You are on page 1of 19

7

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
7
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Unang Markahan - Modyul 4
TALENTO MO, ATING TUKLASIN
Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 7
Alternative Delivery Mode
Unang Markhan – Modyul 1: AKO NGAYON
Unang Edisyon, 2019

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghahanda ng akda kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtatakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, ngalan ng produkto o brand names, tatak o
trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim:
Assistant Secretary:

Bumuo sa Pagsusulat ng
Modyul Mga Manunulat: Cherry May L. Ng
Editor: Loida S. Pigon
Tagasuri: Irnanie A. Enrico, Heide C. Layas, Leonila V. Orpilla
Tagaguhit: Mark Carlo Ledesma, Leorick Miciano, Khristine S. Lacsamana
Tagalapat: Khristine S. Lacsamana
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas
Atty. Suzzette T. Gannaban-Medina
Susana M. Bautista
Cynthia Eleanor G. Manalo
Mariflor B. Musa
Melbert S. Broqueza Danilo
C. Padilla Annabelle M.
Marmol Domingo L.
Mendoza, JR. Elmer P.
Concepcion
Loida S. Pigon
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – MIMAROPA Region
Office Address: Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054; 634-1072; 631-4985
E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
Aralin 1 TALENTO MO, ATING TUKLASIN

ALAMIN

Naniniwala tayo na lahat ng tao , maging anuman ang katayuan sa buhay ay


pinagkalooban ng mga kakayahan at talento. Iba’t iba nag taglay na galing at husay kahit pa
sabihin na magkatulad ang talent at kakayahang taglay.

Inaasahang makikilala mo na bilang isang nagdadalaga o nagbibinata ay may mga


talento at kakayahan ka na dapat tuklasin at paunlarin. Kung ang mga talento at kakayahan
na mayroon ka ay magagamit nang buong husay at sa wastong pamamaraan, Itoay Malaki
ang maitutulong sa pagkamit ng iyong mga mithiin sa buhay.

Sa modyul na ito inaasahang maipapamalas mo ang kaalaman,


kakayahan at pag-unawa:

 natutukoy ang kanyang mga talento at kakayahan (EsP7PS-Ic-2.1)

SUBUKIN

A. Matching Type
Panuto: Pagtapatin ang na nasa kolum A at kolum B. Tukuyin ang tamang letra sa bawat
bilang at isulat sa iyong sagutang papel.

1
A B

1. Ginaya mo ang ginagawa ng batang naglalaro a. Visual Spatial

2. Si Anna ang panglaban ng klase sa Matematika b. Verbal Linguistic

3. Marami tayong kababayan ang umaawit c. Mathematical logical

sa ibang bansa. d. Bodily Kinesthetic

4. Ang maliliit na bata ay maraming tanong na “bakit”. e. Musical Phythonic

5. Bago ako matulog sa gabi, nagkakaroon ako f. Intrapersonal

pagsusuri kung ano ang nagawa ko sa maghapon g. Interpersonal

6. Si Boy ay magaling sumayaw h. Existential

7. Ang aking ama ay parang kaibigan ng bayan, i. Naturalist

maraming bumabati sa kanya pag siya ay nakikita.

8. Ang aking ina ay mahiling mag-alaga ng mga halaman na

namumulaklak.

9. Ang mga kamag-aral ko na babae ay magaling tumula.

10. Mahusay magpinta ng kalikasan ang aming kapitbahay.

B. Multiple Choice

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong
sagutang papel ang letra ng may tamang sagot.

1. Ang kakayang inteletuwal ay nasusukat sa pamamagitan ng .

A. Pagsasanay C. Pagsasaulo

B. Pagsusulit D. Pagkukwenta

2. Ang kakayahan naman ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa kanyang:

A. Kakayahang mag-isip C. kakayahang magbahagi

B. Kakayahang magmahal D. kakayahang gumawa


3. Ayon sa sikolohista, ang talento ay may kinalaman sa .

A. mula sa paligid

B. katangiang minana sa magulang

C. mula sa pag-aaral

D. pagsasanay ng isip at katawan

4. Alin sa sumusunod ang HINDI makatotohanan tungkol sa talento at kakayahan?

A. Ang talento ay pambihira at likas na kakayahan.

B. Ang bawat tao ay may likas na talino at kakayahan.

C. Ang talento at kakayahan ay napagyayaman ng sarili.

D. Ang kakayahan ay nagpapahusay sa taglay na talent.

5. Alin sa sumusunod ang KABILANG sa pangkat?

A. tubig, araw, lupa, talent

B. maganda, kakayahan, talento, hangin

C. bulaklak, dagat, bahay, aso

D. kakayahan, talento, hilig, pagpapahalaga

BALIKAN

GAWAIN 1. PAMAYANAN KO, PANANAGUTAN KO!


Panuto: Ibigay ang hinihingi. Bilang nagbibinata/nagdadalaga magbigay ng angkop at
inaasahang kilos sa iyo sa pamayanan na iyong kinabibilangan. Gawin ito sa iyong kwaderno
o “journal notebook”.
PAMAYANANG KINABIBILANGAN KILOS NA INAASAHAN MULA SA IYO

Pamantayan sa
Paggawa
Orihinalidad – 5 puntos
Nilalaman – 5 puntos ( nakapagbigay ng 1-2 = 3 puntos at
3 o higit = 5 puntos)
Pagkamalikhain – 5 puntos
Kabuuan = 15 puntos

TUKLASIN

GAWAIN 2. ALAMIN GALING AT HUSAY MO!


Panuto: Gawin ang mga sumusunod na gawain sa iyong kwaderno o “journal notebook”.
Ang mga nakalagay sa ibaba ay mga halimbawa lamang, maaring umisip o gumawa ng
sariling disenyo o pagguhit. Basahin ang mga gabay na tanong sa bawat bilang.

1. Magbigay ng sariling kahulugan ng talento at kakayahan para sa iyo.

KAKAYAHAN
TALENTO
2. Ano ang iyo talento at kakayahan na taglay?

TAGLAY MONG TALENTO: KAKAYAHAN NA MAYROON KA:

3. Kailan mo na tuklasan na mayroon ka nito?

4. Sino o sino-sino ang mga taong nakatulong upang lalong mapaunlad mo ang iyong mga talento at mga kakayah

PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos
Nilalaman(Content) 10
Kaayusan/Kalinisan(/Organization 10
/Neatness)
Ideya/Paliwanag 15
Kabuuan 35
SURIIN

Unawain at pagnilayan ang mga sumusunod na babasahin.


Magkaroon ng masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid
na mensahe. Simulan na at kayang kaya mo yan!

Ang talento ay ginagamit na kasingkahulugan ng biyaya at kakayahan. Ayon kina


Thorndike at Barnhant, mga sikolohista, ang talento ay isang pambihirang
kakayahan. Sa kabilang dako, ang kakayahan ay kalakasang intelektwal (intellectual power)
upang makagawa ng isang pambihirang bagay tulad ng kakayahan sa musika o kakayahan sa
sining. Madalas sinasabi ng mga sikolohista na ang talento ay may kinalaman sa genetics o
mga pambihirang katangiang minana sa magulang.

Ayon kay Brian Green, mas mahalagang bigyan ng tuon ang kakayahan magsanay
araw-araw at magkaroon ng komitment sa pagpapahusay sa taglay ng talent. Ang
kakayahang intelektuwal ay nasusukat sa pamamagitan ng mga pamantayang pagsusulit.
Ayon sa kaniya, mahirap sukatin ang talento, madalas nasasabi lamang nating may talento
ang isang tao batay sa nasasaksihan natin o naitalang tagumpay nito. Walang takdang
panahon ang pag-usbong ng talento.

Ang bawat tao ay may kani-kaniyang panahon ng pagsibol, lalo na ang mga tinedyer.
Ang iba ay may tinatawag na late bloomer. Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr.
Howard Gardner noong 1983 ang teorya ng Multiple Intellegences. Ayon sa teoryang ito,
ang mas angkop na tanong ay “Ano ang iyong talino?’ at hindi, “ Gaano ka katalino?”

Ayon kay Gardner, bagamat lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t
iba ang talino o talento. Ang mga ito ay:
1. Visual Spatial - mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya.
Larangang tinatahak : sining, arkitektura at inhenyero.

Tulad ng mga enhinyero, magagawa lamang nila ang isang gusali o bahay kapag
may tinitignan silang plano kung paano ito gagawin at mga listahan ng
kakailanganing mga gamit.

2. Verbal/Linguistic- Talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan ang mga taong


may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbasa, pagsulat,pagkukwento, at
pagmememorya ng mga salita at mahalagang petsa.
Larangang tinatahak: abogasya, pamamahayag,politika, pagtula at pagtuturo.

Halimbawa nito ay ang mga guro, na may husay sa pagtuturo at humarap sa mga
mag-aaral. May sapat na kaalaman sa paksa na kanilang ibinabahagi araw araw.

3. Mathemaical/Logical - mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatwiran at


paglutas ng suliranin (problem solving).
Larangang tinatahak: pagiging scientist, mathematician, inhenyero, doctor at ekonomista.

Tulad ng mga guro natin sa Matematika, may sapat na kaalaman sa pagbibilang at


paglutas ng mga suliraning pang-matematika.

4. Bodily kinesthetic- natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o


interaksiyon sa kapaligiran. Mas natuto siya sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang
katawan, tulad halimbawa ng pagsasayaw o paglalaro.
Larangang tinatahak: pagsasayaw, sports, pagiging musikero, pag- aartista, pagiging
doctor ( lalo na sa pag- oopera), kostruksyon, pagpupulis at pagsusundalo.

husay niya sa pagbubuksengero ang naging dahilan ng sa husay sa boksing, tinawag na “PacMan” at umani ng napakaraming
5. Musical Rhythmic- natuto sa pamamagitan ng pag- uulit, ritmo o musika. Hindi lamang
ito, pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag- uulit ng isang karanasan.
Larangang tinatahak: musician, kompositor o disc jockery.

nga sa mahuhusay nating mang-aawit sa bansa na naging sikat rin sa ibang bansa. Umawit ng ilang kanta sa Miss Saigon, Le

6. Intrapersonal- natuto sa pamamagitan ng damdamin, halaga at pananaw. Ito ay talino


sa kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin ang kalooban. Larangang tinatahak;
researcher, manunulat ng nobela o negosyante.

Tulad ng mga Sikolohista (Psychologist) na nagpapakadalubhasa na ang


binibigyan pansin ay ang kilos at asal ng mga tao.

7. Interpersonal- talino sa interaksiyon o pakikipag- ugnayan sa ibang tao. Larangang


tinatahak: nagiging matagumpay sa kalakalan, politika, pamamahala, pagtututro o
edukasyon at social work.

Mother Teresa ay naglaan ng kanyang buhay bilang isang Albanian-Indian misyonera at madre. Binigyan ha
Setyembre 4, 2016, sa bisa ng basbas ng Santo Papa Francisco ay ideniklara bilang Santa Teresa ng Calcutta

8. Existential- talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. Bakit ako


nilikha”? Ano ang papel na ginagampanan ko sa mundo”?
Larangang tinatahak: masaya sa pagiging philosopher o theorist.

Teorista ( Theorist) na ang binibigyan pansin ay ang pagbibigay ng malinaw na


paliwanag tungkol sa mga pinagmumulan ng mga bagay bagay sa paligid
9. Naturalist- talino sa pag- uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan.
Larangang tinatahak: environmentalist, magsasaka o botanist.

Mga tao na mahilig mag-alaga ng mga halaman, mga nangangalaga sa kalikasan at


hayop. Ang mga magsasaka na nagtatanim ng palay at iba’t ibang gulay na
magsisilbing pagkain ng mga mamamayan.

PAGYAMANIN
GAWAIN 3. Cross-word Puzzle
1

2
5

4
Panuto: Punan ang mga kahon ng angkop na kasagutan sa bawat tanong. Ilagay ito sa inyong
kwaderno o “journal notebook”.

Mga Tanong PABABA:


1. Kadalasan ang taong nagiging environmentalist o magsasaka ay may talinong_ ?
2. Ito ay talinong interaksiyon o pakikipag- ugnayan sa ibang tao.

Mga Tanong PAHALANG


3. Ito ay isang pambihira at likas na kakayahan.
4. Ito ay kalakasang intelektuwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.

ISAISIP
GAWAIN 4. ISA-ISAHIN
Panuto: Isulat ang tamang sagot sa inyong kwaderno ayon sa mga hinihingi.

Ibigay ang iba’t ibang Mga talino o kakayahan Sa tapat ng talino ay ang
talino ayon kay Gardne na magagawa mga maaring maging
(isa lamang) hanapbuhay. (isa lamang)
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.

PAMANTAYAN NG PUNTOS

Iba’t ibang Talino –9 kung ilan ang naibigay na tamang sagot


Kakayahang Magagawa – 9 ay ang magiging bilang ng puntos
Maaring Hanapbuhay- 9
Kabuuang 27 Puntos
ISAGAWA
GAWAIN 5. TALINONG TAGLAY-HATID AY SAYA
Panuto: Ibigay ang mga hinihingi sa bawat bilang.Gawin sa inyong kwaderno o “journal
notebook” ang mga sagot. Maaring gumawa ng sariling disenyo, maging malikhain.

Magbigay ng dalawang (2) talento na iyong tinataglay .

Mga paraan na maari mong magawa upang mapaunlad ang iyong talento .

Mga tao na maaring makatulong sa pagpapaunlad ng iyong talento .

(maaring higit sa isa ang pangalan ng tao na isusulat sa bawat kahon)


Magbigay ng paaran na maari mong magawa na nagpapakita ng pagbabahagi ng iyong talent sa iba.

Pamantayan sa Paggawa Puntos Nakuhang Puntos


Nilalaman(Content) 10
Kaayusan/Kalinisan(/Organization/Neatness) 10
Ideya/Paliwanag 15
Kabuuan 35
Karagdagang Gawain

GAWAIN 6. GUHIT-TALENTO
Panuto: Gumuhit ng isang larawan /poster (drawing) na nagpapakita ng talento na iyong
taglay at ang naitulong nito sa iyong buhay.Maaring gawin sa isang buong kupon bano
isang malinis na papel.
Pamantayan sa Deskripsyon Puntos Nakuhang
Paggawa Puntos
Kaangkupan sa Tumpak o may kaugnayan sa 25 Puntos
Tema(Relevance to tema ang ginawang poster
the Theme)
Pagkamalikhain Tamang paggamit ng simbolismo, 10 Puntos
(Creativity) kulay at iba pa na nakatulong ng
lubos upang bigyang buhay ang
obra o ginawa
Orihinalidad Orihinal ang ideya 5 Puntos
(Originality)
Kalinisan Malinis tingnan ang gawa, sa 5 Puntos
(Neatness) malayo o malapitan man
Hikayat sa Mata Nakaaakit sa paningin 15 Puntos
(Visual Impact)
Kabuuan 60

TAYAHIN
A. Matching Type

Panuto ; Piliin mula sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

Visual/spatial verbal/linguistic mathematical intrapersonal

Bodily kinesthetic musical rhythmic interpersonal


existential naturalist

1. Ginaya mo ang ginagawa ng batang naglalaro


2. Si Boy ay magaling sumayaw
3. Marami tayong kababayan ang umaawit sa ibang bansa at naging sikat.
4. Ang maliliit na bata ay maraming tanong na “bakit” sa kanyang magulang.
5. Bago ako matulog sa gabi, nagkakaroon ako pagsusuri kung ano ang nagawa ko sa
maghapon .
6. Si Anna ang panglaban ng klase sa Matematika
7. Ang aking ama ay parang kaibigan ng bayan, maraming bumabati sa kanya pag siya ay
nakikita dahil na rin sa kanynag pagiging palabati sa mga tao.
8. Ang mga kamag-aral ko na babae ay magaling tumula.
9. Mahusay magpinta ng kalikasan ang aming kapitbahay kayat naging hanapbuhay na rin
niya ito.
10. Ang aking ina ay mahiling mag-alaga ng mga halama na namumulaklak.

B. Mulitple Choice
Panuto: Piliin ang letra na may tamang sagot.
1. Ang kakayang inteletuwal ay nasusukat sa pamamagitan ng .
A. Pagsasanay B. Pagsasaulo C. Pagsusulit D. Pagkukwenta
2. Ayon sa sikolohista, ang talento ay may kinalaman sa .
A. mula sa paligid
B. katangiang minana sa magulang
C. mula sa pag-aaral
D. pagsasanay ng isip at katawan
3. Ang kakayahan naman ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa kanyang:
A. Kakayahang mag-isip
B. Kakayahang magmahal
C. Kakayahang magbahagi
D. Kakayahang gumawa
4. Alin sa sumusunod ang HINDI makatotohanan tungkol sa talento at kakayahan?
A. Ang talento ay pambihira at likas na kakayahan.
B. Ang bawat tao ay may likas na talino at kakayahan.
C. Ang talento at kakayahan ay napagyayaman ng sarili.
D. Ang kakayahan ay nagpapahusay sa taglay na talento
5. Alin sa sumusunod ang KABILANG sa pangkat?
A. tubig, araw, lupa, talento
B. maganda, kakayahan, talento, hangin
C. bulaklak, dagat, bahay, aso
D. kakayahan, talento, hilig, pagpapahalaga

mo ba nang maayos ang mga Gawain? Kung oo, magpunta ka na sa susunod na Modyul. Kung hindi, balikan mo
aggabay ng isang kamag-aral o ng guro.

14
MGA SANGGUNIAN

 Abiva, Thelma G (1993), Learning Resource for Career Development. Abiva


Publishing House, Inc. Q. C.
 Covey, Sean (1998), The 7 Habits of Highly Effective Teens. Fireside: Simon and
Schuster Inc. N.Y., Pahina 73-104
 www.winnpsb.org/TeachersWeb/kjordan/Therist%20page%201.htm
 Edukasyon sa Pagpapakato, Grade 7 Learner’s Material, pahina 35-54
 Howard Chua and Ishaan Tharoon, See Times Photo Essay, “Boxing Out of
Povert and Prison in Thailand” Time Magazine, November 16, 2009
 2020 Getty Images.Com
 www.youtube.com;playlist
 Michael Collopy : Mother Teresa, CNS photo

SUSI SA PAGWAWASTO

15
Para sa mga katanungan at puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education, - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (02) 634-1054; 634-1072; 631-4985

E-mail Address: ;

You might also like