You are on page 1of 3

Colegio de Calumpit

College Department
Iba o Este Calumpit,Bulacan

PANITIKAN NG REHIYON
Filipino 113

Clara, Christopher Lance L.


————————
Bsed-Filipino 1

Mr.Robert S. Lovendino
—————————-
Instrutor

Pebrero 2020
—————————
Petsa
I.Paksa

LADINO

II.Pagtatalakay

Sa panahon ng Español, ladíno ang tawag sa isang táong marunong magbasá at magsulat sa


wikang Tagalog at Español. Unang ginamit ang terminong ito ng isang misyonero sa isang
makatang Filipino na si Fernando Bagongbanta na nagsulat ng isang tula na   halin-hinang Tagalog
at Español:

Halimbawa

Salamat nang ualang hanga


gracias se den sempiternas
sa nagpasilang ng tala
al que hizo salir la estrella:
macapagpanao nang dilim
que destierre las tiniblas
sa lahat na bayan natin
de toda esta nuestra tierra

Ang bawat linyang Tagalog ay tinumbasan ng Español sa sumunod na linya. Pinatutunayan ng


ganitong uri ng bilingguwal na tula ng mga ladino na marunong sila ng wika ng kanilang mananakop.

Ipinauso pa ang estilong ito ni Tomas Pinpin sa kaniyang aklat hinggil sa pag-aaral sa wikang
Español na Librong Pagaaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castila (1610) na naglalaman ng
mga aralin mula sa mga simpleng salita hanggang sa mga pangungusap na maaaring memoryahin.
Sipi sa aklat ni Pinpin

Anong dico toua, como no he deholgarme


Con hapot, omaga, La manana y tarde;
Dili napahamac, que no salio en balde;
itong gaua co, aquesta mi lance.

Malaki ang naging kontribusyon ng mga ladino sa mga misyonaryo na nagsulat ng mga unang aklat
sa gramatika at mga bokabularyo sa Tagalog at sa iba pang wika sa Filipinas. Makikita ito sa mga
introduksiyon ng nalathala nilang aklat na may pagkilala sa impluwensiya ng wika at panitikang
Tagalog. Sa kasalukuyan, bilingguwal ang tawag sa isang tao na bihasa sa dalawang magkaibang
wika. Pero hindi ang paghahalo ng dalawang wika gaya ng Taglish o Engalog ng   mga hindi
makapagpahayag ng purong Ingles o purong Tagalog. Higit na nagpapakita ang Taglish o Engalog
ng pagiging bigo ng programang edukasyong bilungguwal sa Filipinas.

III. Repleksyon
Ang aking repleksyon sa aking itinuro. Ang ladino ay lubahang napakahalaga sa ating kasaysayan at
napaka laking ambag sa hinaharap kayat dapat nating pangalagaan at nagagamit natin ito sa pang araw-
araw nating buhay sa aking pag tuturo ngpaksang to marami rin akong natutunan.

IV. Pagsasanay

1.4 Kaninong aklat ang malaki ang nanging kontribusyon ng mga ladino?
5.6 Ibigay ang Dalawang uri ng wika na ginagamit sa panahon ng espanyol upang matawag na isang
ladino?
7. Ano ang ang tawag sa taong marunong gumamit ng dalawa pataas na wika?
8-10 magbigay ng tatlong halimbawa ng pag gamit ng ladino.

V. Mga Tamang Sagot

1-4 Misyonaryo na manunulat/misyonaryo


5-6 Tagalog at Espanyol
8-10:

You might also like