You are on page 1of 2

MAPEH

PERFORMANCE TEST #3

Pangalan

MUSIC
Kumuha ng kahit na anong bagay na maaaring patunugin. Awitin o patugtugin ang kantang “May Tatlong Bibe”
nang dalawang beses. Sa unang beses, awitin ito sa mabagal at mahinang paraan. Sa pangalawang beses, awitin ito
sa mabilis at malakas na paraan. Videohan ito at ipasa sa iyong guro sa tulong ng nakatatandang kasama sa
bahay.
May Tatlong Bibe
May tatlong bibe akong nakita
Mataba, mapayat, ang mga bibe
Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa
Siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak
Kwak kwak kwak, kwak kwak kwak
Siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak

ARTS
Sundan ang mga hakbang sa paglikha ng MUNTING TAHANAN gamit ang mga binalangkas na hugis.
1. Isipin ang mga hugis na maaring ilapat sa likhang sining na “Munting Tahanan” na iyong
bubuin.
2. Iguhit ang mga napiling balangkas sa papel o karton.
3. Gupitin ito sa tulong ng mga nakakatandang kasama sa bahay.
4. Ipatong ang mga balangkas sa papel at iguhit ito ng higit sa isang beses.
5. Hanggang sa mabuo ang Munting Tahanan.

P.E.
Gawin ang mga sumusunod na Gawain sa tulong ng kasama sa bahay. Videohan ito at ipasa sa guro.
(Kung walang bola sa bahay, maaring gumawa ng bola gamit ang dyaryo/magazine o anumang lumang papel na di na
ginagamit.)
1. Pagpasa ng Bola
2. Pagsalo ng Bola
3. Pagtakbo ng may kasamang Bola
4. Pagdribol ng bola habang tumatakbo

HEALTH
Isulat ang PD kung ito ay nagpapakita ng wastong pagpapahayag ng positibong damdamin at HP naman
kapag hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Pinagtawanan ni Marie ang mga kaklase niyang natalo niya sa paligsahan.
2. Binigyan ni Jeffrey ng card ang kanyang mga magulang bilang pasasalamat sa regalo nila noong kanyang kaarawan.
3. Inirapan ni Joanna ang pinsan niyang bumati sa kanyang kaarawan

You might also like