Benigno "Noynoy"Aquino III ang Proklmasyon Blg. 339 na nagdedeklara sa buwan ng Agosto bilang Buwan ng Kasaysayan. Bakit nga ba Agosto ang Buwan ng Kasaysayan? Agosto 1896 Buwan ng Agosto, taong 1896 ng sinimulan ni Gat. Andres Bonifacio ang Katipunan na layuning patalsikin ang mga Espanyol sa ating bansa. Agosto 19, 1878 at Agosto 31, 1907 Ipinanganak ang dalawang pangulo ng Pilipinas na sina Dating Pangulong Manuel Luis Quezon at Dating Pangulong Ramon del Fierro Magsaysay Agosto 1, 1944 at Agosto 1, 2009 Ang kamatayan ng dalawang president ng Pilipinas na sina Dating Pangulong Manuel Luis Quezon at Dating Pangulong Corazon Cojuangco Aquino Agosto 21, 1983 Nangyari sa araw na ito ang asasinasyon ng dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr. Agosto 19, 1916 Sa pamamagitan ng Jones Law, pormal na inihayag ng Estados Unidos and nais niya na palayain ang bansang Pilipinas. Paano tayo makikibahagi sa selebrasyon ng Buwan ng Wika? Ang mga mag-aaral sa bawat baitang mula Baitang 1 hanggang Baitang 10 ay gagawa ng iba't ibang gawaing pang silid-aralan. Baitang 1 - 4 Pagbuo ng Poster- Slogan "ANG KASAYSAYAN ANG HUHUBOG SA ATING KINABUKASAN" TARA NA SA BIYAHE NG ATING KASAYSAYAN!