gawain.

Claver Extension College


ARALIN 4
BANGHAY-ARALIN

- Ay maaaring tanawin bilang isang iskrip na sinusunod sa pagtuturo ng isang tapik para sa isang tiyak
na oras o panahon.
- Ay isang balangkas ng mga layunin, paksang -aralin at maging ang mga hakbang na sunod-sunod na
isinasa
- gawa sa pagsasakatuparan upang matamo ang inaasahang bunga.

Tatlong (3) uri ng Banghay na Pagtuturo:

1. Masusing Banghay ng Pagtuturo- Ito ginagamit ng mga bagomng guro at mga mag-aaral.
Ginagamit din ito ng mga datihang guro kapag naatasang magpakitang-turo.

2. Mala-susing Banghay Aralin ng Pagtuturo- Mas maikli kaysa sa masusing bahanghay sa halip na
mayroon pang bahagi ng gawaing Guro at Gawain mag-aaral binabanggit na lamang nang sunod-
sunod ang gagawin ng guro sa klase.

3. MaiklinG Banghay ng Pagtuturo- Itoy talagang maikli lamang. Sa banghay na ito sapat na banggitin
kung anong pamaraan ang gagamitin ng guro o di kaya’y banggitin ang sunod-sunod na hakbang sa
maikling pangungusap.
Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

Gawain :

Awput: Bumuo ang mga mag-aaral ng banhay-aralin bawat isa sa kanila ayon sa pormat at gamit ang mga
pamamaraan ng mungkahi para sa pagtuturo ng wika at panitikan.

I. Layunin:
II. Paksa:
III. Pamamaraan:

 Hakbang:
Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral

1.
Claver Extension College

2.

3.

4.

5.

IV- Takdang Aralin


Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

KABANATA 5
MGA GRAPIKONG DESINYO
INTRODUKSYON
Ang mga grapiko o graphic organizer ay mga kagamitang pedagohikal. Ang mga ito ay may dalawang
dimensyong naghahatid ng katotohanan at kaisipan sa paraang maayos, malinaw at maikli ngunit malaman at
buo. Ginagamit dito ang kombinasyon ngm ga guhit, larawan at mga salita upang linawin at ilantad ang mga
kaisipa, konsepto, proseso at ugnayan ng mga bagay-bagay.

May ibat ibang uri ang grapiko. Bilang kagamitang pedagohikal, ang mga ito’y ginagamit na
pambiswal at may iba’t ibang paraan ng pagdidisenyo, may teknik ng pagkakatitik, paglalawan, paggamit ng
kulay at lay-out at ito ay para sa epektibong komunikasyong biswal.

LAYUNIN NG KABABANTA
Claver Extension College
1. Nakilala ang kahalagahan ng grapiko sa pagtuturo na akma sa kasalukuyang kurikulum.
2. Nagsusuri ang kaangkupan sa paggamit ng bawat malapatan ng grapiko sa paglinang ng aralin.
3. Nailalapat ang tamang gawaing ipapasagawa ayon sa tamang pag unawa ng mga panuto sa bawat
grapiko
BASAHIN
ARALIN 1
ANG KAHALAGAHAN NG GRAPHIC ORAGANIZER
Gingamit ang mga graphic organizer sa pag uugnay. Ginagamit din ito upang ibigay ang kategorya ng
konsepto ng mga pangyayari, biswal ng mga larawan at mga kaalaman. Ito ay ibinibigay upang mahasang
Mabuti ang pagiisip ng mkga mag-aaral.
1. Nagfofokus ng atensyon sa mga
pangunahing ideya/konsepto(key concept
elements)
2. Nakatutulong sa pagsasanib ng dati ng
MGA BENEPISYO / KABUTIHANG kaalaman sa bagong kaalaman
DULOT NG MGA 3. Nakakapagpapadali sa pagdedebelop
GRAPHIC ORGANIZER konsepto.
4. Napapahusay ang kasanayan sa pagbasa,
pagsulat at pagsusuri.
5. Nakakatulong sa pagsulat kaugnay ng
pagpaplano at pagnrerebisa.
6. Nakakahikayat ng diskursong "focused” o
nakatuon sa isang paksa.
7. Maaring instrument ng ebalwasyon.
8. Nakakatulong sa pagpaplanong
instruksyunal.
Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

MGA URI NG GRAPHIC ORGANIZER


Ang graphic organizers ay nagagamit upang pag-ugnayin at ikategorya ang mga konsepto
at pangyayari sa binasa. Tinatawag itong biswal na larawan ng mga kaalaman (Garcia, 2008 at
http://www.my.hrw.com)

Claver Extension College


Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

ARALIN 2
Iba pang Estratehiya na Magagamit sa Aktibong Pagtuturo
Sang-ayon kay Dr. Pagcalinawan ng UAP, wala naman talagang makabagong metodo o istratehiya na
magiging epektibo sa pagtuturo. Ang mga dulog integratibo, interaktibo at kolaboratib at iba pa, sa unang
dinig ay waring bago subalit ng totoo ang mga ito ay naaangkop sa uri ng aralin, mag-aaral (edad, antas, istilo
sa pag-aaral ni willing (1998), binanggit sap ag-aaral ni Badayos (1999), makatutulong sa pagkakaroon ng
matagumpay at mabisang pagkatuto ang pagsasaalang-alang sa estilo ng mga mag-aaral. Pinangkat ni Willing
(1999) ag mga mag-aara sa apat at nagmungkahi siya ng mga angkop na istratehiya sa bawat uri.

Uri ng mag-aaral Estratehiya ng Pag-aaral


Mag-aaral na CONCRETE 1. Laro
2. Larawan
3. Films
4. Pair Work
Claver Extension College
5. Pagsasanay sa labas ng klasrum.
Mag-aaral na ANATICAL 1. Grammar
2. Pagbabasa
3. Isahang pag-aaral
4. Pagtuklas ng mga solusyon
5. Problem solving
Mag-aaral sa AUTHORITY ORIENTED 1. Guro ang nagpapaliwanag ng aralin.
2. May sariling batayang aklat.
3. Pagsusulat
4. Pagbabasa
5. Natutuhan ang bagong salita kung nakikita ito.
Mag-aaral na COMMUNICATIVE 1. Pagmamasid at pakikinig sa mga katutubong
nagsasalita ng wika.
2. Pakikipag-usap sa kaibigan na gamit ang
wikang pinag-aralan.
3. Panonood ng programa sa TV sa wikang
pinag-aaralan.
4. Pag-aaral ng mga bagong salita sa
pamamagitan ng pakikinigat paggamit ng
aktwal na pakikipag-usap.
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga istratehiyang maaaring magamit sa pagtuturo ng
Filipino at maging ng ilang assignatura sa batayang eduksyon.
1. PAGGAMIT NG MGA AWTENTIKONG GAWAIN- paksa ng pagtuturo ang mga makatotohanan o tunay
na problema, gawain o proyekto at hindi lamang tinitingnan ang akademikong pag-unlad sa mga produkto o
kinalalabasan ng pagkatuto kundi pati sa prosesong pinagdaanan ng mga estudyante.
Karaniwang ginagamit: paggawa ng proyekto /imbestigasyon, field work, pagmamasid, pag-iinterbyu,
pagbabasa/pagsusuri ng editorial, pelikula at iba pa.
Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

2. INFORMATION CHART- isang uri ng organizer na may layong mapaunlad ang mapanuring pag-iisip ng
mga estudyante.
Pamaraan: tatlo hanggang 4 na tanong na inihanda ng guro ang nakalista sa itaas ng grid ng chart. Isusulat ng
pangkat ang impormasyong inaakalang alam nila tungkol sa bawat tanong. Ililista at tatalakayin ng pangkay
ang mga posibleng sanggunian upang mahanap ang mga impormasyon. Kapag nahanap na ng pangkat ang
sagot sa bawat tanong , isusulat nila ito sa ilalim ng angkop na kolum pati na ang sanggunian.
Makapagdaragdag ng bagong kolum tulad ng “Iba Pang Kawili-wiling Kaalaman” at mga Bagong Tanong”.
3. I-SEARCH- mula sa isang teksto (naratibo o ekspositori) na nabasa, pipili ang mga estudyante ng isang tanong
o tema na gusto pa nilang mapag-aralan o masuri. Isasagawa ang imbestigasyon/pag-aaral sa labas ng klase at
isusulat ang resulta/ mga konklusyon sa I-Search sheet.
4. JIGSAW- isang kolaboratibong estratehiya kung saan ang isang grupo ng estudyante ay nagiging eksperto sa
isang bahagi ng teksto (karaniwang tekstong impormasyon) at pagkatapos ay ibinabahagi at pinag-uusapan ang
kanilang mga kaalaman sa kanilang “home group”. Maaari ring ma gu-grupo ang mga estudyante at ibabahagi
ng bawat grupo ang kanilang “expertise” sa ibang grupo. Epektibo ito sa pagtalakay ng isang mahabang teksto
na kailangang matapos sa loob ng maikling panahon.
5. LIST-GROUP-LABEL- nabuo upang mapalawak
Claver ExtensionangCollege
bokabolaryo sa Agham at Araling Panlipunan. Mula sa
guro, may isang “stimulus topic” na hinango sa karanasan ng mga estudyante o sa mga materyales na pinag-
aaralan. Nagbigay naman ang mga estudyante ng iba’t-ibang salitang iniuugnay nila sa paksa. Kapag umabot na
sa 25-30 salita ang listahan, kinategorya at bibigyan ng label ang mga salita.
6. THINK-PAIR-SHARE- isang kooperatibong pagkatuto kung saan nakikinig muna ang mga estudyante sa
ilang tanong, nag-iisip tungkol sa kaniyang isasagot, nakikipares upang makipagtalakayan sa isa o higit pang
kaklase at nagbabahagi rin ng mga sagot sa buong klas.
7. DUGTUNGANG PAGKUKUWENTO- ang pagkukuwento ay maaaring simulant ng guro o ng isang mag-
aaral. Limang mag-aaral ang magsasagawa nito hanggang matapos at mabuo ang kuwento. Pagkatapos masabi
ng isa ang kanyang bahagi, hahawakan niya ang kamay ng katabi bilang tanda na siyay tapos n.
8. WHAT YOU CAN SAY?- gumagamit ng mga larawan ang guro at gagabayan ang mga mag-aaral na
ipaliwanag ang nilalaman nito. Maaaring gamitin ang mga larawan sa dyaryo.
9. PAINT ME A PICTURE- magandang gamiti ito sa pagtuturo ng panitikan o pag-aanalisa ng pangungusap.
Bibigyan ng guro ang bawat pangkat ng kopya ng pangungusap na kanilang ikikilos.
10. PICTURE FRAME- pagsusunod-sunurin ng mga mag-aaral ang mga larawan. Ito ay iaayon sa pagkaganap ng
mga pangyayari sa kuwento. Matapos ito, ibubuod ng mga mag-aaral ang kuwento mula sa mga larawan.
11. MOCK TRIAL- Maaaring gamitin sa pagbibigay hatol sa isang pangyayari sa kwento nan nais bigyan ng
pagsusuri.
Halimbawa: dapat bang patawarin si Senyorang Mameng dahil sa hindi makataong pagtrato niya sa mga
katulong? Papangkatin ang klase sa a) HUKOM, b) TAGA-USIG, c) TAGAPAGTANGGOL, d)
NAGHABLA, e) MGA SAKSI.
12. CUE CARDS- ipapasalaysay ang mga pangyayari sa pamamagitan ng mga susing na nakasulat sa cue cards.
13. ANG MGA LIHIM NG MAHIWAGANG BANGA- May mga nakasulat na tanong sa loob ng banga. Iikot
ng mga mag-aaral ang banga habang may tugtug at kapag hihinto ang tugtug at kung sino ang huling
nakakahawak ng banga ay siyang bubunot ng tanong at sasagot nito.
14. MOUTHFUL OF IDEAS AT BAKYA NI NENENG- ipapasa ang isang maliit na bakya habang may tugtug.
Kapag huminto ang tugtog, ang huling may hawak ng bakya ang siyang sasagot sa bugtong. Kung ang sagot sa
bugtong ay gunting, kukunin ng mga mag-aaral ang gunting sa loob ng paper bag. Sasagutin ng mga mag-aaral
na ito ang tanong na nakadikit sa gunting.
Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

15. PARADE OF COSTUME - magbibiohis ang mga mag-aaral na kasuotan na akma sa isang particular na
panahon o lugar. Mararanasan ng mga mag-aaral ang isang panahon o lugar. Mararanasan ng mga mag-aral ang
isang panahon na kaugnay sa kanilang mga naging kasuotan. Maganda itong gawin sa panahon ng Buwan ng
Wika, sa pagdiriwang ng mga nakakaisang bansa at mga piling maiikling kuwento na ang tuon ay sa
kasaysayan ng bansa. Maari rin naman na gawin ito kung nais ng guro na magkaroon ng pagtatanghal sa ilang
piling kilalang tao. Ang mga mag-aaral ay magbibihis na gaya ng mga bayani, mga pinunong bayan o kahit
sinong kilalang tao na maaari naman na kaugnay sa paksang tinalakay.

Claver Extension College


Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

KABANATA 5
MGA GRAPIKONG DESINYO
Pagsasanay
Mga Tanong sa Pag-unawa:
1. Ano ang kahalagahang dulot ng grapikong desinyo sapagtuturo?

2. Paano ito nakakatulong sa pagsunod ng kailanganing bahaginang oras sa klase na kung saan ang
guro ay 25% lamang at ang mag-aaral at 75% na magsalita sa talakayan.

Claver Extension College

3. Kung ikaw ay guro paano ka pipili ng isang mabuting grapiko o estratehiya para sa inyong aralin?

4. Alin sa mga makabagong estratehiya ang nakasanayan mong ganapin sa klase ninyo? Nagustuhan
mo ba ito at bakit?

5. Mula sainyong naobserbahan sa guro na kahanturan ninyo, may napansin ba kayong guro na
gumagamit ng grapiko o makabagong estratehiya napag-aralan sa kabanatang ito?

GAWAIN 3.1

Pumili ng isang grapiko at lapatan ng entri nito ayon sa level ng inyong


nais turuan na mag-aaral.
Republic of the Philippines

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY


Claver Extension College

Talasanggunian
Mayos, N.S. et al. (n.d.). ang Guro ng Bagong Melinyo: Mga Kagamitang Panturo sa Filipino.
Cabanatuan City, Philippines: Jymncy Publishing House.

Badayos, P. et al (2008) “Metodolohiya ng Pagtuturo” Mutya Publishing Home Inc:

Mayos, N.S. et al. (n.d). Ang Guro ng Bagong Melinyo:Mga Kagamitang Panturo sa Filipino.Cabanatuan
City,Philippines: Jymncy Publishing House.

Claver Extension College

You might also like