Professional Documents
Culture Documents
04no.4 LESSON-PLAN-AND-WORKSHEETS
04no.4 LESSON-PLAN-AND-WORKSHEETS
B. Paghahabi sa layunin ng Lahat ba ng bata ay nakapag- Magkaroon ng pagbabalik- Hikayatin ang mga mag-aaral Sa bahaging ito, ipaalam sa mga
aralin aaral? Bakit? tanaw sa nakaraang araw. na pagnilayan kung ano ang mag-aaral na magagamit ang
Itanong sa klase ang karapatan nila bilang isang kanilang mga natutuhan upang
pagpapahalagang natutunan bata. maisabuhay ang mga
pagpapahalaga.
sa nakalipas na araw.
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao at pagganap ng mga
inaasahang hakbang, pahayag at kilos para sa kapakanan at ng pamilya at kapwa
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ang inaasahang hakbang, kilos at pahayag na
may paggalang at pagmamalasakit para sa kapakanan at kabutihan ng pamilya at kapwa
II. NILALAMAN
Para sa Kapakanan Mo, Handa Ako (Violence Reduction)
IV. PAMAMARAAN
Alamin Natin (Unang Araw)
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Ano ang dapat nating gawin sa mga biktima ng kalamidad?
Think:
Ipasagot sa mga bata ang mga tanong tungkol sa napanood na video.
a. Ano ang pangyayari sa video na hindi ninyo nagustuhan? Bakit?
b. Ano ang naging epekto ng pananakit ng mga tauhan sa pangunahing tauhan?
c. Kung ikaw ang tauhang naging biktima sa karahasang ginawa ng mga tauhan sa inyong
napanood, ano ang gagawin mo? Bakit?
d. Kung ikaw naman ang naging saksi sa pangyayaring naganap, paano mo tutulungan
ang tauhang naging biktima ng karahasan?
Discuss:
Sa pagtalakay sa pinanood na video, bigyang diin at bigyan ng pagpapahalaga ang
pagmamalasakit sa kapwang sinasaktan at pagtutulungan lalo pa sa oras ng kagipitan.
1. Hikayatin ang mga mag-aaral na isadula ang maari nilang gawing pagtulong at
pagmamalasakit sa biktima ng karahasan.
2. Takdang Gawain
Ipapangkat sa apat ang mga bata at bibigyan sila ng takdang gawain na mag-interbyu
sa mga kinauukulan tungkol sa mga kasong pambubully at itanong sa kanila ang ginawang
aksyon hinggil sa bagay na ito.
Pangkat I – sa nanunungkulan sa kanilang barangay
Pangkat II – sa Gurong Tagapamatnubay ng Paaralan
Pangkat III – sa Punungguro ng Paaralan
Pangkat IV – sa Opisyales ng PTA
F. Paglinang sa Kabihasnan
Pag-uulat ng bawat grupo tungkol sa kinalap nilang impormasyon.Isabuhay Natin
(Ikatlong Araw)
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Act:
1. Magbigay ng sitwasyon:
Halimbawa:
Si Melanie na kaklase mo ay anak ng isang mayaman. Laging bago ang
kanyang mga kagamitan sa paaralan kung kaya’t siya ay sikat sa paaralang pinapasukan.
Isang araw ay natuklasan mo na siya pala ay laging inaagawan ng kagamitan ng iyong
kaklseng si Cristina. Takot na takot si Melanie kay Cristina dahil sa tuwing hindi niya ibi nibigay
ang hinihingi nitong gamit ay kaagad ay pinagbabantaan siyang ikakalat sa paaralan ang
katotohanang ampon siya ng kanyang kinikilalang magulang. Bilang kaklse ka, ano ang
magagawa mong solusyon tungkol sa pangyayaring ito?
2. Pangkatin sa apat ang mga bata. Ang bawat pangkat ay iisip ng paraan kung paano nila
matutulungan si Melanie. Ipakikita nila ito sa pamamagitan ng pagsasadula. Bigyan ng 10 minuto ang
mga bata para maghanda ng kanilang gagawing pagsasadula.
3. Bago pasimulan ang pagsasadula ng mga bata ay ipaliwanag sa kanila ang paggamit ng rubrics
para sa kanilang ipakikitang pagtatanghal.
Inihanda ni:
Iniwasto ni:
JUDITH C. LACORTE
Dalubguro II
Binigayang-pansin: